Share

“DANCING QUEEN”

KINAGABIHAN nang araw ring iyon nagkayayaan ang mga kasamahan sa trabaho ni Lana na mag-bar.

Noong umpisa ay ayaw niyang sumama. Aminin man kasi niya o hindi, maghapon ay laman ng isipan niya ang sinabi kanina ni Andrew na magkikita ulit sila.

At kahit hindi siya magsalita, hindi rin naman niya maitatanggi sa sariling pinananabikan niya ang mga susunod pang posibleng maganap sa pagitan nila ng binata.

Sa naisip ay mabilis na nag-init ang mukha ng dalaga.

“Sa susunod na araw babalik na tayo ng Maynila. Huwag kang killjoy, ikaw ang pinakabata sa grupo natin pero ikaw ang pinaka-tita kung umasta,” sermon sa kanya ni Rodge palabas na sila ng conference hall.

Nagbuntong-hininga si Lana. “Pagod lang kasi ako ate,” pagdadahilan niya ang kahit paano ay totoo naman.

“Oo nga naman, saka saglit lang tayo. Hindi naman tayo pwedeng magtagal at magpuyat kasi maaga pa ang meeting kinabukasan,” si Lerma na hawak naman ang region five.

Muling nagbuntong-hininga ang dalaga. “O-Okay, para namang may choice pa ako,” aniyang natatawa.

Ginawa lang ni Lana na madali ang pagbibihis. Isang kulay pulang dress na lumampas ng kaunti sa tuhod niya ang haba ang isinuot niya. Tinernuhan niya iyon ng simpleng kulay pula rin na doll shoes.

Naglugay lang siya ng buhok, nagpahid ng manipis na make-up saka na lumabas para i-meet ang mga kasama. Nagmamadali ang mga hakbang niya, dahilan kaya hindi nakita ang lalaking nakangiti at buong paghangang pinagmamasdan siya.

Iba sa inaasahan ni Lana, totoong nag-enjoy siya sa pagsama niyang iyon. Magaling tumugtog at kumanta ang banda na nasa stage kaya napapasayaw ang karamihan sa mga naroroon kasama na ang grupo nila.

Pakiramdam ni Lana nang mga oras na iyon ay maayos na maayos ang lahat sa paligid niya. O mas tamang sabihing nasa mood lang talaga siya para sumayaw ng sumayaw dahil ang totoo mula nang magtrabaho siya ay ngayon lang ulit siya nagkaroon ng lakas ng loob na gawin ang ganito.

Every year naman talaga ang kanilang company out of town, pero sa mga nakalipas na taon, katulad ng sinabi ni Rodge kanina, para siyang tita. Hindi niya maintindihan kung bakit.

Pero ngayon, pakiramdam niya katulad noong high school at college siya na siya palaging ang star ng dance floor ay magaan na magaan ang pakiramdam niya habang sinasabayan ang pagtugtog at pagkanta ng banda.

Pakiramdam niya, matapos ang maraming taon mula nang isubsob niya ang sarili sa pagtatrabaho ay naranasan niya ang sinasabi nilang ‘time of your life’.

MAGANDA ang ngiting tahimik na pinanonood lang ni Andrew si Lana at ang mahusay nitong pagsasayaw sa dance floor.

“Dancing queen,” anas pa niya saka muling sinimsim ang wine sa kanyang baso.

Totoo naman iyon. Hindi dahil sa napakaganda nito sa suot na simpleng red dress kaya nag-standout ito sa crowd. Kundi dahil mahusay talaga itong sumayaw.

At dahil nga kanina pa niya ito lihim na pinanonood, iba na ang nagiging pakiramdam niya na lalong nagpasidhi ng matinding paghahangad niya para sa dalaga.

At ngayong nagkaroon siya ng pagkakataong makita si Lana sa ganitong sitwasyon. Hindi niya maitatanggi na nagsisimula na siyang mag-ilusyon ng kung anu-ano tungkol rito. Natawa ng lihim sa naisip ang binata.

GAYA ng napagkasunduan nila kanina, hindi sila nagpagabi gawa ng maaga ang simula ng meeting nila para sa kinabukasan. At dahil nga hindi naman siya masyadong uminom ay maayos na nakabalik si Lana sa cottage niya.

Ang veranda ang una niyang tinungo matapos ilapag ang gamit sa console table na nasa corner ng kwarto. Pero iyon nalang ang gulat niya nang biglang may magsalita doon.

Isang pamilyar na boses na naging dahilan kaya triple na ngayon ang kabang nararamdaman niya.

“Huwag mong sabihing matutulog ka na bukas ang pintuan mo dito?” si Andrew na na paupo sa pasemanong kahoy ng cottage.

“Goodness Andrew!” bulalas niya saka napahawak sa sariling dibdib. “papatayin mo ba ako sa nerbiyos?” ang inis niyang dugtong pa nang makitang nagpipigil ng tawa ang binata.

“I never thought na magaling ka palang sumayaw,” isa iyong compliment na nagpainit ng husto sa magkabilang pisngi ni Lana.

“S-So, nandoon ka?” aniyang tinawanan ang binata na ngayon ay humahakbang na palapit sa kanya.

Nagkibit ito ng mga balikat saka sinaklit ang kanyang baywang. Sa pagkabigla ay impit na napatili ang dalaga.

“Sinundan kita,” anitong inilapit ng husto ang mukha sa kanya kaya nasamyo niya ang amoy ng alak sa hininga nito. “pwede ka ngang tawaging Dancing Queen dahil sa husay mo,” anitong pang tila nanunuksong idiniin ang unahan nito sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ni Lana kasabay ang isang malakas na singhap. “P-Pakawalan mo ako, please?” aniyang inilagay ang dalawang kamay sa matigas na dibdib ng binata para sana pakawalan ang sarili mula rito.

