Share

Pilot Chapter pt. 2

Dalawang buwan na ang nakalipas mula ng insidente. Dalawang buwan na ring kasama nila Sen at ang team nito si Yel dahil giniit ng binibini na manatili sa kanila dahil ayaw nitong umuwi sa pamilya niya at... pumayag naman si Sen.

Kahit lumipad ang team ni Sen papuntang Japan para sa isang misyon ay kasama pa rin si Yel. Kung anong misyon? Hindi nila sinabi kay Yel, at wala rin namang pakialam ang huli. 

Aichi, Japan

Lumabas si Yel sa kwarto niya pagkagising at naabutang nagluluto si Hyaku.

"Yel-san! Ohayou!" bati ni Ichi na nasa counter nang makita siya. Mukhang hinihintay nitong matapos ang niluluto ni Hyaku.

"Ossu!" Napansin ni Yel na maraming sangkap ang nakalapag sa counter.

"Anong meron?" tanong ni Yel habang nakatitig sa mga ingredients, tama lang ang lakas ng boses niya para marinig ng dalawa. Bahala na kung sino rito ang sumagot.

"Bibisita yung kapatid ni Sen-sama," sagot ni Ichi habang nakahalumbaba.

"Yel, pakihiwa nga 'tong mga 'to," utos ni Hyaku na nakatingin sa mga gulay at raw meat habang ang kamay ay tuloy pa rin sa paghalo ng niluluto. 

Sumunod naman si Yel. At palaging satisfied ang pandinig nila Hyaku sa tunog ng kutsilyo na tumatama sa chopping board dahil sa suwabeng paghihiwa ni Yel. Mukha siyang professional cook kung titignan, pero inamin niya na sa paghihiwa lang talaga siya magaling noong nagtanong sila Ichi kung nagluluto raw ba talaga siya. 

Kinuha ni Yel ang isang half ng onion na nakababad sa tubig para malinis at pinuwesto sa chopping board.

She slices the 1/2 onion horizontally, and positioned it, the scales facing the knife then she chopped it. Naging maliliit na squares ang mga hiniwa niya. 

Kahit marahas lagi ang paggalaw ni Yel ay nagmumukhang swabe ito dahil on point ang pagkakahiwa niya.

Lumipas ang ilang oras at natapos na sila sa pagluluto. Narinig naman nila ang busina ng sasakyan. Here they are. 

May naramdan si Yel na kakaiba habang naririnig ang pagpasok ni Sen at ang kapatid nito. Parang may masamang mangyayari.

────── 〔GↃ〕──────

Pagkatapos niyang kumain ay umalis na siya sa hapagkainan para gumawa ng kape.

Nakadantay lang siya sa counter habang inaantay ang tubig na kumulo nang pumasok sa kusina ang kapatid ni Sen.

Malaki na ang tiyan ng kapatid ni Sen dahil sa ilang buwang pagbubuntis. Yel looked down dahil ayaw niyang makipag eye contact.

HINDI NAMALAYAN ni Yel ang nangyari, basta na lamang siyang napasigaw sa nakababatang kapatid ni Sen.

Narinig naman nila Hyaku ang komosyon at halos lumipad na ng kusina ang tatlong lalaki dahil sa pagkabahala.

Naabutan ni Sen na minura ni Yel si Leiko, ang kapatid niya. Kaya naman nagdilim ang paningin niya at pumagitan sa dalawa.

"You." Sen was furious. Natahimik ang lahat. Hindi maintindihan ni Yel pero natakot siya.

"Wala kang karapatang sigawan ang kapatid ko! 'Yang kakulitan mo, it's annoying the hell out of me! Pero hinayaan pa rin kitang tumira dito dahil may pinagdadaanan ka to the point na nagpakamatay ka pa!" Sen laughed bitterly.

"Sana pala hinayaan ka nalang namin mamatay."

Parang may pumiga sa puso ni Yel sa mga salitang lumabas sa bibig ni Sen. She's in the verge of crying and about to walk away but Sen grabbed her arm, tightly.

Tuluyang umagos ang luha niya dahil doon, dahil sa sakit. Natigilan naman si Sen sa reaksyon ni Yel at may naramdamang kakaiba sa palad niyang nakahawak ng mahigpit kay sa braso nito.

Shock is an understatement sa naramdamang gulat ni Sen nang makita ang lapnos na balat ni Yel.

Bago pa man niya mabitawan ang braso ni Yel ay nawalan na ito ng malay.

