Share

Chapter 9: PARTY

RAYNE'S POV

We are heading to the party tonight. Inaantay ko lang ang driver ko dahil gagamitin namin ang kanya kanyang sasakyan namin.

"Nasaan na ba yun?!" Bulong ko sa sarili ko. I wated five minutes para antayin yung driver ko pero hindi umabot kaya ako nalang ang nagdrive. Binilisan ko ang pagmamaneho dahil ilang minuto lang ay magsisimula na ang party. Nang makaabot ako ay agad na bumukas ang gate at pinasok ang kotse doon. Itinabi ko iyon sa kotse ni Luthair at agad na bumaba.

"Rayne!" Maligayang bati ni Callum. Ngumiti ako at niyakap siya. "You look beautiful." Seryosong usal niya.

"Thank you." Nakangiting usal ko. "Let's go?" Tanong ko at tumango lang siya. Dahan dahan siyang lumapit saakin tsaka hinawakan ang beywang ko at lumakad papasok.

Inihatid ako ni callum sa table ng mga buencamino at tumabi ako kay Lazarth.

"Thank you." Nakangiting sambit ko kasabay ng pagngiti ni Callum bilang tugon. Tumalikod ito at nag-simulang maglakad.

"Bakit ngayon ka lang?" Pormal na tugon ni dad.

"My driver didn't show up, so, i drove all the way here alone." Mapaklang tugon ko. Tumango lamang ito at sinimulang inumin ang wine niya.

Hindi ko tinigtignan kung sino man ang dumadaan sa gilid ko. Masyadong maingay ang paligid at binabalot ng katahimikan ang lamesa namin. Wala ni isang kumikibo na tila bang nag-aantay sa kung sino ang pumaunang mag-salita. Hindi ko na iyon inintindi at nag-simulang inumin ang wine sa harap ko.

"Good evening ladies and gentle men." Paunang bati ni tita Amara. "I would like to say, thank you for coming here as we celebrate Senior Leon's seventy fifth birthday." Maligayang usal nito kasabay ng masigarbong palakpakan ng madla. "You presence has a great contribution for us, as well as our celebrant. Enjoy!" Usal nito't bumababa sa tanghalan.

Binalik ko ang paningin sa lamesa ngunit nanatiling walang kibo ang miyembro ng pamilya. Nagsimulang tumunog ang paboritong musika ni Senyor Leon at nanatili parin kaming tahimik.

'Ano bang silbi namin dito?! Tss!'

Wala akong maisip na salitang sasabihin dahil wala naman talagang dapat pag-usapan. Nang matapos ang kanta ay pinaakyat nila si Senyor Leon sa tanghalan. Dahan dahan pa nila ito binuhat dahil nakaupo ito sa wheel chair.

"Magandang gabi sa inyong lahat." Maligayang tugon nito at iginala ang mata sa buong kwartong ito. May iilang pumalakpak at kasabay nito ang pagsalita ulit ni Senyor. "Ngayon ay ang aking ika-pitongput-limang selebrasyon ng aking kaarawan. Na-- akala ko ay hindi na ako makakaabot sa edad na ito, ngunit napapasalamat ako dahil humihinga pa ako at nagsasalita sa harap niyo." Pilit na ngiting usal niya. Bakas sa mukha niya ang hirap na paghinga at nanginginig na kamay. "A-alam kong h-hindi na rin ako magtatagal dahil sa kondisyon ko kaya, gusto kong gamitin ang oputunidad na i-ito upang p-pasamalamatan a-ng--" agad niyang nasapo ang dib-dib na tila bang nahihirapan sa paghinga. Umakyat si tita at iba pang myembro ng pamilya sa tanghalan upang tulungan si senyor.

Hindi ako nagdalawang isip na tumawag ng ambulansya para madala agad si senyor sa hospital. Pagkatapos kong tawagan ay umakyat kaagad ako at pinatabi ang mga tao. Lumapit ako kay callum na maluhaluhang hawak ang kamay ng senyor. "Magsitabi kayo, paparating na ang ambulansya." Agarang usal ko at nakita ko ang pag-aliwalas sa mukha nila. Agad kong ibinaba ang wheel chair nang marahan para ilabas ito.

WEEEEEENG!!! WEEEEEENG!!!

Malakas na serin ng ambulasya. Minadali kong itulak iyon kasabay ng pagsunod ng pamilya Sevilla. Nang makaabot ako ay Agad nila itong inilipat sa strecher at pinasok sa ambulansya. Pumasok ang padre pamilya nila kasabay ng nakakabatang kapatid ni Callum na si Shane. Dalawa lang ang pwedeng sumama kaya nagpaiwan ang ibang miyembro. Nilingo ko si Callum na hindi mapakali sa gagawin. Nang nilingon niya ako ay agad siyang lumapit at niyakap ako.

"Thank you." Emosyonal na usal niya. Napagtanto kong umiiyak siya dahil sa pagtulo ng tubig sa balikat ko. Niyakap ko siya pabalik. "I know i could count on you." Usal niya at siya mismo ang bumitaw sa Yakap. Ngumiti lang ako at bumalik sa loob. Iginala ko ang paningin ko at batid kong wala na palang tao sa lamesa namin. Bumalik ako roon upang kunin ang purse ko ng mahagip ko ang mga mata ni Ziv. Pilit na ngiti ang ganti ko at tuluyang kinuha ang naiwan ko. Nang akmang tataliko ako ay may biglang humawak sa braso ko. Kunot nuo ko yung nilingon at nakita ko si Ziv.

"R-rayne." Nag-aalinlangang usal niya. Marahan kong hinawi ang kamay ko't nabalisa siya sa ginawa ko.

