Share

Chapter 4 pt. 2

Nang maramdaman ni Yel ang kamay niya ay nakapatong at humahaplos sa buhok ni Sen ay agad niya 'yong tinanggal.

Kinuha niya sa ilalim ng gown ang isang bagay na kasing-laki lang ng takip ng bote, sa kabilang direkyon naman nakatingin si Sen kaya hindi nito makikita ang paghawi niya ng tela pataas hanggang balakang. Ang lingerie niya ay may kasamang holster. Sa kanang hita naka-secure ang isang pistol. Sa kabilang hita naman ay doon nakalagay ang iba pang mini devices.

Pagkakuha niya no'n ay nilaro-laro niya 'yon sa kamay hanggang sa tinawag sila ni Mrs. Suzuki.

Sinundan nila ito at ang asawa nito papunta sa isa pang kwarto, at pagpasok nila ro'n ay may isang married couple na ang nauna.

Habang nakatayong nag-iintay ay isa-sa nang nagsisidatingan at pumapasok ang iba pang mag-asawa, kasama ro'n sila Mrs. Watanabe at Mrs. Sato.

Mayamaya ay may pumasok sa kwarto na isang may katandaan nang babae, hindi ito bumaba kundi nanatali sa taas, sa likod ng pinasukang pinto at tinawag ang atensyon nila.

"Konbanwa mina-san," Good evening everyone anang ng matandang babae at ngumiti sa kanila. "First of all, thank you for coming. My daughters, Chika and Tatsuko and to their loving husbands, thank you."

The old woman speaks with accent glancing at her daughters, at Mr. & Mrs. Watanabe and Mr & Mrs. Sato. Si Mrs. Watanabe ang Chika, at si Mrs. Sato naman ang Tatsuko.

"My sons, Yuuma and Reo." Tumingin ito sa gawi nila Mrs. Suzuki at nang magtama ang mga mata ng matanda at ni Mrs. Suzuki, "And my kind and beautiful daughter in law, Kiel, " the old woman announced. Then she glanced at the woman beside her son Reo and chuckled. "Well, I knew you'll really come, Alice."

Everyone in the room noticed the hint of dislike in the old woman's voice as she mentions her other daughter in law.

"To our guests, Mr. & Mrs. Sawada, I hope you will enjoy your evening with us." Yel and Sen nodded.

Mrs. Suzuki whispers to them that she already explained to her mother-in-law about having them tonight. Ang lahat ng anak nito ay pinayagang magsama ng plus one, it's a party after all, pero walang ibang nagsama kaya sila Sen at Yel lang ang hindi kapamilyang naroon.

"My children, my heirs, I gathered you all here to talk about your inheritance."

At nag-umipisa na nga magpaliwanag ang ginang kung kanino mapupunta ang assets sa mga gusto niyang mag may-ari no'n. 

"Sankyuu, okaasan," Thank you, mama sabi ni Chika. "This is more than enough for me, you didn't have to really."

"Me too. You provided all our needs and gave us the privilege to get an education so we can live on our own," dagdag din ni Tatsuko.

They all agreed, even Kiel and her husband.

Walang problema sa kanila na ang makakakuha ng pinakamalaking pamana ay ang anak nitong si Reo. Si Reo lang.

"Domo arigato." Thank you very much. Ngumisi si Reo na walang pakialam kahit na nakaka offend sa asawa niya ang ginawa ng ina niya. Hindi nito napansin ang pagtatagis ng bagang ni Alice.

"Hoka no onna wo sagase." Find another woman.

"Someone who's not a gold digger. No matter how much money you have, you'll be broke in no time if you're with someone like her," sabi ng ginang sa anak niyang si Reo habang nagsasabi ng hindi magagandang bagay sa asawa nitong si Alice na kaharap lang nito.

"I'm not a gold digger!" Alice snapped.

"It's your son who keeps on spending money. I told you that before but you didn't believe me. He doesn't respect what's mine and what's ours. He just spends it all!" Alice explained, frustration puts her in the verge of tears. 

"Honto nano, Alice-chan?" Really? her mother-in-law asked her in a mocking way.

Nawalan ng ekspresyon ang mukha ni Alice at matamang tumingin sa ginang.

"I'm not a gold digger. I'll show you."

Pagkasabi ni Alice no'n ay may nakita silang red dot sa dibdib ng ginang. Indikasyon na target itong patayin.

Pero hindi tulad ng inaasahan ni Alice ay walang nag panic, maging ang bisitang mag-asawang Sawada.

The old woman chuckled. "You think you can scare me with this? A laser? You cheap woman!"

"Fine,"

'I didn't plan to spend money just to assassin you, anyway. You're not worth it,' nasusuklam sa matanda na aniya ni Alice sa isipan. 

Nakita nila ang paglapit ng isa sa servant ng yacht kay Alice.

"How about this..." sabi ni Alice ng hindi nakatingin at abala sa paglagay ng load sa baril.

Pinakita nito ang pagdampot ng bala mula sa unan na may tela na hawak ng servant, nilagay sa naka detached na magazine at ipinasok iyon pabalik sa magazine well sabay kasa ng baril at tutok sa ginang.

"Okaasan!"

