Share

Chapter Two

CHAPTER TWO

CELINE's POINT OF VIEW

"Good morning class?" bati ng professor namin sa philosophy ngunit wala man lang ni isa ang sumagot sa kanya. 

"Good morning Prof " napalingon kaming lahat sa bagong dating

"Mr. Santillan? I think you've reach the wrong department" mataray na sambit ng prof Kay Drake

Anong ginagawa ng isang yan dito? Sa pagkakaalam ko, BS Entrepreneurship ang kurso ng loko, kaya bakit siya napadpad dito sa departamento namin? Don't tell me ipapatawag niya ako sa guidance office dahil sa hindi natuloy ang balak niya kahapon tapos mae-expel  ako ng isang buwan, then magagalit yung parents ko dahil--- OK! Masyado na akong napa-praning sa posibleng mangyari. Bakit naman ako matatakot? Eh, siya nga dapat ang matakot dahil sa balak niyang paggahasa sakin. Tsss 

"Haven't my mom informed you about my new sched? Nag-shift na po ako ng course"

Ganun? Di porket parents niya ang may-ari sa school, eh pwede na niyang gawin yung pabigla-biglang pag-shift ng course? 

"Whatever. Anyway, open your book in page 209" napa-roll ang bakla kong professor tsaka nagsulat sa white board 

Yun lang? Hindi man lang ba niya papagalitan ang siraulong yun? Hahayaan niya na lang ba ang ugaling ganyan dito sa paaralan namin? 

Padabog kong kinuha ang libro at inopen sa page209. Tsss sana ma-deploy ang ganyang klaseng guro. 

"Alis diyan!"

Napaangat ako ng tingin dahil sa taong nagsalita. Wow naman, parang pulis lang kung makaasta ha.  

"P-Proper seat ko----" sasagot pa sana ang katabi ko, nang unahan siya ng siraulo 

"Oh, ano ngayon? HA?"

Eto yung ayaw ko sa lahat eh. Kung makasigaw, parang pag-aari lahat ah. Kapag ako, hindi nakapagpigil sa lalaking 'to, hindi ako magdadalawang isip at ako mismo ang papatol sa kanya. 

Walang nagawa ang katabi kong lalaki, kundi ang tumayo at maghanap ng ibang upuan. Naramdaman kong napaupo sa katabi kong upuan ang siraulo, kaya medyo inusog ko ng kunti ang upuan ko palayo sa kanya 

"Hi babe" 

Bigla niyang inilapit ang kanyang upuan sa pwesto ko kaya't ganun na lang ang biglaang pagsandal niya sa balikat ko. Parang walang may nangyari kahapon ah   ̄‐ ̄

"A-Ano ba Drake!" iritado kong sambit sabay alis ng ulo niyang nakasandal sakin.

Pati ba naman dito? Hindi ba siya nagsasawa sa ugali niyang may pagka-manyak? 

"Babe! Nagugutom ako" umayos siya ng upo tsaka tusong tumingin sakin. 

Napa-roll eyes na lang ako at itinuon ang attention sa lecture ni prof. Kapag ako nakahanap ng bagong malilipatan na--- "sh*t!" 

Napapitlag ako sa gulat nang may biglang humawak sa bandang hita ko. 

Nakakunot ang noo kong tumingin sa gilid, at nakita ko ang pagngisi ng manyak. Tsss

Dahan-dahan niyang iginapang ang kanyang kamay, papunta sa skirt ko. Pilit ko naman itong inaalis, ngunit ayaw naman magpatalo ng loko. 

"Babe. Gusto kong kumain"

Napataas ang kaliwang Kong kilay sa bulong niya. Eh ano ngayon kung gusto niyang kumain? Problema ko ba yun? Tsss

Patuloy pa din si prof sa pagdidiscuss hanggang sa makaramdam ako na para bang gumagapang ang kamay niya papunta sa maselang parte ng katawan ko kaya't bago pa man niya matuloy ang kanyang balak, agad kong tinapakan ang kanyang paa dahilan para mapahinto siya sa kanyang balak 

"Feeling wet?" nakangisi pa nitong tanong 

Anak ng--

"Anong wet ang pinagsasabi mo, Mr. Santillan?" tnong ni prof

Sh*t sh*t!

Pahamak ka talaga Drake!

"Wet po yung ano ni---" bago pa siya tuluyang makapagsalita, agad kong tinakpan ang bibig niya tsaka sinamaan siya ng tingin 

"Wet po yung bunganga ni Drake, kaya ko po tinatakpan" rason ko Kay prof at nagbigay ng pilit na ngiti 

"Tsss. First warning Mr. Santillan and Miss Dela Fuente"

Argh! Kainis naman oh. Bakit kasi ganito ang pagkakagawa nila sa mga desk?? 

