Share

Chapter 2: Meeting a New Friend

AFTER morning class, dumiretso ako sa cafeteria para kumain pero wala akong makitang bakante. So, I decided to take out my food at naghanap ng lugar na pwedeng pagkainan. Naglibot-libot ako sa buong eskuwelahan at may nahanap naman ako. Medyo malayo nga lang 'yon sa mga school building kaya tahimik at walang gaanong tao. But it's a perfect place para sa akin. Mas prefer ko talaga ang tahimik na lugar. Makakapag-relax ako at saka wala akong maririnig na kahit ano tungkol sa 'kin.

I love this place.

Maraming puno sa paligid at sa 'di kalayuan ay may fish pond sa gitna ng isang malaking hardin na may iba't ibang klase ng mga bulaklak. Sa sobrang ganda mapapa-wow ka talaga. Halos lahat na ata ng klase ng mga bulaklak ay nando'n.

Umupo ako sa ilalim ng isang malaking puno. Pagkatapos, ipinikit ko ang aking mga mata at nilanghap ang malamig na simoy ng hangin. Bigla kong naalala ang tahanan namin sa probinsiya. Marami din kasing mga puno do'n. Madalas din kaming mag-picnic ni mama sa ilalim ng isang malaking puno na malapit sa ilog. Do'n niya ako madalas binabasahan ng bibliya. Minsan nga namimingwit kami ng isda sa ilog. Nakaka-miss ang masasayang araw na magkasama pa kamimg dalawa. And I miss her so much.

Mayamaya, idinilat ko ang aking mga mata. Inilabas ko ang nabili kong bento at saka dalawang tubig mula sa cafeteria. Pagkatapos, ipinikit ko ulit ang aking mga mata kasabay ng pagyuko ng aking ulo at saka nagdasal ng tahimik.

Pagkatapos kong magdasal, idinilat ko ang aking mga mata at iniangat ang aking ulo. Laking gulat ko nang bumulaga sa akin ang mukha ng isang 'di kilalang lalaki. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

Nanlaki bigla ang kanyang mga mata kaya 'di ko mapigilang mapatili at muktikan ng matapon ang pagkain ko. Pagkatapos, napasigaw rin siya nang malakas at dali-dali siyang umatras at humingi ng tawad. Umupo siya sa harapan ko at ngumisi. He's cute when smiling.

Napakunot-noo ako habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa. I think magka-edad lang kami. He's wearing a uniform na kaparehong-kapareho do'n sa mga estudyanteng napadaan sa harap ng classroom namin kanina. I think he's one of them. Sa pagkakatanda ko Angel ang tawag sa kanila. Ano naman kaya ang ginagawa niya rito?

"Pasensiya na kung nagulat kita. Ang akala ko kasi nakatulog ka," paghingi niya ulit ng tawad habang nakahawak sa kanyang batok at nakayuko.

Umiling-iling ako. "Wala 'yon," nakangiti kong tugon.

"Ano nga pala ang ginagawa mo rito?" kunot-noo kong tanong.

"P-puno na kasi ang cafeteria kaya naisipan kong pumunta rito para kumain," tugon niya sabay labas ng mga pagkaing binili niya at saka mabilis na nagsubo sa kanyang bibig.

Bigla akong natigilan at napaisip nang makita ang pagkaing dala-dala niya.

"Dahan-dahan lang, baka mabilaukan ka."

Hindi niya ako pinakinggan. Patuloy pa rin siya sa pagsubo ng pagkain. Ang tigas naman ng ulo ng taong 'to. Siguro kanina pa siya gutom.

"Gwutoym nha gyutum nya kwashi akow," (Gutom na gutom na kasi ako) sabi niya habang may laman ang kanyang bibig.

I giggled. Kapag gutom ang tao, gutom talaga kahit na mayaman ka pa. Ang cute niya talaga. Para siyang batang paslit na hindi pa nakakain.

"By the way, base on your uniform isa ka do'n sa mga estudyanteng tinatawag nilang Angel, am I right?" kunot-noo kong tanong.

Tumatango-tango siya at patuloy pa rin sa pagsubo ng pagkain sa kanyang bibig.

Bigla akong natigilan at napaisip. "You have different uniform and separated classroom. So, dapat naka-separate din ang cafeteria niyo."

Bigla siyang nabilaukan kaya dali-dali kong binuksan ang binili kong tubig at saka pinainom 'yon sa kanya. Sabi ko naman sa kanya magdahan-dahan lang siya pero hindi niya ako pinakinggan. Ang tigas kasi ng ulo. Mabuti nalang dalawa ang tubig na binili ko.

Pagkatapos, huminga siya ng malalim. Halos maubos na niya ang tubig na laman ng plastic bottle sa dami ng kanyang nainom.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya at bakas sa aking mukha ang pag-aalala.