Napasigaw ang mga anak ng ginang sa takot, at ang mga asawa naman nito ay akmang lalapit para hilahin palayo ang ginang nang mamatay ang ilaw.

Napaigtad sila nang may marinig na pagsabog sa isang bahagi ng kwarto. Unti-unti na silang binabalot ng kaba at takot dulot ng nakakabulag na kadiliman kaya hindi nila alam ang nangyayari at kung ano ang gagawin.

Ilang segundo lang ang lumipas ay bumukas muli ang ilaw. Sa takot at taranta ay walang nakapag-isip sa kanila ng tama sa loob ng ilang segundo, kaya nang bumukas ang ilaw ay nasa ganoong posisyon pa rin sila.

Hinanap agad ng paningin nila ang ginang ngunit wala ito sa kinatatayuan nito kanina, sa halip ay mga nakahigang walang malay na servants, kasama ang waiter at maids ng yacht ang nagkalat sa sahig at napansin nilang may mga nakaturok na parang dart arrow sa katawan ng mga ito. 

Tumingin pa sila sa paligid at may napansin.

Bukas na ang pinto at wala ang mag-asawang Sawada...

────── 〔GↃ〕──────

Nang itutok ni Alice ang baril kay Mrs. Suzuki, ang matandang babae. Agad na namatay ang ilaw. Ichi.

Pinindot naman ni Yel ang button sa phone niya para mag play ang sound ng isang pagsabog gamit ang maliit na speaker na nilalaro niya kanina at pasimpleng inilagay sa isang parte ng kwarto. Dahil maliit ito at busy ang lahat ay walang nakapansin rito nang ilagay niya kanina.

Nang ma-distract ang mga kasama sa kwarto sa pagsabog ay tsaka niya hinugot ang tranquillizer pistol mula sa holster sa hita niya. One person, one tranq arrow. Sapat na ang isang tranquillizer na gawa ng Kyumei para mawalan kaagad ng malay ang isang tao.

Habang si Sen naman ay hinabol ang tumakbong si Alice. Kasabay no'n ang pagbukas ulit ni Ichi ng ilaw sa kwarto.

"I'm on the run, find that old woman. Don't let her get away unscathed," sabi ni Alice sa isa pa niyang kasabwat sa kabilang linya. Ito ang responsable sa laser na nakatutok sa ginang kanina.

Napatigil sa pagtakbo si Alice at naibaba ang phone nang may humarang sa daraanan niya

'What a broad chest'.  Umangat ang tingin niya sa taong nakaharang.

"Mr. Sawada..."

Iaangat sana ni Sen baril na hawak nang magsalita si Alice.

"Please don't! I just did it to warn her, to prove that I'm minted myself. I mean no harm - -"

Sen pulled the trigger.

***

"DOKO NI IRU NO, kusobaba?" Where are you, old woman? malakas at pakantang sabi ng kasabwat ni Alice habang naglalakad-lakad sa pasilyo at tinatakbuhan ito ng mga natatakot na staff dahil sa hawak nitong baril.

Naririnig 'yon ni Yel at ng ginang habang hinihintay nila ito sa pinagtataguan nila.

Nakiramdam ang lalake sa presensya ng tao. Maingat siyang naglakad papunta sa dulo ng pader ng deck, at nang makarating dito ay mabilis siyang pumihit

"Gotcha!" he beamed. Pero unti-unting nawala ang reaksyon ng mukha niya kagaya ng sa kaharap niya.

Bukod sa mukha nitong maganda, ay ang grey ombre nitong buhok ang napansin niya.

'Ikaw na ba papatay sa'kin?' Yel's happy thought.

"Hi," bati ni Yel at inaantay na barilin siya ng lalake na inaakalang siya ang ginang.

Alice's accomplice was about to pull the trigger and Yel is just waiting while posing when the gun dropped and the man suddenly stilled, face weirdly contorted until it's body slowly fell on the floor.

Yel sighed.

"Yel!" si Juu 'yon na nakahawak pa ang dalawang kamay sa tranquillizer gun.

Imbes na magpasalamat ay sumimangot si Yel.

Dumating na rin kung nasaan sila Sen at Ichi na hawak si Alice na tulog, kasunod nito ang mga anak ng ginang at mga asawa nila.

Lumabas ang ginang sa pinagtataguan at nilapitan ito ng mga anak.

"Okaasan, gomenasai!" malakas na aniya ni Reo at yumuko ito sa harap ng ina, umabot pa ang ulo nito sa sahig.

Yel and Sen's team tune them off. Tumingin sila sa ilalim ng railing ng yacht. At nandoon si Hyaku na minamaneho ang isang boat.

Nagpaalam sila kay Kiel at sumakay sa boat para lumayas. Ang mga pulis na ang bahala sa pagkulong kay Alice.

Mandaluyong City, Philippines

Kinabukasan ng hapon ay nakauwi na rin sa wakas si Yel sa Pilipinas.

Pagod na pagod itong pumasok sa kabahayan at de-deretso sana sa kwarto nang hindi siya lubayan ng masamang titig ng mga magulang, at grandparents niya.

'Ba't sila nandito?'

"Anong meron?" tanong niya, kunot ang noo.

"Yilsa asa'n ang lalakeng sinasabi ng tita mo?!" intrigang sigaw ng lola niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status