Share

Chapter 1

Golden Cuisine, Metro Manila, Philippines

Kinukulayan ang isipan pabalik sa nakaraan šŸŽ¶

Sumasabay sa kanta ang isang binata sa loob ng isang kuwarto ng Golden Cuisine habang may inililista sa inventory book.

'Wag mo nang balikan, patuloy ka lang masasaktan šŸŽ¶

Nagpatuloy sa ginagawa ang binatilyo habang kumakanta ng mahina.

Tayo ay pinagtagpo ngunit hindi tinadhana šŸŽ¶

"PUSO NATIN AY HINDIIIII SA ISA'T ISAA--" Napatigil siya sa pagkanta nang biglang bumukas ang pinto.

Siguradong dinig na sa labas ang pagkanta niya kaya nahiya siya bigla pero mas natakot siya nang makita kung sino ang nasa pinto. Naka black na slacks at blue na long sleeves polo.

"Boss," bati niya kahit pa nakatingin ito sa kanya na parang papatayin siya habang nakahawak sa doorknob ng binuksang pinto.

Nginitian ni Ceno ang boss niya at tsaka itinigil niya ang kanta at pinalitan 'yon ng iba. Siya ang in-charge sa music ng Golden Cuisine, kung saan OPM ang pinapatugtog.

Yel withdrawn her gaze and just sighed at her employee then she head back to the kitchen. Ang aga aga may nararamdaman siyang hindi kaaya-aya.

Pinagpatuloy niya na ang ginagawa kanina. Tumingin siya sa wall clock at nakitang malapit na mag 4am. Tumutulong siya sa mga staff maghiwa ng karne at kung ano-ano pa. Kailangan fresh ang ingredients nila. Pagkatapos ay nagbake siya ng breads at set of cakes na ilalagay sa bakery display cabinet para sa araw na 'yon.

It's 8am sharp, Milverton of Golden Cuisine steps outside to flip the signboard to "Open" at the main door. Then the two security guards started to open the gate.

Then few moments later, customers filled the restaurant.

Golden Cuisine is a Spanish Era themed restaurant. From the outside to the interior, the building was design to be just like a restaurant back in the 1890s. Offering Filipino-Spanish cuisine and innovated dishes. But, beside from playing OPM, inviting music bands to play, and performing cultural dances, the Golden Cuisine is famous for the full Filipino tradition experience.

The customers get to wear traditional clothes. Traje de mestiza for women, bakya (footwear made of woods  are also available. And Barong-tagalog for men that are readied by the restaurant. People can also bring their own.

Golden Cuisine is also open for the makers of Filipino souviners to sell inside the gates.

Nahahati sa dalawa ang menu, ang unang bahagi ay tinatawag na Elle, naglalaman ito ng listahan at larawan ng dishes. Ang pangalawang bahagi naman ay tinatawag na Yel, mga dessert naman ang laman nito.

Ang pangalan ng menu ay binase sa pangalan ng dalawang owners ng Golden Cuisine. Si Yel at Elle.

Magkaibigan na ang dalawa simula elementarya at parehong haling sa pagluluto.

Pâtissier Station

Dumating ang tanghalian at nananatili lang sa kitchen si Yel.

Tinitignan siya ng mga co-pastry chef niya dahil nasa kusina lang siya magmula kanina.

"Amo, kain," alok sa kanya ni Asukal managhalian.

Kahit wala siya sa mood, Asukal is too kind to ignore kaya…

"Sige lang," she replied.

Mag-iisang taon na ang Golden Cuisine at nagpapasalamat siya sa mga empleyado nila, mukhang hindi siya nagkamali. Siya rin ang naturang HR ng restaurant na nag interview at nag hire sa maraming nag-apply. Maging ang kapwa chef ni Elle sa kabilang station ay sa kanya rin kinonsulta.

Palipat-lipat lang si Yel ng stations para tumulong. At ngayon pumunta siyang Rotisseur station kung saan si Elle a head chef.

Pero pagtingin niya ay wala ito.

Sumilip siya sa labas, nakita niya si Ceno na naglalakad at napalingon sa direksyon niya kaya biglang napa-hakbang ito pabalik.

"Boss!" Lumapit naman ang kaibigan ni Ceno sa tabi nito. Napansin ni Yel na naka uniporme ang kasama niya, ibig sabihin papasok na ito sa afternoon class. Tumango na si Yel bago pa makapagsalita ng paalam si Ceno.

