...Looks up at the man that she turned downHe was a skater boyShe said see you later boyHe wasn't good enough for herNow he's a super star slamming on his guitarDoes your pretty face see what he's worth?...
Malakas na tugtog ang nabutan ko nang makapasok akong muli sa bahay ni Arila.
Inikot ko ang aking paningin sa loob ng bahay at nakita siya sa sala na isa-isang pinupulot ang piraso ng mga papel. Maglalakad na sana ako papunta sa kaniya nang marinig ko siyang sumigaw.
"Stop!"
Napahinto naman ako. Napakunot ang noo ko.
Tumuro siya sa baba kaya tinignan ko ang tinuturo niya. May papel pala na muntikan ko nang matapakan. Kinuha ko 'to at tiningnan. May mga nakasulat dito at babasahin ko na sana nang bigla niya itong kunin sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. May kinuha siyang remote na nasa sofa sa gilid namin at hininaan ang tugtog.
"Hi." Ngumiti siya.
"Um, hi..." bati ko rin.
Tinititigan niya ako na parang sinusuri ang mukha ko kaya naman tinitigan ko rin siya sa mga kulay brown niyang mata. Ganoon lang kami ng mga ilang minuto, nagtititigan na parang mga tanga, nang bigla siyang ngumiti at takpan ang mga mata ko.
"Matutunaw ako," tumatawang sabi niya kaya naman napangisi ako.
"Ikaw kaya ang nauna."
"Whatever." Naramdam kong inalis niya ang malalambot niyang kamay sa pagkakatakip sa aking mata kaya naman dumilat na ako. Nakita ko siyang nilakasan ang tugtog pero nag-iba na iyong kanta.
I looked awayThen I look back at youYou try to sayThe things that you can't undoIf I had my wayI'd never get over youToday's the dayI pray that we make it throughMake it through the fallMake it through it all...
Tinitingnan ko siya habang sumasabay sa kanta. Nakataas ang buhok niya na medyo magulo. Nakasuot ng maluwag na white tee at maong shorts...
"Hey! Stop checking me out!" sigaw niya dahil medyo malakas ang tugtog.
"I'm not."
"Yes, you are!"
Nagkibit-balikat na lang ako sa kaniya.
Pinulot ko na lang din iyong ibang papel na nakakalat. Katulad nga ng nakita ko kanina, puro siya sulat. May nakita rin akong papel sa ilalim ng sofa na nakatupi. Binuklat ko ito at may nakitang mga staff at musical notes.
"Nagko-compose ka rin ng kanta?" Napahinto siya sa ginagawa niya.
"Oo. Nagsusulat din ako ng story at— wait, anong sabi mo? Nagko-compose rin? Ibig sabihin, ikaw rin?" sunod-sunod na tanong niya, nanlalaki ang mata.
"Minsan. Kapag trip lang. Pero nagsusulat ka rin ng story? Wow!" gulat na sabi ko. I looked at her like she's the most interesting artwork in the museum.
Sinong hindi magugulat kapag nakakilala ka kapareho mo ng mga interes?
Itinaas naman niya ang mga papel na hawak niya at ngumiti. "Baka destiny tayo?" she said with a flirting smile. Napangiting naiiling na lang ako sa tinuran niya.
This girl is obviously not the girl I met yesterday.
Tinapos lang namin linisin iyong sala niya dahil nakapaglinis na raw siya noong umaga.
"Tara, kain na muna tayo." Dumiretso siya sa kusina kaya sinundan ko naman siya.
"Magluluto ka pa lang ba?" tanong ko.
"A, hindi. Nakaluto na 'ko kanina. Iinitin ko na lang."
Kukuha sana ako ng mga plato nang bigla niya akong hawakan sa braso. Napatingin ako sa kaniya. "Ako na. Umupo ka na lang." Ngumiti siya. Nakunot ang noo ko pero sinunod na lang ang sinabi niya.
Umupo na lang ako sa upuan sa harap ng lamesa. Tinitingnan ko lang siya sa mga ginagawa niya nang marinig ko siyang magsalita.
"Magkwento ka na lang kaya kesa tinititigan mo 'ko. Nakakaano, e."
"Nakakaano? Saka anong ikukwento ko?" Napakamot ako sa ulo ko.
"Kahit ano."
"Magtanong ka na lang."
"Hmm," kumuha siya ng mga plato at kutsara't tinidor saka inilagay sa lamesa. "Basic infos muna."
