Share

Kabanata 5

NAPAKALAKAS ng kabog ng puso ni Tanya habang lulan siya ng isang itim na van kasama ang dalawang lalaking balak sana siyang patayin kanina. Hanggang ngayon namamawis pa rin ang kamay niyang itinakip sa slit ng suot.

Dahil din sa matinding sakit ng buong katawan wala siyang ibang nagawa kung hindi isandal kahit sandali ang sarili sa kaniyang gilid.

Subalit balot pa rin ang buong pagkatao niya ng takot. Takot sa puwedeng mangyari sa kaniya sa pagdadalhan ng mga ito. 

Nahagip ng paningin niya ang katabing isang lalaki na panaka-nakang sinusulyapan ang hita niya. 

Pagdilat niya ng mga mata kanina natagpuan niya ang sariling nakasuot ng isang bodycon dress. Hapit na hapit iyon sa maliit niyang beywang at ngayon nga ay nakalitaw ang dibdib oras na magkamali siya ng lakad ay baka bigla na lang lumuwa. 

Gusto na lang niyang lamunin ng kinauupuan dahil sa dignidad niyang winawarak ngayon ng suot na damit, lalo na sa bahaging harap ng hita niya. Subalit laking pasasalamat niya na sinusulyapan lamang siya nito at hindi hinahawakan. Animo'y may kung ano'ng pumigil dito na gawin ang gusto.

"Nandito na tayo," anunsyo ng nagmamaneho na lalaki.

Humimpil ang sasakyan sa harap ng isang maliwanag na lugar. Nang silipin niya sa labas ng bintana, napamaang siya nang mapagtanto na isa 'yong bahay-aliwan. 

Lalong naramdaman niya ang matinding takot lalo na nang buksan ang pinto ng sasakyan. "Subukan mong sumigaw, tandaan mo hawak namin ang buhay ng kapatid mo," narinig niyang bulong ng lalaking humatak sa kaniya palabas ng sasakyan.

Hindi naiiba ang hitsura niya sa mga babaeng naroon na kung kumapit sa ibang mga lalaki'y aakalaing mga linta. Hinang-hina ang buong katawan niya habang inililibot ang mga mata sa mga taong naroon kahit nasa labas ay hindi alintana ang mga ginagawang pribado sa mata ng iba. 

Nang may makita siyang lalaki na hinatak lang ang suot ng isang babae, halos mapatakbo siya palayo nang magsimula ang mga iyon na gumawa ng milagro sa harap ng maraming tao. Ibinaling niya ang mga mata sa mismong entrance ng lugar, pinalilibutan iyon ng kulay dilaw na ilaw na kapag matagal na tiningnan ay animo'y hinihipnotismo ang sino man.

Nagulat siya nang marinig ang pangalan. Nilingon niya ang dalawang lalaki sa likod. Nang marahil hindi siya natinag sa kinatatayuan ay isa sa mga ito ang lumapit sa kaniya. 

"Hanapin mo ang taong ito, ang pangalan niya ay Isidore Lanchester makikilala mo agad siya sa suot niyang gray three piece suit," mahinang utos nito at inilagay sa kamay niya ang isang papel. "Magpanggap kang babae niya na nakasiping mo dalawang buwan ang nakararaan at sabihin mong nabuntis ka," dagdag pa nito.

Kinilabutan siya sa mga narinig. Nanginginig pa ang mga kamay nang tingnan niya ang hawak. Isa iyon na litrato ng lalaking nakasuot ng business attire halatang kinuha lang ang larawan ng palahim.

Magulo pa sa kaniyang isipan kung ano ang gagawin dahil sobrang okyupado na ang utak niya ng sariling kaligtasan.

"Subukan mong tumakas at baka hindi mo na makita pa ang 'yong kapatid," biglang banta ng lalaking nakangisi sa hindi kalayuan.

Naiwan siya sa gitna ng daan na hindi mawari ang gagawin. Parehong nanginginig ang mga kamay at paa, saka lang din niya napansin malamig ang simoy ng hangin ng gabing iyon.

Yakap-yakap ang sariling sinubukan niyang ihakbang ang mga paa bakas ang matinding takot sa mukha. Batid niya ring nagdurugo na ang kaniyang labi dahil kanina pa niya iyon kinakagat upang ipaalam sa sariling hindi siya nananaginip. Totoo ang lahat, at oras na hindi niya gawin ang mga bagay na iyon ay maaaring mapahamak ang kaniyang kapatid na si Miko.