Kaya malayang nakakagawa ng kababalaghan ang mga f*ckboy dito, tsss masyadong tago na kahit mismong paa mo ay hindi kita sa kabila.. 

"Early dismissal for today. There will be a general meeting for all students kaya sa ayaw o sa gusto niyo, kailangan niyong pumunta sa gym dahil attendance is a must"

Thank you! Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni prof. Matatakasan ko na din ang kahayupan ng katabi ko 

"Tsss. Malapit na sana" asar na napatayo si Drake tsaka tumayo at naglakad palabas 

Buti nga sayo!

ULOL!

Mabilis kong niligpit ang mga dala kong gamit at agad na lumabas sa classroom. Mahirap na, baka manyakan na naman ako ng fvckboy na yun.

Aba! Hindi niya pwedeng galawin ang perlas ko noh, mas mahal pa 'to sa buhay niya.

"BESTFRIEND!!!" automatiko akong napalingon sa taong walang kasing lakas ang boses. 

Boses pa lang, halatang si megaphone girl ang sumisigaw

"Pwede mo ng tanggalin ang megaphone sa bibig mo" naka-poker face kong sabi tsaka nagpatuloy ng lakad papuntang gym. 

"Pupunta ka sa meeting?" tanong niya habang nakikisabay sakin ng lakad. 

"Actually, hindi ako pupunta dun. Kaya ko nga tinatahak ang daan papuntang gym diba?" sarkastikong sagot ko sabay roll eyes

Obvious naman na pupunta ako dun eh. Tsss

"Mga Black Phoenix lang din naman ang magle-lead ng meeting. Ano? Pupunta ka pa din ba?" napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. 

Black Phoenix? ang mga f*ckboys pala ang magle-lead sa meeting. Tsk. Tsk. 

I'm sure, na walang ka-sense sense ang mga sasabihin nila. 

"Need kong pumunta dun. Attendance is a must sabi ni prof" sagot ko sa kanya

Kung hindi lang dahil sa attendance. Hindi ako pupunta, lalo na't makikita ko na naman ang manyak. 

"OK! Sasamahan na lang kita"

Hindi na'ko umimik at pinagpatuloy na lang ang paglalakad hanggang sa makarating kami sa gymnasium. Napuno ng ingay at sigawan sa buong sulok ng Gymnasium. 

"Dun tayo" hinayaan ko na lang na hilain ako ni Megan, total wala na akong nakitang vacant seat kaya nagpaubaya na lang ako sa kanya 

"EXCUSE ME! DADAAN ANG MGA DYOSA!" sigaw niya sa bawat estudyanteng haharang sa dinadaanan namin. 

Mas OA pa 'to kesa sakin eh. 

"Hays! Salamat naman at may natira pang upuan para sa mga dyosa"

Masyado bang mahangin ang kasama ko? Hayaan niyo na lang. Masasanay din kayo sa kanya. 

"GOOD MORNING PRETTY LADIES AND GENTLEMAN"

Nagsimulang magsitilian ang mga kapwa ko estudyante dahil sa taong nagsalita sa stage. Nakakita lang ng f*ckboy, nagsilaglagan na ang mga panty. Tsss

"Bakit kaya ampanget ni Blake?" tukoy ni Megan sa lalaking nagsasalita sa stage. 

Kaibigan ni Drake si Blake. 

Kaya walang duda, f*ckboy din ang isang yan. Actually, anim sila eh, anim na estudyanteng walang ibang ginawa kundi ang mag-make out during class hours. Tsss

"Ewan ko. Bakit hindi siya ang tanungin mo?" panunukso ko

Kung sasabihin ko bang may gusto si Blake Kay Megan. Maniniwala ba kayo? 

"Hi?" 

Napaangat ako ng tingin  dahil sa taong dumating. Ngumiti lang ako sa kanya at hindi siya pinansin. 

"Pwedeng makiupo?"

"Sure" sabi ko at sinabayan na din ng ngiti

"Thank you ha" nakangiti niyang sabi at umupo sa tabi ko. 

"Girl, wait lang ha. May Pupuntahan lang ako" sabi ni Meg sabay tayo. 

Hindi ko na lang siya sinagot dahil laging ganyan yan eh. Laging may lakad, at palagi akong iniiwan sa ere. 

Ewan ko ba kung bakit naging kaibigan ko pa yan. 

"Diba ikaw si Celine?" tumango lang ako sa tanong ng katabi ko, habang nakatitig pa din ako sa taong nagsasalita sa stage. "BSBA course  mo diba?" muli niyang tanong. Bahagya akong napahinga ng malalim tsaka bored na tumingin sa kanya. 

"Stalker?" mataray kong tanong 

Napakamot naman siya sa kanyang batok, yung tipong nahihiya kuno. Kanina ka pa tanong ng tanong. Tapos ngayon lang siya nahiya.