Sumandal ako sa sandalan ng upuan. "Zyle Castillo. 19. College student. Nagtatrabaho ako sa Star's Post Office tuwing bakasyon. You know... Pandagdag ipon din. Lagi kasi akong nagbabakasyon kila tito. Wala rin naman akong ginagawa kaya... ayun."
"Eh? 'Asaan mga magulang mo? Wala ka bang kapatid?" Kumuha siya ng plato at nilagyan niya ng kanin. Inilagay na rin niya iyong adobo sa lagyanan.
"May bunso akong kapatid. Kasama nila mama palagi 'pag umaalis at pumupunta kung saan-saang bansa."
"Mayaman naman pala kayo, e. Ba't nagtatrabaho ka pa?" Umupo siya sa upuan sa gilid ko.
Nagkibit-balikat ako. "Ayoko lang na nakaasa ako sa yaman nila. Malay mo biglang bumagsak ang business, 'pag nangyari 'yun, at least may alam akong gawin. Independent ba. E, ikaw?" Sumandok siya ng kanin at inilagay sa plato ko. Nilagyan din niya ang plato niya.
"Arila Collins, 19 years old. Half Pilipino, half British. Tapos lumaki ako sa California, nando'n kasi 'yung business nila. Tapos gaya mo, nagbabakasyon lang rin ako rito. Binili nila 'tong bahay para sa akin."
Nagsimula na kaming kumain at masasabi kong masarap siyang magluto.
"Paano ka pala natutong manangalog?"
"Tinuturuan ako ni dad at mom. Isa rin 'yon sa dahilan kung ba't nandito ako. Gusto ko kasing magsulat ng storya sa wikang Filipino. Ang gaganda kasi ng language n'yo, e."
Narinig ko 'yung accent niya nang magsalita siya ng English word.
Habang kumakain ay pinag-usapan lang namin ang kung anu-anong bagay. Nang matapos ay naghugas kami ng pinggan. Siya daw ang tagasabon, ako ang tagabanlaw.
Nang matapos kami ay pumunta kami ulit sa sala niya.
"'Di ba sabi mo gumagawa ka rin ng story?" Umupo siya sa sofa.
"Oo."
"Pabasa ako."
"Ayaw."
"Kanta ka na lang."
"Ayaw."
"Ano ba 'yan." Ngumuso siya. Bumuntong hininga. Tumulala at parang nag-iisip ng malalim. Nakita kong nagbago ang itsura ng mukha niya. Bigla siyang tumayo at umakyat sa kwarto niya na ikinagulat ko.
Problema no'n?
Ilang sandali lang ay bumaba na siya dala ang isang wallet. Iniabot niya sa akin ang ito kaya naman napakunot ang noo ko.
"Nakakaabala na 'ata ako sa 'yo. Kunin mo na lang kung magkano ba 'yung kahapon. Pwede ka nang umalis kung gusto mo. Salamat pala at sorry kung naabala kita," sabi niya nang nakayuko at nakanguso.
Pagkatapos noon ay dali-dali siyang umakyat sa kwarto niya. Tinitingnan ko lang siya habang umaakyat. Muntik pa nga siyang madapa. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya pinigilan. Hindi ko rin alam kung bakit nararamdaman ko ito. Nararamdaman ko na naman ito.
Am I guilty because I made her felt that she's disturbing me?
I sighed.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko pero, kinuha ko iyong gitara kanina na nakita ko habang naglilinis kami. Umakyat ako sa hagdan at dumiretso sa kwarto niya nang hindi gumagawa ng ingay. Nakatalikod siya sa may hagdan kaya naman hindi niya nakita ang pag-akyat ko. Narinig ko pa siyang humihikbi. Nanlaki ang mga mata ko.
Shit! Ano bang ginawa ko?!
Habang nakatalikod siya ay may nakita ako. Napailing na lang ako. Mga babae talaga. Tsk.
Sinimulan kong i-strum ang gitara. Bigla siyang napatigil.
You gotta go and get angry at all of my honestyYou know I try but I don't do too well with apologiesI hope I don't run out of time, could someone call a referee?Cause I just need one more shot at forgiveness
Umupo siya sa kama at tumingin sa akin.
I know you know that I made those mistakes maybe once or twiceBy once or twice I mean maybe a couple a hundred timesSo let me, oh let me redeem, oh redeem, oh myself tonightCause I just need one more shot at second chances
Maski ako, nae-alien na sa saliri ko. I mean, who would sang a song to someone you just met because you felt guilty? Well, nasimulan ko naman na. Ituloy ko na lang.
