Share

Kabanata 4

ITINABI muna ni Tanya ang sobre kung saan niya inilagay ang naipon niyang fifty thousand pesos. Kung tutuusin, napakalaking halaga na niyon at maaari na siyang makapagbukas ng mas malaking puwesto para sa kaniyang karinderya. Kaya lang nangako siya na magbabayad at iyon sana muna ang kaniyang paunang hulog dahil kahit sa ano'ng hinuha niya imposibleng mabayaran ang kalahating milyon ng isang tulad niya.

Wala siyang kamag-anak na mahingian ng tulong kaya humantong siyang mangutang at tanggapin iyon.

Sanay na siya sa hirap ng buhay ganoon siya pinalaki ng kaniyang mga magulang bago ang mga ito pumanaw. Baka maaari niyang pakiusapan ang butihing senyora na bigyan pa siya ng mahabang panahon, lalo na sa loob ng isang buwan ay nakapag-ipon naman siya ng malaking halaga bilang paunang bayad.

Noong umagang ding iyon ay nagtungo siya sa mansyon, nakalagay sa dalang bag niya ang sobre kung nasaan ang pera. Tulad dati tahimik at walang makikita na tao sa buong bakuran. Tuloy-tuloy na pumasok siya dahil siguradong alam na rin ng may-ari niyon na magpupunta at magbabayad siya.

Huminto siya sa tapat ng pinto nang may marinig na impit na sigaw. Ang buong akala niya ay dala lamang iyon ng imahinasyon at naparanoid lang siya.

"Itapon niyo na 'yan." Tamang-tama, narinig niya ang boses ni Senyora Faustina kaya binuksan na niya ang malaking pinto.

Pero imbes na ang inaasahan ang makita niya. Tumambad ang sahig na may nagkalat na kulay pulang likido. Napatakip siya ng bibig nang makita ang isang malaking itim na bag at may kamay na nakalitaw.

Nahindik siyang makitang nanggagaling sa loob niyon ang pulang likido at batid niyang dugo iyon. Nagsimulang manlambot ang mga tuhod niya sa matinding takot at mamawis ang mga kamay. 

Sinubukan niyang ilibot ang paningin at doon nakitang may dalawang lalaki na nakasuot ng itim na damit at balot ang mga kasuotan ng dugo habang nakatayo naman sa hindi kalayuan ang pakay sanang tao.

"Isunod niyo na ring 'yang babae," utos ni Senyora Faustina. 

Gulong-gulo ang isipan niya at nakikisabay na rin ang matinding kabog ng dibdib niya. Nabalisa ang buong anyo ng muka niya habang unti-unti siyang umaatras.

"Sigurado kayo Ma'am, mukhang sariwa pa 'to. Hindi pa kahit kailan nadidiligan," biglang wika ng isang lalaki na kung tingnan siya ay kulang na lang ay hubaran siya ng mga mata nito.

"Oo nga, Ma'am. Sa amin na lang 'to, kami na ang bahala," segunda ng isa pang lalaki.

Napalunok siya. Nagsisimula nang mangilid ang mga luha niya at pagsakit ng tiyan sa matinding takot. Lalo siyang nangilabot sa takot nang marinig ang mga salitang iyon. Pero nagtaka siya nang balingan ni Faustina ang direksyon niya.

Sa totoo lang, kanina pa niya gustong tumakbo pero nanigas na yata ang mga paa niya sa kinatatayuan.

Nang mahimasmasan, kinurot niya ang sarili hanggang magdugo iyon at saka siya nagmamadaling lumabas ng mansyon.

Rinig na rinig niya ang malakas na pagmumura ng dalawang lalaki at sa isang iglap natagpuan niya ang sariling nakangudngod na ngayon sa sementong daan ang mukha. Sigurado siyang kahit magsisigaw ay walang mangyayari dahil masyadong liblib ang lugar na iyon at wala maski na dumaraan na sasakyan.

Napangsinghap siya sa matinding sakit nang halos mabali ang buto niya sa braso. "Pakiusap, maawa na po kayo. May kapatid po akong nasa ospital po ngayon," pagmamakaawa niya subalit dahil nakangungod ang mukha niya kaya't hindi siya makapagsalita ng maayos.

