Share

Chapter 8: PARTY

LEOPORD'S POV

Minadali kong tapusin ang ginagawa ko dahil napagpasyanhana kong lumabas ng bahay. Nang matapos ko na iyon ay agad akong bumababa. Aktong pag bukas ko ay bumungad saakin ang mukha ni Zaretha. Kunot nuo ko siyang tinignan ngunit parang wala itong pakialam.

"What are you doing here?" Agarang tanong ko. Gumawa ito nang nakakadiring ngiti kaya mas lalong ang naiirita. "Ang sabi ko, what are you doing here?!" Naiirita kong tanong sakanya.

"Para makita ka, obvious ba?" Maarteng tanong nito sabay hawak sa dibdib ko. "Madali lang naman 'to" Malanding usal nito.

"Hey!" Agad kong hinawi ang kamay niya at kumunot ang nuo niya. Tinulak niya ako papasok hanggang sa maramdaman ko nasa kama nakasandal ang paa ko.

"Pagbigyan muna ako. Ngayon lang." Usal niya sabay kagat sa ilalim niyang ng baba niya. Nandidiri akong nakatingin sakanya.

"Pwede ba?! Umalis ka nga!" Biglaang sigaw ko. Napayuko siya sa sigaw kong iyon pero hindi ako nagpatinag.

Sa galit ko ay hindi ko namalayang hinalikan na niya pala ako. Doon ko nanaramdaman ang halik niya nung hinawakan niya ang tiyan ko. Hindi ko na pinagpatuloy pa iyon at agad siyang tinulak siya. Nabangga siya sa pader dahil sa lakas ng tulak ko.

"Ang sama mo!" Biglang sigaw niya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"A-ako?! Ako pa talaga ang masama?! HA!" Buga ko dahil hindi ako makapaniwala sinabi niya. Gusto ko siyang bugbugin kaso may pinoprotektahan akong pangalan.

'Ako yung naiipit.'

"Nakakadiri ka!" Sigaw ko at bigla siyang natigilan. Nagpipigil ako sa galit ko baka anong magawa ko sa babaeng 'to.

"Talagang masama ka! Kalalake mong tao nanunulak ka ng babae!" Parang batang usal nito. 

"Umiiwas lang ako sa malandi zaretha." Usal ko sabay labas sa kwarto.

'Bwiseeeeeeeeet!!!'

Ang landi nung babaeng yun kahit kailan! Nakailang beses na akong nahalikan nun. Galit akong pumasok sa sasakyan ko at padabog na sinarado ang pinto ng sasakyan. Sinandal ko ang ulo ko sa sasakyan at bumuntong hininga.

'How can i get rid of her?!'

Agad kong pinaandar ang sasakyan at pinaharurot palabas ng bahay. Nagikot-ikot muna ako bago huminto sa isang mall. Pumasok ako roon at dumiretso sa isang resto.

"Good afternoon sir." Bungad saakin nung water. Tumango lang ako at umupo sa isang table katabi sa bintana na makikita ang labas ng mall. Nakakunot parin ang nuo ko dahil sa galit pero pinipigilan ko ito. Ilang sandali pa ay bumalik yung water at may inabot.

"Here's our menu sir." Maligayang usal niya. Ngumiti muna ako sakanya tsaka binuksan ang menu.

"Carbonara and a white wine please." Tumango ito sabay sulat sa papel. Binalik ko ang menu at tsaka ngumiti.

"Your food will be served in 2 minutes sir." Nakangiting usal nito. Tumango lang ako at agad siyang umalis. Kinuha ko ang cellphone ko at napansing may missed call kay Heidi. Tinawagan ko siya dahil nakasilent ang cellphone ko, hindi ko mapapansin. Agad niya naman itong sinagot.

"Hello?" Usal ko.

"Why did you leave Zaretha here?!" Biglang sigaw niya sa kabilang linya.

"I don't care." Walang ganang sagot ko't bumuntong hininga.

"Anong you don't care?! Tinulak mo siya at nasaktan siya, kaya bumalik ka na dito!" Sigaw niya ulit kaya nailayo ko ang telepono sa tenga.

"Hindi ko na kasalanan yun, hayaan mo siyang mag-isa diyan." Usal ko sabay buntong hininga ko.