Hindi rin siya sigurado na matapos gawin ang mga pinag-uutos ng mga ito ay pakakawalan din siya. 

Isa na lang tao na marahil ang pag-asa niya, ang makahingi ng tulong sa lalaking nasa litrato na ibinigay sa kaniya.

Nang papasok na siya sa gusali hindi maiwasang pagtinginan siya ng mga matatandang lalaki na naroon na nakapulupot ang mga braso sa beywang ng mga babae. 

"New?" Sinulyapan niya ang isang matandang lalaki na sinisiyasat ang buong katawan niya ulo hanggang paa. Animo'y nakikita ng mga nito ang nasa likod ng kapirasong tela na suot niya.

Nahindik siya nang simulan nitong idampi ang isang daliri hanggang sa leeg niya at lagyan ng puwersa sa kaniyang baba upang makita nitong maigi ang mukha niya. "Mukhang wala ka pang experience sa kahit sino'ng lalaki, nakikita ko ngayon sa 'yo," anito na ikinakunot ng noo niya. Lalo na nang simulan nito igaya ang ang daliri sa kaniyang tiyan.

Nang hindi na siya makatiis ay buong lakas niyang itinulak ito palayo sa kaniya. Pero dahil iyon na lang ang natitirang lakas na mayroon siya ay agad siyang napaupo sa malamig na sahig ng naturang lugar.

"This woman is crazy! I'm already offering her to sleep with me yet she shoves me away!" bulyaw ng lalaking itinulak niya. 

Sinubukan niyang tumayo nang mapansing nilapitan na ito ng ibang marahil na bantay. Muli niyang sinulyapan ang hawak na larawan. Wala na siyang dapat na sayanging oras. 

Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang malakas na mga sigawan, ungol at maging ng ibang ingay na ayaw na rin niyang bigyang pansin. Pakiramdam niya masusuka siya sa lahat ng mga nasasaksihang immoralidad ng lugar na iyon. 

Saka niya narinig ang kakaibang musikang pinatutugtog kahit papaano'y nakatulong iyon para maibsan ang mga naririnig niyang nagdudulot sa buong sistema niya na lubayan siya ng sariling ulirat.

Hindi niya alam kung saan pupunta sa napakalawak na loob niyon at sisimulang hanapin ang lalaking binanggit sa kaniya. 

Ayaw niyang silipin kung ano'ng himala ang mga nangyayari sa loob ng mga silid na natatakpan lamang ng manipis na pulang tela.

Mariing napapikit siya habang yakap-yakap ngayon ang kaniyang sarili. Hindi niya maiwasang magduda kung matutulungan siya ng taong kikitain. Pero magiging madali lang iyon lalo na kung tatawag ito ng pulis habang siya naman at ng kaniyang kapatid ay magtatago-tago.

Nakaarinig siya ng malakas na ungol ng babae sa kaniyang gilid at alam niya ang mga sumunod na ingay. Nagmamadaling lumabas ang babae na hindi man lang nag-abalang magsuot ng pang-itaas. 

Binuga nito ang usok ng sigarilyong hinithit. "Sigurado ka ba?" narinig niyang usisa nito sa kasama.

"Oo nga, naroon na nga ngayon sina Lou at Eden," sagot ng kasama.

Nasa isang sulok lang siya at nakatago mula sa mga ito kaya hindi siya napapansing nakikinig sa usapan ng dalawa.

Pumalatak ang una. "‘Yong dalawang ‘yon talaga napakabilis ng radar sa mga customer na big time," anito.

"Halika na, para makabawi naman tayo sa mga matatandang nakasiping natin hindi naman tayo na-satisfy."

Nangilabot siya sa narinig.

"Sigurado ka si Mr. Lanchester talaga?" excited na ang una at nagbihis na ng pang-itaas

"Oo nga!"

Mr. Lanchester? Umusbong ang munting pag-asa sa puso niya nang marinig ang pangalan na iyon.

Nang nagmamadaling umalis ang dalawang babae na agad naman niyang sinundan ng tingin kung saan kwarto ang mga ito pumasok.

***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status