Yeah, is it too late now to say sorry?Cause I'm missing more than just your bodyIs it too late now to say sorry?Yeah I know that I let you downIs it too late to say I'm sorry now?I'm sorry, yeahSorry, yeahSorryYeah I know that I let you downIs it too late to say I'm sorry now?
Natapos na akong kumanta pero may tumutulo pa ring luha sa mga mata niya. Inilapag ko ang gitara at saka lumapit sa kama niya at umupo.
"Tara nga rito." Lumapit siya sa akin kaya naman niyakap ko siya. I just really felt comfortable with her. Like she's a friend or a sister I haven't met for years.
Hinaplos-haplos ko ang likod at buhok niya. Ilang sandali lang ay naramdaman ko nang basa ang damit ko sa bandang dibdib. Ramdam ko rin ang higpit at init nang kaniyang yakap.
"Uy, tahan na," pang-aalo ko. Ganitong-ganito ang ginagawa ko sa bunso naming si Zyra. Iwan ko rin ba sa batang 'yon. Mang-aaway tapos pag pagnapikon, iiyak. Syempre, kuya ako, kaya inaalo ko at ako na lang rin ang nagpapakumbaba at nagpapatahan.
Lumayo ako nang kaunti sa kaniya at saka iniangat ang ulo niya. Kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang mga mata at ilong. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at saka pinahid ang mga luhang dumadaloy rito.
Nakatingin ako sa mga mata niya pero siya, sa bandang baba ng mga mata ko. Doon ko lang napagtanto na sa labi ko pala siya nakatingin nang bigla niyang idikit ang kaniyang mga labi sa labi ko.
Nagulat ako sa ginawa niya. Nang magdikit ang aming mga labi, may kakaiba akong naramdaman. Hindi naman ito ang unang halik ko pero... May kakaiba. Hindi ko maipaliwanag. Parang biglang tumigil ang mundo ko.
Parang naaadik ako sa labi niya, kaya naman hinalikan ko rin siya. Namalayan ko na lang na nakalagay na pala ang kamay ko sa mukha niya, habang ang mga kamay naman niya ay naka-ikot na sa leeg ko. Sinasagot ang bawat halik ko. Isang mabagal, at ang pinaka-kakaibang halik na naranasan ko.
Lumayo siya nang kaunti at huminga. Lalapit pa sana siya muli sa akin nang ilagay ko ang hintuturo ko sa labi niya-pinipigilan kung ano mang gagawin niya. Lumayo ako sa kaniya.
"You're having your period. 'Wag kang magpadala sa hormones mo. At saka... Gan'yan ba talaga kayo magka-PMS na mga babae? Ang moody, ha." Nakita kong nagtaka siya kaya naman bago pa siya magsalita, nagsalita na agad ako.
"Sa likod mo, may tagos ka."
Noong mapagtanto niya ang sinasabi ko, biglang namula ang mukha niya.
Tumayo na ako sa pagkakaupo sa kama niya at tiningnan siya.
"Sorry kanina sa baba," sabi ko.
"Sorry rin, ang moody ko..." nakayuko siya. Lumapit ako at ginulo ang buhok niya. Agad niya naman 'yong inalis atsinuklay ang buhok gamit ang daliri pataas.
"Magpalit ka na." Mas lalong namula ang mukha niya kaya naman napatawa ako.
"Shut up!"
Iniabot ko sa kaniya ang kamay ko. Kinuha naman niya iyon at tumayo.
"Aalis na muna ako. Bye na."
"Sige," nahihiyang sabi niya. Tatalikod na sana siya papuntang CR nang tawagin ko siya. Lumingon siya sa akin ng nakakunot ang noo.
Lumapit ako sa kaniya at mabilis siyang ninakawan ng halik. Para siyang nabato at nanlaki ang mga mata. Dali-dali akong tumakbo pababa ng kaniyang kwarto at sumigaw.
"Bye, Arila! See you tomorrow!"
Ang sunod na narinig ko ay ang malakas niyang pagtawag sa pangalan ko. Napangiti ako sa narinig ko.
Mukhang magiging masaya ang summer vacation ko na 'to.
