Share

Chapter 8

Malapit na ako sa aming boarding house nang mapansing walang nakabukas na ilaw sa loob ng bahay. Nangunot ang aking noo at dali-daling naglakad. Pinihit ko ang doorknob at binuksan ang pinto. Pumasok ako at napakadilim ng buong bahay. Anong nangyari? 

Ilang saglit lang ay biglang bumukas ang ilaw sa sala at bumungad sa akin si Lucy na nakabihis ng pangnanay na damit. Nakasuot siya ng mahabang bestida, at may nakapulupot na tuwalya sa kaniyang ulo. May hawak din siyang walis tambo. Anong drama ng babaeng ito?

“Hoy, bata ka! Anong oras na, ha? Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako naghihintay sa iyo! Ikaw bata ka. Hindi ba't sinabi ko sa iyong huwag kang magpapagabi? Ang tigas-tigas talaga ng ulo mo. Lasing ka na naman. Halika nga dito at nang mapalo kita ng hawak kong walis tambo. Nanggigigil ako sa iyong bata,” panenermon niya sa akin. Napasampal na lamang ako sa aking mukha dahil sa pinaggagawa ng babaeng 'to.

Na-bored siguro siya sa kahihintay sa akin kaya kung anu-ano na namang kabaliwan ang pinaggagawa sa TikTok. 

“Beshie, acting ka naman diyan. Sabayan mo ako,” sambit niya sa akin matapos i-pause ang pagre-record sa kaniyang cellphone. Napaikot na lamang ako ng aking mga mata.

“Sige na, beshie. Isang shot lang,” pangungusap niya sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako. Nang sandaling tumango ako, napalundag naman siya sa tuwa.

“Anong sasabihin at gagawin ko?” tanong ko sa kaniya dahil wala akong kaalam-alam sa aktingan.

“Kahit ano na lang. Basta connected sa sinabi ko kanina,” tugon niya naman sa akin. Napasapo na lamang ako sa aking noo dahil binibigyan niya ako ng sakit sa ulo. Bahala na nga lang.

“Sige, ipe-play ko na 'yong recorder. Lights, camera, action!” magiliw niyang sambit sa akin saka itinutok ang camera sa aking direksiyon.

“Ma, kalma ka lang. Huwag po kayong mag-aalala. May inuwi po akong karne ng manok mula sa birthday na dinaluhan ko. ‘Di ba 'yon naman po ang inutos niyo sa akin? Pupunta sa birthday ni Aling Bebang para mag-uwi ng karne? Heto na po 'yon, 'Ma!” pag-arte ko saka ipinakita sa camera ang hawak kong supot ng karne ng manok. Muli niyang ni-pause ang recorder at saka masayang nagtata-talon. Tae, mukha akong ewan sa script ko. 

On-the-spot acting ba naman kasi. Tinungo ko na ang kusina at hinayaan ko na lamang ang aking kaibigan na panoorin ang aming video. I’m sure, uploaded na 'yon mamaya sa TikTok pagkatapos niyang i-edit. Iyan ang kasiyahan niya kaya susuportahan ko na lang.

Kinuha ko ang chopping board at kutsilyo saka inilabas ang karne ng manok mula sa supot. Inumpisahan ko na itong hati-hatiin sa katamtamang laki at nang matapos ay inihanda ko na ang ibang mga sangkap sa pagluluto ng Tinolang Manok.

Sinamahan naman ako ni Lucy sa kusina habang hawak-hawak pa rin ang kanyang cellphone at mukhang ine-edit pa lang ang dramahang nakunan kanina. At gaya nang inaasahan ko, nagtanong siya kung bakit natagalan ako sa pagbili. Sasabihin ko ba? Huwag na muna sa ngayon. Kukulitin na naman kasi ako niyan mamaya at hindi titigilan sa katatanong kaya pinili ko na lamang na huwag sabihin sa kaniya ang nangyari. Ayaw ko rin siyang mag-alala at saka isa pa, wala ako sa mood na magkuwento ngayon.

“Wala naman. Natagalan lang talaga ako sa paglalakad,” pagdadahilan ko. Mukhang nakumbinsi ko naman siya at hindi na muling nagtanong pa. Bumalik siya sa kaniyang cellphone at napapatawa na lamang nang mag-isa. 

