Share

Chapter 2

NAALIMPUNGATAN ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng pinto. Itinakip ko ang unan ko sa tenga ko. Gusto ko pang matulog.

"Ate! Kain na!" rinig kong sigaw ni Kate mula sa labas ng pinto. Napabangon naman ako, ang ingay niya talaga. "Oo na, lalabas na ako. Huwag ka nang sumigaw."

Narinig ko naman ang pagtawa niya mula sa labas kaya napailing-iling na lang ako. Nakalimutan ko ba na sabihin na si Kate ay sixteen years old na pero para pa rin siyang bata kung umasta. Well, mabuti na iyon kaysa puro crush o lovelife ng inaatupag. Pinagsasabihan din naman namin siya kapag sumusobra na ang pagiging childish niya.

Kinuha ko ang cellphone ko bago lumabas ng kwarto. May reply na si Evhon. Evhon ang nakasave sa contacts ko pero Vhon-Vhon talaga ang tawag ko sa kanya. May isa pa, si Vincent, pero Vin ang tawag ko sa kanya.

Close kami since I was in Senior High but slowly, nawala ang communication namin when I graduated in College, and nabalik lang ulit ito this year. Last month ang huli naming communication ni Evhon. Alam niyang uuwi ako this month kaya siguro nagparamdam.

"Bukas, punta ka dito sa bahay. Bring your precious car, and some things na rin. Road trip tayo," pagbabasa ko sa message niya na may kasama pa na tumatawang emoji. Seriously? Precious car talaga? Dapat ako ang magsabi n'on dahil mas asenso siya sa akin.

Napailing-iling na lang ako.

"Mamaya na 'yang cellphone Xanthea, kumain ka na," biglang sabi ni Mama.

Itinabi ko naman ang cellphone ko at tumingin sa may bintana ng kusina. Madilim na pala? Ang bilis naman. Lunch time nang dumating ako dito kanina. Natulog lang ako, may nagbago na.

"Mama, may road trip po kami nina Vhon, at Vincent bukas. Dadalhin ko iyong pulang kotse." May pula kaming kotse, at may van rin kami dito sa bahay. May sasakyan din ako na nasa Japan. Upgraded ang mga kotse sa Japan kaya maganda talagang gamitin iyon.

"At kailan naman kayo uuwi?" tanong ni Papa.

"Ewan, basta hindi rin po kami aabot ng isang taon sa road trip namin."

"Oh sige basta mag-iingat lang kayo. Magulo ang mga nangyayari ngayon. May balita na may nangyayaring hindi maipaliwanag sa bandang Luzon. Hindi masabi kung saan sa Luzon," paalala ni Papa. Tumango lang ako.

"Saan niyo naman po nakuha ang balit?" tanong ko.

"Sa telebisyon kanina lang. Pinaiingat ang mga tao. Huwag na lang kayang ituloy ang gala niyo?"

"Pumayag na ako Papa e. Don't worry, mag-iingat naman ako," paninigurado ko para hindi na sila mag-alala.

"Mamaya na kayo mag-usap. Kumain muna kayo," sabi naman ni Mama. Hindi na kami nagsalita pa ni Papa.

Ano kayang meron? Hindi ako nakapanood ng balita simula noong bumiyahe ako papunta dito. 

"Kate, hugasan mo ang mga pinggan pagkatapos kumain," sabi ni Mama dahilan para tumawa ako ng mahina.

"Ang daya, ako na naman? Si Ate kaya ang pahugasin niyo, matagal na rin siyang hindi nakahugas e," pagmamaktol ni Kate.

"Ano ka ba bunso, Ate mo ako. Saka napagod talaga ako sa biyahe e. Ikaw na ang bahala ah? Sige good night." Tumayo ako at dumeretso sa kwarto. Napatawa naman ako sa reaksiyon ni Kate nang sabihin ko iyon. 

Hinanap ko ang laptop ko sa maleta at umupo sa kama. Nilo-locate ko sina Justin, at Jasmin, magkapatid silang dalawa. Nagtext kasi sa akin si Jasmin na nasa Pilipinas daw sila. Kasama ko sila sa trabaho at gusto ko sanang malaman kung bakit sila nandito sa Pilipinas. Sa pagkakaalam ko ay may trabaho pa sila sa Japan kaya bakit sila nandito sa Pilipinas?

Mga ilang minuto lang ay napahiga ako sa kama dahil hindi ko sila mahanap. Sa mga ganitong sitwasyon ay baka nga may nangyayaring hindi maganda. Posibleng naputol ang linya kaya hindi ko sila mahanap.

Hindi ko rin sila matawagan sa cellphone. Nakapagtataka naman. Siguro, iba lang talaga ang signal dito sa Pilipinas kesa sa Japan. Napabuntong hininga na lang ako. Bukas ko na lang ulit gagawin ito dahil lumalalim na rin ang gabi. Ipapahinga ko na muna ang katawan ko. Nabitin talaga ako sa tulog ko kanina e. Ipinikit ko ang mata ko at tuluyan na akong hinila ng kadiliman.

NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa labas. Tiningnan ko ang orasan na nakadikit sa may dingding ng kwarto. Alas-otso na ng umaga. Bumangon ako, at lumabas na ng kwarto. Nakita ko ang kapatid ko sa sala na nanonood ng korean movie. Napailing-iling na lang ako at saka tinungo ang kusina. May nakahanda ng almusal doon.

"Ate! Umalis sina Mama at Papa. Sabi nila mag-ingat ka raw sa road trip niyo!" sigaw ni Kate mula sa sala. Oo nga pala, may road trip kami nina Vin at Vhon. Tiningnan ko ang orasan sa may dingding ng kusina, mahaba pa ang oras.

Umupo ako sa may upuan at kinain ko ang egg and bacon na nasa mesa. Mukhang si Mama ang nagluto nito. 

"Alam mo ba kung saan nagpunta sina Mama at Papa?" tanong ko kay Kate. Maririnig niya ako dahil hindi naman gaano kalayo ang sala sa kusina. 

"Bumili yata ng groceries Ate," rinig ko namang sagot niya. Tumango ako at nagpatuloy na sa pagkain.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik agad sa kwarto para mag-ayos ng sarili at mag-ayos ng gamit na dadalhin ko sa road trip. Saan kaya puwedeng pumunta?

BACKPACK lang ang dinala ko. May konting gamit at dala ko rin ang laptop ko. Hindi ko iniiwan ang laptop ko dahil kailangan ko ito sa kahit anong oras o lugar. Pagkatapos magbihis ay kinuha ko ang backpack ko at  tinungo ang garahe. Hindi na ako nagpaalam sa bunso kong kapatid dahil busy siya sa panonood ng korean drama. Mabuti na iyon kaysa gumala siya kung saan-saan.

Binuksan ko ang garage namin, at sumakay sa pulang kotse. Bago ako umalis ay sinara ko muna ang gate  saka pinaandar na naman ang kotse papalayo sa bahay namin.

Hindi masyadong nag-aalala sina Mama at Papa kapag umaalis ako dahil may tiwala sila sa akin. Malaki na ako kaya alam nila na alam ko kung ano ang pinaggagawa ko sa buhay. Hindi rin naman ako gumagawa ng mga bagay na ikakasira ko... depende.

For many years, makikita ko na naman ang dalawang kaibigan ko. Ano na kayang mga hitsura ng mga iyon? Mas lalo kaya silang pumangit? Nakita ko na ang mga pictures nila sa social media. Iba pa rin sa pictures kapag kaharap mo na. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status