Share

CHAPTER 37

CHAPTER 37

NAPAHIGPIT ang yakap ko kay Kaisei habang nakasakay kami sa kabayo. Tinatahak namin ngayon ang daan paakyat ng Hida, ang pinakamataas na kabundukan rito sa Gokayama. Gustuhin ko mang lingunin ang hitsura ng kaharian, ay natatakot ako.

Napapikit na lamang ako at yumuko.

“S-sa tingin mo ayos lang sila roon?” tanong ko sa tahimik na si Kaisei.

“Naroon si Jin at Itsoru para protektahan ang kaharian maging ang hari at reyna. Matitibay ang pader na humaharang sa buong palasyo. Hindi basta-basta makakapasok ang mga armadong iyon,” sagot niya na walang lingon-lingon. Napabuntong-hininga na lamang ako.

Gusto ko pang magtanong nang magtanong. Kung nasaan si Tsuyu sa mga panahong ito. Kung ayos lang rin ba siya? Alam ba niyang wala na ako sa palasyo?

Sa hindi inaasahan ay agad humalinghing ang kabayong sinasakyan namin. Wala kaming nagawa kundi mapaatras

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status