“Kaunting dagdag pa ng effects, push ko na ito sa TikTok. Edit ko lang ito, beshie. Sabihan mo lang ako kung may iuutos ka sa akin, ha!” 

“Sige lang. Ayos lang naman ako dito,” tugon ko sa kaniya. Kaya ko naman ito. Saka nakapagsaing naman na siya ng kanin sa rice cooker kaya ako na lang gagawa nito nang mag-isa. Madali lang naman lutuin ito. 

Hinugasan ko ang dahon ng petchay sa lababo at inilagay ito sa mangkok na medyo may katamtamang laki. Binuksan ko ang gas stove at isinalang ang kawali rito. Iginisa ko ang karne ng manok at hinintay na maging brown ito. Napakabango ng amoy. Kaya gustong-gusto kong magluto dahil sa amoy pa lamang ng mga niluluto ko, nabubusog na ako. Naging bonding na kasi namin ni Mama sa bahay ang pagluluto ng kung anu-anong matipuhan namin. 

Actually, Cookery ang strand sana na kukunin ko no'ng Grade-11 pa lamang ako ngunit ayaw ng mga magulang ko. Galing si mama sa angkan ng mga guro kaya gusto niyang maging guro din ako balang araw. Well, may part din naman sa akin na gusto kong magturo ng mga bata kaya pumayag ako na kunin ang HUMSS bilang strand ko. At dahil nga hindi kami mapaghiwalay ni Lucy, nag-HUMSS na lang din siya. Ni hindi nga siya makapagdesisiyon nang mag-isa at hindi niya noon alam kung anong kukunin niyang strand noon.

Matapos ilagay ang iba pang mga sangkap sa kawali, hinayaan ko muna ito hanggang sa kumulo. Nagsalin ako ng sabaw sa maliit na mangkok at tinikman ko ang aking niluluto para alamin kung sakto lang ba ang lasa nito. Hindi naman ako nabigo. Napangiti ako dahil saktong-sakto lamang ang mga inilagay kong seasoning. Itinabi ko ang sandok. Hininaan ko nang kaunti ang apoy ng gas stove at saka hinayaan lamang ang aking nilulutong kumulo. 

Maaga pa naman at hindi pa siguro late mamaya kapag luto na iyon. Tumabi ako kay Lucy na nakaupo sa dining table. Katatapos niya lang palang ini-upload ang aktingan namin kanina at nakakuha agad ito ng dalawampung views at labing-apat na heart reacts. Real quick. 

Tawang-tawa naman kami habang pinapanood ang final output ng video naming dalawa. Maging ang aming mga boses ay kaniyang pinalitan at ginawang parang tunog chipmunks.

“Parang ewan lang tayo diyan, haha! ” komento ko saka tumawa nang matipid.

“Katuwaan lang naman. Nga pala, tapos ko na 'yong ibang assignments natin. Pero titingnan ko pa rin 'yong iyo mamaya, baka kasi mali-mali na naman ang ginawa ko hahaha!”pag-iiba niya ng usapan. 

“Haha gaga! Baka nga ako mamaya iyong mali-mali ang sagot. Hindi ko gaanong naintindihan 'yong tinuro ng guro natin sa General Math. Mabuti na lamang at kinopya ko 'yong mga example sa blackboard. Pag-aaralan ko na lang mamaya,” hayag ko sa kaniya. Matapos no’n ay tumayo ako at tiningnan ang aking niluluto. 

“Pansin ko nga,” wika niya naman na naging dahilan upang mangunot na naman ang aking noo sa kaniya. Tumingin ako sa kaniyang gawi matapos tikman ang aking niluluto. 

“Anong ibig mong sabihin?” usisa ko sa aking kaibigan. Bumalik ako sa aking niluluto at inilagay ang dahon ng petchay. Malambot na 'yong karne ng manok at nanunuot sa sabaw nito ang linamnam ng karne. Kaunting minuto na lamang at luto na ang Tinola.

“Ilang beses kasi kitang nahuling nakatulala kanina mula nang klase natin sa Reading and Writing. May bumabagabag ba sa iyo, beshie?” alalang tanong niya sa akin. Napaisip ako sandali. Mula no'ng klase namin ng Reading and Writing? Naalala ko na. Marahil ay dahil nadala lang ako sa diskusiyon namin tungkol sa pananaw namin sa salitang ‘pag-ibig’.

