Chapter 18

MABILIS NA natapos ang weekends. At heto na naman kami ni Lucy, naglalakad sa hallway ng Kingston High University. Ang sosyal talaga ng paaralang ito. Nakalulula sa laki ang mga gusali at ang lawak ng oval.

Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang humikab si Lucy. Antok na antok pa siya malamang dahil tinapos yata ang buong season two ng anime na pinapanood niya kagabi. Kasiyahan niya ’yon, eh, kaya hinayaan ko na lang.

“Monday na naman. Nakakatamad pumasok. Sana naman magkajowa na ako ngayong taon para naman may inspirasyon akong pumasok araw-araw,” inaantok na sambit ni Lucy at saka muling napahikab.

Wala namang bago sa’yo, Beshie. Araw-araw ka naman yatang tinatamad pumasok. Bihira lang ’yong araw na gigising ka nang kusa. Kung hindi ka pa talaga bumangon kaninang ginigising kita, malamang sa malamang, iniwan kita sa bahay,” reklamo ko

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status