Share

Chapter 6: FIGHT

CALLUM'S POV

Pagkatapos kaming pagalitan ay agad kaming dumiretso sa park. Gusto ko paring tumawa kahit iilang tao na ang nagalit sa ginawa namin. Nilingon ko si Rayne sa kanan ko na sumasabay sa paglakad ko.

"Rayne?" Usal ko.

"Hmm?" Ungol nito sabay lingon saakin. Ngumiti lang ako at hinila siya ng patakbo. Hindi pa man kami nakakalayo ay bigla siyang nag reklamo. "Hoy! Dahan dahan naman hinihingal na ako!" Sigaw nito at huminto sa pagtakbo. Habol ang hinga niya sabay hawak sa dibdib niya.

"Ang dali mong hingalin! Hindi pa nga tayo nakakalahati sa isang kilometro hihingal hingal kana! Ang layo pa natin oh?!" Usal ko sabay turo sa malayo. Biglang kumunot ang nuo niya.

"Ano?!" Usal nito sabay tayo nang maayo. "Saan ba banda yan?" Naiiritang tanong nito.

"Unang kanto kakanan tayo tapos diretso tapos pag-umabot ka sa isa pang kant--"

"Ang layo naman?!"

"Oo! Malayo talaga kaya kung gusto mong umabot sa oras tatakbo na tayo--"

"Ang yaman mong tao tapos hindi ka makadala nang pero mo."

"May pera ako pero mas gusto tumakbo pag ikaw kasama ko! Kaya halika na!" Usal ko sabay hawak sa kamay niya at tumakbo.

"Nakakadiri ka!" Usal nito habang tumatakbo. Ngumiti lang ako at nag patuloy sa pag-takbo na hindi parin binibitawan ang kamay niya. Nung nakaabot kami sa isang kanto ay huminto siya para mag pahinga.

"Rayne! Ang baboy muna! Ugaliing mag exercise dahil ang taba muna kasi!" Sabi ko at dahan dahan siyang umupo sa damuhan.

"Kung makapagsalita naman 'to kala mo hindi ka baboy noon! At tsaka hindi ako mataba! 49 nga lang timbang ko! Mas baboy ka kaya."

"Noon yun rayne! Ikaw na ang baboy ngayon HAHAHAHA" Malakas na tawa ko. Bigla siyang tumayo at..

"Tumakbo ka na." Seryosong usal niya kaya tumakbo kaagad ako. "Dahil babatukan talaga kita!!!" Sigaw niya sa habang tumatakbo.

Ilang sandali pang paghahabulan ay malapit na kaming makaabot sa lugar na gusto kong puntahan na hindi man lang siya hiningal. Bigla akong huminto at humarap sa kanya nang aktong babatukan niya ako ay..

"Nandito na tayo!!" Maligayang usal ko. Agad niyang nilibot ang niya at kumunot ang nuo.

"Bakit dito?!" Nagtatakang usal niya. Nandito kami sa resort nila doon mismo sa pinakapaburitong pwesto niya. Nakaharap sa isang maliit na isla.

"Namiss ko lang." Maligayang usal ko. "HAAY!! ang sarap nang hangin." Buga ko ng hininga. Dumaan ako sa maliit na pinto at umupo sa duyan.

"Hoy! Akin yan!" Sigaw ni Rayne galing likod. Hindi ko siya pinakinggan at tuluyang humiga sa duyan. "Pwesto ko yan ano ka ba?!" Muling sigaw nito.

"Minsan lang ako dito kaya pagbigyan mo 'ko" usal ko at pumikit.

"Anong minsan?! Kagagaling mo lang dito nung nakaraan! Alis na! Ang sakit na ng paa ko." Pagmamaktol nito kaya umupo ako at tinapik ang katabi nag duyan. Kumunot ang nuo niya kaya tinapik ko ulit.

"Umupo ka dito kasi! Ang slow mo!" Natatawang usal ko. Palagi talaga akong na nanalo kapag inaasar ko siya. Pa balik ang tingin niya sa duyan at saakin kaya ako na ang humila at naupo siya sa hita ko.

Ilang sandali pa siyang nakatunganga at pabalikwas na tumayo. Nakita ko ang pamumula niya kaya napangiti ako. Yumuko rin ako dahil ang init ng mukha ko. Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot saaming dalawa at sinabayan nang pagkailang.

'Bwesit!'

"S-sige. May kukunin lang ako." Naiilang na usal niya habang pumihit paalis. Sinundan ko siya ng tingin at hindi namalayang tumayo ako tsaka hinawakan ang kamay niya para maiharap saakin. Tiningala niya lang ako...

