Chapter 2

I woke up early today to prepare for our breakfast. Good thing, I can manage my time. I’m through dressing up myself with my new set of uniforms, unlike Lucy who is still in her bed, drooling and dreaming for her fantasies. I knocked her room's door three times.

“Lucy, wake up. I bet you don’t want to get us late on the first day of classes,” I exclaimed. Mukhang hindi pa yata naalimpungatan ang babae. Unang araw pa man din ngayon ng pasukan, plus the fact that it’s our first day in our new school. 

I don’t know what’s gotten into my mom’s head why she decided to transfer us from our former school. Sa amin pala nakatira si Lucy. Nasa ibang bansa ang kanyang mga magulang kaya ibinilin nila siya sa amin. Lucy's mom and my mom are best friends ever since they were in gradeschool. 

Kaya ang ending, heto, kami ang nagpapatuloy sa mga nasimulan ng aming mga magulang. She's not only my best friend, she is also my sister kaya kapag inaaway ako ni kuya, may kakampi akong reresbak sa kanya. Hahaha! By the way, nakatira kami ngayon sa isang dorm na may magkahiwalay na kwarto. Malapit lang kasi ito sa bagong school na nilipatan namin. 

Ilang sandali pa, lumabas na rin sa wakas mula sa kanyang lungga ang bruha. Lagi nalang, tuwing first day of school, ganiyan na lang palagi ang eksena ng babaeng ito. Pumasok na siya sa loob ng banyo habang naghahanda ako ng almusal namin. Kanina pa ako nakabihis.

Muli kong tinungo ang kwarto ni Lucy para silipin kung nakabihis na ba siya ng kanyang school uniform. Naabutan ko siyang naglalagay ng kolorete sa kanyang mukha. Napaikot na lamang ako ng aking mga mata dahil sa kaartehan ng babaeng 'to.

“Parang hindi ko feel ang pumasok ngayon,” pag-iinarte niya saka ngumuso pa sa akin. I rolled my eyes and let out a sigh senselessly. Mababtukan ko na talaga siya. Pigilan niyo ako. Hindo niya feel pumasok pero todong pagpapakikay ang ginawa niya sa kanyang sarili. Nagawa pa nga niyang magtali ng buhok at i-braid ang ilang mga hibla nito tapos sasabihin niya sa aking hindi niya feel ang pumasok ngayon?

“Whatever! Come on, let’s eat,” I sneered, rolling my eyes to her for the nth time.

Nasanay na ako sa kaartehan ng bruhang ito kaya wala na itong epekto sakin. 

“Hmmm, beshie, tungkol nga pala dun sa proposal at deal sa iyo ni Mr. Mysterious Poging Cute Stranger na iyon,” Lucy interrupted, reminding me about that jerk. Is it necessary to include 'pogi' and 'cute' in her description? I looked at her with boredom in my eyes while slowly chewing my food. I just let her tell her concern about the topic she opened up.

“Paano kapag nagkita nga kayo ulit? Seryoso? Magpapaalipin nga ba talaga siya sayo?” tanong niya na hindi ko naman alam ang kasagutan. Ngumuya lang ako at di ko siya sinagot. Tumingin lang ako sa kanya nang may blangkong ekspresyon. She just rolled her eyes to me. Alam niya sigurong wala siyang mahihitang sagot sa akin. Malay ko bang pinagloloko lang kami ng kupal na ‘yon. The hell I care. I don't need alipin, alalay or whatsoever. 

Nakikinig lang ako habang nagdada-daldal itong kasama ko. Ako 'yong tipo ng tao na hindi gaanong nagsasalita kapag kumakain. Bahala siyang masamid diyan. Nang matapos na kaming kumain at mag-ayos ng sarili, inihanda na namin ang aming sarili para pumasok.

“Lucy, let’s go!” pagtawag ko sa kanya. Nagreretouch pa yata ang bruha. 

“Haha... sarrey! I'm ready na,” she said out of excitement with lights glittering in her eyes. Ang bilis namang magbago ang ihip ng hangin. Kanina lang ay parang tamad na tamad siyang pumasok pero ngayon parang inasinang bulate sa excitement. Nauna pa siyang maglakad sa akin at napapakanta pa ng paborito niyang background music sa TikTok.

Ilang minuto lang naman ang lakaran patungo sa Unibersidad na papasukan namin kaya minabuti na namin ang maglakad kasi gastos pa sa gasolina kung gagamitin pa namin 'yong kotse ko. Okay lang naman kay Lucy dahil madalas ko pa ngang naririnig sa kanya ang ekspresyon niyang ‘Keri langs!’ sa tuwing tinatanong ko kung ayos lang ba na lakarin na lang namin. 

Pagkarating namin sa main gate ng school, may machine doon kung saan namin iswa-swipe yung mga ID namin para malamang estudyante nga kami sa school na 'to, ang Kingston High University. 

