Share

Chapter 5: Chocolate Bar

"I'M really sorry dahil iniwan kita kahapon ng hindi nagpapaalam," nakayukong paghingi ng tawad ni Andrey habang nakahawak sa kanyang batok. Nakaupo siya ngayon sa harap ko. Nandito kami ngayon sa paborito kong lugar kung saan ako nanananghalian.

Umiling-iling ako. Nilunok ko muna ang pagkain at saka ngumiti. "It's okay." Kinuha ko ang paper bag na nasa tabi ko. Naglalaman ito ng uniform at bath towel na ipinahiram niya sa akin kahapon. "Thank you nga pala dito." Iniabot ko 'yon sa kanya at agad naman niya itong kinuha.

"You're welcome," nakangiti niyang tugon.

Nagtaka ako dahil wala siyang dala na pagkain at magulo ang kanyang buhok.

"Are you okay?" I asked.

"Yes, of course!" he replied.

Napakunot-noo ako. "Talaga lang, ha?"

Nagpatuloy na ulit ako sa pagsubo ng pagkain. Halata namang hindi siya okay. Dine-deny niya lang. Ayaw lang yata niyang sabihin sa akin ang problema niya.

"Kumusta pala kayo ni Kira kahapon? Hinatid ka ba niya?"

Natigilan ako sa pagkain. Kira? Siya ba 'yong lalaki na nag-abot sa akin no'ng paper bag? Hindi kasi siya nagpakilala sa akin kahapon kaya hindi ko alam ang pangalan niya.

"Okay lang naman. Hinatid niya ako kahapon," nakangiti kong tugon. "He's quiet but kind person," pahabol ko. Pagkatapos, ipinagpatuloy ko na ulit ang pagkain.

"Eh?" Laking gulat niya sa sinabi ko.

May nakakagulat ba sa sinabi ko? Hindi ba gano'n si Kira kapag kasama niya?

Mayamaya, tumawa siya ng malakas. Kaya naman natigilan ulit ako sa pagkain. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Ang weird naman ng taong 'to.

Ilang sandali pa, tumigil na siya sa pagtawa. "Mabuti naman at kung gano'n," nakangiti niyang sabi.

I smiled. "Don't overwork yourself. You need to take a rest."

Natigilan siya saglit. Pagkatapos, iniyuko niya ang kanyang ulo at huminga ng malalim. "Yeah, you're right."

"Ang makina nga napapagod, tayo pa kaya na tao lang. Huwag mong pabayaan ang sarili mo dahil lamang sa marami kang ginagawa. Kailangan mo rin magpahinga. Puwede ka rin namang humingi ng tulong sa mga taong malapit sa 'yo. Tulad ng pamilya mo, kaibigan mo o ako. Hindi naman sa mababawasan ang loads ng work mo, pero kaya ka namin tulungan sa ibang bagay," nakangiti kong sabi.

Nilapitan ko siya at inayos ang magulo niyang buhok. Ang cute! Para siyang bata na inaayusan ng buhok ng nakakatanda niyang kapatid.

Natigilan ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Pagkatapos, iniangat niya ang kanyang mukha. Kaya naman nagtama ang aming mga mata.

Biglang bumilis ang tibok ng aking puso at uminit ang aking pisngi. Kaya naman nagmadali akong bumalik sa aking puwesto. Iniyuko ko ang aking ulo at nagpatuloy sa pagkain. Ano na naman ba ang ginagawa mo, Mila?

He giggled. Kaya naman natigilan ako sa pagkain at nag-angat ng mukha. Then, he looks at me with a killer smile.

Umiwas ako ng tingin at binilisan ko ang pagsubo ng pagkain. Bakit ba kasi ang cute niya?

"Hinay-hinay lang sa pagsubo ng pagkain baka mabilaukan ka," sabi ni Andrey. Kaya naman natigilan ako sa pagsubo ng pagkain.

"By the way, hindi ka ba kakain?" tanong ko sa kanya.

"Kumain ako ng tinapay bago pa man ako pumunta rito," tugon niya.

"Hindi ka mabubusog kapag tinapay lamang ang kakainin mo."

"Oo pero mabubusog na ako kahit titigan lamang kita," nakangiti niyang sabi. Pagkatapos, kinindatan niya ako.

Muntikan na akong mabilaukan dahil sa sinabi niya. Agad akong uminom ng tubig at saka nagligpit ng pinagkainan.

"Teka, tapos ka ng kumain?" nagtataka niyang tanong.

Tumango-tango ako. Ang totoo niyan nawala na ako ng ganang kumain. Kung anu-ano kasi ang pinagsasabi ng lalaking 'to. Pero kinilig ako do'n sa sinabi niya.

Mayamaya, inilabas ko ang aking bibliya at saka binuklat 'yon. May 30 minutes pa kasi bago mag-umpisa ang afternoon class namin. Wala rin kasi ako ibang gagawin rito. Ayoko na rin kasing kumain. Sayang naman ang oras.

May sinasabi si Andrey sa akin pero hindi ko siya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako sa pagbabasa.

