Share

Kabanata 6

Mga Kaluluwa.

***

02:06

Andito ako sa sementeryo nasaktuhan kong may celebration sila ngayon. Every year ng summer ganito dito ang tawag nila dito ay fiesta de los espíritus ... lahat ng ligaw na kaluluwa ay pumupunta dito para magcelebrate. Ang mga maliliwanag na dekorasyon, mga nagliliwanag na mga puno na napapalibutan ng mga ilaw na pang christmas season kahit hindi naman pasko, mga musika at ilang lamesa na mayroon iba't ibang putahe mula taon 80's hanggang 2000 at ang celebration na ito sa sementeryo ay hindi basta bastang nakikita ng mga normal na tao.. minsan pwede naman nila makita kung willing ipakita sakanila ng mga ligaw na kaluluwa

At dahil fiesta de los espíritus ngayon, ieexplain ko kung paano nagiging ligaw na kaluluwa ang isang kaluluwa.

Katulad ni Mary, Pepe, Supremo, Heneral, Paraluman, at Paloma sila ay mga ligaw na kaluluwa hindi dahil ginusto nila ito pero sinuway kasi nila ang rules para mahatulan at ayun ay kung saan ba talaga sila mapupunta at iyon ang trabaho ni San Pedro para maiwasan ang pag gala ng mga kaluluwa sa sanlibutan, sinusundo niya ang mga ito para mahatulan at permanente ng manatili sa lugar kung saan sila nararapat.

Anong paglabag ang ginawa nila para maging isang ligaw na kaluluwa? simple lang.. hindi sila nahatulan. Binibigyan lamang sila ng tatlong araw para mahatulan kapag lumagpas na sila sa araw na itinakda tsaka lamang sila tinatawag na ligaw na kaluluwa at hindi na sila maaaring umakyat sa langit o bumaba sa impyerno pero ang mga kaluluwa ay nagiging ligaw ay dahil sa may gusto silang gawin bago mahatulan... naghihiganti parang ganon o minsan natatakot sila sa paghatol.. sabagay sino hindi matatakot pumunta sa impyerno diba? general thoughts ng mga tao haynako~

Sa kaso naman ni Machete hindi siya kaluluwang ligaw dahil ang kaluluwa niya ay nasa mismong katawan niya pa. Ang maaaring mahatulan ay si Mary dahil labag sa batas ang magbuhay ng isang patay lalo na kung patay ka na din.. maaari siyang pumanaw na parang isang bula kapag nalaman ni San pedro ang ginawa niya at ngayon ay baka hinahanap na ni San Pedro ang kaluluwa ni Machete... sana lang ay hindi ko siya makita dito sa party party na ito kasi  tangina ako nanaman sisisihin non

"Kapatid!" bati ni Supremo habang may hawak na baso na panigurado ang laman ay alak

"Condolence" bati ko sakanya

"HAHAHA Salamat

kapatid!"

hinila niya ako sa braso at inalukan ng alak na syempre hindi ko tinanggihan kasi Liquor ban ngayon sa mundo ng mga tao pero dito hindi

"Buti na lang at naisipan mong pumunta

dito

kapatid! Si pepe madaming

kaluluwang

dalaga ang kasayawan feeling ko nagkakamabutihan na sila ni paloma"

"Napadaan lang ako dito

galing ako sa

bahay ng girlfriend ko" sabay inom ng alak

Tangina bakit parang komportable ako sa pagbigkas ng girlfriend? taragis talaga!

"Ahhbahay ng girlfriend pala hahahahahaha! Kayong

dalawa lang ba sa

silid?"

"Oo"

"AyyaaayaaayyyKapatid!"

"Gago! Iba

ginawa

namin hindi tulad ng iniisip mo!"

"Imposible! Ang isang

lalaki

kapag

naiwan mag-isa kasama ang isang

inosente at mahinang

babae kaya natural sa natural na may mangyayari! Ang isang

lalaki ay parang isang leon na gutom na gutom

palagi at dadakma ng makakain

kapag may pagkakataon!"

