Share

Taming the Dangerous CEO [Tagalog]
Taming the Dangerous CEO [Tagalog]
Author: Death Wish

Prologue

((( Julius POV’s  )))

Nagising ako. Dahil ramdam ko napakalamig pero umiinit ako.

Di ko maintindihan ang sarili ko.

Nakaswitch-off ang ilaw. Tss. Naka-robe ako. Tsk!

Anong problema ng paligid? Di talaga ako mapakali sa nararamdaman ko.

Anong klaseng alak ba yun? Tsk.

Inis kong kinapa ang lamp-shade ng bigla akong mahulog.

Argh! Tss!

Nasindihan ko ang lampshade ngunit ng mahiga na ulit ako. Natigilan ako.  May babae sa kama ko! Tatayo na sana ako para mapatay ko ang gumawa nito.  Nang gumalaw at napaharap sa akin.  Tulog siya. Sa mukha ng babaeng yun, naalala ko si Janine.

Napatitig ako ng husto. Na lalong nagpainit sa katawan ko.

Di ko namalayan, titig na titig ako sa labi nito.

Hangang sa di ko napigilan ang sarili ko. Nilapitan ko siya at hinalikan. Na tuluyang di ko na talaga nakontrol ang sarili ko.

Tumugon ang babaeng yun. Kaya tuluyan na akong nalunod sa ginawa ko.

Oo...may nangyari sa amin kung sino man ang babaeng 'to.

((( Janine POV’s )))

Hindi ako makahinga ng maayos. Kaya napamulat ako.

Ngunit di ko nagustuhan ang dahilan! May lalaking nakadagan sa kalahati kong katawan! Napabalikwas ako ng bangon.

Gumalaw ng kunti yung lalaki. Hindi ko siya matitigan dahil napantanto ko. Wala akong saplot!

Hinila ko yung kumot.Upang magsanhi na magising yung lalaki.

Agad kong tinakpan ang sarali ko. At halos di ako makapaniwala na ang lalaking yun ay...

“Zhi-Julius?!”

Tinignan lang ako ni Julius saka siya tahimik na pumikit ulit. Aalis na sana ako sa kama nang may malakas na kamay na humila sa braso ko.Upang makahiga ulit ako. Niyakap niya ako. At ibinulong...

“Matulog muna tayo...”

Mahigpit ang yakap niya sa akin na parang ikina-comportable ko. Kaya unti-unting pumikit uli ang mga mata ko lalo na ng halikan niya ako sa noo. Ngunit!

Napamulat uli ako dahil hindi panaginip ang nangyari kagabi at lalo na ngayon! Napabangon ako!

“Ahhhhhhhhhhhhhhh!”sigaw ko.

Napabangon rin siya. Hawak ko ang kumot lumayo ako sa kanya.

“Huwag kang lalapit sa akin!” Pero bigla lang siya ngumiti ng matitigan niya ako.

((( Julius POV’s )))

Napabangon ako dahil sa bungangang yun. Tinignan ko yung babae.

“Huwag kang lalapit sa akin!” Bigla akong ngumit at natawa sa sarili ko. Kung gano'n ang babaeng 'to ay walang iba kundi si Janine.

“Seems I have a “good” Morning. Good morning Janine.”Bigla akong pinaghahampas ng unan ni Janine. Ewan parang ang saya eh.  Nakalapit ako sa kanya. Pinigilan ko ang kamay niya saka hinila ko siya palapit sa akin.

“Bitiwan mo ako Julius!” Hinalikan ko siya sa noo.

Natigilan siya sa kakapalag.

“Now, your mine.” Saka ko siya hinalikan sa labi.

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Kaya bigla niya akong sinampal.  Ngumiti lang ako bilang tugon...

“I know. I deserve it.” At muli ko siyang hinalikan.

“Julius! Gumising ka nga!” At pinagsasampal ako ni Janine, magkabilaang pisngi. Pinigilan ko ang kamay niya.

“Gising na gising ako. Gusto mo pa?” Pak!

Aww...yun ang masakit.

“Di ako nakikipaglokohan sa'yo!” Ngumiti ako.

“Sa tingin mo niloloko kita?”

“Ahhhh....hmmm..” Hinalikan ko eh.

At bago ako bumangon, hinalikan ko siya sa pisngi. Natulala siya.

Bumangon na ako. Tinali ko ang robe ko at kinindatan siya bago ako pumunta ng banyo.

Nang makapasok ako, narinig ko ang pagsisigaw ni Janine.

Nakita ko naman ang refleksyon ko sa salamin. Ngiting-ngiti na napapailing. Naghilamos ako. Iniisip ko kung sino sa dalawang ama-amahan ko ang gumawa nito.

@DeathWish

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
jiji idio
very nice one
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status