Share

Chapter 7

PAGKALAPAG ng helicopter ay may lumapit sa aming mga sundalo at nakasuot na mask na mga scientists at doctors. Inilalayan nila sina Vhon at Vin. Dinala nila ang dalawa sa kung saan.

"May gagawin kaming test sa inyo Ma'am dahil baka infected kayo, para na rin po ito sa kaligtasan ng lahat dito sa base," paliwanag ng isang babae na sundalo.

"Required ba talaga? I am not infected."

"Yes, Ma'am. Don't worry, it will not take long," sabi naman niya.

"Ako na ang bahala sa kanya." Napatingin naman ako sa lalaking nakasuot ng mask at nakasuot ng damit na gaya ng doctor. Tumango ang sundalo at inalalayan akong maglakad kasama ang lalaking kung hindi ako nagkakamali ay isang doctor o scientist. Sumama na lang ako sa kanila, ayoko nang kumontra dahil para rin naman ito sa kaligtasan ng lahat. 

Nakita ko naman sina Jasmin at Justin na gusto akong lapitan pero hindi sila makalapit dahil hinaharangan sila ng mga sundalo. Nnginitian ko na lang sila para hindi na sila mangulit pa sa mga awtoridad na kausapin ako, para rin maiparating na ayos lang, at magiging maayos din ang lahat...sana.

Naglakad lang kami hanggang sa marating namin ang isang space kung saan may mga malalaking tent sa paligid. May mga doctors, scientist at mga sundalo na naglalakad sa paligid. Mukhang matitibay ang mga tent nila dito.

"This is our laboratory," sabi ng katabi ko na Doctor o Scientist. Pumasok naman ako sa loob ng isang tent at inikot ko ang paningin ko sa paligid. 

"You're a Scientist?" tanong ko.

"I am," sagot naman niya. Hindi na ako nagsalita pa. Medyo namangha naman ako sa mga nakita ko sa paligid. Hindi nga maipagkakaila na laboratory ito. 

"Bakit hindi ako kasama sa mga kasama ko kanina kung puwede naman kaming sabay i-test?" may pagtatakang tanong ko.

"You are not infected, I didn't see any symptoms in you now. And, you're here bacause I want to talk to you privately." 

Umupo ako sa isang puting mesa sa loob ng laboratory at tiningnan ng mabuti ang mga nasa paligid. May mga iba't-ibang chemicals akong nakikita at kahit isa ay wala akong naintindihan. Nakalagay sa iba't-ibang hugis na glasses ang mga chemicals. Ayoko talaga sa science.

"Ano ang gusto mong pag-usapan?" tanong ko ulit habang nanatili ang tingin sa paligid.

"Xanthea Rodriguez..." Napalingon naman ako sa Scientist na tumawag sa akin. Dalawa lang kami dito ngayon sa laboratory. Hindi niya pinapasok ang mga sundalong kasama namin.

"I am not infected so I can go now?"

"No you can't, I am not done. I need your cooperation Miss Rodriguez." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Cooperation? Ano ang sinasabi niya?

Nakita ko siyang may kinuha sa kung saan. Isang chemical na nakalagay sa maliit na lalagyan. Kulay pula ang chemical na iyon. May kinuha siya anesthesia at ginamit iyon para ilagay doon ang chemical.

"Ano 'yan? Hindi ako infected, ano ang chemical na iyan?" Tumayo ako nang lumapit siya sa kinaroroonan ko.

"Just trust me, hindi ito chemical para maging katulad ka nila. Huwag kang mag-alala, ginagawa rin ito sa mga kasama mo para maging sure na hindi kayo infected." pagpapaliwanag niya.

"At paano ko nasisiguro na totoo ang sinasabi mo?"

"Hindi ko ipapahamak ang base at ang sarili ko. Kapag ginawan kita ng masama, pahihirapan nila ako. Bago ka dumating, may isang grupong nagsabi sa akin na ingatan ka dahil kapag hindi ay ako ang magdudusa," seryoso niyang sabi habang nakatingin sa akin. Wala naman akong nararamdamang hindi maganda sa aura niya kaya umupo na lang ulit ako. Alam kong ang grupong sinasabi niya ay ang team ko.

"Alam kong mahirap na magtiwala ngayon pero tandaan mo, may mga totoong tao pa rin na worth it pagkatiwalaan sa mundo." Napapikit ako nang maramdaman ang pagbaon ng anesthesia sa laman ko. Hindi naman masakit, hindi ko lang talaga alam ang magiging epekto ng chemical sa katawan ko. 

"Magligtas ka ng buhay hanggang sa makakaya mo Miss Rodriguez, mahalin mo ang mga tao gaya ng pagmamahal mo sa trabaho mo."

"Kilala mo ako? Paano mo nalaman ang trabaho ko? Sino ka ba?" Nakakunot noo kong sinuri ang mukha niya. Nakasuot kasi siya ng mask kaya hindi ko masyadong makita ang buong mukha niya.

"Oo, kilala kita at may tiwala ako sa'yo. Sabihin na nating isa ako sa gumawa ng virus at gusto kong ibigay sa iyo ito." Tiningnan ko naman ang isang box na hawak-hawak niya. "Ano 'yan? Saka ano? Ikaw ang gumawa sa virus?" gulat na tanong ko.

"Ihalo mo sa tubig at saka ipainom mo. May tiwala ako sa'yo Xanthea. Be wise and always be brave. Lahat ng mga nangyayari ay may dahilan. Magtiwala ka sa akin, hindi ko rin gusto ang mga nangyayari ngayon." Hinawakan niya ang balikat ko at tiningnan ako sa mata. Nalilito naman ako sa mga sinasabi niya. 

"Ayos na, your business is done here. Huwag mong sayangin ang ibinigay ko. Hanggang sa susunod nating pagkikita Xanthea." Pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay bumukas ang pinto ng laboratory at iniluwa doon sina Jasmin at Justin.

Sinundan ko ng tingin ang Scientist na papaalis na hanggang sa makalabas na siya sa tent.

"Xan! Ayos ka lang ba?" may pag-aalalang tanong sa akin ni Jasmin. Tumango lang ako bilang sagot.

"Hindi ka naman infected hindi ba?" tanong naman ni Justin.

"I'm not," sagot ko.

"Mabuti naman kung ganoon," sabi ni Jasmin.

"Ihatid niyo muna ako sa magiging kwarto ko. Mamaya na tayo mag-usap. Mag-aayos lang ako saglit," sabi ko sa kanila.

"Sige," sabi naman ni Jasmin habang si Justin ay tumango lang.

Naglakad na kami at nilisan ang laboratory.

"Teka Xan, ano 'yang dala mo?" tanong sa akin ni Justin. Napahinto naman ako at saka nilingon siya.

"Mga bala para sa baril ko," sagot ko naman sa kanya. Hindi rin naman siya nagtanong pa. Actually, hindi ko talaga alam kung ano ang laman nito pero nakalagay ito sa lalagyan ng mga bala.

Medyo hindi ko rin masyadong maintindihan ang sinabi ng scientist na iyon sa akin. Parang pamilyar siya? Sino nga ba talaga siya? 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status