"Gago ka

talagadiba

nga

sinabi ko sayo na iba yung babaeng

iyoniba yung epekto niya saakin!" sabay inom ulit ng alak

Naupo kami sa may upuan na katapat ng sayawan at pinapanood si pepe na napapalibutan ng madaming babaeng kaluluwa

"Patawad na kapatid" sabi ni supremo saakin

"Ayos lang"

"Ano pala ginawa

niyo doon? masaya

ka naman ba?"

"Ngayong

araw na ito ang pangalawang

beses na nagsama kami at sa

tuwing

kasama ko siya ang saya lang sa

pakiramdam"

PUTANGINA anyayare sa mga salita ko? ano ulit sinabi ko? ano ulit? tila ba para akong nabingi sa aking mga sinasabi

"Kung gayon ay ako'y masaya

sa takbo ng inyong pagmamahalan

kapatid!" sabay tapik niya sa aking likuran

"At ibigsabihin din non dalawang beses na din kaming nagbabible study... tangina supremo nakakadurog ng pride yung pangyayaring

iyon

tapos para bang wala akong magawa!"

Naaalala ko yung nangyari kanina...

***

Pagka text niya saakin ng address nila ay syempre tamang prepare muna..  naligo ako syempre, nagtoothbrush din tapos tamang pabango lang din kahit hindi ko na alam kung ano ginagawa ko sa sarili ko hindi naman ako ganito  dati! wala naman akong pakealam sa itsura at amoy ko kasi gwapo na ako at okay na yon para lumabas ng bahay

"Tangina naman talaga...bible study lang naman mangyayari eh ano ba tong ginagawa ko?" sabi ko sa sarili ko sa salamin habang nagpapabango

ilang beses muna ako nagpalakad lakad at nagpabalik balik sa kwarto ko at nag iisip kung pupunta ba ako o hindi

"Pupunta o hindi?"

tinignan ko ulit yung convo namin

"Ahhh! bakit ko kasi sinabing hindi ko siya

paghihintayin? Tangina naman talaga ohh! Pesteng puso kasi ito!"

at eto nanaman ang puso ko na tumitikbo ng

konsensya

konsensya

konsensya

Potek ayaw na lang manahimik ng deputang puso na ito!

Gamit ang teleportation nakatayo na ako sa tapat ng pintuan nila.

Hindi kalakihan ang bahay nila at dahil judgemental ako hindi rin sila ganon kayaman.. ayos lang naman handa naman ako ibigay sakanya lahat pati ang mundong ito ganon ako kalupit magmahal... wait-- putangina bad words.

At dahil pasado alas onse na ng gabi at sabi niya rin na tulog na ang tita niya kaya tawagan ko siya kapag andito na ako at ganon nga ang ginawa ko

Hindi rin nagtagal nakita ko na din siya. Binuksan niya ang pinto.. simple lang ang suot niya T-shirt na kulay puti at paldang mahaba na kulay pink.. At bumagay ang kanyang mahabang buhok na kulay brown na para bang may kulot sa dulo at ang napakaganda niyang mukha, mata, ilong, bibig, yung labing kulay rosas... teka ano ba itong iniisip ko!?

"Hindi ko talaga

aakalain na seseryosohin mo ang pagpunta dito ng ganitong oras" sabi niya saakin habang pinapatuloy ako sa loob ng bahay nila

"Syempre malakas ka

saakin eh" which is very totoo naman to the point na nakakaputangina na

"Shhhh wag kang maingay hindi alam ni tita na may bisita ako at lalo na ng ganitong oras... tara" kinuha niya ang kamay ko at hinila ako paakyat at sa isang iglap nasa kwarto na niya kami

"Sigurado ka ba talaga

dito?" tanong ko sakanya habang umupo siya sa kama niya

"Oo naman bakit hindi? ikaw ready ka na ba?"

