Share

Kabanata 2

Ang Anghel.

***

Hindi ko mawari kung paano ang nangyari

Niligtas ng babae yung matanda pero buhay pa din... tangina sino ang guardian angel ng babaeng iyon?

Napadaan muli ako sa JUNMAR SARI-SARI STORE

"Pabili nga!" sigaw ko at ang paslit na babae ulit ang lumitaw

"Ikaw nanaman?" bungad niya

"Isang redhorse yung color green naman"

"Grabe naman kuya pangalawa mo na ito"

"Tangina naman bata ang dami mong reklamo

sa

buhay"

"Alam mo ba masama ang pag inom ng alak?"

"Alam mo din ba na masama

kapag ginagalit ako?"

"Oh! ayan na oh!" abot niya saakin ng redhorse at binigay ko rin ang bayad pinabukas ko na din sakanya ang bote

"Hoy bata" tawag ko sakanya

"Busy ako" sabi niya habang nagseselpon

"Sa tingin mo may guardian angel ka?" tanong ko sakanya habang tumutungga ng alak

"Ano lakas agad ng amats mo kuya?"

"Sagutin mo na lang yung tanong ko"

"Syempre oo bata ako eh"

"So kapag

matanda na wala ng guardian angel? ano may age requirement?"

"Bakit ikaw naniniwala ka ba na may guardian angel ka?"

"Gago ka ba? demonyo ako tapos magkakaroon ako ng guardian angel?"

"Ang gwapo mo para maging demonyo"

"Gago kang bata ka maling paniniwala yan baka isang

araw

patayin

ka ng isang

gwapo"

"So naniniwala ka ba na may guardian angel?"

"Tangina bata hindi ka maniniwala saakin pero totoo ang mga

anghel"

"Aynako kuya baka jowa mo lang tinutukoy mo ah!"

"Tanginang bata ka bahala ka

sa

buhay mo dami mong alam!"

inubos ko ang alak bago nagpatuloy sa paglalakad.. tanginang bata kasi yan jowa puta wala nga ako non

16:37  tanginang oras ito napaka bagal

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang isang maliit na eskinita at may isang nilalang ang biglang humarang saakin

"Calcifer"

"Tangina kukunin mo na din ba ako san pedro?"

"Hindi" ayan nanaman tayo sa seryosong mukha na yan medyo nakakainis

"Edi wala kang silbi! bye~"

"Sinabi ko na saiyo kanina na huwag mong paglaruan ang buhay ng mga tao"

"Blah blah blah blah~ tsss" nilagpasan ko lang siya

"Kagaya ka lang talaga ng ama mo"

"Haynako! alam mo kung paano matutuwa saiyo si lolo?" nilingon ko siya at ganon pa din expression ng mukha niya para nanaman wala akong kwentang nilalang.. tangina talaga ng attitude ng lalaking ito eh

"Madala mo ang kaluluwa ni lucifer sakanya hahahahaha Ciao~"

***

Matapos ang nakakaburyong paglalakbay na ito napagpasyahan ko na lamang na umuwi

"Tanginang bahay ito parang patay ang nakatira"

"Andito na pala kayo master~" bati saakin ng nagiisang katulong sa bahay

"Wala pa aling flor anino ko lang ito hahahahaha"

"Nako hindi ka

talaga nagbabagong bata ka"

"Nagugutom na ko~" reklamo ko habang papunta sa kusina

"Oo nga pala master calcifer dumating ang iyong ama kanina at hinahanap ka"

"Oh tapos? asaan na siya? dumiretso na ba sa

impyerno?" sabi ko kay aling flor na wala pa rin kamalay malay kung ano ba talaga kami

"Hindi master nasa----" hindi na natapos ni aling flor ang sinasabi niya dahil

"Andito ako ngayon at may pag uusapan tayo" isang matapang at kalmadong tinig mula sa isang matipunong lalaki na nakasuot ng itim na long sleeves at may hawak na wine glass na may laman at nakaupo sa head sit ng hapagkainan

Tangina bakit andito yan?

umupo ako sa kabilang head sit may kahabaan ang mesa pero dalawa lang kami... o diba parang gago lang?

"Makakaalis ka muna aling flor" utos niya at sinunod naman iyon ni aling flor

"Mapayapa na ba sa kaharian mo sa ibaba kaya ang guguluhin mo naman ay ang saakin?" tanong ko sakanya

"Mali ka doon... kaya ako nandito ay para itanong saiyo kung bakit

ka pumasok ng simbahan

nanaman?"

