Share

Chapter 3: Lunch Date

IT'S already 11 p.m. and I'm still awake. Kakatapos ko lang mag-review ng mga previous lessons. Marami-rami na kasi ang na-miss kong lessons at saka malapit na rin ang Second Quarter Examination. Kaya kailangan kong doblehin ang pagre-review. Dahil kailangan kong maipasa ang exam. 

I stretch my arms. Pagkatapos, nagligpit ng mga gamit at saka ibinalik ang mga 'yon sa kanilang kinalalagyan. 

Natigilan ako ng buksan ko ang drawer. Nakatago ro'n ang sketchpad na bigay sa akin ni mama at isa 'yon sa natirang gamit sa nasunog naming bahay. 

Kinuha ko 'yon at tinignan isa-isa ang mga sketch na gawa ko. Napapangiti ako tuwing maalala ang mga araw at lugar na ginawa ko ang mga 'yon. Madalas ko kasing i-sketch ang mga lugar na pinupuntahan ko. 

Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang isang portrait. Niyakap ko 'yon ng napakahigpit at saka ipinikit ko ang aking mga mata. Unti-unting tumulo ang aking mga luha hanggang sa hindi ko na napigilan ang aking sarili sa pag-iyak. At ilang sandali pa, napahagulhol na ako. Nanginginig ang mga labi at kamay ko. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko rito.

Mama...

"16 FOR God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life. 17 For God did not send his Son into the world to condemn the world, but—" 

"—To save the world through him," (John 3:16-17) pagtapos ng isang boses ng lalaki sa aking binabasa. Nasa likuran ko siya ngayon.

Isinara ko ang aking bibiliya. Pagkatapos, tumayo ako at humarap sa kanya.

"Hi," nakangiting sabi ni Andrey sabay taas ng kanyang kanang kamay. Pagkatapos, umupo siya. 

Inilibot ko ang aking tingin sa buong classroom. Mabuti nalang walang ibang tao maliban sa aming dalawa. Break time ngayin kaya nasa labas ang mga kaklase ko. 

"Anong ginagawa mo rito?" kunot-noo kong tanong sa kanya.

Yumuko siya sabay hawak sa kanyang batok. "Actually, I just want to invite you to go out for lunch."

Eh? Kahapon ko lang siya nakilala. Kahit na nakasabay ko na siyang mag-lunch nahihiya pa rin ako sa kanya.

Bigla siyang nagpa-cute kaya napa-oo na lang ako. At tuwang-tuwa naman siya. 

Tumayo siya. "Susunduin kita after morning class," sabi niya. Kumaway siya at naglakad palabas ng classroom. 

Tama ba ang narinig ko na susunduin niya ako after morning class? 

Nanlaki ang aking mga mata. "T-teka! Sandali! Hindi mo naman ako kailangan—" Sinubukan ko siyang habulin pero hindi ko siya naabutan. "—Sunduin," sabi ko sa mahinang boses.

Nagkamot ako ng ulo. Lagot ako nito, pag-uusapan na naman ulit kami kapag nakita nila kaming magkasama ulit. Anong gagawin ko? 

NANG tumunog na ang bell, nagmadali akong magligpit ng mga gamit. Baka kasi biglang dumating si Andrey para sunduin ako tulad ng sinabi niya kanina. At ayoko 'yon mangyari. Lagot talaga ako kapag nangyari 'yon. 

Palabas na sana ako ng classroom nang biglang dumating si Andrey. Kaya natigilan ako saglit at nanlaki ang aking mga mata. Oh! My goodness! Hindi ko akalain na ang mapapaaga ang pagpunta niya rito. Wala ba silang pasok?

"Let's go?" he asked.

Tumango ako at saka ngumiti. Pagkatapos, nauna na siyang maglakad. Habang ako naman ay nakasunod lamang sa kanyang likuran. Medyo naiilang pa rin ako sa kanya dahil kakakilala lang namin kahapon. 

Napayuko ako nang pinagtitinginan at pinag-uusapan kami ng lahat.

"Magkasama na naman ulit sila."

"Why she's tailing Andrey?"

"Bakit kaya sila magkasama?" 

Kahit na nanlalambot ang aking mga tuhod, patuloy pa rin ako sa paglalakad. Sinundan ko si Andrey hanggang sa makalabas kami ng school gate.

Natigilan ako at napaawang ang aking mga labi nang makita ang isang kulay puting kotse na nakaparada sa harap ng eskwelahan. Diyan ba kami sasakay?

Nilapitan ni Andrey ang sasakyan at saka binuksan ang pinto. "Ladies first," nakangiti niyang sabi. 

"O-okay," pautal-utal kong tugon at saka pumasok sa loob. At agad naman siyang sumunod.

Umupo ako sa pinakagilid na halos nakadikit na ako sa bintana. Totoo ba 'to? Nakasakay ako sa kotse ni Andrey? 

