Share

Chapter 4: QUESTIONS

ZIV'S POV

I was starring at her. She didn't respond. I've been wanting her to answer the questions that still bothering me after the long years of waiting. My family don't know about her, and i wont let them know about her.

"Why is it so hard?" Biglang usal ko. Iniisip ko palang ang mga nangyari noon mahirap na pigilan ang mga luha ko. She lean on me wearing those curious face. I just stare at her blankly. "Why did you gave up?" Hindi ko na napigilan ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Pinahid ko iyon at yumuko.

"Please, don't ask me questions as if you don't know the answers" usal niya. May namumuong galit sa loob ko ngunit hindi ko iyon pinairal.

"Why did you gave up?" Kalmadong usal ko. Pinipigalan kong tumulo ang luha ko.

"Paulit-ulit nalang ba tayo--" May bahid na galit na usal niya.

"Just asnwer that fucking question!!" Hindi ko maiwasang masigawan siya. I just can't hold my emotions. Nagulat siya sa sigaw ko ngunit mabilis rin itong bumalik sa ulirat. Bumuntong hininga siya bago nag salita.

"Z-ziv" she said my name again. "I-im sorry, but, i already forget those. Please, don't get hard on yourself. I k-know that's questionable but, will it stay that way?" Nakita ko ang pagtulo ng luha niya. Agad ko siyang nilingon at akmang pupunasan ang mga luha sa pisngi niya ngunit agad niyang hinawakan ang kamay ko. Biglang napunta sa kanya ang mga mata ko. "Ziv" usal niya habang binababa ang kamay ko. "I'm sorry but, i moved on" that tear my heart into pieces.

Hindi ko na pinigilan ang mga luha kong tumulo. I can't take the pain. Pinipilit ko parin ang mga bagay kahit hindi na pwede. Pinipilit ko parin kahit hindi maaari. Pinipilit ko parin kahit wala na.

'Am i the only one loving her?'

Hinawakan parin niya ang kamay ko at inilapat ito sa pisngi niya. May konting tuwa pero mas umiiral ang sakit. Pumikit siya kasabay ng pagtulo ng mga luha niya.

"Thank you for the five years of loving me" Mahinang usal niya habang hinihimas ang kamay ko. "But, This is not the end" May konting ngiti akong nasilayan sa labi niya kaya agad ko siyang hinipalapit at siniil siya nang halik. Hinigpitan ko ang paghawak sa pisngi niya dahil alam kong magpupumiglas siya ngunit naging kabaliktaran ang nangyari.

Gumanti siya nang halik na para bang nanggigil. Nakakalasing ang halik na ito dahil matagal na noong huli ko siyang hinalikan.

'I really miss you'

Hinawakan niya ang batok ko at mas lalo pang inilapit ang mukha ko sa kanya. Napalaking pag-asa ang nadama ko habang hinahalik siya. Bumaba ang kamay ko sa likod niya at inilapit ang katawan niya saakin ngunit unti-unti siyang bumitaw sa halik. Hindi na ako nagmatigas at humiwalay na rin dahil alam kong hindi ko mapipigilan ang sarili ko kapag pinagpatuloy namin ito.

"I know this is not the end" Habol na hiningang usal niya habang nakatingin sa mga mata ko. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit. Hindi ko mapigalan ang tuwang nadarama ko dahil sa mga sinabi niya. Nakagiti akong nakayakap sa kanya at niyakap niya rin ako.

Ilang minuto ang tinagal nung yakap ko kaya ako mismo ang bumitaw. Tinignan ko ang magagandang mata niya at ngumiti. Nang napansin kong maghahapon na ay napag desisyonan ko nang umalis dahil baka hinahanap na ako sa bahay.

"Thank you" usal ko at ngumiti. Ngiti rin ang ganti niya saakin at dahan dahang lumapit saakin kaya nagulat ako. Nang makalapit na siya ay bigla niya ako niyakap. Mas lalo akong nagulat sa ginawa niya hindi ko inaasahang gagawin niya iyon ng kusa kaya niyakap ko ulit siya.

Matapos yun ay nagpaalam na ako Sakanya. I wish i could be with her forever but, i can't.