Natigilan ako sa pagbabasa nang bigla siyang tumabi sa akin. Pagkatapos, humikab siya ng malakas. At laking gulat ko nang inihiga niya ang kanyang ulo sa aking balikat.

"A-andrey?"

Nagtaka ako dahil hindi siya sumagot. Kaya naman sinilip ko ang mukha niya. Mahimbing siyang natutulog. Mukhang pagod na pagod nga siya dahil ang bilis niyang nakatulog.

Napangiti ako bigla. Ang cute niya talaga.

NAGMADALI akong tumakbo pabalik sa classroom. Hindi ko kasi namalayan ang pagtunog ng bell. Mabuti na lang dumating si Kira. Pinakiusapan ko siya na samahan si Andrey at hintayin niya itong magising. Ayoko kasing iwan si Andrey na mag-isa sa lugar na 'yon. Baka kasi kung ano pa ang mangyari sa kanya. Lalo na't marami ang mga puno ro'n at malayo sa mga estudyante.

Tumigil ako sa pagtakbo nang marating ko ang classroom. Huminga muna ako ng malalim. Pagkatapos, sumilip ako para alamin kung nasa loob na ba ang guro namin.

Nakahinga ako ng maluwag at tuluyang pumasok sa loob. Wala pa kasi ang guro namin, which is the good thing. Hindi kasi ako mapapagalitan dahil sa late na akong pumasok sa klase niya. Ayoko kasing mangyari ulit 'yong nangyari no'ng first day ko rito. Nakakahiya talaga!

Natigilan ako nang sinalubong ako ng mga kaklase kong babae. Sila rin 'yong mga babae na tumulak sa akin sa fish pond kahapon. Masama ang kutob ko sa kanila. Sigurado akong may gagawin na naman silang 'di maganda sa akin sa araw na 'to.

"Kumusta nga pala ang pagligo mo sa pond kahapon? Masaya bang maligo kasama ang mga isda ro'n?" pabirong tanong ng kaklase kong babae na siyang nag-invite sa akin ro'n.

Nagtawanan sila ng malakas. Kaya naman kumunot-noo ako at kinuyom ang mga kamao ko, halos bumaon na ang aking mga kuko sa palad. 'Yong takot na nadarama ko noon ay napalitan ng puot at galit ngayon. Naiinis ako dahil hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko sa kanila. Pinalaki kasi ako ni mama ng may mabuting puso at kahit na kailan hindi ko nagawang magalit ng ganito. Hindi ko rin ginagantihan ang mga taong nananakit sa akin.

Lumapit siya sa akin at saka bumulong sa aking tainga. "Huwag kang ambisyosa dahil lamang sa tinulungan ka nila. Lagi mong tatandaan, ang demonyo ay mapanlinlang."

Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi. Anong ibig niyang sabihin? Sinong demonyo ang tinutukoy niya?

"Hindi pa kami tapos sa 'yo," dagdag niya. Pagkatapos, bumalik na sila sa kani-kanilang upuan. Habang ako naman ay nanatiling nakatayo. Sinusubukan kong intindihin ang mga sinabi niya.

Sina Andrey at Kira ba ang tinutukoy niya?

I shake my head. Impossible! Hindi nila 'yon magagawa. Hindi ko talaga maintindihan. May tinutukoy ba siyang iba?

Mayamaya, umupo na ako sa aking silya at nilingon siya. Nakangiti ito habang nakahiga ang kanyang ulo sa kanyang palad.

PAGKATAPOS ng klase, agad kong niligpit ang mga gamit ko. Habang nagliligpit ako ng mga gamit ay biglang naghiyawan ang lahat. Kaya naman natigilan ako at napaisip. Busy si Andrey ngayon kaya hindi siya pupunta rito para sunduin ako. Pero sino 'to-

Napaawang ako ng mga labi ng makita si Kira na nakatayo sa aking tabi. Pagkatapos, kumurap-kurap ako. Anong ginagawa niya rito? Wala naman siyang sinabi na susunduin niya ako.

"Ako muna ulit ang magahahatid sa 'yo sa bus stop."

"Huh? Hindi mo naman kailangang gawin 'yon," nakangiti kong tugon. Pagkatapos, nilingon ko ang aking mga kaklase. Medyo natakot ako dahil pinagtitinginan nila ako ng masama.

"Hihintayin kita sa labas," sabi niya. Pagkatapos, naglakad na siya palabas ng classroom. Sinundan ko naman siya ng tingin.

Ni hindi man lang niya ako pinakinggan. Nagmadali akong ipasok ang mga gamit ko sa loob ng aking bag. At agad na lumabas ng classroom.

Natigilan ako ng makita si Kira na nakasandal sa pader. Nakapikit ito habang nakikinig ng kanta sa kanyang headphone. Nakasilid sa bulsa ang kanyang kanang kamay. Habang nakahawak naman sa headphone ang kanan niyang kamay.

"Ang cool niya talaga," bulong ng isang estudyante sa kanyang kasama na nasa aking likuran.

Tama sila. Ang cool talagang tignan ni Kira.

