Share

Chapter 8

"MANANG! We're here na po!" anunsiyo ni Gianna pagpasok ng bahay. Nanlaki naman ang kaniyang mga mata nang makita ang hindi niya inaasahang bisita. "Ding?" gulat niyang sambit at napangiti rin. Nilapitan niya ang kaniyang kaibigan upang bigyan ito ng yakap. Niyakap na rin siya ni Diana.

Sumunod namang pumasok sa bahay si William at labis ang pagkagulat nito nang mahagilap ng mga mata nito ang babaeng kayakap ng mahal na asawa. "Shit! What is this bitch doing here?" angil nito sa isip na ang tinutukoy ay si Diana.

Nakita naman ito ni Diana at agad na bumaklas sa pagkakayakap ang magkaibigan. Ngumiti nang malapad si Diana kay William at kinindatan pa ito na ikinakulo ng dugo ng lalaki.

"Hi, William!" masayang bati ni Diana sa asawa ni Gianna.

Hindi naman sumagot si William at umiwas lang ng tingin at umakyat sa taas upang pumasok sa kuwarto nila ni Gianna.

"Suplado mode na naman ang asawa mo, Jing," ani Diana at napanguso na lamang sa harap ng kaibigan.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status