"S-saan ba tayo pupunta? Kakain lang naman tayo, 'di ba?" tanong ko habang nakatingin sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang nadadaanan naming establishment. Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa sobrang hiya.

"To my restaurant," Andrey answered.

Huh? Tama ba ang dinig ko? Restaurant niya?

Nilingon ko siya. "R-really?" 

"Yes, it's my family business pero ako ang nagpapatakbo." 

"Wow! You're too young to manage a business and you're still studying. Hindi ka ba nahihirapan o napapagod?" 

"Nahihirapan at napapagod din minsan pero kailangan kong tiisin." 

Mayamaya, narating namin ang sinasabi niyang restaurant. At agad kaming w-in-elcome ng mga staff. 

Tinignan ko ang kabuuan ng resturant. Napakalaki at napakaganda nito. Pero ang nakapagtataka, wala ni isang tao ang kumakain. 

"Bakit walang customer?" tanong ko sa aking sarili.

"Ipinasara ko 'tong restaurant para sa ating dalawa."

Nanlaki ang aking mga mata dahil sa narinig. Hindi ako makapaniwala na ginawa niya 'yon para sa akin. 

Nilingon ko siya. "Pasensiya na kung kinailangan mong ipasara 'tong restaurant para sa 'kin." 

"You don't need to apologize. It's my decision na ipasara 'tong restaurant at saka gusto ko lang gawin special ang araw na 'to." He winked at me.

Pero kasalanan ko pa rin. Hindi mo naman kailangan gawin special ang araw na 'to at saka wala naman special sa akin. 

Pumunta kami sa gitna ng restaurant kung saan may naka-prepare na mga pagkain. Pinaupo niya ako. Pagkatapos, umupo na rin siya.

Napaawang ang mga labi ko at napalunok ako ng laway dahil sa dami ng mga nakahandang pagkain. Paano namin uubusin ang lahat ng 'to? At saka hindi naman ako malakas kumain. 

"Shall we eat?" he asked.

"Uhm... Okay lang ba na magdasal muna tayo?" I asked.

"Sure," he replied.

Pagkatapos kong mag-lead ng prayer ay agad kaming kumain. 

Ang sarap naman ng mga pagkain nila rito. 

I swallowed my food. "Hindi ka ba malulugi sa pagpapasara mo nitong restaurant?" Seryoso kong tanong sa kanya.

He chuckled. "Bakit naman ako malulugi? Hindi lang naman 'to ang restaurant na meron ako." 

He's right. Hindi naman siya malulugi dahil lang sa pagpapasara niya nito. 

"Don't worry, isang oras lang naman 'to nakasara." He smiled.

"I see." Nginitian ko rin siya.

Ipinagpatuloy ko na ulit ang pagkain. Kaya naman pala ang taas ng kompiyansa niya sa sarili. Pero sayang pa rin ang isang oras. Malaki-laki na rin ang kikitain niya sa loob ng isang oras at saka lunch time pa.

"Can I ask you something?" 

Natigilan ako at napaisip. Then, I swallowed my food and smile. " Sure!"

"Paano ka napadpad sa lugar na 'to? I mean, lumipat ba kayo ng pamilya mo rito?" He asked with a curious expression. 

Nawala ang ngiti sa aking mukha. "My mom passed away last month. Kasama siya do'n sa nasunog naming bahay sa probinsiya. Kinuha ako ni auntie para manirahan kasama siya at saka siya rin ang nag-enroll sa akin—" natigilan ako nang mapansin ko na tumulo ang luha sa magkabila kong pisngi. Dali-dali kong 'tong pinunasan gamit ang aking mga kamay. 

Natigilan si Andrey sa pagkain. "I'm sorry." 

Umiling-iling ako. "Mabuti pa bilisan na natin ang pagkain. Baka ma-late pa tayo sa afternoon class natin," nakangiti kong sabi.

"You're right."

Ipinagpatuloy na namin ang pagkain at namayani ang katahimikan. Wala ni isa sa amin ang nagsalita. Ayoko rin kasi siyang tanungin at saka wala rin akong maisip na puwedeng itanong sa kanya.

Pagkatapos naming kumain, agad kaming bumalik sa eskuwelahan at sinabayan niya ako sa paglalakad pabalik ng classroom.

"Maraming salamat nga pala sa pagkain. Nabusog ako ng husto sa dami ng nakain ko," nakangisi kong sabi. Pagkatapos, ngumisi rin siya.

"Mabuti naman at nabusog ka. Next time dadalhin kita sa ibang branch ng restaurant namin."

Nanlaki ang aking mga mata. "N-next time? Seryoso ka ba?" 

"Yup! Next time."

"Huwag mong sabihin na ipapasara mo ulit ang restaurant mo para lang sa ating dalawa?" kunot-noo kong tanong.

"If you want."

Naningkit ang aking mga mata. "Huwag nalang tayong kumain kung ipapasara mo lang naman."