"Mas maganda pakinggan ang admirer. Para lang sa mga panget ang salitang stalker" 

Oh, Edi Siya na ang gwapo

Tsss

"At may nalalaman ka pang admire-----"

"SA LAHAT NG MGA ESTUDYANTENG NANDITO!!!.. MAY MGA IDADAGDAG LANG PO KAMING RULES" sigaw ni Red dahilan para mapahinto ako sa pagsasalita. Myembro din yan ng black Phoenix. Mas kilala nga lang sa pangalang PULA

"AT KAPAG SINABING RULES, DAPAT KAILANGANG SUNDIN" dagdag naman ni Jero

Mukhang completo na yata ang mga f*ckboys--I mean Black Phoenix 

"ORRRAYT!!!! ETO ANG UNANG RULES" bigla namang sumulpot sa stage si Austin. 

Tsk. Saan na naman tutungo ang nasabi nilang rules? Last time na nagdagdag sila ng rules, nagkagulo lang ang buong University. Pano pa kaya ngayon? 

"FIRST RULE, BAWAL MAG-PDA DITO SA SCHOOL,"

Eh? Mukhang ok din 'tong rules ni Austin ha. May sense din pala minsan ang mga pinagsasabi niya although hindi lahat

"KAMI LANG ANG PWEDENG GUMAWA NIYAN" dagdag nito na ikinaingay ng gym 

Anak ng---Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. 

Sabi ko na nga ba eh, walang ka-kwenta kwenta ang bawat rules na dinadagdag nila. Tsss

Anong magagawa namin? Black Phoenix yan eh, Mga magulang nila ang may malalaking shares dito sa school

"LADIES! HANDA NA BA KAYO PARA SA SECOND RULE?" sigaw ni Jero. 

Nagsitilian naman ang karamihan sa mga babaeng estudyante, maliban sakin. 

"PARA SA PANGALAWANG RULE, DAPAT BAWASAN NG 8 INCHES ANG IKLI NG BAWAT SKIRT" sambit ni Jero at may patango-tango pang nalalaman habang nakatingin sa kanyang mga kaibigan 

"Teka! Hindi pwede yan!" napatayo ako sa sobrang asar

Above the knee na nga ang skirt namin, tapos babawasan pa ng 8 inches ang ikli? Anong tingin nila sa'min? Mga tanga na basta-basta na lang susunod sa naisip nilang kalokohan? 

"Maupo ka na lang. Baka kung ano pang parusa ang ibigay nila sayo kapag nalaman nilang hindi ka pabor sa desisyon nila" sabi ng lalaking katabi ko sabay hila sakin paupo 

"Think about it. Above the knee na yung skirt namin tapos babawasan pa ng 8 inches. Kung yun lang din naman ang gusto nila, edi sana pinasuot na lang nila kami ng two piece " hindi ko mapigilan ang hindi mainis

Napaupo ako sa sobrang inis habang naka-cross arms. Hindi ko lubusang maisip kung bakit pinamumunuan ng mga siraulong fvckboy ang eskwelahan namin. 

"Alam kong----"

"Kilala mo ba kung sino yang pinupormahan mo?"

Napabaling ako ng tingin sa lalaking nakatayo sa harap namin. Ano na naman ba ang Problema ng isang 'to? 

Balak ko pa sanang magsalita ng bigla akong hinatak ni Drake palayo sa lalaking katabi ko. 

Nakakunot ang noo kong tiningnan ang lalaking humahatak sakin dahil maliban sa mabilis siyang maglakad, ang kapal din ng mukha niyang hatakin ako at mas lalong kumunot ang noo ko nang mapagtantong papunta kami sa kinaroroonan ng kanyang mga kasamahan.

Umakyat siya sa stage, habang hila-hila pa din ako. Kinuha niya ang mic kay Austin, kaya ang kaninang magulo at maingay na gymnasium ay binalot ng katahimikan at pagtataka sa bawat estudyanteng nandirito. 

"AT PARA SA HULING RULE NA IDADAGDAG KO, SA LAHAT NG MGA KALALAKIHANG NANDYAN! LALONG LALO KA NA MR. FUENTES" paninimula niya tsaka matalim na tiningnan sa malayo ang lalaking katabi ko kanina

"IPAPAALAM KO LANG NA ITONG BABAENG KATABI KO" seryoso niyang sabi sabay akbay sakin 

Argh!! 

Nakakahiya na this. Anong tingin niya sakin? Walang hiya kaya basta-basta na lang niya 'kong ipaharap sa lahat ng mga estudyanteng nandirito? 

"SHE'S MY GIRLFRIEND. SO BACK OFF DUDE!WALANG PWEDENG PUMORMA SA GIRLFRIEND KO. ANG LUMABAG, ALAM NIYO NA ANG PARUSA NIYO!"

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Matapos niya 'kong muntikang gahasain kagabi, sasabihin niyang girlfriend niya 'ko? 

Naka-drugs ba siya? 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status