"Bored ako eh"

"Ilang beses ko bang sasabihin saiyo na huwag na huwag kang papasok sa lugar na hindi para saatin?"

"Gagawin ko kung anong gusto ko" pagkasabi ko non ay bigla na lamang ako lumipad sa pader at nastuck doon habang may parang sumasakal saakin na hindi ko nakikita

At kitang kita ko ang inis sa mga mata niya. Nakakatakot. Pero kailangan strong tayo kahit kunwari lang

"Hindi ka buong demonyo

kalahating tao ka din at kapag sinabi kong huwag kang pupunta sa lugar na iyon ay HUWAG KANG PUPUNTA!" isang malakas na sigaw na akala mo may lumalabas na apoy sa bunganga niya

pagkatapos non ay bumagsak na ako sa sahig... tangina ang sakit sa pwet!

"Haynako...alam mo naman ayokong nagagalit sayo anak pero ginagalit mo talaga ako~"

"Ahhh fuck"

"Osya narinig ko kanina gutom ka na kaya saluhan mo na ako"

tangina talaga ng ugali neto nakakasuka

***

17:46 at wala na din sa pamamahay na ito ang demonyong iyon...wait, demonyo din pala ako tangina

Nakahiga ako ngayon sa kama ko at nakatitig sa kisame

"Tangina kahit

isang butiki walang nagpapakita saakinhaynako!"

katabi ko sa aking kanan ang isang matalas na kutsilyo na galing pa sa japan at sa aking kaliwa ay isang .45 caliber pistol with silencer

Kung itatanong niyo para saan ang mga iyan at kung sino ang papatayin ko pwes ang sagot ay... AKO! papatayin ko ang sarili ko kasi ganito na ako kabored sa buhay at ito ako buhay pa din... tangina

Sinumpa ako na hindi mamamatay.. putangina I'm immortal at tanging ang lolo ko lang ang pwedeng pumatay saakin at nasabi ko na ba na hindi ako lolo's boy?

"Gusto ko ng mamataaaaaay~"

"Edi mamatay ka na" at sa hindi inaasahan ay nagkaroon ako ng bisita... isang BWISITA!

"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" tanong ko sakanya

"Wala lang gusto lang kita kamustahin" sabi niya

"Tangina sino niloloko mo dito?"

"Hindi ba pwedeng namiss ka lang ng iyong bunsong kapatid?" sabi niya habang palibot libot sa kwarto ko

"Ulul mo lilith"

"Balita ko pumasok ka

nanaman daw sa

simbahan"

"Tinanong mo pa eh ikaw naman nagsumbong

saakin! napaka peke mo talaga"

"Sinabi ko naman kasi sayo kuya hindi ikaw ang makakakuha ng kaharian sa baba kundi ako! kaya gagawin ko ang lahat para mapasaakin

iyon"

umupo ako sa aking kama at kinuha ang baril at kinasa ito

"Kung gusto mo talaga makuha iyon edi patayin mo muna si lucifer" tinutok ko sakanya ang baril

"Paano ko siya

mapapatay kung patay na siya simula palang?"

"Ang bobo mo naman lilith! para mapatay mo siya simple lang..."

"Ano?"

Pinutok ko ang baril na naka tutok sa ulo niya ngunit wala naman iyong bala

"Umakyat ka ng langit hahahahahahaha!"

"HA-HA-HA Very funny"

"Tangina naman kasi kapag umakyat ka doon hindi ka

magmumukhang

anghelmukha kang tiyanak!"

"Sa kagandahan kong ito ikukumpara mo lamang ako sa

isang

maliit na salot? Ha! Mas salot

ka pa din dahil isa kang kalahating tao!" pagkasabi niya non bigla na lamang siyang nawala

Tangina talaga ng hayop na yon

***

Isang katanungan din sa lahat ay kung natutulog ba ang mga demonyo...

Ang totoo niyan ay hindi.

22:56 ang oras ng kasamaan

Mahimbing na natutulog si Aling Flor pero kaya ko din naman magteleport sa kung saan lugar ko gusto

"Kumusta naman ang araw mo ngayon?" tanong ni Pepe isang kaluluwa na namatay ng taon 1896

"Tangina pepe hindi ka maniniwala pero walang bago sa

mga

nakalipas na araw" sabi ko sakanya habang tumutungga ng redhorse na nabili ko sa tindahan ni aling nena

"Balita ko nasermonan

ka ng iyong ama"

"Puta hanggang

sa sementeryo abot ang balita na yan?"