"I'm sorry, I'm sorry..." Panay ang hingi ng tawad ni Sen habang buhat ang walang malay na si Yel papasok sa kwarto nito at inihiga sa kama. 

Pumunta siya sa kwarto kung saan nandoon si Hansuke, ang doktor na kasama nila at ang parehong tao na gumamot sa saksak ni Yel.

Sen kneeled down in front of him while crying.

"Please, save her."

Hansuke's shocked seeing Sen, the person who hates him with his life crying and doesn't mind kneeling and begging for him to save Yel.

────── 〔GↃ〕──────

Hans sighed while he's treating Yel's burn. 'Di niya maikailang medyo OA si Sen.

"Save her, my ass." Hindi naman gano'n kalala ang natamo ni Yel, thankfully. Hindi malala pero masakit, lalo na sa paghawak ng mahigpit dito ni Sen kanina. 

The night came, Yel woke up feeling warmth. Nang tignan niya, napapalibutan siya ng mga unan. It feels comfortable, lalo na ang comforter.

Nang lumingon siya sa gilid ay nakita niya si Sen na nakapatong ang pisngi sa isa sa mga unan. In one look, Sen was sleeping peacefully. Umupo si Yel sa kama. Thinking that Sen fell asleep taking care of her but she doesn't want to assume. Pero, mabuting tao si Sen, pero galit din ito sa kanya... 

Naiyak siya sa naalala. Maingat siyang umalis ng kama at kinuha ang bag na suot niya 2 months ago. Laman nito ang isang campus notebook, ballpen, wallet, school ID, at passport na pagmamay-ari niya. 

Walang ingay na naglakad patungo sa pinto ng kwarto si Yel. Bago tuluyang lumabas ay nilingon niya ang natutulog na si Sen, 

"Sayonara."

────── 〔GↃ〕──────

Nagising si Sen at ang una niyang tinignan ay si Yel, ngunit wala ito sa kama.

Nawala ang antok niya at agad na tumayo para maghanap sa kwarto. Patuloy pa rin siya sa paglakad upang makita si Yel kahit na nagdidilim at umiikot ang kaniyang paningin dahil sa biglaang pagtayo. 

Chineck niya ang cr sa loob ng kwarto, wala. Tinignan niya ang walk-in closet, wala. Nandoon pa rin ang mga damit ni Yel na binili niya.

Lumabas siya ng kwarto na nagbabakasakaling kasama lang ito nila Hyaku pero, wala.

Halo-halo ang nararamdamn ni Sen. Worry, regret, guilt, anger--he's so angry with himself. 

"Sen," tawag ni Hansuke kay Sen na sinesenyasan siyang pumasok sa CCTV room. 

Ni-rewind ni Hans ang footage kung saan nagsimula ang komosyon kanina nila Leiko at Yel. 

Napahilamos nalang ng mukha si Sen nang makitang si Leiko ang nakasanggi sa electric kettle at natapon ang laman no'n kay Yel.

Pareho silang napa-face palm ni Hans nang si Leiko pa ang nagalit at mula roon ay nakita nilang nag umpisang magalit na rin si Yel. 

Nang lumabas si Sen sa CCTV room ay nandoon si Leiko, lumapit ito sa kanya. 

"Nii-chan, sorry. It's the fucking hormones." Ang epekto ng pagdadalang tao ang tinutukoy nito. 

"Don't cuss in front of me," Sen said coldly, being the strict older brother that he is. 

Leiko could only look down, alam niyang mali siya at sinisisi niya ang sarili niya dahil sa mga nasabing hindi maganda ni Sen kay Yel kanina.

Hinaplos ni Sen ang ulo ng kapatid at hinalikan ito sa noo. "Ihahatid na kita."

5 years later

Makati City, Metro Manila

"Sen-sama!" humahangos na tawag ni Juu pagkatapos tumakbo palapit kay Sen. Nakapatong pa ang mga kamay sa magkabilang tuhod.

"Bakit?" nagtataka si Sen, at nahihiya rin. Nasa loob sila ng mall at pinagtitinginan dahil sa pagsigaw ni Juu.

Winagayway nito ang hawak na papel. Isang brochure.

"Nakita ko na siya!" Juu beamed.

Sen looked at him weirdly until it hit him.

Sino ba ang hinahanap niya sa nagdaang taon? Si Yel.

"S-saan?"

Sa halip na magsalita ay binuklat ni Juu ang brochure, nakabaliktad ang text kay Juu para mabasa ito ni Sen.

Napakunot ang noo ni Sen nang mabasa ang dalawang salita na naka print sa malalaking letra. 

"Golden Cuisine."

---

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status