Share

Chapter 4

PAGKALAPAG ng helicopter ay may lumapit sa aming mga sundalo at nakasuot na mask na mga scientists at doctors. Inilalayan nila sina Vhon at Vin. Dinala nila ang dalawa sa kung saan.

"May gagawin kaming test sa inyo Ma'am dahil baka infected kayo, para na rin po ito sa kaligtasan ng lahat dito sa base," paliwanag ng isang babae na sundalo.

"Required ba talaga? I am not infected."

"Yes, Ma'am. Don't worry, it will not take long," sabi naman niya.

"Ako na ang bahala sa kanya." Napatingin naman ako sa lalaking nakasuot ng mask at nakasuot ng damit na gaya ng doctor. Tumango ang sundalo at inalalayan akong maglakad kasama ang lalaking kung hindi ako nagkakamali ay isang doctor o scientist. Sumama na lang ako sa kanila, ayoko nang kumontra dahil para rin naman ito sa kaligtasan ng lahat.

Nakita ko naman sina Jasmin at Justin na gusto akong lapitan pero hindi sila makalapit dahil hinaharangan sila ng mga sundalo. Nnginitian ko na lang sila para hindi na sila mangulit pa sa mga awtoridad na kausapin ako, para rin maiparating na ayos lang, at magiging maayos din ang lahat...sana.

Naglakad lang kami hanggang sa marating namin ang isang space kung saan may mga malalaking tent sa paligid. May mga doctors, scientist at mga sundalo na naglalakad sa paligid. Mukhang matitibay ang mga tent nila dito.

"This is our laboratory," sabi ng katabi ko na Doctor o Scientist. Pumasok naman ako sa loob ng isang tent at inikot ko ang paningin ko sa paligid.

"You're a Scientist?" tanong ko.

"I am," sagot naman niya. Hindi na ako nagsalita pa. Medyo namangha naman ako sa mga nakita ko sa paligid. Hindi nga maipagkakaila na laboratory ito.

"Bakit hindi ako kasama sa mga kasama ko kanina kung puwede naman kaming sabay i-test?" may pagtatakang tanong ko.

"You are not infected, I didn't see any symptoms in you now. And, you're here bacause I want to talk to you privately."

Umupo ako sa isang puting mesa sa loob ng laboratory at tiningnan ng mabuti ang mga nasa paligid. May mga iba't-ibang chemicals akong nakikita at kahit isa ay wala akong naintindihan. Nakalagay sa iba't-ibang hugis na glasses ang mga chemicals. Ayoko talaga sa science.

"Ano ang gusto mong pag-usapan?" tanong ko ulit habang nanatili ang tingin sa paligid.

"Xanthea Rodriguez..." Napalingon naman ako sa Scientist na tumawag sa akin. Dalawa lang kami dito ngayon sa laboratory. Hindi niya pinapasok ang mga sundalong kasama namin.

"I am not infected so I can go now?"

"No you can't, I am not done. I need your cooperation Miss Rodriguez." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Cooperation? Ano ang sinasabi niya?

Nakita ko siyang may kinuha sa kung saan. Isang chemical na nakalagay sa maliit na lalagyan. Kulay pula ang chemical na iyon. May kinuha siya anesthesia at ginamit iyon para ilagay doon ang chemical.

"Ano 'yan? Hindi ako infected, ano ang chemical na iyan?" Tumayo ako nang lumapit siya sa kinaroroonan ko.

"Just trust me, hindi ito chemical para maging katulad ka nila. Huwag kang mag-alala, ginagawa rin ito sa mga kasama mo para maging sure na hindi kayo infected." pagpapaliwanag niya.

"At paano ko nasisiguro na totoo ang sinasabi mo?"

"Hindi ko ipapahamak ang base at ang sarili ko. Kapag ginawan kita ng masama, pahihirapan nila ako. Bago ka dumating, may isang grupong nagsabi sa akin na ingatan ka dahil kapag hindi ay ako ang magdudusa," seryoso niyang sabi habang nakatingin sa akin. Wala naman akong nararamdamang hindi maganda sa aura niya kaya umupo na lang ulit ako. Alam kong ang grupong sinasabi niya ay ang team ko.