hinila niya ako papunta sa tabi niya at mayamaya ay may kinuha siya sa side dresser niya na isang.....bible at Godly brochure

Akala ko din iba na izza trap pala ulit tangina

"Oh bakit parang malungkot ka?" tanong niya saakin

Putangina sino hindi malulungkot sa ganito? demonyo magbabible study? mas nakakatakot pa ito kesa sa armagedon

"Wala...akala ko kasi namiss mo ako" malungkot kong bigkas

Tangina naman ano na self? sino ka? hindi na kita kilala putangina naman oh

dahan dahan niyang hinawakan yung kamay ko, tinignan ko siya at nginitian niya ako

Yung mga ngiting iyan...iyan ang gusto ko palaging makita

"Kahit dalawang araw pa lang tayo nagkakakilala pero yung pagmamahal ko saiyo ay pang habang

buhay na" sabi ko sakanya ng seryoso

AHHHH!!! ANO ITONG NARIRINIG KONG MASASAMANG WORDS? PAGMAMAHAL KO SAIYO AY PANG HABANG BUHAY NA?? ANONG KAGAGUHAN ITO? LORD! GOD! LOLO STOP NA! SOBRANG PAGPAPAHIRAP NA ITO SAAKIN! EVERY WORD IS A TORTURE!

Tumawa siya  ng mahina at yung mata niya naniningkit

Luhhh ang kyot pota

Tinignan niya lang ako ng may kinang sa mga mata niya o baka naman guni-guni ko lang yon kasi naman hindi naman kumikinang ang mga mata ano pinasukan ng glitters?

Hawak hawak niya pa rin ang kamay ko and let me clarify... dalawang kamay ko ang hawak niya ehem~ at nasabi ko na din bang napakalambot nito? haynako feeling ko mas maswerte pa ako kesa sa lucky me

"Pumikit

ka" malumanay niyang pagkakasabi na para bang ako'y hinipnotismo dahil agad kong ginawa ang utos niya

Dafak bakit ko siya sinusunod? Anuna?

Gusto ko pakawalan yung inner demonic personality ko para atleast uuwi akong maligaya pero taragis talaga kasi biglang nagpantig yung tenga ko sa narinig ko

"Let us pray, Cal~"

IZZA TRAP AGAIN! POTAAAAA!

Dinilat ko ang mata ko at nakita ko siyang nakapikit

Tangina ng babaeng ito mapanlinlang akala ko hahalikan na ako! taragis talaga!

"Mahal naming panginoon

sana subaybayan niyo po kami sa aming pag-aaral ng bibliya at maantig ang puso ni cal sa

mga salita ninyo para saamin at sana panatilihin niyo po kaming ligtas pati na rin ang aming mga mahal sa

buhay lalo na sa panahon na may nagaganap na pandemic covid-19.. Amen"

agad kong pinikit yung mata ko bago niya pa mabigkas yung Amen

"A.....men" sabi ko

Tangina makita lang ito ni papa mayayari talaga ako doon!

"Osya ipagpatuloy natin... nasa kabanata 2 na tayo ng brochure na ito hindi ba?" tanong niya

"o-po" walang gana kong sagot

"pwede mo bang basahin ang number one at two?"

POTA. AYOKO NGA.

"Ang bibliya ay isang regalo galing sa Diyos. May mga

impormasyon ito na hindi mo makikita kahit saan..." matamlay kong bigkas

Tanginang buhay talaga ito napakalupit sa akin

***

"Mukhang masaya nga ang gabi mo kapatid" sabay tango tango ni supremo

"Okay na din nasa day two na ako ng paghihirap ko sa

buhay... atsaka pagkatapos non kumain kami"

"Nagkainan kayo?"

"Punyeta supremo hindi yung iniisip mo!"

"Ayy patawad

patawad"

"Kumain kami ng pagkain! kumuha siya dun sa ref nila ng ulam nila

ginataang manok ata tawag don at grabe ang sarap!"