"Babae 'to Leop--"

"Pwes, wala akong pake! Kasalanan niya kung bakit ko siya tinulak kaya, hayaan mo siya diyan!" Biglang sigaw ko. Pinagtitinginan ako ng mga tao kaya, napayoko ako sa kahihiyan. "Mamaya nalang pwede?! Ikaw na bahala diyan" Usal ko sabay putol sa linya. Nang iangat ko ang tingin ko ay agad kong nakita ang waiter na dala dala ang order.

Agad kong inalis ang kamay kong nakapatong sa table. Isa-isa niyang nilagay ang order ko at ngumiti tsaka dahan-dahang umalis. Sinimulan kong inumin ang wine at kumain.

Baka sinisiraan na ako ni Zaretha kay Heidi at umabot sa parents ko. Magpinsan sila sa mga sevilla kaya pinapaingat kami sa mga pakikitungo namin sa kanila baka masira ang ugnayan namin. Tinapos ko ang pakain ko at binayaran iyon.

Agad akong tumungo sa sasakyan at pinaharurut paalis doon. Ilang sandali ay humito ako dahil pula ang traffic light. Sinandal ko ang ulo ko sa upuan at bumuntong hininga.

'Bwiset baka magsumbong yun!'

Knowing heidi, hindi siya yung tipong mapagtataguan mo nang sikreto. Pag tinanong mo ay sasagot talaga ng katotohan And that's what i hate about her. Palagi kaming nabubuking dahil sakanya.

Napagtanto kong naging berde na ang ilaw nito ay agad kong pinaharurot ang sasakyan. Ilang sandali lang ay nakaabot naako sa bahay. Pinark ko ang sasakyan ko at agad na pumasok sa bahay.

Nilibot ko ang paningin ko at napagtantong wala si heidi dito kaya, umakyat ako sa kwarto ko at doon ko nakita si Zaretha na umiiyak.

"Bakit ngayon ka lang?!!" Sigaw ni Heidi.

"Ano ngayon?! At sa kama ko pa talaga pinaupo yan?!" Kunot nuo kong sabi.

"Anong pake mo diba?! Uupo siya kung saan ko gusto--"

"Alis!" Abog ko sakanilang dalawa. Nanlaki ang mata ni Heidi dahil sa inasal ko. "Pwede ba Heidi, wag mo akong bungangaan ngayon?!" Agad siyang tumayo at sinampal ako. I was froze dahil sa ginawa niya.

"You have no manners!" Sigaw ko niya sabay hila kay Zaretha at padabog na sinarado ang pinto. Bumuntong hininga ako at yumuko.

Nagpaikot-ikot ako sa kwarto dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin. Parang nakukuha ko na ang ugali ni Rayne at Ngayon niya lang ako napagbuhatan ng kamay ni Heidi. Sa gitna ng pag-iisip ko ay may napansin akong pumasok sa kwarto. Nahagip ko si Rayne na nakasandal sa gilid ng pinto.

"Nakukuha mo na ugali ko ah?" Biglang usal niya't napabuntong hininga ako. "Pero, wag mo akong gayahin, baka magsisi ka." Ma-awtoridad na usal nito. "Kahit pa wala akong respeto, matututo rin ako." Tatango-tangong usal niya. Umakma siyang tatalikod kaya tinawag ko siya.

"Rayne." Mahinang tawag ko at nilingon niya ako. "I-i'm sorry" sambit ko.

"Sorry? For what?" Tugon niya at sumdal ulit sa pader.

"Sorry for everything. I'm sorry dahil pinaghiwalay ko kay--"

"Hayaan mo na yun." Agad na singit niya at natigilan ako. "Kalimutan mo na, kasi, kinalimutan ko na." Usal niya at bumuntong hininga. Tinignan niya pa ako tsaka siya umalis.

Agad akong naupo sa kama ko. Alam kong hindi ko pa dapat pina-alala pa 'yon pero, nagiguilty ako sa ginawa ko. Parang sinasabi ng isip ko na, ako ang dahil kung bakit nagkaganyan si Rayne pero, kahit ano pa ang gawin ko, hindi ko na maibabalik ang relasyong sinira ko.

Bumuntong hininga ako at tumayo. I want to prapare a suit for the party. Gusto ko ako ang maghahanda sa susuotin ko dahil, ayokong iasa sa mga katulong namin. Kinuha ko ang dark blue suit sa walk-in closet ko at nilapag iyon sa kama ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status