Share

Chapter 2

SA PAGTATAPOS NG SET ni Joaquin o mas kilala sa pangalang Sinatra Blue ay sinaluhan niya ang mga kaibigang malalim na ang kwentuhan. In-order-an si Joaquin ng maiinom at pulutan. Tinanong pa kung gusto niya iyong samahan ng kanin. Tinanggihan niya iyon at nagkasya na lang muna siya sa tubig habang hinihintay ang pagkain at beer.

Naglandas ang mga mata ni Joaquin sa isang mesang kanina niya pa pinapanood habang tumutugtog. Tinanguan niya ang dalagang panay ang tingin sa kanya. Sa gulat niya ay tumayo ito at naglakad sa direksyon niya. Wala siyang nagawa kundi ang panoorin ito. Unti-unting nagsisiikutan ang ulo ng mga parokyano at pinapanood ang maliit na babae.

Gusto niyang mapailing sa reaksyon ng tao sa paligid at sapuin ang noo ngunit ano na lang ang iisipin ni Luna sa kanya? 

Tiningala niya ang bagong dating. “Hello, Luna,” bati niya rito. Hindi Clip ang tunay na pangalan ng bata. Obviously. Mas kilala lang ito sa ganoong palayaw. But he likes to call her by her real name. On the other hand, she calls him Mr. Blue. 

It feels like he’s the teddy bear she never had.

“Hello po,” magalang nitong bati.

Napangiti siya rito. Humila siya ng isang upuan at pinaupo ito.

Ibang-iba ito kapag hindi na nito kasama ang mga kaibigan nito. Malayong-malayo sa kilos at pag-uusap ng mga kasama nito. Iba rin ito kung mag-isip at magsalita, tila matanda kumpara sa mga kaedaran nito.

May banta niyang tiningnan ang mga nakangising lalake na kasama niya sa table. Hindi na niya kailangang magpaliwanag sa mga ito at hindi dapat pinag-aaksayahan ang mga ganoong tao ng laway. Malamang niyan ay nilamon na ng alak ang dalawang ulo ng mga ito.

“Kumain ka na?” baling niya kay Luna.

Tumango ito. “Few drinks. Namulutan lang. You were great back there,” papuri nito. 

Nahihiyang napakamot siya sa ulo. Kung hindi lang dim lights ang nandoon na mayamaya’y papalitan ng nagsasalit na mga kulay ay makikita na ang pamumula niya, na siguradong hindi sanhi ng alak. “Thank you, Luna.” Malaking bagay ang mabigyan siya ng papuri. Siya ang tinaguriang ‘rumaraket lang sa Desperados’. Pero ang musika ang first love niya. Dito na umikot ang mundo niya. Kaya mahalaga sa kanya ang feedback ng mga tagapakinig.

Narinig niyang nagbulungan ang mga nakainom nang kasama nila sa mesa. Nang dumating ang in-order na inumin para sa kanya ay kinuha niya iyon at pina-cancel ang pagkain. Niyaya niya sa ibaba si Luna para makalayo na siya sa mga taong naglalaro na ang utak sa kung saan. 

Dalawa lang naman ang palapag na kinatatayuan ng Desperados. Kainan ang ibaba. Sa katabing establisyimiyento naman ay isang fast-food ang naroon. Doon sila nagpunta at baka sakaling makapag-usap sila ni Luna nang walang nagbabantay.

“Mr. Blue, bakit hindi mo kinanta iyong request ko?” anito sa matampuhing tono. 

Uminom muna siya ng beer bago sumagot. “People have their eyes on you, Luna.” Pinigilan niya ang madighay. “Gusto mo pa bang dagdagan ang kwento nila sa’yo?” Mataman niya itong tiningnan.

Tumalim ang mga mata nito. “To hell with them!” mariin nitong sabi.

“You don’t have to play this little act of yours. How long till you stop this? Do you really want to be called—”

“I am the village idiot, the slut, the gold digger,” putol nito sa kanya. Hinarap nito ang mga titig niya. “It is the truth. What else can they say? That I like older men?” Kinilabutan ito at wari’y gustong sumuka.

Itinaas niya ang mga kamay sa ere. “Alright, alright. You don’t like men older than you. Pero hindi mo sila masisisi.”

Umingos ito. “Bakit nga po? Dahil malapit ako sa’yo? Iyon na ba ang batayan ngayon?”

Gusto niyang hawakan ang kamay nito at pisilin iyon para i-comfort ito. Pinigilan na lang niya ang sarili dahil baka may makakita pa sa kanila. Aware siya kung paano mag-isip ang mga tagarito. Lahat ay hinabi na nila makapaggawa lang ng kwento. Ayaw naman na niyang dagdagan pa ang isipin ni Luna. 