Ang higpit din ng security dito dahil ipinagbabawal ang mga outsiders at ibang mga estudyante galing sa ibang school, unless may mga visiting students na may pahintulot ng school administrator na puwedeng pumasok sa University. 

Kaya siguro dito nila kami inilipat nila mama dahil alam nilang safe kami dito. Hindi naman maitago ni Lucy ang kanyang pagkamangha sa lawak, laki at ganda ng mga gusali ng paaralan. Maging ako rin naman ngunit hindi ko lang pinapahalata.

Naglakad-lakad lang kami sa school ground.

“Beshie, hanapin na natin 'yong klasrum natin,” excited na saad niya. Tumalima naman ako at tumingin-tingin sa bawat classroom na nadadaanan namin papunta sa Senior High building. 

Mabilis naman naming malalaman kung saan ‘yong nakatalagang silid-arklas namin dahil may nakadikit na mga pangalan sa gilid ng pintuan ng bawat classroom.

“HUMSS-12, Lavender Section,” Lucy muttered but I clearly heard it. They named a section after a color. I find our section's name lovely, since, I love variations of violet. Ilang minuto pang paglalakad at paghahanap ng aming klasrum ay nakita na rin namin ito. Nandito lang pala. 

Hinanap namin agad ang mga pangalan namin sa listahan at buti nalang ay hindi nawawala ang mga ito. Pumasok na kami sa loob at may mangilan-ngilan na ring nandito. Dumiretso kami sa likuran at naghanap ng silyang mauupuan. Sakto namang may mga bakanteng upuan sa pinakagilid, bandang likuran nitong silid.

Nakatingin sa aming dako ang kapwa naming mga estudyante. Wala akong pakialam kung nakatingin sila sa amin. Kinunutan ako ng noo nang mapansing wala na si Lucy sa aking tabi. Nagpalinga linga ako at mukhang alam ko na kung nasaan ang bruha. Nakikipagtsismisan na pala. Well, that’s the Lucy I used to know. Palakaibigan at walang hiya. She’s one of a kind best friend- half tao at half animal. I'm not extrovert like her. I just talk when it’s needed or required. 

Few minutes have passed and the school buzzer rang three times, and the speaker set in every corner of the school made an announcement, calling all the students to gather in the school ground for the flag ceremony.

Nagsimula nang magsilabasan ang mga kaklase namin. Walang anu -ano ay hinila ni Lucy ang akinh kamay sabay sabing,“Every Monday ay may Flag Raising Ceremony kaya tara na dahil may parusa raw kapag nahuli ka sa linya.” Mabilis talagang makasagap ng balita ang kaibigan ko. May nalalaman na rin siyang Do's and Don’ts ng paaralang ito.

Pagdating namin sa school ground, luminya kami agad. Mahirap nang maparusahan kung totoo nga ang nakalap na naman na tsismis ng kaibigan kong dakilang tsismosa. 

Ilang sandali pa ay may isang babaeng matangkad, maputi, balingkinitan ang katawan, maganda at nasa mid-30s na ang edad ang tumuntong sa may flagpole at nagsimulang ikumpas ang kanyang dalawang kamay habang sinasabayan ng aming pag-kanta ng National Anthem ng bansa. Matapos ang Flag Raising ay hindi muna kami pinabalik sa aming mga klasrum dahil may sasabihin pa yata ang principal sa aming lahat. I guess, it’s a little orientation.

“Good morning ladies and gentlemen, welcome to our school, Kingston High University for this academic year. For the sake of transferees and new students of this institution, I gladly introduce to you myself. I am Miss Velvet Imperial Castillo, your principal,” pagtanggap at pagpapakilala niya sa amin.

Miss palang siya? Kung ganoon ay wala pa siyang asawa sa ganda niyang 'yan? 

“With all the modesty and in behalf of teachers and students, it’s my pleasure to present to you our new set of Royal Ten.”

Royal Ten? Ano ‘yon? ‘Yon ba ang mga Campus Princes and Princesses nila dito? Well, I heard it from Lucy pero di ko lang masyadong pinakinggan siya noon. Nagsimula na ngang tawagin ni Ms. Castillo ang sinasabi niyang Royal Ten.

“Before anything else, Royal Ten are those students who excel in the past academic year and have good performances within the year. They are the privileged ones in this school because of their exceptional achievements. Without further much a do, it's an honor to present to you the Royal Ten of this school. Rank no. 10, Campus Prince Kai Angelo Ventura!” mahabang litaniya ni Miss Velvet at sinimulan nang ipakilala ang pangsampung kasali sa Royal Ten. 

Pumunta naman sa harapan ang isang matangkad na lalaki at may hindi maikaiilang may hitsura siya. 

Marami namang mga babaeng epal ang tumili sa kanya.