'This kind of life is giving me so much struggles'

Naglakad ako patungong sasakyan at sumakay roon. Ang hirap pala kapag patago ang relasyon niyong dalawa. Gusto ipagsigawan na mahal ko siya kaso bawal dahil din sa pamilya nila. Alam kong tutol ang pamliya naming dalawa pero mas pinili kong magmahal kesa isipin ang iba. Gusto ngayon ako muna. Puso ko muna bago ang iisipin ng iba. Alam kong mahihirapan ako, pero, pagkasama ko siya alam kong malalagpasan namin 'ton dalawa.

Sinandal ko ang ulo ko sa upuan ng sasakyan at bumuntong hininga. Palagi nalang kasi ako ang nag-iisip nang paraan at aminado akong nahihirapan na ako pero, hindi ngayon ang tamang panahon para sumuko.

Pinaandar ko ang sasakyan at humarurot pauwi. Pinark ko ito sa likod at lumabas sa kotse. Nagalalakad ako sa garden ng nahagip nang mata ko ang baril na nakatutuk sa baba.

Nanlaki ang mga mata ko ngunit madali rin akong nabalik sa ulirat kaya nag tago ako sa gilid ng glass window. Hindi ito sound proof kaya maririnig ko kung ano man ang sasabihin nila.

Yung lalaking nakahawak sa baril may cover sa mukha at naka-itim na bonnet. Naka camouflage t-shirt ito kaya hindi ko masyadong makita kung gaano kalaki ang katawan. Tinignan ko kung sino ang tinututukan niya ng baril ang mas lalo nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

SI LUHAIRE!!!

Nakahiga siya sa sahig habang hawak hawak ang tiyan niya. Halatang binugbog ito sa mag pasa sa mukha niya. Hinihingal ang lalaki habang nakatutok ang baril kay Luthaire.

"Sinabi ko na noon 'to, kaya makinig ka ng mabuti kung gusto mo pang mabuhay!!" Biglang sigaw nito. Halos hindi na ako makahinga para hindi niya marinig na nandito ako. Kinakabahan ako kay Luthaire baka tuluyan na siya. Wala akong magagawa dahil wala akong alam sa martial arts. "Wag mong subakang magpakita dahil hindi ako magdadalawang isip na patayin ka!!" Sigaw niya habang dinuduro ang baril kay Luthaire. Nangingig ang mga tuhod ko habang nakatingin sa lalaking yun. Panay ang lunok ko pero pinipilit ko hindi gumawa ng tunod.

"Ano?! Nababaliw ka na ba?!!" Sigaw ni Luthaire. Bakit ganun nalang ang reaksyon niya? Ang dali nung pinapagawa pero, bakit parang ang hirap para sa kanya?

'Meron kang hindi sinasabi saakin'

Gusto kong sugurin ang lalaki at patayin pero, hindi ako makagalaw dahil isang tapak ko lang tutunog angmga bato na tinatapakan ko.

"Alam mo namang hindi pwede yun?!" Sigaw ulit ni Luthaire.

"Pwes, wala ka nang magagawa!! Magpakita ka man o hindi mamatay ka!!" Parang may tinik sa lalamunan ko. Tutuk na tutok ang mga mata ko sa lalaking yun. I was scanning his body baka pwede kong paimbestigahan ang mga pangyayari. Lumunok ako nang ilang beses at mas lalong sumiksik sa gilid nang glass window.

Nahagip nang mata ko ang dahan dahang pagbukas ng pinto sa likod ng lalaki. Nakita ko si Ephariam na may dalang dos por dos na kahoy. Hinay hinay siyang lumapit sa lalaki at mahigpit na hinahawakan ang kahoy. 
Nang makalapit ito ay agad niyang pinokpok sa ulo ang lalaki.

Natumba ito at dahan dahang kinuha ni Ephraim ang baril.

"No!" Sigaw ni luthaire. Kunot nuong tumingin si Ephraim kay Luthaire na tila hindi alam ang gagawin. "The finger prints! Don't leave any evidence" tumango lang ito at kumuha nang plastik tsaka niya kinuha ang baril. Tinulungan ni Ephraim si Luthaire na makatayo.

"Pano 'to?" Kalmadong usal ni Ephraim. Hindi ko na sila pinakinggan pa at dumiretso ako sa kotse. Habol ang hininga ko habang sumasakay sa kotse. Walang tigil ang pintig nang puso ko. Parang lalabas na ito kaya pinakalma ko ang sarili ko. Pinaandar ko ang sasakyan at mabilis na lumabas sa bahay.

'I need some time...'

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status