•••★•••
Songs used:Skater Boy, Avril LavigneFall to Pieces, Avril LavigneSorry, Justin Bieber
Ang tumayo sa harap ng maraming tao ay siguradong nakapagbibigay nang kakaibang pakiramdam. Minsa'y takot o kaya nama'y galak. Pero ang pinakamadalas, ay ang kaba. Dahil sa isang mali mo lang, marami ang makakakita. Marami anh makakaalam. Marami ang manghuhusga.Magdadalawang Linggo na simula noong kantahan ko si Arila. Noong bumalik ako pagkatapos ng araw na iyon, masasabi kong may nagbago. Hindi tulad nang iniisip ko na iiwasan o lalayuan niya ako. Kaya naman nakahinga ako nang maluwag nang hindi iyon nangyari. Ang totoo ay mas naging komportable kami sa isa't isa. Parang kakaiba nga, e.Narinig kong nagpalakpakan ang ilan sa mga tao rito sa loob ng coffee shop nang matapos sabihin ni Arila ang huling mga salita sa kaniyang tula.Nalaman kong isa pala siyang spoken word artist. May grupo sila na nagtatanghal sa California. Iba-iba raw sila ng schedule depende kung sino ang pwede. Naitanong ko kasi kaniya kung nasubukan na niya dahil gusto kong masubukan."O, ikaw na." Hinampas niya a
Malamig na hangin, madilim na kalangitan at ingay na gawa ng alon ang agad na sumalubong sa amin pakahinto ng sasakyan. Huminto kami sa tapat ng dagat na napapalibutan ng iba't ibang resort at nagringin-tingin sa paligid. Pagkarating ay naghanap agad kami kung saan ang pwede naming tuluyan habang nasa lugar kami. Umupa kami ng isang bahay at cottage saka nagbayad. Kukunin na dapat namin ang mga gamit nang sabihin ni Arila na gusto niya munang makita at mapanood ang pagsikat ng araw. Kinuha niya ang dala niyang camera. Nakatayo lang kami habang nag-aabang.Nakita ko niyayakap-yakap at hinihingahan niya ang kaniyang kamay nang muling umihip ang hangin. Nakasuot siya ng long sleeve pero manipis naman ang tela at isang denim shorts."Nilalamig ka?" Tumango lang siya bilang tugon."Wala ka bang dalang jacket?""Nah."Napatawa ako. "Wala rin akong dala." Ngumiti lang siya sa akin at muling tumingin sa kalangitan sabay lumakad ng kaunti. Sumunod ako sa kaniya at pumuwesto sa kaniyang likuran
Nagising akong may nararamdamang kung ano sa mukha ko. Kanina ko pa nararamdaman ang daliri na paikot-ikot sa mukha ko kaya naman hinawakan ko na ang mga ito."Arila..." reklamo ko kahit nakapikit pa."Ano?""Tigilan mo 'yan.""E, bumangon ka na kasi. Nagugutom na ko, o.""Last five minutes," hirit ko saka niyakap siya nang mahigpit.Tumigil siya sandali sa pagpapaikot hintuturo niya sa mukha ko kaya lang makalipas ang ilang minuto, pinagdudutdot na naman niya ang pisngi ko.Napabuntong-hininga na lang ako at napadilat. Nakita ko siyang nakatingin sakin saka ngumiti."Good morning.""Bad morning," nakabusangot ang mukhang sabi ko na ikinatawa niya."Tara na kasi!" Pinilit niyang tanggalin ang pagkakayakap ko sa kaniya. Nang makatakas siya sa yakap ko at makatayo ay bigla naman niya akong hinatak kaya muntikan na akong masubsob sa lapag.Tiningnan ko siya ng masama."Sorry," sabi niya habang pinipigilang tumawa.Napailing na lang ako saka tumayo at lumabas sa kwarto saka dumiretso sa CR
It takes a lot of courage to step on a stage with a lot of audience that you know will witness whatever you will be doing. They might judge you after your performance. But at least, you might not care to their opinions, simply because a stranger's opinion might not matter to you.But it takes a brave heart to confess to someone, what you truly feel about them.Gabi na pero nasa labas pa rin kami. Kanina, noong sinabi niya iyong tatlong salita na 'yon, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Tuwa? Lungkot? Pagkadismaya? Hindi ko alam. Natutuwa ako kasi gusto niya ako. Pero nalulungkot at nadidismaya ako kasi alam ko na 'yung nararamdaman ko, mas malalim sa nararamdaman niya para sa akin. Isa pa sa iniisip ko, baka maging hanggang doon lang 'yon. Ngumiti ako sa kaniya ng mapakla noon saka sinabi iyong nararamdaman ko. Sinabi kong mahal ko siya. Bumakas sa muka niya ang pagkagulat pero pagkatapos noon ay bigla siyang tumakbo.Alam kong mabilis. But like what I've wrote before in one of