PAAAAAAAAAKK!!!

May biglang sumuntok saakin na hindi ko alam kong saan nanggaling. Limingon ako sa likod ni Rayne nang bigla kong nakita ang ex niya. Agad na kumulo ang dugo ko.

"Ano bang problema mo?!" Galit na usal ko sabay tayo.

"Ikaw!! Ikaw ang problema ko!!" Sigaw nito. Biglang laumapit si Rayne para harangin siya.

"Pwede ba?! Wag dito!" Mahinang sigaw ni Rayne.

"Hindi! Nakakainsulto na eh! Ako ang mahal mo pero siya ang kasama mo!" Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Nakita ko kung paano bumagsak ang dalawang balikat ni Rayne.

"Itigil mo na!! Dahil wala na kayo!! Walang kayo!!" Pagdidiin ko sa mga salitang yun at mas lalo siyang nagalit siya sa sinabi.

"Ano bang pake mo?! Ha?!" Sigaw nito.

"May pake ako dahil kaibigan ako!"

"Kaibigan ka lang!!" Malakas na sigaw niya. Mas lalo akong nagalit. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sugurin siya. Mabilis kong itinabi ko si rayne at agad siyang sinuntok.

PAAAAAAAAAKK!!

Sa sobrang lakas nag suntok ko ay napahilata sa buhangin. Nasapo niya ang baba niya at napagtantong dumugo ito kaya diretso ang tayo niya at akma susugurin ako ng biglang haringin ni Rayne ang suntok.

"Umalis ka na." Kalmadong usal nito. Agad kong nakita ang pagkadismaya sa mukha niya. "Ako na ang nakikiusap sayo, umalis ka na." Usal ni Rayne at dahan dahang binababa ang kamay niya.

"R-rayne." Dismayadong usal nito. "P-please g-give me chance." Pahina nang pahina ang boses niya at agad na tumulo ang luha niya.

"I will not give you a second chance." Mahinang usal ni Rayne. Agad na bumagsaka ang dalawang balikat niya.

"R-rayne, p-please." Usal niya at hinawak ang kamay ni Rayne. Hahawiin ko na sana ngunit.

"'Cause you never miss a chance." Usal ni Rayne sabay pahid sa mga luha niya. Hindi paman nakakaabot ang kamay ko ay agad ko itong binalik sa bulsa ko.

Tumango lang ako at dahan dahang tumalikod. Akala ko nakikita niya ang presensya ko, akala ko lang pala. I smirked as I continuesly walking farther them.

'The difficulties of love...'

Hindi ko namalayang sa paglalakad ko ay nakaabot ako sa farm. Dumiretso ako sa sasakyan ko't isinandal ang ulo ko sa upuan.

'Masyado na yatang masikip sa puso niya kaya hindi ako nagkasya'

Natawa ako sa naiisip ko. Umayos ako ng upo at pinaandar ang sasakyan. Ilang sandali pa ay nakaabot na ako sa bahay. Matamlay akong bumaba at pumasok ng salubungin ako ni mommy.

"Hey baby, what happend?" Nag-aalalang usal nito.

"I-it's nothing mom." Usal ko at napansin ang panlalaki nang mga mata niya.

"What's this?!" Kunot nuong tanong niya sabay turo sa pasa ko. "Sinong may gawa nito?!" Galit na usal niya at hinawakan yun.

"Aah! M-mom, i-it's nothing. I just need some rest okay? I'm fine." Paningurado ko. Bumuntong hininga siya at tumango.

"Are you sure?" Tanong niya ulit.

"Yes mom." Tatango tangong usal ko.

"Make sure na gagamutin mo yan?" Tumango lamang ako at hinalikan siya sa noo. Dimiretso ako sa kwarto at binagsak ang katawan ko sa kama.

Hindi ko maiwasang isipin yung nangyari kanina. Bakit ba ugali nilang bumalik pagkatapos nilang iwan?! Nagloloko pero hindi kayang panindigan.

'Gago ba siya?!!'

Nagagalit ako hindi dahil bumabalik siya. Nagagalit ako hindi dahil sinuntok niya ako kanina. Nagagalit ako dahil tinanggap ulit siya sa kabila ng panggagago niya.

'Masyadong kang tanga Rayne!!'

Magiging komplikado ata kapag sumogod pa ako. Hahayaan ko nalang kahit alam kong hindi na tama. It's hard to pretend but, it's more painful to know that she's not After my Heart.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko at pinilit na matulog. Hindi pa man ako inaantok gusto ko munang makalimutan kahit konti yung nangyari kanina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status