Fated to Marry the Devil [Tagalog]
Fated to Marry the Devil [Tagalog]
Author: Death Wish
Prologue

Prologue

(Jeff POV)

Nang maka-park ako.

Before I open the door, pumikit muna ako. Kanina pa naglalaro sa isipan ko ang mga tanong na ito…

Tama ba ang gagawin ko? Tama bang makipagtigasan pa ako ng ulo?

This is my last chance to save my business. Most of all, what we called, pride.

I don't need their help either. Tss.

I hate my life. Since business is my life. There is no freedom on it.

Kinuha ko sa backseat ang violet folder at nakaroll na catalan.

This time I need a luck.

Yeah. Isusugal ko ang huling capital na meron ako for this project. Maaring huling maipapasok ko sa negosyo. And it must be work, no matter the circumstances it is.

Kung hindi… ikakahiya ako ng aking pamilya dahil nga sa dumikit na sa akin ang kamalasan.

I belong to the family na malakas ang paniniwala sa swerte at malas. Palibhasa may dugo kaming Tsino. The principle was, we must be competitive about our businesses.

Sana naman ngayong umaga di pa ako sinusundan ng kamalasan.  I gentle open the door. Napabuntong hininga at lumabas.

Naglalakad ako na lutang ang isipan kaya di ko namalayan.

“Eyyyy… Iwas!”

Naramdaman ko ang impact na bumanga siya sa akin. Ikinatumba namin pareho.

“A-aray….”

Masakit ang pagka-bundol ng ulo ko sa pader. May naririnig ako na parang nawala ang signal ko. Masakit sa ulo. Masakit.

Hangang sa naimulat ko ang aking mga mata. Nakadagan siya sa akin.

“So-Sorry.”

Nagmadali siyang bumangon.

Napabangon-upo ako sa semento.  Napahimas sa ulo ko.

“Okey ka lang? Di ko talaga sinasadya…”

Namalayan ko na lamang nagmamadali na niyang pinupulot ang mga nagliparang papel. Tumayo na rin ako.

“Heto.” Sabay abot niya ng mga papel na nagkakagulo ng ipunin nito.

“Sorry.” pahabol niya.

F*ck! Dito na naman ba mag-uumpisa ang kamalasan ko?! At lagi na lang ba sorry parati?!

Nakakasawa na!

“Sorry, nagmamadali kasi—.”

“Son of a b*tch!” Yan ang sapat na tugon na makuha niya sa akin. Palagi na lang ba ganito. Pwes, di na ako makakapayag pa!

Rumihestro sa mukha niya ang gulat.

“I'm sorry.” Sabay abot niya sa akin yung nakarolyong catalan. Inis kong kinuha. Napa-bow siya...

“Sorry talaga.” saka kinuha ang skateboard.

And before she left…

“Kuya! Ganda ng umaga para magsungit! Sayang ng blessing! Iiwas talaga yan sayo. Hala ikaw din mawawalan. Sorry talaga. Goodluck! Have a great day!” at gumuhit sa mga labi niya ng nakaka-insultong ngiti.

Have a great day?

Sinimulan na niya ang pangit na araw na ito.

Tama. Goodluck sa kamalasan ko ngayong araw. Tsk!

Aalis na sana ako ng may makita ako isang bracelet. Pinulot ko.

It was a lucky charm bracelet. Sa kanya ata to. 

Naalala ko yung ngiti niya puno ng positibong aura.

Siguro, this is her lucky charm to remove her misfortunes.

Wala nga namang mawawala kung subukan ko kumapit sa dalang swerte ng bagay.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Donna Lopena
maganda cguro tong kwento.. pero sobrang haba.. 608 chapter.. hndi koto matatapos.. kc need pa ng coins.. kya diko nlng babasahin.. kc diko rin matatapos.. buti pa sa globook libre basahin..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status