Share

Chapter 6

Bestfriend

Natapos ko na gawin ang research paper na dapat kong gawin. Bumaba ako ng kwarto ko at nagpunta sa kusina para kumain. Kaso wala akong nakitang pagkain sa lamesa. Nakauwi na din si Manang.

May nakasulat na note sa ref.

“Angela, nasa ref ang bago kong ginawang salad.” sabi ni Manang sa sulat.

Binuksan ko ang ref at nakita ang salad na sinasabi ni Manang. Salad nga lang pala ang dapat kong kainin ‘pag gabi. I almost forgot that I'm on diet nga pala. Kailangan kong alagaan ang sarili ko. Hindi basta-bastang sakit ang diabetes, kahit na minsan ay sumusuway ako ay bumabawi pa din naman ako sa pagkain ng mga healthy foods.

I remember when I was in high school, tumama ang braso ko sa alambre habang may ginagawa kaming project. Hindi ko napansin na dumudugo na pala ang braso ko. Ang tagal gumaling ng sugat ko, at the same time mataas ang sugar ko no’n. Natagalan pa ang pag galing tapos pagkagaling niya ay nagkaroon naman ng maitim na scar which is nangyayari every time na magkakasugat ako. Buti nalang at natanggal na siya dahil sa mga ginagamit kong sabon.

Kaya ngayon ay todo ingat na ako kasi ang hirap magkasugat. Ang tagal gumaling kahit na umiinom ka ng gamot.

Habang kinakain ko ‘yong salad ay biglang tumawag si mama.

"Hello, Ma." Panimula ko.

"Oh, nasa bahay ka na?" Tanong niya.

"Yes, Ma, kumakain pa lang ako ng salad," saad ko at sumubo uli ng gulay.

"Oh, okay. Ano bang schedule mo bukas? Nagpapatulong ulit ang ate mo sa shop niya," sabi ni Mama. Hay nako, talaga si ate. Buti nalang at tatlong subject lang ako bukas at lahat ay pang-umaga kaya p’wede ako ng tanghali.

"I'm free after lunch, Ma. Sa shop lang ba ako?"

"Yes, yes, anak. May kailangan lang uliy ayusin ang Ate mo sa pabrika natin." Sabi ni Mama.

"Oh, okay, Ma. I'll hang up na, kumakain ako.”

"Sige, enjoy eating!" Nang-aasar na sabi ni Mama. Lagi siyang ganyan ‘pag salad lang ang pagkain ko ‘tas sila mga naka-rice.

"Tse, ma! Pasalubong ko, ha? Alam mo na…"

"Oo na sige na babye na miss you,"

"Babye, Ma. Miss you, too." Paalam ko sabay patay ng tawag.

Si Ate Shane naman ay tinext ko na din.

Ako:

After lunch ako diyan.

Tatlo lang naman ang klase ko bukas, kaya ayos lang sakin. Wala din naman akong gagawin pagkatapos baka ma-bored lang ako dito sa bahay kaya sigurong mabuti pang sa shop na lang ako tumambay at least may makakausap ako na mga empleyado.

Tinapos ko na ang pagkain ko at umakyat na uli sa kwarto ko. Naglinis na ako ng katawan. I enjoy the warm water from the shower, it gives me relief. This is a long day, a lot of things happened. I hope tomorrow will be a better day for me.

I lay on my bed and check my Instagram account. I found a direct message from @itsmeprincessCayetano. So, her full name is Princess.

I opened her message. Cayetano? Cess is related to Caious? Baka pinsan, hindi naman sila magkamukha. Ang layo ng mukha nila sa isa't isa.

@itsmeprincessCayetano: Meet me tomorrow at the milk tea house near our school. 4 pm sharp.

Sharp talaga? Akala mo appointment pupuntahan ko. Mage-explain lang naman ako tungkol sa boyfriend niyang walang ginawa kun’di makipaglandian sa ibang babae. Ako pa tuloy ang nasisi na nakikipaglandian.

@angelamartinez: Yeah, okay. I'll be there tomorrow 4pm sharp!

Masyado atang harsh ang reply ko. I don't care 'di ko babawiin 'yon. Saglit lang naman siguro kami mag-uusap. Kailangan ko na din talagang mag-explain sa kanya dahil ayoko ng issue na tungkol sa mga ganyang bagay. Masyadong mababaw, walang patutunguhan. Kung ang iba ay gustong-gusto nila na magka-issue sila para lang madaming makapansin p’wes ibahin nila ako. Ayoko ng madaming nakakakilala sa’kin. Para kasi sa’kin ‘pag kilalang-kilala ka na, lumalaki ang ulo at ayokong mangyari sa’kin 'yon. Madami akong kilala na gano’n, nanalo lang sa isang contest ay lagi na niyang pinagmamalaki.

Don't change yourself, stay humble. And just be yourself.

'Yan lagi ang sinasabi ko sa sarili ko.

Hindi ko na siya hinintay mag-reply, wala din naman akong pake. Inayos ko na ang higaan ko, kailangan ko ng matulog dahil paniguradong isang nakakapagod na araw na naman bukas.

Hindi rin naman naging mahirap ang pagtulog ko dahil sa dami ng ginawa ko ngayong araw.

Nagising ako dahil sa alarm. Five-thirty pa lang pero kailangan ko ng mag-ayos dahil alas-siyete ang simula ng klase ko.