Sino ba naman kasi ang hindi mag-alala? Baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Kaming dalawa pa naman ang nandirito. Wala akong mapaghihingan ng tulong kapag may nangyaring 'di maganda.

"Yup! Maraming salamat dito sa tubig," nakangiti niyang tugon.

Mabuti naman at ayos lang siya. Sa tingin ko mahihirapan ang ibang tao na alamin kung okay lang ba siya o hindi. Dahil palagi siyang nakangiti. Parang wala siyang problema o sakit na iniinda.

"W-walang ano man," pautal-utal kong sabi sabay yuko ng aking ulo. Pagkatapos, kinuha ko ang kutsara at tinidor at saka nagsubo ng pagkain sa aking bibig.

Bakit ba kasi ang cute niyang ngumiti? Pakiramdam ko tuloy ang pula na ng pisngi ko. Please stop that killer smile.

"You're right," he said.

Natigilan ako sa pagnguya at ibinaba ko ang hawak kong kutsara at tinidor. Pagkatapos, iniangat ko ang aking ulo at saka tinignan siya sa mga mata. "What do you mean?" tanong ko sa kanya at bakas sa aking mukha ang pagtataka.

Ano nga ulit ang sinabi ko? Dapat naka-separate din ang cafeteria nila?

"I mean, you're right. Naka-separate ang cafeteria namin sa inyo," he answered. "By the way, how did you know?" pahabol niya.

"Ah... Naisip ko lang," I answered.

Wala kasi sa cafeteria ang pagkaing binili niya. Natatandaan ko pa kasi 'yong mga pagkaing naka-display do'n. Kaya naisip ko na baka binili niya 'yon sa labas o sa ibang establishment dito sa campus. Pero sa pagkakatanda ko, ang cafeteria lang namin ang meron dito sa eskuwelahan. Kaya naisipan kong sabihin 'yon sa kanya.

"Kung gano'n, wala ka talagang alam tungkol sa akin?"

Marahan akong tumango.

Sa totoo lang may kaunting alam ako tungkol sa Angels. Salamat do'n sa mga kaklase ko kanina na nasa aking likuran. Kung hindi nila pinag-usapan ang tungkol sa Angels, siguro wala akong alam kahit na kaunti. At saka hindi ko siya makikilala. Mapagkamalan ko siguro siyang outsider dahil sa uniform na suot-suot niya.

"Sa tingin ko kasi magkakagulo lang sa cafeteria kapag nando'n din kayo," nakangisi kong sabi.

Bigla siyang tumawa ng malakas. Kaya naman ay napakunot-noo ako. Anong problema ng taong 'to? May nasabi ba akong nakakatawa? Parang wala naman, ah.

Hindi ko nalang siya pinansin. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Hindi pa kasi ako nakakalahati.

Ilang sandali pa, tumigil na siya sa pagtawa. "You have a point, pero hindi naman kami gano'n ka sikat para pagkaguluhan ng lahat," seryoso niyang sabi.

Wow! Ang humble naman. Sana may iba pang tao na tulad niya. Iilan na lang kasi ang mga taong humble.

"Oo nga pala, ako si Andrey Crissford. Tawagin mo nalang ako sa first name ko," nakangiti niyang sabi sabay abot ng kanyang kanang kamay para makipag-shake hands.

Tinignan ko muna ang kamay niya bago nakipag-shake hands. "I'm Mila, Mila Alfonzo," pagpapakilala ko sa kanya. Pagkatapos, nginitian ko rin siya.

Hindi niya agad binitawan ang kamay ko. Tinitigan niya ako habang nakangisi. Kaya naman ay tinaasan ko siya ng kilay at agad naman siyang bumitaw.

"Pasensiya na," paghingi niya ng tawad.

"Ayos lang."

"Kung gano'n, ikaw 'yong transfer student na pinag-uusapan ng lahat?" he asked.

Marahan akong tumango. "Parang gano'n na nga." Binuksan ko ang natitirang bote ng tubig na meron ako. Pagkatapos, ininom ko 'yon.

Ang bilis kumalat ng balita. I didn't expect na pati rin siya kilala ako dahil sa usap-usapan tungkol sa akin. Sikat na ako. Joke.

"Hindi totoo ang sinasabi nila tungkol sa 'yo."

Bigla akong natigilan. "Anong ibig mong sabihin?" kunot-noo kong tanong sa kanya.

"Dahil maganda ka."

Muntikan na akong mabilaukan sa sinabi niya. Agad kong tinakpan ang aking bibig.

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Sadyang malabo lang siguro ang mga mata niya kaya niya nasabi 'yon. Kailangan na ata niyang magpa-eye check-up baka kailangan na niyang magsuot ng salamin sa mata.

Mayamaya, ipinagpatuloy ko na ulit ang pagkain at nang matapos ay agad akong nagligpit. Saka tumayo ako at kinuha ang aking bag.

"Aalis ka na?" nakasimangot niyang tanong.