Kaibigan na niya ito kung ituring. Ito ang unang lumapit sa kanya isang gabi matapos siyang tumugtog. Alanganin pa nga siya itong kausapin dahil alam niya ang reputasyon nito. Ayaw niyang madawit sa kung sinong ‘Clip’ ang tinatawag nila.

Pero nag-iba ang ihip ng hangin nang makausap niya ito. Kilala nito ang sarili nito. Hinahayaan ang mga taganood kung ano man ang isipin patungkol dito. Hindi ito nagsasalita o mas tamang hindi ito nakikipag-usap sa mga taong naghahanap lang ng tsimis. 

Hindi niya iyon maintindihan dito. Parang wala lang dito ang imahe nito. Kibit-balikat ang isinagot nito sabay sabing, “May mga tao ako sa piling ko na kilalang-kilala ako. Hindi ko na kailangang maghubad para makilala nila ako.”

Hinding-hindi niya makakalimutan ang unang beses na nakapag-usap sila. Ibang-ibang ito sa sinasabi nila. Aminado siya na nakinig siya sa mga bali-balita noon. Pero kay Luna, isa itong biktima ng stereotyping. 

Nagpatangay siya sa mga naririnig noon at hindi niya mapatawad ang sarili kapag naaalala niya ang mga sandaling matigas siya rito para lang walang masabi ang mga tao sa kanya. Kinakailangan nito ng taong makakaunawa rito. Ng tutulong para mag-grow ito bilang isang tao. 

Nang tanungin niya ito noon kung bakit nito gustong makipagkaibigan sa kanya ay nagulat siya sa isinagot nito. “I think we’re the same, Mr. Blue. They don’t see the real us. You with your talents and beaten guitar. Me and their imagination.” Umingos ito. “Sino ang mas talo? ‘Di ba ikaw? You’re wasting your talents here when you can go big somewhere else. They don’t appreciate you here. And they made me the biggest joke of this place.”

Hindi siya nakaapuhap ng sasabihin noon.

“You want ice cream?” tanong niya rito makalipas ang ilang sandali.

“No, thanks. Binayaran ka na ba ng may-ari?” usisa nito na ang tinutukoy ay ang may-ari ng Desperados.

Umiling siya. “Ako pa nga ang nagbayad para lang makatugtog.”

Napamulagat ito sa narinig. “Seryoso ka?” hindi makapaniwalang tanong nito.

“Sshh,” sita niya rito. “Huwag kang maingay.”

Namimilog ang mga mata nito. “Bakit mo naman gagawin iyon?”

Napabuntong-hininga siya. “Wala, eh. Nag-cancel iyong b-in-ook ko pa last week. Kaysa naman mag-aksaya ako ng isang gabi na nakatengga ako, naisipan kong tumugtog na lang ulit dito. Eh, malay mo naman, may maligaw rito na magpapasikat sa akin. Hindi natin alam. Ang dami nang pakulo ngayon para sumikat. Malay mo, may nagbi-video na pala sa akin kanina,” aniya sabay kindat.

“Gano’n ba talaga kahirap iyang career mo?” tanong nito. Nakapangalumbaba na ito at matamang nakikinig.

“Sabi ko nga noon sa sarili ko, sa umpisa lang mahirap. Aba, ilang taon na ako, hindi pa rin umaasenso!” Binuntutan niya iyon ng tawa. “Naloko na.”

“Baka ‘di mo pa oras,” sabi naman nito.

Natahimik siya. 

“Ikaw, Sinatra Blue,” anito na tila nang-uuyam. “You want ice cream?”

“Are you making fun of my name again?” Naningkit ang mga mata niya sa tonong ginamit nito.

“I think it’s a great name, too bad people are not here to appreciate the musician. How else would they know the story behind your name?”

“Then why are you mocking my name?” patol niya rito. “Go get me an ice cream. Bilhan mo na rin sarili mo.” Inabutan niya ito ng pera. Mabilis nitong kinuha iyon mula sa mesa at tumayo. Kumekendeng-kendeng pa ang balakang nito habang papunta ng counter. Napailing-iling na lang siya.

Natigil siya nang makarinig ng mga naghuhuntahang tila bubuyog sa pandinig—Mga tsismosa! Na naman.

Nilingon niya ang isang mesa at agad na binawi ang tingin sa mga ito. Isang pamilya ang nandoon at may mga batang kasama ang mga nagdadaldalang nakatatanda. Hindi lang ito ang mga nagbubulungan. May ilang mesa pa siyang nakitang pinapanood sila.

“How was it?” tanong ni Luna nang makabalik.

“What?” Kinuha niya ang sundae na para sa kanya. 

Inginuso nito ang mga tao sa paligid nila. Natawa siya nang sabay-sabay nagsiyukuan ang mga nasa paligid.

“You always had to put on a little nice show, Clip.” He tsked. “What am I gonna do with you?”

“Oh, you know…” She scooped a spoonful of ice cream and licked it.

“You little devil.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status