Share

Chapter 10

ATTERSON'S POV

Hindi ako makapaniwala sa dagliang pagkamatay ni lolo. Medyo malusog pa naman si lolo habang nagsasalita siya kaya nakapagtataka lang na agad siyang tinamaan ng hingal. Hindi na ako nag-isip pa at bumuntong hininga.

"Anak, matulog ka muna. Take some rest." Biglang usal ni mommy. Namumugto parin ang mga mata niya kakaiyak. Umiling lang ako at pilit na ngumiti. "Kailan mo ba balak mag pahinga anak? You stayed up without even taking a single rest--"

"Mom, I really am okay." Pangungumbinsi ko sakanya ngunit bumagsak lang ang balikat nito. "You need to rest. You stayed up too, let's go. I can handle this. Hm?" Usal ko at inilahad ang kamay.

"A-anak--" Pagmamatigas niya.

"Mom? Please." Tumango nalang siya at inabot ang kamay. Inakay ko siya at inihatid sa kwarto. Agad akong bumaba para asikasuhin ang mga bisita.

Sa pagbaba ko ay nahagip ko ang mga mata ni Rayne na sinusundan ako nang tingin. Parang may pinapahiwatig ito kaya dumiretso ako sa direksyon niya.

"We need to talk." Agad na usal niya at hinila ako patungong garden. Kunot nuo ko siyang tinignan ngunit bumuntong hininga lang ito. "Ano ang findings ng mga doktor kay Senyor?" Seryosong usal niya. Hindi ako nakasagot agad dahil nagtataka parin ako sa kinikilos niya. "Atterson?" Biglang tugon nito kaya nabalik ako sa ulirat.

"Heart attack, why?" Nagtatakang tanong ko.

"Anong huling ininom o kinain ni senyor?" Tanong niya ulit kaya mas lalo akong nagtaka.

"W-wine. Y-yung lang-- bakit ba?! A-anong problema?!" Hindi ko ma pigilan ang emosiyon kong sigawan siya.

"Sino ang nag-bigay ng inumin kay senyor?" Kalmado parin ngunit maawtoridad na tugon niya.

"A-ako--" Nauutal kong sabi.

"Sino ang nag bigay sayo?" Tanong niya ulit kaya mas lalong kumunot ang nuon ko.

"Ano ba?! Pwede bang diretchahin mo na?!--"

"Sagutin mo!" May kaunting galit na sigaw niya. Halatang nagpipigil ito kaya kinalma ko ang sarili ko.

"Kinuha ko lang sa table." Napapahiyang usal ko.

"Nakikita mo 'to?" Seryosong usal niya at itinaas ang isang maliit na bote.

"O-oo."

"Gusto kong alamin mo kung sino ang nagdala nito."

"P-paano?" Agad akong kinabahan sa sinabi niya.

"Kunin mo ang cctv footage sa lugar na yun. Lahat ng angulo kailangan mong hanapin. Ikaw lang ang maasahan ko dito." Maawtoridad na tugon niya.

"B-bakit ako?! S-si Callum?!" Agarang usal ko. Hindi ko alam kong kakayanin ko ang inuutos niya.

"Kailangan mong gawin Atterson, may pinagawa rin ako kay callum kaya sayo ko binigay 'to."

"Parasaan ba 'to?"

"Wala akong direksyon sa imbestigasyon na 'to pero may pinaghihinalaan akong tao dito. Hindi ko muna sasabihin hangga't wala pang ebidansya. Gawin mo nalang yung sinabi ko kung gusto mong mapadali ang imbestigasiyon." Seryosong usal niya at agad na umalis.

May namumuong takot sa sistema ko. Baka nga nilason si lolo. Wala namang may galit sa kanya kaya nakapagtataka lang may gagawa sa kanya ng ganoon. Paano ko ba gagawin yung sinabi niya? Hindi ko alam kung paano sisimulan. Hindi ko alam kung saan hahanapin. Napailing ako. Nalilito ako sa mga pangyayari.

'Alam kaya 'to nila mommy?'

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba o hindi dahil alam kong mas lalong masasaktan si mommy kapag ganito ka lala ang posibleng nangyari kay lolo. Bumuntong hininga ako at pumasok sa loob. Pinipigilan kong maging kahinahinala ang mga kilos ko para maging epektibo ang gagawin ko sa susunod na mga araw.

Susubukan kong kausapin si callum bukas at magpatulong sa gagawin ko. Umupo ako sa sofa at hiniga ang ulo ko doon. Hindi pa ako naging imbestigador kaya alam kong magiging mahirap. Bumuntong hininga ako at ng kibit balikat. Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko pero hindi ako makatulog. Pilit ko ring inalis ang takot sa sistema ko ngunit ganoon parin. Hindi mawala sa isip ko yung mga sinabi Rayne kanina. May halong takot at pagtataka ang nararamdaman ko.