"Ikaw kasi, kung hindi ka na sana nagsalita kanina hindi na ako natuksong kampihan ka. Tapusin na natin 'to," wika ng lalaking may hawak sa kaniya ngayon.

"Pre, tingnan mo naman kasi. Bagong-bago 'yan, hindi ka basta makakakita ng ganiyan kagandang babae ngayon."

Nagtaasan ang balahibo niya sa batok sa narinig. 

"Tigilan niyo na 'yan." Natigilan siya nang marinig ang boses ni Faustina na marahil na nakamasid lamang sa kaniya.

Sinimulan na niyang humingi ng tawad sa lahat ng naging kasalanan niya habang nabubuhay siya. Bumuhos ang mga luha niya ng pagsisisi. Paano na lang ang kapatid niya oras na makalabas ito ng ospital? Natatakot siyang malaman na lamang nitong natagpuan siyang patay matapos gahasain.

Inangat niya ang paningin at makitang nasa harap na pala niya si Faustina. Itinulak siya ng isang lalaki pataas upang makita siyang mabuti marahil ng amo nito.

Nasilayan niya ang kakaibang ngiti nito sa mga labi. Samantala, hindi pa rin tumitigil ang mga luha niyang bumagsak nang ilapit nito ang mukha sa kaniya.

"You're right, she's actually pretty." Naramdaman niyang nagsimulang magdugo ang kaniyang labi dahil sa nangyari kanina. "Alam mo ba kung bakit kita pinautang dahil gusto kong malaman kung kanino mo 'yon nalaman. Tama nga ang hinala ko na may nakakita sa akin na mag-abot ng pera. However, it's not debt. It's payment."

Hindi siya umimik. Halos mabali na ang mga braso dahil madiing pagpilipit niyon sa likod niya. Oras na ibuka niya ang bibig ay baka mapasigaw lang siya sa matinding sakit.

"Ang nakita mo kaninang nakabalot sa body bag ay ang taong binayaran ko para patayin ang step-son ko kaya lang hindi siya nagtagumpay. I don't have any other choice but to kill him immediately or else my step-son would find out that I'm actually hiding here," nakatatakot na paliwanag nito.

"Ma'am, may kapatid po ako–" 

Hindi na niya nagawang tapusin ang sasabihin nang pilipiting muli ang braso niya.

Napasinghap siya sa matinding sakit.

"Sino ang nagsabi sa 'yo na nag-abot ako ng pera sa lalaking 'yon?" galit na usig na nito sa kaniya.

Pilit na umiling siya. "W-wala po... pakiusap maawa po kayo sa akin."

"Hindi mo ba talaga sasabihin sa akin?!"

Hindi na niya kaya. "Ma'am, gagawin ko po ang lahat. Huwag ninyo lang akong patayin, kailangan pa po ako ng aking kapatid."

Sandaling napatitig ito sa mukha niya. "You're a virgin," anito.

Nagulat siya nang punitin nito ang suot niyang pang-itaas na damit at marinig ang pagpito ng dalawang lalaki nang makita ang malulusog niyang dibdib.

"Tama ka, kailangan ka nga ng iyong kapatid." Sa isang iglap nagbago ang tono ng boses nito. Nakita niyang sumenyas ito sa lalaking may hawak sa kaniya na bitawan na siya. 

Agad naman na tumumba ang katawan niya. Damang-dama niya ang pananakit ng buong katawan matapos nang sandali iyon.

"Please..." usal niya sa pagitan ng paghikbi.

May mainit na bagay na dumampi sa balat niya. "Hindi ba't nakita mo kanina ang ginawa ko sa taong 'yon? Puwede ko rin 'yon gawin sa kapatid mo..." banta nito habang nakangisi.

Ikinilos niya ang kamay upang hawakan ang paa nito. "Ma'am..."

Binuksan nito ang laman ng kaniyang dalang bag at buksan iyon. "You only brought fifty thousand? Am I some kind of a joke to you?"

Ibinalik din niyon ang pera sa loob ng bag. Muli nitong hinaplos ang mukha niya. "You have this exquisite face that he will surely like. Sa tingin ko mapapakinabangan nga talaga kita."

Ilang sandali lang tuluyang nilamon ng kadiliman ang buong kapaligiran. 

***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status