Share

Chapter 05

Nagising akong may nararamdamang kung ano sa mukha ko. Kanina ko pa nararamdaman ang daliri na paikot-ikot sa mukha ko kaya naman hinawakan ko na ang mga ito.

"Arila..." reklamo ko kahit nakapikit pa.

"Ano?"

"Tigilan mo 'yan."

"E, bumangon ka na kasi. Nagugutom na ko, o."

"Last five minutes," hirit ko saka niyakap siya nang mahigpit.

Tumigil siya sandali sa pagpapaikot hintuturo niya sa mukha ko kaya lang makalipas ang ilang minuto, pinagdudutdot na naman niya ang pisngi ko.

Napabuntong-hininga na lang ako at napadilat. Nakita ko siyang nakatingin sakin saka ngumiti.

"Good morning."

"Bad morning," nakabusangot ang mukhang sabi ko na ikinatawa niya.

"Tara na kasi!" Pinilit niyang tanggalin ang pagkakayakap ko sa kaniya. Nang makatakas siya sa yakap ko at makatayo ay bigla naman niya akong hinatak kaya muntikan na akong masubsob sa lapag.

Tiningnan ko siya ng masama.

"Sorry," sabi niya habang pinipigilang tumawa.

Napailing na lang ako saka tumayo at lumabas sa kwarto saka dumiretso sa CR
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status