"Mas masarap kung siya mismo kapatid hahahahahahaha"

"Gago! Rapist ka ba dati? hapit na hapit ka eh"

"Kapatid hindi ah! kapag kaluluwa ka na tsaka mo mararamdaman ang lungkot ng mag-isa yung tipong walang nag aalaga sayo, naglalambing sayo, mahahalikan mo, haharanahin mo sa

pagtulog... wala!" madrama niyang pagkuwento

"Wala akong pake sa sinasabi mo pero kapag tao ka at ganyan kapasmado bunganga mo pwede ka

kasuhan iba na panahon ngayon

lahat ng tao matatapang at nagmamarunong na.. Believe me! I seen it with my own two eyes!"

"Oo na kapatid naiintindihan ko... so kumain kayo tapos umalis ka na?"

"Nagkwento muna siya

sa

buhay niya ganon... tita niya nag aalaga sakanya tapos isa siyang receptionist sa

isang

kompanya

sa bayan tapos hindi tanggap ng tita niya na nagpapagala gala siya para sa bible study lechugas

barabas

nayon at ang pagconvert niya sa ibang relihiyon"

"Oh tapos ikaw kapatid ano naman naikwento mo sakanya? na isa kang anak ng pinakakilalang fallen angel sa

isang mortal at dapat

naghahasik

ka ng lagim kesa nagbabible study kasama siya?"

"Tangina supremo bakit hindi na lang ikaw magsabi sakanya niyan tutal alam mo pala eh"

"kapatid nagsinungaling

ka sakanya noh? tama ba ako?"

"Pota supremo alangan naman sabihin ko yon sakanya! edi nabible study pa ako ulit non!"

"Eh anong sinabi mo sakanya?"

"Nakatira ako sa

bahay ng tatlo kong tito may isang

katulong at may pinsan kasama jowa niya at wala akong magulang patay na sila sabay nagkasakit ng ulcer ganon"

"tatlong tito?"

"Oo! tapos pangalan niyo nila pepe at heneral yung sinabi ko"

"Ayos lang naman"

"At kaya nga pala ako nandito kasi sa linggo pagkatapos niya daw magsimba gusto niyang pumunta sa

bahay don daw kami magstudy"

"Hahaha so gusto mo magpanggap kami?"

"Yun na nga"

"Sa linggo?"

"Oo 1pm pero 12:30 dapat nasa bahay na kayo"

"Sige kapatid! sige! hahahaha anong araw ba ngayon?"

"Biyernes"

"Maaasahan mo kami kapatid! tutulungan ka

namin!"

Sabi na nga ba maaasahan ko itong mga kupal na ito minsan eh! may purpose din pala sila sa kwentong ito

***

03:19 na ako ng makauwi, napasaya sa inuman kasama sila heneral, supremo at pepe

Syempre walang ibang babae sa aking tabi sa tatlong kumag lang meron kasi loyal ata ako! Kahit kaluluwa pa iyon kapag may jowa na dapat hindi niloloko

Tangina Calcifer ano na nangyayari sayo? Huhuhuhu baka tama nga si Mary... you do crazy things for love? no waaaaaay!

binagsak ko ang sarili ko sa kama

"Panibagong hamon

nanaman

sa linggo..."

kinuha ko ang cp ko sa bulsa at may isang mensahe mula kay essay

Good night ❤ God bless u

Sa hindi namamalayan napangiti ako bigla

Hala tumutunog nanaman yung puso ko

kilig kilig kilig kilig kilig kilig

para akong tangang kiti kiti sa kama... para akong gago na ngumingiti.... tangina ano ito? mukhang hindi ako makakatulog neto

tinakpan ko gamit ang daliri ko ang mga salitang God bless u sa kanyang mensahe leche panira kasi pota

***

TBC.

Related chapters

DMCA.com Protection Status