"Alam kong mahirap na magtiwala ngayon pero tandaan mo, may mga totoong tao pa rin na worth it pagkatiwalaan sa mundo." Napapikit ako nang maramdaman ang pagbaon ng anesthesia sa laman ko. Hindi naman masakit, hindi ko lang talaga alam ang magiging epekto ng chemical sa katawan ko.

"Magligtas ka ng buhay hanggang sa makakaya mo Miss Rodriguez, mahalin mo ang mga tao gaya ng pagmamahal mo sa trabaho mo."

"Kilala mo ako? Paano mo nalaman ang trabaho ko? Sino ka ba?" Nakakunot noo kong sinuri ang mukha niya. Nakasuot kasi siya ng mask kaya hindi ko masyadong makita ang buong mukha niya.

"Oo, kilala kita at may tiwala ako sa'yo. Sabihin na nating isa ako sa gumawa ng virus at gusto kong ibigay sa iyo ito." Tiningnan ko naman ang isang box na hawak-hawak niya. "Ano 'yan? Saka ano? Ikaw ang gumawa sa virus?" gulat na tanong ko.

"Ihalo mo sa tubig at saka ipainom mo. May tiwala ako sa'yo Xanthea. Be wise and always be brave. Lahat ng mga nangyayari ay may dahilan. Magtiwala ka sa akin, hindi ko rin gusto ang mga nangyayari ngayon." Hinawakan niya ang balikat ko at tiningnan ako sa mata. Nalilito naman ako sa mga sinasabi niya.

"Ayos na, your business is done here. Huwag mong sayangin ang ibinigay ko. Hanggang sa susunod nating pagkikita Xanthea." Pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay bumukas ang pinto ng laboratory at iniluwa doon sina Jasmin at Justin.

Sinundan ko ng tingin ang Scientist na papaalis na hanggang sa makalabas na siya sa tent.

"Xan! Ayos ka lang ba?" may pag-aalalang tanong sa akin ni Jasmin. Tumango lang ako bilang sagot.

"Hindi ka naman infected hindi ba?" tanong naman ni Justin.

"I'm not," sagot ko.

"Mabuti naman kung ganoon," sabi ni Jasmin.

"Ihatid niyo muna ako sa magiging kwarto ko. Mamaya na tayo mag-usap. Mag-aayos lang ako saglit," sabi ko sa kanila.

"Sige," sabi naman ni Jasmin habang si Justin ay tumango lang.

Naglakad na kami at nilisan ang laboratory.

"Teka Xan, ano 'yang dala mo?" tanong sa akin ni Justin. Napahinto naman ako at saka nilingon siya.

"Mga bala para sa baril ko," sagot ko naman sa kanya. Hindi rin naman siya nagtanong pa. Actually, hindi ko talaga alam kung ano ang laman nito pero nakalagay ito sa lalagyan ng mga bala.

Medyo hindi ko rin masyadong maintindihan ang sinabi ng scientist na iyon sa akin. Parang pamilyar siya? Sino nga ba talaga siya?

"Jas? Kilala mo ba ang scientist na iyon?" pagtatanong ko kay Jasmin. Nagpaiwan si Justin sa may mga tent dahil may aasikasuhin daw siya kaya si Jasmin na lang ang sumama sa akin papunta sa magiging kwarto ko dito sa base.

"Hindi mo ba naaalala? Siya ang scientist na niligtas mo five months before, doon sa Paris. He almost died because he wants to commit suicide but you came and save him." Naalala ko na. Siya pala iyong nakita kong magpapakamatay sana sa isang building sa Paris. Tatalon sana siya sa pinakamataas na building but I saw him kaya hindi niya naituloy ang gagawin niya dahil pinigilan ko agad siya. Napunta ako noon sa Paris dahil may misyon ako doon. Hindi ko naman inaasahan na magkikita kami ng scientist na iyon doon.

"Ano ang full name niya?"

"Hindi ko alam Xan, basta nagmakaawa lang siya na siya ang aasikaso sayo dahil may importante raw siyang sasabihin sa'yo. Saka mukha namang mapagkakatiwalaan kaya pinayagan ko na."

"Nakita mo ba ang mukha niya?"

"Hindi e, sinabi lang niya ang tungkol sa pagligtas mo sa kanya."

"Bakit mo naman siya hinayaan na kausapin ako na hindi nagpapakilala?" tanong ko na naman.