Naglakad si Yel papasok sa control room para gawin ang naiwang trabaho ni Ceno.

Pero habang naglalakad ay naririnig niya ang usapan ng mga customers, foreigners ang mga ito at masayang kinukuhaan ng litrato ang tilapia, fried tilapia with grapes na galing pa sa Lomboy Farms.

"I'll send this to my wife," she overheard. Wala raw kasing tinik ang isda na sine-serve sa kanilang bansa kumpara rito sa Pilipinas.

Nang makapasok sa control room kung saan may mga monitor na nagpapakita ng real-time footage sa iba't ibang parte ng restaurant pati na ang parking lot. Sa kwarto na rin 'yon mina-manage ang pinapatugtog sa loob ng restaurant.

Arms crossed, nagmasid si Yel mula sa monitors. Sa isang monitor ay kuha sa balcony, may mga babae dito na pumo-pose sa harap ng camera ng kasama nila. Nakasuot ang mga ito ng traje de mestiza o mas kilala rin bilang Filipiniana.

Sa isang monitor naman ay may grupo ng tao, nagsasalita sa harap ng camera, 'vloggers'. Yel shifts her look at the other monitor, may mga nakita siyang bagong regular customers. Hindi pa siya lumalabas sa dining area nitong nagdaang araw. Iniiwasan niyang humarap sa customers ng hindi maayos ang mood niya.

Bigla namang naging malinaw sa pandinig niya ang pagkatok sa pintuan ng control room. Napakunot ang noo niya.

"Miss Yel, gusto ko raw po makausap ng isang vlogger," imporma ng isa sa mga camarero, si Milverton.

Tumingin naman siya sa monitor kanina at nakitang nakatayo doon si Elle at nakikipag-usap sa vlogger.

'Hindi pa ba sapat si Elle?' She grunted, annoyed that those people are being demanding.

Pero napatanga nalang siya nang may kumaway sa kanya mula sa monitor.

Lumabas siya ng control room at pinuntahan ang batang 'yon.

Nag cheer naman ang mga vlogger nang makita siya.

'Mattaku.' Halos mapailing siya at tsaka siya tumabi kay Elle nang makalapit sa mga ito.

"Bakit, Theo?" tanong niya sa binata na mas bata sa kanya ng pitong taon, isa ito sa mga kaibigan ni Ceno.

"Senpai!" pabiro siyang tinatawag nitong "senpai" dahil sa lahi niyang Hapon. At nagsimula itong mag-explain kung bakit ito naroon.

'How rude,' naisip ng ibang vloggers na pawang naging hangin nang mag-usap si Yel at Theo. Hindi man lang sila binati ni Yel. And Yel is aware of what they are thinking right now, kaya ayaw niya lumabas kundi lang dahil kay Theo.

Pagkatapos mag-usap ng dalawa ay nagsimula namang magtanong tungkol sa Golden Cuisine ang mga may edad nang vloggers sa kanila ni Elle.

Later that day...

Nakalimutan na yata ni Sen ang huminga nang makita ang paglabas ni Yel sa video na pinapanuod niya mula sa isang vlogger.

"Sabi sa'yo andun siya eh," komento ni Juu, presko pang nakapatong ang mga braso sa sandalan ng kinauupuang sofa ni Sen.

Si Ichi naman na ang nagsalita. "Bakit kasi ayaw mo pa pumunta?" tanong nito habang ang mata ay nakatuon sa pagluluto ni Hyaku.

"Sen?" Hyaku glanced at him, pero parang wala si Sen sa sarili.

Pumasok si Sen sa Golden Cuisine at malalaking hakbang na tinungo ang kinatatayuan ni Yel at hinawakan ang mga kamay nito. "Yel, I'm sorry. Let's start over again!" pakiusap niya.

Umorder siya ng pandalawang taong putahe at kinuntsaba ang staff nito na papuntahin si Yel sa mesa niya at nang mamukhaan siya nito, ngingiti siya at fastforward, sinapak siya nito at tumayo paalis.

Kung ano-anong senaryo ang pumapasok sa isip ni Sen at iniiwasan niyang maging korni katulad ng mga nasa teleserye. Just what the fuck!. That would make Yel uncomfortable. No fucking way!

Muli niyang tinignan sa screen si Yel, may kung ano sa expression ng mukha nito ang hindi pa niya nakita dati. He wonders if,

'Is she still the same Yel I met before...?'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status