Tumawa siya ng malakas. Kaya naman napatingin ang mga estudyanteng nakatambay sa tabi ng hallway.

May nasabi ba akong nakakatawa? Parang wala naman, ah. 

Binilisan ko ang aking paglalakad at iniwan ko si Andrey. Mayamaya, tumakbo siya.

"Sandali lang! Huwag mo naman akong iwan!"

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Tinakpan ko ang aking bibig gamit ang kanang kamay habang pinipigilan ang sarili sa pagtawa. Ilang sandali pa, naabutan na niya ako. 

"Ang bilis mo talagang maglakad," sabi niya habang hinihingal. 

Tumigil siya at inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Kaya naman natigilan din ako at nanlaki ang aking mga mata.

"Are you laughing?" He asked with a curious expression.

Umiling-iling ako habang nakatakip pa rin ang kanan kong kamay sa aking bibig. Pinipilit ko pa rin pigilan ang aking sarili sa pagtawa. 

"Bakit mo tinatakpan ang iyong bibig kung hindi ka tumatawa?" kunot-noo niyang tanong.

Agad kong inalis ang kanan kong kamay kasabay ng pagsara ng aking bibig at saka umiling ulit.

Naningkit ang kanyang mga mata. "Talaga lang, ha?" Ibinalik niya ang kanyang tingin sa daan. Ilang sandali pa, nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad. 

Mayamaya, nakabalik na ako sa aking classroom. At agad naman siyang nagpaalam para bumalik na rin sa kanyang classroom.

Nang tuluyan akong makapasok, pinagtitinginan ako ng masama ng mga kaklase ko. Kaya naman natigilan ako saglit. Siguro galit sila dahil magkasama na naman ulit kami ni Andrey. Wala naman akong magawa para iwasan si Andrey at saka siya ang kusang lumapit sa akin. Ayoko naman siyang ipagtabuyan palayo. 

Ganito ba talaga kalaki ang galit nila sa akin? Simula noong pumasok ako sa eskuwelahang ito, wala na silang ibang ginawa kung 'di pag-chismiss-an ako. Hindi pa ba sapat ang lahat ng 'yon?

Huminga ako ng malalim at saka nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang sa marating ko ang aking upuan. Paupo na sana ako sa aking silya ng biglang may humawak sa aking braso. Kaya naman natigilan ako at napalingon. Laking gulat ko ng makita ang isa sa mga kaklase kong babae na siyang nakahawak sa aking braso.

"At ano naman sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ng kaklase kong babae. Bakas sa kanyang mukha ang galit.

Nilingon ko ang aking mga kaklase. Pinagtitinginan lang nila kami. Wala man lang silang ginawa.

"A-anong ibig mong sabihin?" pautal-utal kong tanong sa kanya. 

Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking braso. Kaya naman napangiwi ako sa sakit. 

"Ano ba? Nasasaktan ako." Sinusubukan kong alisin ang kanyang kamay sa mahigpit na pagkakahawak sa aking braso.

Ano bang problema ng babaeng 'to? Ganito ba siya ka obsessed kay Andrey para saktan ako?

"Layuan mo si Andrey. Kung hindi, hindi lang ito ang aabutin mo!" pasigaw niyang sabi.

Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi. 

"Anong nangyayari dito?" tanong ng isang boses ng babae na nagmula sa pintuan. 

Napalingon kaming lahat at laking gulat ng makita ang guro namin. Agad namang binitawan ng kaklase kong babae ang aking braso. Hindi namin namalayan na tumunog na pala ang bell. 

"Wala po ma'am. Nag-uusap lang po kami," nakangiting tugon ng kaklase ko. Pagkatapos, nilingon niya ako. Tinaasan niya ako ng kilay na para bang sinasabi niya na sumang-ayon ako sa kanya. 

Ayoko sanang magsinungaling pero kailangan, eh.

Tumango-tango ako. 

"Okay, go back to your seats," sabi ng guro namin. At agad na nagsiupo ang iba kong mga kaklase. 

Bago pa ako makaupo, binulungan ako ng kaklase kong babae. "Hindi pa tayo tapos." Agad naman siyang bumalik sa kanyang upuan.

Napalunok ako ng laway sa sinabi niyang 'yon. Dahan-dahan akong napaupo sa aking silya. Pagkatapos, ipinikit ko ang aking mga mata kasabay ng paghinga ko ng malalim. Mali ata tong pinasukan kong eskwelahan.

Binuksan ko ang aking bag at kinuha ang kakailanganin kong mga gamit tulad ng libro, notebook, at isang ballpoint pen. Bubuklatin ko na sana ang aking libro nang makaramdam ako ng kakaiba. Pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Kaya natigilan ako saglit at napaisip. 

Napabuntong-hininga ako at saka binuklat ang aking libro. 

Related chapters

DMCA.com Protection Status