"Siya, ikaw, at ang team lang ang nakakaalam ng pagligtas mo sa kanya sa Paris kaya hinayaan ko na lang. Gusto niya yatang bumawi sa'yo."

Tinanong ng Scientist kung ano ang pangalan ko noon at nakalimutan kong tanungin ang sa kanya. Sa pagkakaalam ko ay magpapakamatay raw siya dahil may nagawa siyang napakalaking kasalanan at maaari itong ikawasak ng mundo. Hindi kaya...ang virus ang tinutukoy niya? Possible.

"May nalaman ka ba tungkol sa virus? Kung saan ito nagsimula at kung sino ang nagpakalat nito?" tanong ko kay Jasmin.

"Sa pagkakaalam ko ay ginawa ito sa Paris ng mga scientists at hindi namin matukoy kung sino-sino sila. May nagnakaw ng chemical at dinala sa Pilipinas at pinakalat sa iba. Doon na nagsimula ang virus. The authority was focused on those people na nagnakaw ng virus. Hinahanap din nila ang mga scientists inorder to get the cure of the virus," mahaba niyang paliwanag. Kung ganoon, ang dapat na hanapin ay ang mga nagnakaw dahil alam nila kung saan iyon galing at posibleng may cure. Pero sandali lang, ano iyong pulang chemical na ibinigay sa akin ng scientist na iyon?

"Jas, kapag may na -rescue galing sa labas. May ibinibigay ba na pulang chemical para mas maging maayos ang mga na-rescue?"

"Wala Xan, gumagawa lang sila ng kaunting test sa dugo ng mga na-rescue, bakit mo naitanong?" pabalik niyang tanong sa akin. Matagal akong hindi nakasagot.

"Wala, sige mamaya na lang tayo mag-usap."

"Huwag na Xan, alam kong pagod ka. Palagi ka na lang pagod, you need to rest. Don't worry about the team, ako na ang bahala sa kanila. For now, you have to rest. Gain some strength dahil sasabak na naman tayo sa isang bakbakan at ang virus ang magiging kalaban natin. Saka na tayo mag-usap kapag nakapagpahinga ka na ng sobra."

"Kaya ko naman ang sarili ko. Ayos pa ako."

"Kahit na, nasira ang bakasyon mo. Magpahinga ka na muna," sabi niya. Akmang aalis na sana siya pero pinigilan ko naman siya.

"Alam ba ng mga nasa base ang tungkol sa atin? Sa team?" tanong ko.

"Oo, gusto nilang tumulong tayo pero ikaw ang papakinggan namin. Kung ano ang desisyon mo ay iyon din ang sa amin," may ngiting sabi niya. Nagpaalam na siya dahil nasa harap na kami ng magiging kwarto ko dito sa base at kailangan ko na raw na magpahinga. Pumasok naman ako pag-alis niya at isinara ang pinto.

"Magligtas ka ng buhay hanggang sa makakaya mo Miss Rodriguez, mahalin mo ang mga tao gaya ng pagmamahal mo sa trabaho mo."

"Oo, gusto nilang tumulong tayo pero ikaw ang papakinggan namin. Kung ano ang desisyon mo ay iyon din ang sa amin."

Mahal ko ang trabaho ko dahil nakakatulong kami sa iba. Gusto ko talagang tumulong pero baka mapahamak ang team ko. Ayos lang kung ako lang pero alam kong hindi sila papayag. Team kami kaya sama-sama dapat kami.

Ibang-iba kasi itong haharapan namin. Kung normal lang na trabaho ito ay hinding-hindi ko tatanggihan. Kapag nasugatan kami sa trabaho namin ay may posibilidad talaga na mabuhay pa pero ngayon, kapag nakagat ay mahahawa agad ang sino man sa amin at magiging infected. Ang masama pa doon ay walang lunas! Paano ko hahayaan ang team ko na sumabak sa ganitong sitwasyon?

Mukhang kailangan ko silang makausap ng mabuti para magdesisyon. Hindi naman puwedeng ayaw ko tapos gusto nila. Alam kong gustong-gusto nilang tumulong lalo na ngayong marami ang mga nadamay na inosente. Hindi nila matitiis na hindi kumilos o tumulong habang nakikitang may mga nahihirapan...lalo naman ako.