"Ziv, wag ngayon. May mas importante akong gagawin ngayon. Mauna na ako." Dirediretsong usal ko. Hindi ko na siya hinintay pang makapag salita at agad na tumalikod. Walang lingon lingon akong lumakad patungong kotse. Binuksan ko iyon at agad na sumakay. Napabuntong hininga ako at sinandal ang ulo ko a upuan.

Hindi ko maintindihan kung bakit may lakas ng loob siyang kausapin ako kanina habang na sa hindi kalayuan ang pamilya niya. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Hindi ako galit sa ginawa niya dahil natatakot sa ginawa niya. Baka nakita ako ng pamilya niya at maungkat ang nakaraan namin. May takot parin ako sa katotohanang hanggang ngayon ay wala paring nakakaalam sa nakaraan namin.

TOK! TOK! TOK!

May biglang kumatok sa bintana. Tinted ang bintana kaya kailangan kong ibaba iyon pa makita kung sino ang kumatok. Bumungad saakin ang mukha niya Callum. Namumugto ang mga mata niya at namumula ito.

"Anong nangyari?!" Kunot nuong tanong ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ngunit lumiko siya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maka-abot siya sa kabila at binuksan ang pinto doon. Nang maka upo ito ay agad siyang bumuntong hininga. "Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko. Umiling siya't biglang bumuhos uli ang luha niya. "Callum, anong nangyari?" Tanong ko ulit. Yumuko ito at pinahid ang luha niya.

"S-si L-lolo... " pilit na sagot niya.

"A-ano? Kamusta na siya? Is he okay?" Dirediretsong tanong ko ngunit ganoon parin ang emosyon niya. "Tell me!" Pagpupumilit ko.

"H-he's g-g-gone." Usal niya't agad na yumuko.

Natigilan ako sa sinabi niya. Parang hindi naproseso ng sistema ko ang sinabi niya. Hindi ako makapaniwala.

'He's gone'

'He's gone'

'He's gone'

Nagpaulit-ulit ito sa pandinig ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging kaukulang reaksyon ko sa sinabi niya. Parang nanigas ang katawa ko't naging bara ang lalamonan ko.

"W-what did y-you say?" Hindi makapaniwalan tanong ko. Umiiling lang siya habang tumutulo ang luha. Yumuko ulit ito habang humihikbi. Paran akong nanigas sa kinauupuan ko. Napabuga ako ng malakas at agad na bumuhos ang luha ko. Naipatong ko ang ulo ko sa manibela habang patuloy na rumaragasa ang pagtulo ng luha ko.

"R-rayne, let m-me drive y-you home.Pagpiprisinta niya. Agad akong umayos ng upo at huminga ng malalim.

"N-no, i can handle this." Hindi ako sumang ayon sa gusto niya.

"Rayne, please, kahit ngayon lang wag kang magmatigas." Agad akong napalingon sa sinabi niya. Tumango lang ito na para bang pumapayag ako sa sinabi niya.

Hindi ako nag dalawang isip na paandarin ang sasakyan at agad itong pinaharurut palabas.

"Rayne! Ano ba!" Sigaw niya habang inaagaw ang manibela. "Rayne! Stop it!!" Sigaw niya ulit. Hindi ko na iyon pinansin at nagpatuloy parin ako sa pagmamaneho.

"Bitawan mo! Mababangga tayo!" Usal ko dahil hindi diretso ang takbo ng sasakyan. Hindi niya parin ito binitawan kaya agad kong tinapakan ang preno. Muntik na akong mauntog pero agad kong nasapo ang ulo ko. "Sinabi kong kaya ko diba?" Mapaklang usal ko habang hinihingal sa kaba.

"A-alam k-ko n-naman y-yun--"

"Kahit pa! Paano kung nabangga tayo sa ginawa mo?! Naiisip mo ba yun?!"

"O-oo, p-pero--"

"Wala kang tiwala?" Saglit siyang natigilan sa sinabi ko ngunit agad rin itong bumalik sa ulirat.

"Did i say that?" Nagtatakang tanong niya.

"Hindi, Pero yun ang pinaparating mo." Agad na kumunot ang nuo niya.

"W-what?" Hinilamos niya ang kamay sa mukha niya niya. Halata ang pagkainis sa mukha nito.

"Sige nga, kung ihahatid mo ako, anong gagamitin mong sasakyan pauwi?" Biglang tanong ko't natigilan ulit siya. "Ihahatid rin kita? Tsk! Para kang gago." Agad siyang bumuga sa hangin.

"Ano ba sa tingin mo ang gagamitin kong sasakyan panghatid sayo?" Pag-balik niyang tanong. Agad na kumunot ang nuo ko. "Ihahatid kita gamit ang sasakyan ko, at ipapakuha ang sasakyan mo dahil--"

"Tama na ng pagpapahiya, wala ako sa mood." Usal ko at agad na pinaharurot ang sasakyan.

Hindi kami nag-usap sa buong byahe dahil wala akong planong kausapin siya. Hindi ko man lang naisip yung sinabi niya kanina.

'Nakakatanga.'

Ilang sandali pa ay nakaabot na kami sa bahay. Hindi ko na siya pinapasok dahil masyado ng malalim ang gabi.

"Ipapahatid na kita kay manong." Mahinang usal ko. Tumango lamang ito. Hinintay ko pa si manong na maihanda ang sasakyan.

"Tara na?" Tugon ni manong. Tumango lang ako.

"Mag-iingat kayo." Usal ko at sinundan ng tingin ang sasakyan paalis. Agad akong pumasok ng hindi ko na matanaw ang sasakyan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status