“PRIVATE MOMENT”

PASADO alas-singko kinabukasan ay nagising si Lana gawa ng ingay na nagmumula sa kanyang veranda. Tunog ng kubyertos at mga plato. At ilang sandali lang, ang mabangong aroma naman ng brewed coffee ang tuluyang nagpabalikwas ng bangon sa kaniya.

“W-What the---?” ang naisatinig ni Lana na natitigilan nang malabasan sa veranda ang nakahandang masarap na almusal para sa dalawang tao.

“Good morning,” si Andrew na nakaupo na at halatang hinihintay siya. “kumain na tayo,” anitong tumayo at umakmang lalapitan siya.

“A-Anong ginagawa mo?” ang naitanong niya saka kusang napasunod sa gustong mangyari ng lalaki.

Umangat ang makakapal na kilay ng binata. “Bakit,ayaw mo ba nang ganito?”

Natigilan si Lana saka tahimik na pinanood lang ang ginagawa ng binata.

Mula sa pagsasalin nito ng kape sa tasa niya, hanggang sa paglalagay nito ng syrup at butter sa kanyang pancake.

“Salamat,” aniyang nahihiyang nginitian si Andrew pagkatapos.

“You know what, ngayon lang ako nakakita ng mga mata na katulad ng sa iyo,” anitong tinitigan ng husto ang mga mata niya.

Natawa ng mahina doon si Lana saka sinimulan ang pagkain.

“Really? Parang hindi naman yata kapani-paniwala iyan. Sa London ka lumaki hindi ba?” aniyang pabiro pang inirapan ang lalaki.

Sa sandaling pagtatamang iyon ng paningin nila ni Andrew ay hindi nakaligtas sa dalaga ang mabilis na pagbabago ng emosyon ng mga mata ng binata. Nakita niya ang tila maliliit na labi ng apoy na nag-alab sa mga iyon na mabilis ring naglaho nang ngumiti ito.

“Yeah, pero iba kasi ang sa iyo. You know what I mean?” anito pang humigop ng kape pagkatapos.

Tumango-tango siya.

Ang tinutukoy ng binata ay ang kulay ng mga mata niya na nasa pagitan ng dark gray at light green ang kulay.

“Ang sabi ng Mama ko siguro daw foreigner ang tatay ko kaya ganito ang kulay ng mga mata ko. Sobrang light green pag nasa arawan pero kapag hindi naman dark gray” aniya sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.

“I’m sorry, pero tungkol sa father mo?” naramdaman ni Lana ang interes sa tono ni Andrew at nakaramdam siya ng katuwaan doon kahit hindi niya aminin.

Nagkibit siya ng balikat. “Mahabang kwento eh,” aniyang nilagyan ng pinalidad ang tono kaya hindi na nagpumilit pa ang binata.

Tumango-tango ito. “Okay ka na?” ang binata nang makitang ubos na ang pagkain sa kaniyang plato.

“Yeah, salamat sa libreng almusal,” aniyang nakangiti.

Kahit paano naman ay nagiging komportable na siya kay Andrew at nagugustuhan niya iyon. Sa totoo lang ayaw niyang sayangin ang bawat sandaling nandito sa harapan niya ang binata at nakakausap niya na parang kaibigan lang.

Nang tumayo siya ay tumayo na rin si Andrew. “Wala nang libre sa panahon ngayon, Lana,” ang halos pabulong nitong sabi.

Noon napahinto ang dalaga na papasok na sana ng cottage.

“W-What?” kasabay ng tanong na iyon ay ang muli na namang paghuhurumentado ng dibdib niya sa kaba.

“Can I have a private moment with you?” halos pabulong na tanong sa kanya ni Andrew na humakbang pa palapit sa kanya kaya siya napaatras.

“P-Private moment?” ang ulit niya sa tanong ng binata.

Tumango ito saka muling humakbang kaya awtomatiko ang naging pag-atras ulit niya. “Yes,” sagot ni Andrew saka siya niyuko.

Napapikit si Lana nang bumalandra sa mukha niya ang mabango nitong hininga. Pero hindi niya inakalang ang simpleng pagpikit niyang iyon ay magagawang samantalahin ni Andrew.

Napamulagat siya nang angkinin ng binata ang kanyang mga labi. At hindi lang iyon, hinawakan pa ng binata ang dalawang kamay niya na inilagay sa kaniyang likuran saka siya iginiya papasok ng cottage.

Nang marinig niya ang pagtunog ng lock ng pinto palabas ng veranda ay saka nagpumilit si Lana napakawalan ang sarili mula kay Andrew.

“What are you doing? Alam mo bang pwede kitang kasuhan sa ginagawa mong ito sa akin? Kagabi ka pa ah!” banta niya sa mariin pero mababang tono.

Umangat ang sulok ng labi ng binata. “No, you won’t,” sagot nitong nilapitan siya sa isang hakbang lang saka pagkatapos ay sinumulang haplusin ng hintuturo nito ang palibot ng kaniyang mga labi.

“Try me!” hamon niya sa binata.