Napabuntong hininga ako at napaupo sa kama. Kung iisipin ng mabuti, maaari kong idugtong ang mga nangyayari at makakabuo ako ng isang ideya na maaaring makapagbigay ng malaking impormasyon o sagot sa isipan ko. Gusto ko ng sagot pero huwag muna ngayon. Mas gusto kong magpahinga na lang.

Tumayo ako at tinungo ko ang kabinet. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang maraming damit. Hindi na ako magtataka pa na may mga damit sa kabinet dahil gaya nang sinabi ko, kapag si Jasmin ang nag-ayos, walang kulang. Inilagay ko sa loob ang dala kong box na galing sa Scientist na hindi ko pa nabubuksan. Saka ko na lang bubuksan kapag kalmado na ang isip ko. Inayos ko ito ng mabuti para hindi agad makita kapag bubuksan ang kabinet.

Kumuha ako ng damit at tinungo ang comfort room para maligo at magbihis. Matapos ang ilang minuto ay natapos rin naman ako. Tinuyo ko muna ang buhok ko at saka humiga sa kama. Tumingin ako sa kisame ng kwarto. Ang daming mga nangyari sa araw na ito. Mga maipaliwanag at mga hindi inaasahang pangyayari.

Gabi na, kailangang makapagpahinga ako dahil baka sa susunod na araw ay hindi na ako makakapagpahinga pa. Mahilig ako manood ng Virus o Zombies na movie noon at hindi ako kampante na ang base na ito ay safe talaga. Maraming posibilidad na mangyayari at kahit movie lang ang mga napanood ko noon, maaari pa rin itong magkatotoo.

Sa ngayon, magtitiwala muna ako sa mga tao sa labas na safe ang base pero simula bukas hindi na. Lumalaki at lumalala na ang mga nangyayari. Kailangan na ang lunas, hindi rin makakahanap ng lunas kung hindi kikilos para maghanap.

Ipinikit ko ang mga mata ko at tuluyan na akong hinila ng antok.

"WALA ba kayong balak diyan?" Napalingon kami sa nagsalitang Vin na nasa backseat na ngayon ng kotse.

Pumasok ako sa driver's seat at si Vhon naman sa Front seat. "Akala ko ikaw ang magmamaneho Vin? Kinuha mo ang susi e," sabi ko habang ikinakabit ang seatbelt.

"Ang bagal niyo kasi, kaya gusto kong mauna sa kotse, saka gusto kong matulog."

Napailing-iling na lang ako. Mukhang stressed nga talaga siya. Saka na lang namin siya tatanungin sa dahilan kapag nakapagpahinga na siya. Iniabot niya ang susi sa akin at ilang saglit lang ay hindi ko na siya narinig na nagsalita pa. Mukhang nakatulog na yata.

"Hindi ba't graduated na si Aira?" tanong ko sa katabi ko na si Vhon.

"Oo, with her course Accountancy. She want to go abroad pero ayaw ko that's why nag-away kami," sagot niya naman.

"Ayaw mo ba na malayo kayo sa isa't-isa? Ang sweet naman," natatawang sabi ko.

"Hindi naman sa ganoon. Ayoko lang na may mangyaring hindi maganda sa kanya," seryosong sabi niya. Tumikhim naman ako at naging seryoso na rin.

"Maganda naman sa abroad as long as you have the courage to fight the temptations and face the possibilities na mangyayari doon."

"What do you mean, Xan? Well, alam muna ang situations sa abroad. Wouldn't you mind of you share it?" Ngumiti naman ako habang sa harap ang tingin ko. Nagmamaneho ako at ayoko namang mabangga kami kaya nasa harap dapat ang atensiyon ko.

"Being in abroad is so difficult, Vhon. If gusto mong pumunta sa abroad, dapat may magpapasok sa'yo o may kukuha sa'yo na Company. Okay lang if pumunta ka as a tourist but if as a person na naghahanap ng trabaho, mahirap iyon."

"Iyon na nga pero Aira keep saying na kaya niya, at kakayanin niya. It's for the both of us na rin daw," pabulong na sabi niya.

"Hindi mo talaga mapipigilan agad ang desisyon ng tao. Besides, lahat nakukuha, at nagtatagumpayan kapag gusto talaga."

Hindi siya umimik kaya biglang tumahimik ang loob ng sasakyan. Hindi na rin lang ako nagsalita at itinuon na lang ang atensiyon sa pagmamaneho dahil mukhang nag-iisip rin siya.

