Share

Chapter 5 The Real Devil

( Zhia POV)

Nang matameme ako bigla ng maalala ko nga yung tungkol sa ID ko. Tipong nakipag join force ako sa yaya ni Tobby. Patayin niyo na lang kaya ako. Pero napaunat na lamang ako ng kamay ko sabay, hikab.

Muling narinig ko ang pagbukas ng pinto, halos natrapik ata yung mga customer namin. Lumabas ulit ako para salubungin ang bagong pasyente.

“Miss Zhia Sontoria.” Napa-angat ako ng paningin, at nawala ang ngiti sa labi ko. Bakit duguan ang mga mukha ng mga lalaking 'to na naka amerikana? At mapupuno nila ang waiting area walo ata silang lahat. Wait. Bakit alam nila pangalan ko?  Nanlaki ang mga mata ko. Emergency ba ito? Dental Clinic lang ito at hindi ako Nurse.

“Mga Sir, Dentist Clinic po ito hindi po ito clinic ng mga nakipag-basagan ng ulo.”

Teka nga? Bakit kilala nga nila ako?At sa hitsura nila parang sila yung mga Guardia Civil ng Espania. At bigla akong bumalik sa sarili ko nang marealize ko ngang… sila yung kagaya ng mga bodyguard na nakapalibot kanina sa Herald Residence.

Wait! hindi kaya…

“Miss Sontoria we invite you to come with us and if you decline, were sorry to force you out.” Di pa nga ako nakakasagot lumapit na sakin ang dalawang lalaki at kinaladkad ako palabas ng clinic.

Yung yaya natigilan sa kakapaypay naramdaman na ata niya yung Aircon.

Sa likuran ng Herald Residence ako dinaan ng mga mokong. Halatang nagmamadali.

Ang lalaki ng mga hakbang nila kaya nahihirapan ako maglakad lalo na hinihila nila ako na parang convicted na si Napoles. Talaga bang ganito yung nangyari sa kanya?

“Ano ba! Kaya ko maglakad. Asar naman!” pagrereklamo ko. May mga galit ata talaga ito sa akin.

“Mga bingi ba kayo! Bitiwan niyo na ako! Di naman ako tatakbo! Alam ko kung ano ang nangyayari at haharap ako!” matapang kong sabi sa kanila. Saka nila ako binitawan. Tss! Kailangan pa talaga bungangaan ang mga to.

“Sumunod ka sa amin.” Sumunod na lang ako ng tahimik  pero kidnaping itong nangyayari ah?!  Kailangan ko dumaan sa maayos na proceso. Sabi nga ni Mam sa Mathematics para makuha ang tamang sagot, hinay-hinayin ang processo. Idaan sa PEMDAS mode, mathematical process.

“Teka, ano ba ang atraso ko sa inyo? Para saan ba at dinadampot ninyo ako? Illegeal tong ginagawa niyo diba? Asaan yung warrant of arrest? At wala akong balak makisali sa inyo, di ako marunong makipag bugbugan. Saka bakit ako makikisali sainyo?” nagbabakasakaling may sumagot sa akin. Pa-innocente mode na di ko alam yung nangyari. Ahehe. Palusot ko sagad, kala mo naman bebenta.

Walang sumagot. Poker face lang.

Kinakabahan na tuloy ako. Para na akong kandila na ang bilis mapuspos.

“Kayo ha! Kinuha ninyo akong buhay, ibalik niyo akong buhay!” saad ko na wala paring effect. Parang yung sabon lang na ginagamit kong pampaputi. Nangati pa tuloy katawan ko.

Di nila ako i-uuwi at ibubulok nila ako sa isang silid hangang sa mamatay. Tipong uhaw na uhaw ka, gutom na gutom at kailangan mo na makita si Nature ulit.

Naghantay kami ng elevator. Chance ko na ba tumakas? Eh Walo silang mga lalaki na matatangkad.

Doktora, sana tumawag ka po ng Pulis. Huhuhu. I need your help. Sana magsalita man lang yung Yaya ni Tobby. Paypayan ko pa siya ng sagad, hangang sa umulan ng snow.

Okey lang sana na ang dumampot sa akin Pulis atleast naka-uniform sila. Kasi kung pulis, maari pa ako dumaan sa processo ng pagpapaliwanag.

Aksidente nga yun, bakit ganito sila, di ko na ma-take, ang sensitive naman masyado ng taong yun. Kala mo naman gold yung dinudumi. Saka paano ako magpapaliwanag nakakaintindi ba yun ng tagalog? Ok, subukan ko na lang mag-taglish. Kahit hirap na hinihila ng kalabaw.

Bumukas ang elevator at inilahad ng isa na pumasok na ako.

Sa itaas ng building at madaming security. Feeling ko talaga mahalagang tao ito sa bansa namin.

Papa God, bahala ka na sakin.

Parang alam ko talaga na may atraso ako sa kanila. Nabalian ata talaga eh. Pero ano naman makukuha nila sa isang kagaya ko? Worst baka makaharap ko pa in person ang presidente ng Pilipinas. Wala akong dalang pang-autograph.