Umangat ang sulok ng labi ni Andrew sa sinabi niyang iyon. Pagkatapos ay niyuko siya saka dinampian ng mainit na labi nito ang kaniyang punong-tainga.

“Do you really want me to do that, hmmm?” anito pa sa tila nang-aakit na tinig.

“Please, lasing ka,” pakiusap niya kahit alam niyang oras na dumampi ang mga labi nito sa kanya, siya mismo ay magagawang isuko ang sarili sa binata.

 "Alam mo kung ano ang preferences ko hindi ba? Alam mo ang tinutukoy kasi fan kita, am I right? Pero iba ang nangyari sa akin mula nang makita kita? At lalong nagtumindi iyon nang mahalikan kita, Lana?”

“Please, huwag mong gawin ito,” ang muli ay pakiusap niya kahit alam niyang mukhang wala sa plano ni Andrew ang makinig sa paliwanag niya.

“Ayaw akong patulugin ng mga labi mo. Kaya siguro hanggang sa panaginip sila parin ang hinahalikan ko,” ang sa halip ay isinagot ng binata saka pinadapo ang mga labi nito sa kanyang pisngi.

Marahas ang singhap na pinakawalan doon ni Lana gawa ng matinding sensasyong inihatid sa kanya ng maiinit na labi ni Andrew.

“Hindi tama ito. Ayokong gumawa ng isang bagay na pwede kong pagsisihan sa huli,” aniyang pinilit na pakawalan ang sarili mula sa mahigpit na pagkakayakap sa kanya ng binata.

Tumawa ng mahina si Andrew sa sinabi niyang iyon.

“Just be mine tonight and I promise you na kahit katiting napagsisisi wala kang mararamdaman,” anito sa desididong tono.

Nagbuka ng bibig niya si Lana para magsalita pero naputol ang lahat ng iyon nang tuluyang angkinin ni Andrew ang kanyang mga labi.

At katulad na nga ng sinabi niya kanina, kasabay ng pagsasanib na iyon ng mga labi nila ay ang pagkalunod narin ng lahat ng pagtutol na mayroon siya kanina. Dahilan kaya nagawa narin niyang sabayan ang kapusukan ng mga halik sa kanya ng lalaki, in equal fire.

“Let’s do it baby,” si Andrew nang pakawalan nito ang mga labi niya habang ang isa nitong kamay ay kumilos patungo sa pagitan ng kaniyang mga hita saka masuyong pumiga doon.

Iyon ang unang pagkakataon naranasan ni Lana ang ganoon kaya naman hindi niya napigilan ang magpakawala ng isang naliligayahang ungol.

At dahil sa ginawa niyang pagtugon ay muling nagkaroon ng dahilan si Andrew para ulitin ang ginawa kanina. Pero sa pagkakataong ito ay pumaloob na sa suot niyang cycling shorts ang kamay nito.

Muling naglandas sa lalamunan ni Lana ang isang masarap na daing.

Sa sarap niyon ay kusa pa niyang naipikit ang kaniyang mga mata kasabay ng paghigpit ng kapit niya sa balikat ni Andrew. Alam niya kung ano ang ginagawa nito. Sinasabik siya, at kahit hindi niya aminin, alam niyang umeepekto ang kung anumang plano nito sa kanya.

“Let’s do it. I promise to make you come,” si Andrew na muling piniga ang pagkababae niya.

Nakagat ni Lana ang pang-ibaba niyang labi sa ginawing iyon ng binata.

Masarap, nakakabaliw sa sarap ang ginagawa nito. Dahilan kaya nahihirapan siyang kontrolin ang mga ungol at daing na kumakawala sa mga labi niya.

“Yes! Hmnn, don’t stop!” nang hindi makapagpigil ay naibulalas ng dalaga saka kinabig ang batok ng lalaki at saka ito mariing hinalikan sa mga labi.

“It doesn’t matter sex man o making love ang gusto mo. Ang importante sa akin, magkaroon ng katuparan ang matagal ko nang pantasya tungkol sa’yo,” dugtong pa niya nang pakawalan ang mga labi ng binata sa pagitan ng paghahabol ng hininga.

Maganda ang ngiting pumunit sa mga labi ni Andrew naitinulak pasara ang sliding door ng veranda saka siya tila mauubusan ng panahong itinulak sa dingding na sawali ng kwarto at mariing hinalikan.

“Fuck baby, anong ginawa mo sa’kin,” anitong iniwan sandali ang mga labi niya saka sinuyod ng tingin ang kabuuan ng kaniyang mukha. Pagkatapos noon ay hinawakan ang kamay niya saka inilagay sa bagay na nasa pagitan ng mga hita nito. “see?” anitong umangat ang sulok ng labi pagkatapos.

“Tonight, I’m yours,” aniya sa paanas na tinig.

Tumango si Andrew saka sinimulang ibaba ang pagkaka-zipper ng suot niyang red dress. “I will never leave you unsatisfied,” naniniwala siya doon.

Kaya naman nang muli ay angkinin ni Andrew ang mga labi niya ay walang pagdadalawang isip iyong tinugon ni Lana.

Totoong ito na ang katuparan ng lahat ng pantasya niya tungkol sa binata. Kaya wala nang dahilan para magpigil pa. Dahil kung tutuusin wala narin naman siyang kakayahang kontrolin ang sarili niya. Ibig sabihin, bibigay at bibigay rin siya.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
at bumigay na nga ng tuluyan si Lana kay Andrew
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status