"Alam mo naman na kaming mga ligaw na kaluluwa ay walang lugar kaya kung sino sino nakakasalamuha namin"

"Pepe dito ang kaharian ko hindi doon sa baba! puta anong mapapala ko doon? Mga di hamak na mga panget ang itsura ng mga

nilalang doon!"

"Tama ka kaibigan... bakit hindi na lamang

ikaw ang mamuno dito? kakampi mo naman kaming mga ligaw na kaluluwa"

"Tangina pepe tumagay

ka

nga!" alok ko sakanya ng redhorse

"Hindi ako umiinom

pagpaumanhin mo na"

"Oh! nandito ka pala kapatid!" biglang sulpot ni Supremo isang ligaw na kaluluwa na namatay noong 1897

"Andito na si supremo kaya ako'y lilisan na muna at may isusulat pa akong

nobela"

"Tangina mo pepe ayaw mo lang tumagay eh!" reklamo ko sakanya

tinignan ko si supremo "bakit

ngayon

ka lang?"

"May dalawang kabataan doon sa may damuhanisang

lalaki at babae at alam mo na ang kanilang ginagawa hihihi~"

"Nagsesex?"

"Rinig ko sa

mga ilang kabataan na ang katagang

iyon ay tinatawag nilang make out"

"Puta sex nga!"

"Libre ang panonoodmadaming

mga

lalaking

kaluluwa ang nanonood doon sa

damuhan!"

"Tangina lasing ata

si Rizal nung sinabi niya ang kabataan ang pag-asa ng bayan" sabi ko at biglang tungga sa alak "actually kasalanan ito ng mga

simbahan eh! lagi nilang sinasabi humayo kayo at magpakadami kaya ayan tuloy

tapos majority tuwing simbang gabi at mahal na araw ang nagsisimba

mga kabataan"

"Eh ikaw kapatid nakapag talik

ka na ba?"

nabuga ko ang iniinom ko sa tanong na iyon ni supremo

"bente-uno ka na kapatid hindi ba dapat nakahanap ka na ng iyong kasintahan? kay ganda mong lalaki

madaming

dalaga ang sayo'y

mahuhumaling panigurado ako"

"Tanginamo supremo bunganga mo masyadong makasalanan!"

"Ano ang aking maling naibigkas?"

"Tanginamo kitang wala akong jowa tapos tungkol dito pag-uusapan natin? Gago! oh eto!" inabot ko sakanya ang redhorse "iyo na yan! aalis na ako!"

"Sige kapatid mag-iingat sila sayo!"

Lesson in life: Hindi lahat ng gwapo may jowa.

***

Naglalakad ako ngayon pauwi kasi trip ko lang puta wala akong pake sa iniisip niyo

Time check: 00:49

"Hi kuya~ ang yummy mo naman~ raawr

hahahahaha"

"Kuya one fifty okay na ba? hehehehe"

"Kuya may girlfriend ka na ba? akin ka na lang~"

Tangina hindi lang babae ang nababastos okay? Kami din mga lalaki!

Tumigil ako sa tapat nila at nagmiddle finger sabay tuloy sa paglalakad

"Ayy gago bastos"

"Tangina non ah akala mo kung sinong gwapo"

***

01:23 ng marating ko ang hospital kung saan nakaconfine si santa maria ina ng diyos

"Tangina tanda kapag sinabi kong mamamatay

ka...mamamatay

ka!" sabi ko sa natutulog na matandang pasyente na oxygen tank na lamang ang nagbibigay sakanya ng pag-asa para mabuhay

"Ipikit mo lang ang iyong

mga mata at sa

isang

iglap

ikaw ay mawawala na~~" tinanggal ko ang nakakabit na esklabush sakanya at pinagmasdan siyang mangisay at unti-unting mawalan ng buhay

Tangina fulfillment!!

agad akong lumabas ng ospital dahil baka makita ko nanaman si San Pedro nakakairita din ugali non

"Ngayon tignan

natin kung siya ba ang may guardian angel" nakatingin ako sa labas ng ospital nakatitig sa kalangitan nag aabang kung may bababang anghel para sa matanda

"Awwts" reklamo ko sa nakabunggo saakin

"Sorry po sorry~" sabi ng babae wait... tangina

"Sandali!" sabi ko sakanya at agad naman siyang lumingon

"Bakit?" tanong niya

Putangina... siya nga yung babaeng tumulong sa matanda at sakanyang likuran ay isang munting anghel

"Ahmm Bakit po?" tanong ulit ng babae

"Ahh wala" pagkasabi ko non agad na siyang pumunta sa ospital

Tangina bakit hindi ko nakita yung bulinggit na yon sa aksidente?

***

TBC.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status