Bad habits are hard to die. Pwedeng mawala pero hindi basta-basta. Syempre at some point hahanapin mo 'yon, ‘di ba?Naalala ko nakaraan na sinabi ni Arila na gusto niyang mag-bar. Siguro nami-miss niya kaya naman kahit madilim na, pumunta ako sa bahay niya. Hindi kasi ako nakapunta kanina dahil may mga inasikaso ako sa post office at may mga pinagawa sila tita kaya naman aayain ko na lang siya. Nagdadalawang isip man, alam ko naman na magiging masaya siya dahil isa 'to sa parte ng buhay niya.Pagkarating ko ay naabutan ko siyang naka-pajama at nagsusuklay. Siguro ay kakatapos niya lang maligo dahil basa pa ang buhok niya."Hi.""Anong ginagawa mo rito?" tanong niya."Wala lang. 'Di ako nakapunta kanina e. Punta tayong bar? May alam ako.""Talaga?" Bakas sa mukha niya ang saya kaya naman napangiti ako."Oo, kaya magpalit ka na ng damit mo.""Sige, hintayin mo 'ko." Dali-dali siyang umakyat sa kwarto niya saka nagpalit. Wala pa 'atang limang minuto nakababa na siya."Okay lang ba 'tong s
Napatulala ako sa narinig ko. Tama ba ang narinig ko? Baka naman nabibingi lang ako?"Ano?""I said I love you... and I want to be your girlfriend."Umalis ako sa pagkakayakap niya at saka humarap sa kaniya. Tinitingnan lang ng tahimik kung bigla ba niyang babawiin ang sinabi."Let's talk, okay? Maglilinis lang ako."Para akong tinakasan ng boses ko kaya napatango na lang ako. Ikinulong niya ang mukha ko sa dalawang kamay niya saka ako ginawaran ng halik sa noo. Tumayo siya at naglakad papasok sa banyo. Sinundan ko naman siya ng tingin hanggang makapasok siya.Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama niya saka tumingin sa ceiling."Ano bang nangyayari sa'yo, Zyle?" bulong ko sa sarili saka napabuntong hininga.Naka-move on na ako sa mga pang-iiwan sa akin, 'di ba? Nasanay naman na ko. E, bakit ganoon inakto ko kanina?Naiwan na ko ng mga naging girlfriend ko. 'Yung pamilya ko—well, hindi naman talaga nila ako iniwan. Pero 'yung pagkawala ng presensiya nila, ayon siguro 'yung isa sa mga n
Ang mga nangyari noong Linggo na 'yon ay ilan sa mga araw na masaya balik-balikan.Kinabukasan noong araw na natulog ako sa bahay ni Arila, nagising akong nakayakap siya sa akin. Medyo nangawit nga lang ang balikat ko dahil ginawa niya itong unan pero okay lang naman.Noong mga sumunod na araw naman, dinala ko siya sa amusement park, mall o kaya naman ay nandoon lang kami sa loob ng bahay niya at nanonood ng mga movies. Kaya lang may mga araw na sumasakit raw ang ulo niya kaya naman pinagpahinga ko na lang siya.Ngayong araw, inaya ko siyang pumunta sa park."Ba't ba kung saan-saan mo 'ko dinadala?" tanong niya saka tumawa. Umakyat siya sa kuwarto niya para magpalit ng damit kaya naman hindi na niya narinig ang sagot ko."Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan lang 'to. Kaya sinusulit ko na lahat ng oras na meron tayo."Pagkarating namin sa Park, nakita namin ang iba't ibang taong may kaniya-kaniyang ginagawa. Nakabisikleta ang iba habang ay iba naman ay naglalakad lang katulad ng gin
Some people change for a reason. They didn't change in a blink of an eye, or on a snap of fingers. They change because of different reasons. Some change for a better living; some change because the society pushed them to; and some change because of someone."Thanks, Ma." I ended her call.Ilang araw na akong napapadalas ng tawag kay mama at ganon din siya-sila ni dad.Nagtatanong sila bakit daw biglang ginagalaw ko na 'yung pera ko sa bangko. Nasanay kasi sila na kung ano 'yung iniwan nilang status ng account ko, ganoon pa rin kapag nagbigay sila ng bagong allowance. Alam nila na nagtatrabaho ako at working student pa dahil paminsan ay nasa kompanya ako at gumagawa ng kung anu-ano na sinusuwelduhan naman nila.Lagi akong may pera. Perang pinaghirapan ko. Kung babawasan ko man 'yung pera ko sa bangko, I make sure na sobrang importante lang o kaya naman ay babayaran ko rin. I still have this thinking na pera nila 'yon. Na kahit allowance ko 'yon ay hindi ko pa rin dapat gastahin 'yon sa