Pinatay ko ang gas stove at saka kumuha ng malaking mangkok bago sumagot sa kaniya.

“Wala naman, beshie. May iniisip lang pero ayos lang ako that time. Wala kang dapat ipag-alala,” I said, rest assuring. She smiled to me. 

“Glad to know that. Luto na ba iyan?” she asked while getting spoons, forks and plates from the dish cabinet. She put them on the dining table. Then, she took a bowl to get rice from the rice cooker. 

Matapos kong isalin ang Tinolang Manok sa mangkok, ipinatong ko na ito sa mesa. Hinintay ko lamang si Lucy na sumandok ng kanin sa rice cooker. Naghugas naman kami sa lababo nang magkasunod at saka pinagsaluhan ang niluto ko. I miss eating Tinola. But, because of it, I almost lost my virginity. Darn it! Why am I thinking about it in the midst of eating? Good thing, someone helped me out from that situation and beaten up that guy for me. 

Ipinagsawalang bahala ko na lamang ang aking iniisip at nagpatuloy na lamang sa pagkain. As usual, ang dami pa ring kuwento ng aking kinakapatid na bruha. Hindi yata nauubusan ng salita ang babaeng ito. Kahit sa kalagitnaan ng pagkain ay dumadaldal pa rin siya. Well, nasanay na ako sa kaniya. Halos tatlong taon na rin kaming magkasama sa iisang bubong. Bihira lang din siya umuuwi sa bahay nila at kung uuwi man siya doon, isinasama niya pa rin ako.

Mag-isa lang siyang anak kaya lahat ng gusto niya ibinibigay ng kaniyang. Pambawi na lang din dahil palaging wala ang mga ito sa kanilang bahay para alagaan si Lucy. Masiyado silang abala sa kanilang negosyo sa ibang bansa at halos mawalan na ng oras sa kanilang anak. Ngunit, kahit kailan, hindi umangal si Lucy sa kaniyang mga magulang at patuloy na iniintidi ang mga ito. Alam kong miss na miss na rin niya ang mga ito.

Maybe, some time, they can have a bonding and quality time together. I wish they can have that moment because I want to see my friend being happy her family, too. Life is happier when we are with our family. 

Matapos naming kumain, nagprisintang maghugas ng pinggan si Lucy. Gawin ko na lang daw muna 'yong mga takdang-aralin ko. Aangal pa ba ako? Kahit naman madaldal 'tong babaeng 'to, maaasahan din naman sa mga gawaing bahay. Hindi nga halatang anak mayaman dahil hindi maarte sa mga gawain. 

Kinuha ko ang aking notebook sa subject naming General Math at sinubukang aralin ang mga ipinagsusulat ko kanina habang nagtuturo ang aming guro sa sala. Hindi ko maiwasang hindi mangunot ang aking noo at magkamot ng ulo habang inaanalisa ang mga numero at ilang simbolo na nakasulat sa aking kuwaderno. Minsan, napapangiwi pa ako kapag hindi ko naiintindihan 'yong proseso para makuha ang tamang sagot kaya bumabalik ako mula sa umpisa.

Gustong-gusto ko ang Math ngunit mukhang ayaw naman nito sa akin, haha! Ako na ang mag-aadjust. Tutal sanay naman akong palagi na lang na nag-aadjust sa isang sitwasyon. Ano bang mga pinagsasabi ko? Wala namang koneksiyon sa inaaral ko. Nabuburyo na ako dito. Nakakabaliw naman talagang pag-aralan ang subject na ito. 

I tried solving again the first problem and good thing, I manage to arrive with the correct answer. That almost hit my nerve. Unang problem pa lamang ay hirap na hirap na ako. Pinagpawisan pa ako at parang natatae na ewan. 

Nagawa ko namang sagutan ang pangalawang problem dahil may basis na ako sa una kong ginawa. Madali na lamang pala ito kapag natutunan mo na 'yong formula at tamang proseso ng pagso-solve. 

“Tapos mo na?” tanong ni Lucy na kararating pa lamang dito sa sala habang nagpupunas ng basang kamay. 