“Rank no. 9, Campus Prince Warren Uy!” Isang chinitong lalaki ang pumunta naman sa harapan at tumabi do'n sa Kai. Muli na namang umepal ang mga babaeng audience at hindi magkamayaw sa pagtili. I just rolled my eyes. Why are they shouting? Is it necessary to do it? If they adore the person, then, they can approach him later and tell to him how much they admire him. 

  

“Rank no. 8, Campus Princess Jamie De Vera!” This time, mga kalalakihan naman ang nag-ingay. Gusto kong takpan ang tainga ko dahil sa ingay na ginagawa nila pero hindi ko ginawa.

“Rank no. 7, Campus Princess Elisa Castillo!” Kaanu-ano kaya ni Miss Velvet 'yong babaeng tinawag niya. May resemblance sila ng principal namin in terms of physical appearance. Marahil ay magkamag-anak sila. Humalik muna ang dalagang nagngangalang Elisa kay Miss Velvet bago sinamahan ang ilang mga Royal Ten. Walang duda, magkamag-anak nga sila. Well, it’s none of my business anyways.

“Rank no. 6, the President of Supreme Student Government, Ms. Shakira Sandoval!” Pumunta naman sa harapan ang isang magandang babae na may morenang balat, mahaba ang buhok, balingkinitan ang katawan at may katangkaran. 

Nginitian naman niya ang lalaking si Kai bago pumuwesto sa tabi ng nasabing lalaki.

“Rank no. 5, Campus Princess Nashi Arcilla!” Sumunod naman ang isang babaeng may blondeng buhok na nabiyayaan ng hinaharap at nakaraan. You know what I mean? Basta 'yon na 'yon. Bahala na kayong umintindi.

“Rank no. 4, Campus Prince Lire Nathan De Los Reyes!” 

Bigla namang nawala ang aking atensiyon sa pakikinig at panonood sa mga Royal Ten nang mapansing wala na naman sa aking tabi si Lucy. Teka lang, nasaan na naman 'yong bruhang kasama ko. Haist, 'yong babaeng 'yon, nawawala na naman. 

“Rank no. 3, Campus Prince Rankine Esguerra!” Nakikinig lang ako sa mga pangalan na tinatawag ni principal pero ‘yong mga mata ko ay nakatuon sa paghahanap sa aking balahurang kaibigan. 

“Rank no. 2, Campus Queen Katherina Angela Collins and rank no. 1, the Campus King or the Prime Master, Rave Castillo! Let’s give them all a round of applause!” 

  

Hindi ko na pinupukulan ng tingin 'yong mga taong tinatawag ni Miss Castillo dahil ‘yong tsismosa kong kaibigan, nakikiusyoso na naman sa mga babaeng hindi niya naman kilala. Nagpalakpakan ang lahat ngunit hindi ko na inabala pa ang sarili kong makigaya rin sa kanila.

Ilang sandali pa ay bigla namang yumuko ang mga estudyante. Hindi ko naman alam ang dahilan ng kanilang pagyuko kaya nakiyuko na lang din ako. 

“You may now return to your respective classes!” dinig kong malakas na saad ng principal. Hinigit ko naman ang braso ng balahura kong kaibigan at saka kinaladkad patungo sa aming klasrum.

“Next time ulit, mga mare,” pagpapaalam pa ng gaga. Parang mga kapitbahay niya lang 'yong mga kausap niya.

Hindi ko tuloy nakita kung sino ‘yong tinuringan nilang Campus King at Queen dito. Isa palang school of monarchs ang napasukan namin. Kinaladkad ko si Lucy hanggang sa loob ng klasrum. Ngumiti naman siya nang nakakaloka sa akin. Maybe she knows why I am acting this way. 

"Sarrey! Nadala lang naman ako sa mga narinig kong balita kanina." At heto na naman siya, the art of reasoning. Maliban sa pakikipagtsismis, magaling din diyan ang bruhang ‘to. Well, I’m used to it.

I rolled my eyes then sat on my chair. Napakunot naman ang aking noo at nagtataka kung bakit ang iingay ng mga kaklase naming nagsidatingan. Bakit ba ang iingay ng mga taong ‘to? Ganito ba sila kapag wala pa ang guro. May sari-sarili silang mundo tapos tili nang tili pa ang mga babae. Ang sarap tuloy manapak.

Walang ibang bukambibig kundi 'yong pangalan ng mga Campus Princes at 'yong Campus King na ‘yon. May patili-tili pa silang nalalaman. 

Lahat naman ay napatigil sa kanilang ginagawa nang may kung sinong pumasok sa loob ng klasrum. I was expecting for our teacher but I’m wrong. 

Tumayo ang lahat at bumati sila ng, “Good morning, Prime Master." Nanlaki ang aking mga mata sa lalaking kasalukuyang naglalakad ngayon sa center aisle. Siya ang Prime Master nila? Siya ba ang kanilang Campus King?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status