Ilang sandali lang ay sinulyapan ko si Vhon sa tabi ko. Nakita ko naman na nakatulog na siya sa pag-iisip. Napangiti naman ako. I was so lucky to have this two guys in my car pero mas lucky pa rin 'yong mga girlfriends nila sa kanila. I hope... I just hope na maging masaya na sila mula ngayon sa kanya-kanya nilang buhay.

I've already witnessed their pain when I am in Senior High, there are times na gusto na nilang mag-suicide but look at them now. They survived because there is still lightness in every darkness we encounter.

Napabalik ako sa reyalidad nang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag, pangalan ni Jasmin ang ipinakita sa screen. Bakit bigla yata ang pagtawag niya? Sa pagkakaalam ko ay hindi nila ako tatawagan dahil ayaw nilang madisturbo ako sa bakasyon ko.

Binagalan ko ang pagmamaneho ko at itinabi ko muna ang kotse. Sinagot ko iyon at lumabas sa kotse dahil baka private ang sasabihin niya. Hindi siya tatawag ng biglaan kung hindi importante.

"Jasmin —" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang putulin ito ng kabilang linya.

"Nasaan ka ngayon, Xan? Nasa Mindanao ka ba?" Halata sa boses niya ang pagkataranta.

"Oo, umuwi ako 'di ba? Saka anong nangyayari?"

"Nandito kami sa inyo kaso ang sabi ng Mom mo, wala ka. Nag-road trip daw kayo kasama ang mga kaibigan mo?" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ano naman ang ginagawa nila sa amin?

"Anong ginagawa niyo diyan? Saka oo, nag-road trip kami. Malapit na kami sa Davao," sagot ko naman.

"Bumalik kayo, huwag kayong tumuloy sa balak niyo. Nandito kami sa inyo kasi... ang mga tao dito ang unang ni-rescue. Tukuran Zamboanga Del Sur ang una naming palilikasin dahil nagmula sa Luzon ang virus kaya medyo matagal-tagal pa itong kakalat sa mindanao," pagpapaliwanag niya dahilan para malito ako.

"Ano? Hindi kita maintindihan, Jas."

"Open your laptop, na-send ko na sa iyo ngayon lang ang information na kailangan mong malaman. Kami na ni Justin ang bahala sa family mo para makapunta agad sila sa safe place."

"Safe place? Saan iyon?"

"I'll send you the other details. Bumalik na kayo, ihahanda ko ang sasakyan niyo at kung saan kayo dapat na pumunta. Be safe, Xan," may pag-alalang sabi ni Jasmin.

"Sige, may itetext din ako sa iyo na mga pangalan ng tao. Kindly check this people if safe ba sila o hindi."

"Sige, walang problema," sagot niya at pinatay ang tawag.

"Anong nangyayari, Xan?" Napalingon ako sa may likod ko at nakita ko na nakatayo doon sina Vin at Vhon. Napahilot naman ako sa noo ko. Inabot ko kay Vhon ang cellphone ko.

"I-text mo kay Jasmin lahat ng pangalan ng family members mo, pati na rin kay Vincent. Jasmin ang name niya sa contacts ko," utos ko kay Vhon at saka pumasok sa backseat ng kotse. Sumunod naman silang dalawa. Hinanap ko agad ang laptop ko sa loob ng backpack ko.

"Ano ba talaga ang nangyayari, Xan?" tanong na naman ni Vincent. Ibinigay ko sa kanya ang susi ng kotse.

"Ikaw na ang magmaneho, babalik tayo sa lugar natin. Ipapaliwanag ko habang umaandar ang kotse." Lumabas naman si Vincent mula sa backseat at pumunta sa driver's seat. Inayos ko ang seatbelt ko at ang sarili ko para hindi ako gaanong maistorbo sa gagawin ko. Naramdaman ko naman ang pagmaneho ni Vincent sa kotse pabalik.

Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa laptop ko na nasa lap ko.

"Wala rin akong alam sa mga nangyayari. Aalamin ko pa lang. Huwag muna kayong magtanong ng kung ano-ano. Manahimik lang kayo habang may babasahin ako," sabi ko at hindi rin naman sila umimik.

Binuksan ko ang laptop ko, at hindi ko inasahan ang bumungad sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status