Pwede ba, tigil-tigilan mo 'yang pagpapa-cute mo sa 'kin. Baka mapisil ko 'yang pisngi mo. Nanggigigil ako sa 'yo, eh.

"Yup, may pasok pa kasi ako... Mauna na ako sa 'yo," nakangiti kong tugon. Pagkatapos, kumaway ako at naglakad palayo sa kanya.

"Can we please be friends now?"

Bigla akong natigilan sa paglalakad. Pagkatapos, nilingon ko siya. "Sure," I smiled.

It's my first time to have a friend here at school. Higit sa lahat isang lalaki pa. Hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng 'to. Kung panaginip man ito sana hindi na ako magising pa. Masaya na ako kahit na isang kaibigan lang ang meron ako.

NAPABUNTONG-HININGA ako habang naglalakad palabas ng school gate. Pinagtitinginan kasi ako ng mga estudyante. Ganito rin ang nangyari sa akin kanina no'ng papasok ako dito kaninang umaga. Hindi ba sila nagsasawa sa ginagawa nila? Wala naman espesyal sa akin, ah? Ano bang meron sa 'kin?

Natigilan ako nang may narinig akong tumawag sa pangalan ko. Sa tingin ko boses 'yon ng isang lalaki. At saka pamilyar ang boses na 'yon. Hindi ko lang matukoy kung kanino. Baka guni-guni ko lang 'yon. Sino ba naman ang magtatangkang tawagin ako sa aking pangalan? At saka ayaw sa 'kin ng mga kaklase ko. Wala naman akong ibang kaibigan rito maliban kay Andre-

"Mila!"

Agad akong lumingon sa aking likuran. At laking gulat ko nang makita nga si Andrey. Tumatakbo siya papunta sa kinatatayuan ko at agad namang naghiyawan ang lahat nang makita siya. Napakasikat niya talaga.

"Si Andrey ba 'yon?"

"OMG! Si Andrey!"

Tumigil si Andrey sa pagtakbo nang maabutan niya ako. Napahawak siya sa kanyang dibdib at hinihingal. Pagkatapos, nginitian niya ako. "Sabay na tayong umuwi."

"E-eh? S-sure!" paputol-putol kong tugon.

Napayuko ako nang marinig na pinag-uusapan kami ng lahat.

"Magkakilala ba sila?"

"Bakit kaya sila magkasama?"

"Ano naman kaya ang ginawa niya para mapalapit si Andrey sa kanya?"

Kanina ko pa lang siya nakilala at saka wala akong ginawa para mapalapit siya sa akin. Hindi naman ako gano'n ka despirado na magkaroon ng kaibigan para gumamit ng kung ano. Kung ayaw sa 'kin ng isang tao hindi ko siya pipilitin na magustuhan ako.

Napakuyom ako ng palad. Ano ba kasing problema ng mga taong 'to? Ang gusto ko lang naman ay mamuhay ng mapayapa- walang taong nanghuhusga sa aking panlabas na anyo. At higit sa lahat ang magkaroon ng mga kaibigan tulad ng iba.

Laking gulat ko nang hinawakan ni Andrey kaliwa kong kamay. Iniangat ko ang aking ulo at tinignan siya sa mukha. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi.

"Huwag mo silang pansinin."

Tumango ako at saka ngumiti. He's right. Hindi ko naman sila kailangang pansinin. Wala naman akong mapapala sa mga ginagawa nila maliban sa sakit sa damdamin.

"How about we go to an ice cream parlor?"

Eh?

Agad niya akong hinila. "T-teka! Sandali lang!" Muntik na akong madapa, dahil sa ginawa niyang paghila sa akin. Ang bilis niya kasing maglakad.

Wala pa akong sinabi sa kanya na sasama ako, ah.

Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang sa marating namin ang ice cream parlor. Ilang blocks lamang ang layo nito mula sa eskwelahan. Nag-order siya ng dalawang chocolate ice cream na naka-cone para sa aming dalawa. At kinain namin 'yon habang naglalakad.

Ang sarap naman ng ice cream na 'to.

Nilingon ko si Andrey. "Maraming salamat nga pala," pasasalamat ko sa kanya.

"For what?" He asked with a curious expression.

"For being my friend," nakangiti kong tugon. Pagkatapos, ngumiti rin siya.

Hinatid niya ako sa bus stop at sinamahan niya ako sa paghihintay. Nang may dumating na bus ay agad akong sumakay.

"Mag-ingat ka sa pag-uwi," nakangiti niyang sabi habang kumakaway sa labas ng bintana.

Nginitian ko rin siya at saka kumaway. He looked so kind, gentle and sweet. But I feel like he's hiding something.

I shake my head. Impossible! Mabait siya sa akin at saka parang hindi siya marunong magsinungaling.

Umupo ako malapit sa bintana para makalanghap ng sariwang hangin. At para na rin makita ang mga tanawin sa labas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status