Mr.President please help me po. Don't worry kahit saang position ka man tumakbo sa susunod na halalan, sayong-sayo na ang boto ko.

Saka tumigil ang elevator at pumasok kami sa exclusive floor. Shiny masyado ang sahig. Pang royal class, na parang minuto-minuto nililinisan. Napalingon sa akin yung nakasalubong kong mga babae na parang mga flight attendant sa ganda ng tindig at magaganda naman talaga ito. Makatitig naman parang may gagawin ako sa kagandahan nila. Titig sa akin, mula paa hangang ulo. Napataray pa yung isa. Sila na maganda. Alalay lang naman sila sa loob ng eroplano.

Wow, gusto ko nung fountain na nasa may lobby may mga coil fish. Yung lighting ng Interior, thumbs up sa magaling na Interior Designer.

“Mam, keep following us.” Tumigil kasi ako saglit para icheck yung texture ng dingding. Kala mo naman lalayasan ko ang mga ito. Ok.

First time ko sa Herald Residencial Buliding at talagang napakatanyag nga ng gusali. Hangang titig lang ako sa labas. Malaki ang bakuran. Tinalo pa ang Malacanyang sa ganda nga naman.

Karamihang artista tumutuloy, kilala sa bansa, mahahalagang tourista, kaya nga napaka higpit ng securidad dito. Halata naman sa bawat sulok may mga camera na handang I record ang boung pangyayari sa loob ng ilang taon. Live Drama ang peg nito dito. Di lang kagaya ng bahay ni Kuya. Walang Housemate.

In short exclusive lang para sa mga mayayaman na ang bulsa merong siyam at sampong digit ang kanilang kinikita. 

Napadungaw ako sa mataas na bintana at mula doon sa Upper ng isang building, andun ang napakalawak na swimming pool. Wow, parang nasa Boracay dahil naka two piece lang ang mga naroroon at nag-susun bathing sa init pa naman ng Manila. Sila na ang foreigner na di man lang apektado na mangitim. Haist.

“Miss” muli na naman sakin gising ng kasama kong mga bugbog sarado. Oo, mag sosorry talaga ako sa presidente, haist ID na yun di ko alam na magdadala pala ng kamalasan sakin. Plus karma din.

Dumiretso akong naglakad, at namalayan ko sumobra ata ako ng tawagin uli yung last name ko. Nakita ko sila na nakatayo. Sa may double door na malaking pintuan na parang mabigat. Sa katawan nito naka-ukit ang dragon na parang kakainin ako ng dis-oras.

Ang ganda ah. Kapag natumba ang pintong to tiyak durog ang skull ng ulo mo. Ahahaha. Aba naman, nakukuha ko pang makipag joke sa sarili ko. Di ba ako kinakabahan? Hindi na eh.

Presidente yun ng bayan, sus Ama siya ng bayan na ito at ako Anak niya.

Nang pinagbuksan na ako ng pinto. Sumalubong sa tenga ko ang pagmamakaawa ng isang lalaki at sunod sunod na natamo nito ang tadyak at sa bandang huli malakas na kalabog nang sinipa ito at tumilapon sa isang China Vase at nabasag.

Na sa totoo lang akala ko nangyayari lang ang eksenang to sa television. Anong nangyayari? Kalabog? Tadyak? Te-teka?

Tinignan ko mga hitsura ng kasama ko. Bullying ba ito?

Yung sahig may dumadaloy na dugo. Napasinghap ako at napa atras ng harangin ang likuran ko ng mga kasama ko. Napa angat ako ng titig.

Isang golf batter ang pinag hahampas ng isang sadistang lalaki sa lalaking nakahandusay na sa sahig.

Nakayuko ang lahat. Wala man lang silang ginagawa upang tigilan ito. Ramdam na ramdam ko ang takot at pananahimik ng lahat sa silid. Natatakot ako para sa kanila, hindi para sa sarili ko. 

Dim ang liwanag sa boung paligid na parang nagtitipid ng kuryente habang sa labas ng silid na ito, well maayos ang supply ng kuryente yung mga furniture. Di ba nakabayad sa kuryente ang may ari ng silid na ito?

Naiyukom ko ang mga kamay ko. Anong oras man ngayon parang paliparin ko na ang aking kamao. Sa laki ng lalaking nasa sahig umiiyak na ito at nagmamaka awa. Nainis ako bigla. Kalalaking tao nito, hindi marunong lumaban! At bakit naririto ako. Audience lang ng pagmamaltrato nila sa kanilang tauhan? Ako magbibigay ng score para sa kanila para feel yung pagiging madlang people.

“Continue.” Isang matikas na boses ng lalaki na nakasandal malapit sa bintana habang pinapaikot ikot nito sa loob ng baso ang laman nito. Tinapunan ako bigla ng paningin ng lalaki. Nagkatitigan kami ng mata niyang puno ng paghihiganti.  Nakuha ko nga ang atension nila kaya nag-sitigilan, ngunit sa sinabi niya, muling nilapitan ng sadistang lalaki yung kawawang lalaki.

@Death Wish

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status