Tumayo ako at tumungo sa kusina. Binuksan ko ang aparador at kumuha ng whisky. kumuha ako ng baso at nilagay ang alak doon.

Napaka misteryoso talaga ni Rayne. Minsan nagiging kriminal, minsan rin nagiging imbestigador. Hindi ko maintindihan ang ugali niya.

Hindi ko alam na ganito ang ugali niya kapag nagiging seryoso siya. I only knew the happy side of her. I never thought that she would take this issue seriously, because we all die anyway. What's the point of conducting an investigation? The dead body won't live if we continue investigate anyway. But, at some point, we can give justice to the person who is lying on the cuffin. I sighed and drink sa Whisky.

Hindi na ako uminom pa. Dumiretso ako sa kwarto at hiniga ang katawan sa kama. I'm very exausted today. My body is in pain, and also my legs are trembling. Dahan dahan kong pinilit ang mga mata ko at natulog.

RAYNE'S POV

Pagkatapos kong kausapin si Atterson ay agad akong umuwi. Hindi ko na pinakinggan kung ano pa man ang sasabihin niya dahil alam kong tututol ito. Hindi ko man siya masyadong pinagkakatiwalaan eh wala akong magagawa. Hindi ko pwedeng ipaalam ito sa mga magulang niya, o sino mang parte sa pamilya nila maliban sa kanilang dalawa.

Sa ngayon, kaming tatlo lang muna ang dapat makaalam sa imbestigasyon na ito para hindi magigung magulo. Bumuntong hininga ako at tumayo sa kama. Hindi pa naman masyado malalim ang gabi kaya napag-isipan kong gumala.

Lumabas ako at nilibot ang paningin sa baba. Napansin kong wala ng tao kaya dahan dahan akong bumaba sa hagdan. Dumiretso ako sa palabas at mabilis na naglakad patungong sasakyan. Pinaandar ko kaagad 'yon patungon opisina.

Walang nakakalaam sa opisina ko dahil ako ang nagpagawa noon. Sinadya ko 'yong ipagawa para sa mga taong gusto kong ipatumba at sa mga gustong sirain ang pamilya namin. Sa ngayon, gusto kong malaman ito ni callum. Siya ang maasahan ko sa mga bagay na ito. Medyo may pagkamadaldal 'yon pero alam kong hindi niya ako babaliktarin. Pinauna ko siya doon pero hindi ko muna pinapasok sa loob. Nahagip ko ang sasakyan niya ngunit hindi ko siya nakita sa labas. Pinarada ko ang sasakyan sa gilid ng simbahan at bumaba.

Kinatok ko ang salamin ng sasakyan niya at binaba niya ito. Kunot nuo niya akong tinignan.

"Anong ginagawa natin dito sa simbahan?!" Kunot nuong tanong niya. Sinenyasan ko lang siyang bumaba at sumunod naman ito. "Hoy!" Tawag niya ulit.

"Tara." Tipid ko sabi. Kinuha ko ang susi ko at binuksan ang pinto ng simbahan. Dinig ko ang papalapit niyang yapak kaya nilingon ko ang direksyon niya. Hindi pa rin niya alam kung bakit kami nandito.

"Nasaan na ba opisina mo?!" Kunot nuo niyang tanong. Bumuntong hininga ako at tinignan siya diretso sa mata.

"Pumasok ka doon." Turo ko sa confession room. "Sa pagpasok mo, may makikita kang pinto. Buksan mo iyon at makikita kang maliit na kahon sa bandang kanan. Kunin mo tsaka ka bumalik saakin." Hindi mawala ang pagtataka sa reaksyon niya ngunit sumunod parin ito sa utos ko. Umupo ako habang tinitignan siya naglalakad patungo roon.

Sinundan ko siya ng tingin haggang sa makapasok na siya doon. Kinuha ko ang cellphone ko para itext si Atterson.

Compose Message
To: Atterson

Magkasama kami ni Callum. Don't worry.

Message Sent!
9:48 PM

Itinago ko ang cellphone ko at inantay na makarating si Callum. Ilang sandali pang paghihintay ko ay nakabalik agad si Callum dala-dala ang maliit na box na pinakuha ko. Inabotniya ito saakin ng may kyuryosong mukha.

"Saan mo ba gagamitin 'yan?!" Agarang tanong nito. Umangat ako ng tingin.

"Susi 'to sa opisina ko." Tugon ko at tumango ito. "Tara." Agad akong tumayo at tumungo sa pinto na katabi ng conffesion room. Sumunod siya kaya agad ko binuksan ang pinto.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status