Alluring Red
Alluring Red
Author: Margaretzzzz
Prologue

Prologue

"Red, I said stop that nonsence dance workshop it will ruin your studies!" Sigaw sakin ni Daddy. Hinintay niya ako sa sala. Kakauwi ko lang galing sa dance workshop na sinalihan ko. Mag iisang taon na akong sumali workshop at na eenjoy ko nalang.

"Dad, pampalipas oras ko lang naman po ang pagsasayaw ko" sabi ko at binaba sa sahig ang duffel bag na dala ko. Matalim pa din siyang nakatingin sakin. Halatang galit na galit na galit na siya.

He always like that pag naabutan niya akong uuwi galing studio ay papagalitan niya lang ako. Last year lang ako sumali sa dance workshop because dancing is my passion and I want to enhance my dancing skills.

Daddy doesn't want that idea. He always think my studies he want me to fail because of the dancing workshop. Nakakaya ko pa naman at hindi ko din hahayaan na bumagsak ako dahil parehas kong mahal ang pag aaral at ang pagsasayaw.

Ever since, I'm always at the top of our class. Hindi ko pa nararanasan na mawala sa top one at ayokong bumaba dahil alam kong daddy will get disappointed to me.

"Umayos ka, Red. Graduating ka ng senior high baka ngayon ka pa mawala sa top one o kaya sa rankings." Pagbabanta pa ni Daddy.

"I know, I'm doing my best don't worry about my studies. Hindi ko papabayaan ang pag aaral ko." Paninigurado ko pa.

"Just don't waste your time in dancing. For now, I will let continue your dancing as long as you maintain your studies." Umarko ang malaking ngiti sa aking ngiti dahil sa sinabi ni Daddy.

"Wala akong magagawa 'yan ang gusto mo pero," huminto si Daddy at tinuro ako ng hintuturo niya.

"Pero?" Ulit ko sa huling salitang sinabi niya.

"Huwag ka lang mag bo-boyfriend at ipapatapon talaga kita sa Farm at doon ka na mag-aaral aa probinsya." Napalunok naman ako sa sinabai ni Daddy. Hindi ko akalain na dadami pa ang gusto niyang mangyari sa 'kin.

What? Sa farm? Mamatay ata ako do'n sa sobrang boring. Isang araw pa nga lang gusto ko ng umuwi. There's nothing special there. Mababait naman ang mga tao doon pero hindi ko talaga bet doon ang tahimik hindi maingay hindi gaya dito sa Maynila.

"At pag patuloy ka pa ding umuuwi ng gabi galing sa workshop mo." Nanlaki ang mga mata ko. Hindi pa pala tapos si Daddy sa pagpapaalala niya. May dagdag pa pala ang dami naman ata ng susundin ko?

Napatingin ako sa duffel bag na nasa sahig at ngumuso. Kaya ko ba 'yon? May nilabag na agad akong isa sa gusto niya.

"Are we clear, Red Augustine?" Nagulat naman ako sa biglang pagsasalita ni Daddy kaya agad akong napatunghay sakanya.

"Yes po, Dad." Mabilis kong sabi dahil biglaan akong nakaramdam ng matinding kaba.

"Good, kumain ka na diyan Mommy mo ang nagluto. Goodning, darling." Lumapit si Daddy sa 'kin at hinalikan ako sa ulo inihilig ko namang saglit ang ulo ko sa balikat niya bago siya tuluyang umakyat sa taas para matulog.

Napabuntong hininga ako bago ako pumunta sa kusina at nagsimula ng kumain. Habang kumakain ay inaalala ko iyong sina ni Daddy na bawal akong mag boyfriend. Tsk, hindi ko naman kayang makipaghiwalay sa boyfriend ko ngayon dahil mahal ko na iyon. Paano kaya pag naguli kami ni Daddy? Iniisip ko palang na mahuli kami ay kinakabahan na agad ako. Hindi ko pa nakikitang magalit sa 'kin si Daddy ng sobra.

I'm just a simple girl, mayaman oo pero hindi ako umaakto na mayaman mas gusto ko pa din ang pagiging simple. Nag aaral ako ngayon sa isang public school kahit na ayaw ni Daddy. Gusto ko kasing subukan kung ano ang pinagkaiba ng public sa private.

Simula ng mag-aral ako ay sa private na ako kaya naman ay kuryoso ako doon. Noong una ay ayaw ni Daddy kinumbinsi lang si ni Mommy na dalawang taom lang naman ako sa public dahil senior high school na .

At sa pagpasok ko sa public school ay may nayaya sa 'kin na sumali sa isang dance company sa school. Masayang masaya ako dahil doon sa huli kong pinasukan ay kasali din ako sa dance company pero hindi gaanong active.

Dahil sa pagsali ko doon ay may natuklasan akong isang dance workshop kung saan halos lahat ng miyembro ng dance company sa school ay kasali din doon kaya hindi ako masyadong nahirapan sa pakikisalamuha.

Sa dance workshop ko naman nakilala ang lalaking iniibig ko ngayon. We have a same passion kaya siguro nagkasundo kaming dalawa. Tatlong buwan na kami at hindi alam nila Mommy at Daddy iyon. Lalong akong kinakabahan dahil sa sinabi kanina ni Daddy baka mapaaga ang pagpapatapon niya sa 'kin.

Sabi ko dati sa sarili ko hindi ko kayang iwan ang pagsasayaw. Paano kaya ang pagmamahal kakayanin ko kayang iwan?

Dadating kaya ako sa punto na papipiliin ako sa pagsasayaw o sa pag-ibig? Kung oo hindi ko alam ang isasagot ko. Kung parehas kong mahal bakit pa ako papipiliin kung pwede namang pagsabayin.

Tatlong bagay nga pinagsasabay-sabay ko ngayon pero kinakaya ko pa naman. Pag-aaral, pagsasayaw at pag-ibig na hindi alam ng mga magulang ko.

Kaya ko pang isabay ang pag-ibig dahil parehas naming gusto ang pagsasayaw? O mababaw palang ang nararamdaman ko sakanya.

Sarili kong tanong hindi ko masagot ng ayos. Kailangan ko pa sigurong tuklasin kung ba talaga ang gusto ko.

Tanggap ko naman na pag graduate ko ay sa kompanya ako ni Daddy mag tatrabaho pero iniisip ko din ang pagsasayaw ko kung maiipagpatuloy ko pa ba iyon sa mga dadaang mga taon.

Hindi ko pa iyon masasagot dahil nasa kasalukuyan akong panahon. We can't forsee the future unless you have a super power.

Kailangan ko nalang gawin ay maghintay kung kailan dumating ang panahong iyon. Kung pipili man ako sa dalawa ay mas pipiliin ko ang makakatulong talaga sa 'kin.

In this world we need to be practical. Tama na ang pagiging tanga pairalin naman ang tama.

Related chapters

DMCA.com Protection Status