I blow dried my hair para mas maganda ang bagsak. Pagtapos ko mag-ayos ay bumaba na ako para kumain, nakahanda na rin oats sa mesa. Nakakasawa na ang puro gan’to ang kinakain, kaya mamaya kakain ako ng masarap. Hindi naman malalaman nila mama 'yon kung walang magsusumbong. Wala namang magsusumbong, hindi ako isusumbong ni Tin-Tin, partner-in-crime kami ng isang 'yon e. Hindi naman kami nagkikita ni Ate kaya ayos lang.

Nakalimutan kong mag-measure ng sugar kahapon, hindi na din ngayon dahil kakasubo ko lang ng oats ko. Dapat kasi nagme-measure ng sugar bago kumain.

Tinapos ko na ang pagkain ko, maaga pa naman kaya tumambay muna ako sa sala. Ayoko ng sobrang aga sa room, wala pa masyadong tao kaya nakaka-bored. Wala pa akong makausap, 'di naman ako gaano ka-friendly sa mga tao. Kahit na ilang buwan ko na silang kaklase ay hindi ko pa din sila ganoon kilala kahit pangalan man lang. 'Yong iba kilala ko na dahil sa mga groupings, at least may kakilala, wala nga lang ka-close.

Nang mag six-fifteen na ay umalis na ako ng bahay. Sakto lang pagdating ko sa school ay mga ten minutes na lang ang ipinaghintay ko at dumating na ang prof namin.

Natapos na ang dalawang subject. Naipasa ko na din ang research paper na dapat ipasa. Last subject na namin ngayong araw at ang tagal dumating ng prof.

Kinulbit ako ni Tin Tin kaya napatingin ako sa kanya.

"May nangyari pala sayo kahapon. Bakit hindi ka nagkukwento?" tanong niya. Inirapan ko naman siya.

"Ako lang ba? Ikaw din kaya hindi nagkukwento." Tonong nagtatampo kong sinabi. Akala niya siya lang ang walang sinasabi, pwes ako din meron!

"Ikaw na muna ang magkwento! Dali na, wala rin namang kwenta 'yong sakin," sabi niya. Hay, ang kulit talaga ng isang 'to

"Gan’to kasi no’ng linggo, pinagbantay ako ni Ate sa shop niya. Sabi niya may kasama daw ako, tapos alam mo ba kung sino ‘yong kasama ko?" Pagputol ko kuwento ko.

"Oh, sino?" Hanep wala ata siyang clue kung sino.

"Si Jay lang naman, pero pagdating niya sa shop umalis agad. Tapos no’ng hapon.

dumating siya. Kaya nagpunta ako sa Mang Inasal para kumain, tapos sumunod siya. Hinabol niya ako do’n sa parking ‘tas doon kami nagtalong dalawa…” Tumigil ako sa pagkukuwento dahil napatingin ako sa pintuan. Dumaan ang grupo nila Cess, hindi naman sila dati dito dumadaan, a? Hindi ba talaga nila ako titigilan?

"So, ikaw pala ‘yong nasa post niya sa IG? Whaaaaaa! Kinikilig ako, ghorllllllll!!!" Exaggerated na naman siya kung magsaya.

"Tumigil ka nga diyan! Issue nga nila sakin 'yon e!" Saway ko sa kanya.

"Pano naman naging issue 'yon? Hindi ka naman nila makikilala dahil nakatalikod ka. Sino ba ‘yang mga 'yan?" Lumabas na naman pagiging maldita niya.

Ikukwento ko na lahat sa kanya habang hindi pa ako tinatamad magkwento.

"Kilala mo si Princess Cayetano? Kinompronta nila ako kahapon, sa canteen. Boyfriend niya lang naman si Jay Marquez!" Halata sa mukha ni Tin Tin na hindi siya makapaniwala.

"Totoo?"

"Oo."

Oh, ‘di ba walang masabi 'tong isang 'to siguro kilala niya.

Speaking of Jay, absent siya at walang may alam kung bakit. Ayos na din 'yon, naging panatag ang loob ko kahit isang araw man lang.

"Ano?" Ulit niya ulit. Unli ata 'tong isang 'to paulit- ulit. Hindi talaga siya makapaniwala

"Oo nga ang kulit mo."

"Bagay talaga sila, parehas malandi," sabi niya na parang may galit siya doon sa tao. May hindi talaga siya sinasabi sa’kin.

"Relax ka lang, ghorl. Para ka ng papatay ng tao sa mukha mong 'yan e!" Pang-aasar ko sa kanya. Kasi naman ‘yong mukha niya lukot na lukot.

"Magkwento ka pa nga tungkol sa nangyari sa inyo!"

Baliw din, e. Inis na siya pero gusto niya pang magpakwento.

Nagkwento pa ako sa kanya. Naikwento ko din na magkikita kami mamaya ni Cess doon sa milk tea shop, gusto niya pa nga sumama. Parang ayaw niya talaga sa Cess na 'yon.

Hindi na dumating ang prof namin. Natapos ako sa pagkukwento pero siya hindi man lang nakapagkwento kahit isa. Hinayaan ko nalang din.

Dumiretso na ako sa mall kung nasaan ang clotting shop ni Ate. Mamaya nalang ako kakain o kaya naman ay magpapabili nalang ako sa empleyado ni ate.

Mabagal lang ang paglalakad ko papunta sa shop. Nasa labas pa lang ako ay rinig ko na ang tawa niya. Nakikipagbiruan siguro sa kanya ang isang empleyado. Nagulat ako dahil nandito siya akala ko may sakit siya, kasi kahapon ang tamlay niya kaya siya absent. Pero andito siya sa shop at nagbabantay.

Napatingin sila sa’kin kaya napahinto sila sa pagtawa.

Hindi nagtagal ang tingin saki ni Jay dahil nag-iwas agad siya ng tingin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status