“Yeah, gusto ko iyon,” anitong nanunukso ang ngiti na umangat ang sulok ng mga labi.

Mabilis na nag-init ang mukha ni Lana nang makuha ang ibig sabihin ng sinabing iyon ni Andrew.

“H-Hindi iyon ang ibig kong sabihin,” pagtutuwid niya sa maling akala ng lalaki.

“Is that so?” anito sa tonong hindi kumbinsido. “alam kong gusto mo rin ito. Kaya kong patunayan iyon kung hahayaan mo lang ako,” anitong itinulak siya sa dingding na sawali.

            Malalim ang hiningang hinugot ni Lana saka pagkatapos ay iniiwas ang mukha kay Andrew nang tangkain siyang halikan ng binata. Kaya sa halip ay sa pisngi niya iyon nag-landing.

“Please, Andrew,” huli na para bawiin iyon dahil late narin naman nang ma-realize niyang double meaning na naman ang sinabi niyang iyon.

May malisya ang ngiting pumunit sa mga labi ng binata nang titigan niya ito.

“Bakit ba panay ang iwas mo sa’kin simula pa kagabi?” tanong nitong pinagapang ang maiinit nitong mga labi pababa sa leeg niya.

Masarap na sensasyon ang dahilan kaya malakas na singhap ang hindi napigilan ni Lana na pakawalan.

“Oh, god Andrew!” anas niya saka parang wala sa sariling inihaplos ang dalawang kamay sa malapad na dibdib ng lalaki. “please alam mo ang totoong nararamdaman ko para sa’yo. Pero huwag mo namang gamitin ito at ang pagiging marupok ko pagdating sa’yo,” pakiusap niya saka pagkatapos ay napakagat- labi nang magpatuloy ang binata sa pagpapaligo ng maiinit na halik sa kaniyang leeg. Habang ang mga kamay nito ay itinukod nito sa dingding na sawali.

Totoo naman, tiyak niyang alam ng binata na bilang fan ay in love na in love siya rito. At hindi naman mahirap isipin dahil sigurado siyang nahahalata nito ang discomfort na nararamdaman niya para rito. Kahit hindi siya love expert, alam niyang isa iyon sa maraming posibleng rason para pagtibayin ng binata sa isipan nito ang matinding atraksyon niya para rito.

“Tell me, paano ko ititigil ang isang bagay na gustong-gusto ko sa hindi ko rin maipaliwanag na dahilan?” tanong sa kanya ng lalaki. “just give me this private moment with you. Promise, I will not disappoint you,” ang lalaki sa tono na may katiyakan.

Tinitigan siya ni Andrew ng tuwid sa kaniyang mga mata. At iyon ang dahilan kung kaya may pakiramdam siyang parang hinihigop ng lalaki ang lahat ng enerhiya niya para tumanggi. Kaya naman hindi na siya nagtaka nang siya na mismo ang kumabig sa binata para sa isang mas mapusok na halik.

Nang mga sandaling iyon, sa kabila ng katotohanang wala siyang karanasan maliban sa simpleng pakikipaghalikan ay naging mapusok si Lana.

Pero hindi rin naman nagtagal ang kapusukan niyang iyon dahil sa huli ay nagmistula siyang isang maamong tupa na nasukol ng mabangis na leon. At ang leon na iyon ay walang iba kundi si Andrew.

Bumaba ang mga halik ng binata, sa kaniyang leeg, balikat na patungo na sa kaniyang dibdib nang marinig niya ang malalakas na katok sa pinto.

Noon natigil ang kanilang ginagawa. Natawa pa si Lana nang marinig ang nabibiting ungol na pinakawalan ni Andrew.

“I’ll see you tonight, okay?” anitong muli siyang hinalikan sa mga labi na bahagya pang nagtagal.

Kinikilig na napangiti si Lana. “Sige,” sagot niya saka sinundan ng tingin ang binatang nag-ala Romeo na tumalon mula sa malamang ay inakyat rin nitong veranda kanina.

“Lana! Lana!” ang boses na iyon ni Rodge ang dahilan kaya parang nakabalik sa kasalukuyan ang isipan ng dalaga. Kumilos siya saka nagmamadaling binuksan ang pinto. “bakit ba ang tagal mo? Kanina pa ako kumakatok?” sermon nitong bungad.

“Sorry, nasa banyo kasi ako,” pagsisinungaling niya. "call of nature," paliwanag pa niya nang maalalang hindi pa nga pala nakakaligo.

Tinitigan siya ng kaibigan saka ito tumango. “Mauuna na ako sa conference area, sumunod ka nalang,” paalam nito.

Tumango lang siya saka nagmamadaling isinara ang pinto pagkatapos ay nagtuloy na ng banyo para maligo.

Sa harap ng salamin wala sa loob na hinaplos ni Lana ng kamay ang sariling mga labi. Habang sa isip niya naroon ang kasiyahan at kilig na nararamdaman niya. Lalong higit ang pakiramdam na iniwan ng maiinit na labi ni Andrew sa kaniya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status