Nabigla ako ng idinilat ni Kira ang kanyang mga mata at nilingon ako. Agad ko siyang nilapitan.

"Tara," nakangiti kong sabi.

Magkasabay kaming naglalakad sa hallway. Pinagtitinginan kami ng lahat pero hindi ko 'yon pinansin. Nakangiti lang ako na parang sira. Wala na akong pakialam kung ano ang sasabihin nila o gagawin nilang panlalait sa akin.

Sobrang saya ko dahil nadagdagan na naman ang kaibigan ko dito sa eskuwelahan. At ang suwerte ko dahil ang babait nila sa akin. Maraming salamat sa Panginoon dahil sa mga kaibigan na ibinigay niya sa akin. Ako na yata ang pinaka-masuwerteng tao sa mundo. Sana nga magtagal pa ang pagsasama namin.

Bigla akong natigilan nang maalala ang sinabi ng kaklase ko kanina."Huwag kang ambisyosa dahil lamang sa tinulungan ka nila. Lagi mong tatandaan, ang demonyo ay mapanlinlang."

"May problema ba?" tanong ni Kira. Natigilan din pala siya sa paglalakad.

"H-huh? Wala. May naalala lang ako," nakangiti kong tugon.

Pagkatapos, nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad.

"Oo nga pala, kumusta si Andrey?"

"Tulog pa rin hanggang ngayon."

Laking gulat ko sa sinabi niya. I didn't expect na gano'n pala si Andrey kung mapagod. Siguro hindi siya nakatulog kagabi kaya gano'n na lang kahimbing ang pagkakatulog niya.

"Kung tulog pa rin siya hanggang ngay- Nasaan siya?" tanong ko sabay lingon kay Kira.

"I called his driver to drive him home," tugon ni Kira.

"Mabuti naman at kung gano'n. Ang akala ko talaga iniwan mo siyang mag-isa sa lugar na 'yon. Maraming salamat sa 'yo."

Ang akala ko talaga iniwan niya 'to kanina do'n sa kakahuyan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kung gano'n nga ang nangyari.

"Nag-aalala ka ba para sa kanya?"

Hindi ako nakasagot. Iniyuko ko ang aking ulo at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Yup! Nag-aalala ako sa kanya. Nag-aalala ako sa kanya na baka kung ano ang mangyaring masama sa kanya. Nag-aalala din ako dahil hindi siya 'yong tipo ng tao na sinasabi sa iba ang problema niya. Ayaw niya kasing tulungan siya ng iba.

"You don't need to worry about him."

Nag-angat ako ng mukha at nilingon siya. "You're right," nakangiti kong pagsang-ayon sa kanya.

Tama si Kira, hindi ko kailangang mag-alala para kay Andrey. Malalagpasan din ni Andrey ang mga problemang meron siya ngayon.

"DITO ka lang. May bibilhin lang ako sandali," bilin ni Kira. Pagkatapos, naglakad siya palayo. Sinundan ko naman siya ng tingin. Pumasok siya sa isang convenience store na malapit lang sa eskuwelahan.

"Ano naman kaya ang bibilhin niya?" tanong ko sa aking sarili.

Mayamaya, lumabas siya na may dalang plastic bag. Pagkatapos, kinuha niya ang laman nito at itinapon ang plastic bag sa basurahan.

Iniabot niya sa akin ang isang chocolate bar. Tinignan ko muna ito bago kinuha. Matagal-tagal na rin simula no'ng huli akong nakakain ng chocolate. Pinagbabawalan kasi ako ni mama noon na kumain ng chocolate. Ayaw niya kasing masira ang ngipin ko.

Hindi naman siguro masama kung kakain ako ng isang bar ng chocolate.

"Thank you," pasasalamat ko sabay kuha sa chocolate bar. Agad ko naman 'tong kinain.

"Ang sarap naman nito," nakangiti kong sabi habang ngumunguya ng chocolate.

Natigilan ako saglit nang tinitigan ako ni Kira. Nilingon ko siya at nginitian. May mali ba sinabi ko? Totoo naman talagang masarap ang chocolate.

Ilang sadali pa, ipinagpatuloy ko na ulit ang pagkain ng chocolate. Medyo na-conscious lang ako dahil pinapanood ni Kira ang pagkain ko. Kahit na hindi ko siya nakikita na pinagmamasdan ako, nararamdaman ko naman 'yon.

Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad at naubos na rin namin ang tsokolate, narating na namin sa wakas ang bus stop. Mayamaya pa, may dumating na ring bus.

"Maraming salamat nga pala sa paghatid mo sa akin dito at saka maraming salamat ulit sa chocolate," nakangiti kong pasasalamat sa kanya. Pagkatapos, ngumiti rin siya.

"Walang ano man," tugon niya.

"Mauna na ako sa 'yo. Mag-ingat ka sa pag-uwi. God bless," pagpapaalam ko sa kanya at agad na sumakay sa bus. Pero bago pa man ako tuluyang makasakay, nilingon ko muna siya at nginitian. Pagkatapos, tinignan niya lang ako ng walang emosyon sa mukha.

Related chapters

DMCA.com Protection Status