“Isa na lang ang sasagutan ko sa General Math. Isunod ko na mamaya 'yong research natin sa Media and Information Technology,” tugon ko sa kaniya habang nakatuon pa rin ang aking atensiyon sa aking ginagawa. Mahaba-haba kasi ang ibinigay na problem sa ikatlong item kaya natagalan ako. Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ni Lucy at nakita ko siya sa aking peripheral view na pumasok rito. Baka may kukunin lang o gagawin.

Namilog naman ang aking mata nang matapos kong sagutan ang ikatlong item. What the fudge? Halos matae-tae na ako sa pagso-solve pero 1 lang pala ang sagot sa equation. Nakakabanas naman nito, haha! Tapos mamaya, mali-mali pa pala ang sagot ko. 

Inunat ko ang aking kamay bago simulan ang aking research sa subject naming MIL. 

“Patingin ng sagot mo, beshie.”

“Huwag nakakahiya ang mga sagot. Baka mamaya, mali pala.”

“Gaga! Hindi 'yan. Akin na. Hindi ko naman kokopyahin. Pagkukumparahin ko lang ang mga sagot natin tapos palitan ko ang sagot ko kapag hindi tayo magkapareho. Mas may tiwala ako sa sagot mo kaysa sa akin, hehe!” pilit niya sa akin saka humirit pa. Napasapo na lamang ako sa aking noo nang wala akong magawa dahil hawak-hawak na niya ngayon ang aking notebook. Mapilit siya, ehh. Bahala siya diyan. Hindi ko kasalanan kapag mali ang mga sagot niya bukas.

Kinuha ko ang aking smartphone sa aking bulsa at saka binuksan ang internet connection. Research lang naman sa Google ang gagawin sa isang subject namin tapos isusulat lang sa notebook namin kung ano ang nahanap namin sa internet na mga impormasiyon. 

“Yes! Pareho lahat ang sagot natin. I’m so proud of myself,” bigla namang naibulalas ni Lucy saka nagtatalon-talon pa sa tuwa. Ang babaw talaga ng kaligayahan ng babaeng 'to. Akala ko kung ano na. Nagulat tuloy ako nang bahagya. 

“Ano, beshie? Magpa-party na ba tayo?” biro ko sa kaniya. Ang saya-saya niya kasi. Akala mo naman ay tumama sa lotto. Pero paano yan tatama, kung hindi naman tumaya. Napaalog na lamang ako ng ulo dahil kung anu-anong kagagahan ang naiisip ko.

“Baliw! Siyempre masaya lang ako kasi sa wakas gumana din ang makikitid kong brain cells sa subject na Math kahit minsan lang,” pagmamaktol niya naman sa akin. Matatawa na lamang ako sa reaksiyon niya ngayon.

“Haha! Oo na. Huwag mo kong ngusuan. Mukha ka ng pato,” pang-aasar ko sa kaniya ngunit sinakyan niya lamang ang trip ko.

“Paano muna 'yong mukhang pato? Ganito ba kaganda? Kung oo, at least magandang pat pato,” panlaban niya sa pang-iinis ko. 

“Maganda? Saang banda? Bakit wala akong makita?”

“Haha! May mata ka naman, beshie. Pero bakit ‘di mo makita ang tunay niyang halaga?”

Tae! Napaikot na lamang ako ng mata sa kaniya at hindi na tumugon pa. Mas magaling siyang mang-asar sa aming dalawa kaya wala akong panama sa kaniya. 

Mahirap ding makipagbarahan sa kaniya ng mga salita dahil well-trained siya sa pambabara kaya minsan pinipili kong manahimik na lang kaysa simulan siyang asarin. 

Nag-focus na lamang ako sa paghahanap ng impormasiyon sa Google at isinulat ang summary ito sa aking notebook. Malapit nang mag-alas diyes nang matapos ko ang lahat ng aking takdang-aralin. Kanina pa nagpaalam si Lucy para matulog. 

Isinara ko na ang lahat ng bintana at itinabing ang kurtina. Ini-lock ko na rin ang pinto bago patayin ang ilaw sa sala at kusina. Let’s call it a day. Ano na naman kayang mangyayari bukas?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status