Share

[ K A B A N A T A IV ]

Slave...

I know God won’t give me anything I can’t handle but sometimes I just wish that He doesn’t trust me to not get tired of something. I just wanted to lay down and rest, forget what is reality and escape it but the hell with this suck reality. It always dragging me down and slap me a million times just to make me realized that in reality the princess is not just a damsel in distress but a fighter, a fighter that can fight for her own sake. Nothing more, nothing less.

Malapit na ako sa pwesto ng aking mga kuya. Malapit na ako sa katotohanan. Kumikirot ang aking puso, pinipisil ito ng libo-libong mga kamay, tinutusok ng milyong punyal at ang dugo? Tila ayaw ng dumaloy, gusto ng huminto. Tinatatagan ko ang aking loob, alam kong malakas si papa, alam kong lalaban siya.

Nang tuluyan na akong makalapit sa tatlo kong kuya ay hindi na kinaya ng mga tuhod ko. Hindi na kinaya ng lakas ko, akala ko kaya ko na. Inalalayan ako ni kuya Genesis at pina-upo sa kaniyang katabing upuan, ngumiti ito sa akin sa napakalungkot na paraan. Ayokong marinig ang sasabihin niya.

“Kamusta si papa, kuya? Okay na ba siya?” nakangiting tanong ko dito ngunit taksil ang aking mga luha nag-uunahan sa pagpatak.

“Valerie---”

“Ahh. Nakikipagkwentuhan siya kay mama sa loob?” tumatango-tangong tanong ko kahit pa patuloy ang pag-agos ng aking mga luha sa mata ay sinubukan kong tumayo at humakbang ngunit pinipigilan ako ni kuya Ezekiel.

“Val. Listen to me baby, listen.” Pinipilit na ni kuya Genesis na pakalmahin ako .

“Kuya, I will wait okay? Hihintayin ko nalang matapos silang magkwentuhan.” Ngumingiti parin ako kahit ang labo na ng mga mata ko.

“Princess…” narinig ko ang basag na boses ni kuya Isaac. Umiling ako sa kanilang tatlo.

“No, ano ba kayo? Lumalaban pa si papa. Lumalaban pa ang hari.” Pinipilit ko ang sarili ko na paniwalain na lumalaban pa si papa sa loob.

“Val… Val, please calm down. Calm down please.” Nagmamakaawa na si kuya Ezekiel.

Si kuya Genesis na nasa kanan ko at si kuya Ezekiel naman sa kaliwa samantalang si kuya Isaac ay nakaluhod ang isang tuhod sa sahig at nakaharap sa akin. May mga luha na ang kanilang mga mata, nilalabanan ang panginginig ng kanilang mga labi.

“The king is already left us… h-he didn’t make it, princess.” Nabingi ako sa sinabi ng unang prinsipe ng pamilya—kay Kuya Genesis

“H-hindi ka na niya nahintay pa.” Mas lalong kumirot ang aking puso ng marinig ang sinabi ng pangalawang prinsipe—kay kuya Isaac

“Princess, please. Listen to---”

“H-how dare the k-king didn’t wait his p-princess? H-how?” halos bulong na lamang ang aking nagawa dahil sa tila may nakabarang kung ano sa aking lalamunan.

My first king already signed off to his duty as my king. He signed off to protect me, to be my human alarm, to be my human diary and adviser. He already left his queen, his only princess and his three prince. He left us hanging, and clueless on how to survive without his presence.

“W-wala na akong h-human alarm….. H-human diary at…. At adviser.” Halos hindi na maintindihan ang mga salita ko dahil sa paputol-putol na boses na lumalabas mula sa aking bibig.

Kuya Genesis handle his emotion too well while Kuya Ezekiel and Kuya Isaac are now bursting into tears like me. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob para tingnan si papa na nakapikit at wala ng buhay. Hindi ko alam kung papaano ko ihahandle yung mga nangyayari sa akin.

“K-kuya…. K-kuya wala na akong best human diary… w-wala na.”

Nanginginig na ang buo kong katawan. Wala na akong matinong maisip dahil sa mga nangyayari. Hindi ko maisip na iniwan na kami ni papa at hindi na babalik pa. okay lang naman sana kung dahil sa trabaho pero ito? Ito yung pinakamasakit eh. Oo, gusto namin siya magpahinga pero hindi ganitong pahinga.

“Kuya…. B-bitawan niyo ako, pu—pupuntahan ko si papa. G-gigisingin ko siya…bitawan niyo ako.” Nanghihinang saad ko pero hindi sila nakinig sa akin. Hindi parin nila ako binitawan.

“COME ON, LET ME GO!! LET ME GO!! GIGISINGIN KO SI PAPA. GIGISINGIN KO SIYA, SABI NIYA SAKIN KAGABI HE WILL NEVER LEAVE US. ANO BA!!!”

Naramdaman ko ang dalawang kamay ni Kuya Isaac na nakahawak sa magkabila kong pisngi at pilit niya akong pinatitingin sa kaniyang mga mata.

“LOOK VALERIE YSABELLE ALONZO, HINDI LANG IKAW ANG NAWALAN!! HINDI LANG IKAW KAMI RIN. YOU SHOULD CALM DOWN. PLEASE FUCKING CALM YOURSELF. DON’T BE SO STUBBORN YOU, BRAT.”

Wala ng gustong magsalita. Wala ng boses ang nais mangibabaw. Walang ampat sa pagpatak ang aking mga luha. Ang buo kong katawan ay nanginginig na dahil sa lamig ng aircon at sa pakiramdam ko ay dehydrated na ako. Nakita ko si Ken na nakasandal sa pader at nakatingala sa taas.

Sabi nila lahat ng tao humahantong sa kamatayan, alam ko yun. I am aware in that situation pero bakit ngayon pa? bakit ngayon pa kung saan pakiramdam ko nasa gitna ako ng dalawang batong nag-uumupugan.

Nakita ko si mama na lumabas mula sa kwarto kung saan naroon si papa. Namumugtong mga mata at namumutlang mga labi iyan ang hitsura ng aming reyna. Kung masakit na sa amin ang mawalan ng hari ano nalang kaya ang sakit na dinaranas ng aming reyna?

Napaluhod si mama habang lumuluha, mas napaluha ako dahil sa panghihina ni mama. Kaagad siyang dinaluhan nila kuya Isaac at Kuya Ezekiel samantalang si Kuya Genesis ay patuloy akong inaalo. Hinahagod niya ang aking likod.

“W-wala na ang inyong papa, iniwan niya na talaga tayo.”

Hearing my mothers crack voice is painful than I imagine. They are right, a mothers tears is a painful scenery you can see in your whole life. I can’t believe that my first king permanently sign off. Naramdaman ko ang pag-ikot ng aking paningin at unti-unti akong nilamon ng dilim.

‘You’ll always be my first king, Papa.’

My first man that I used to love, one of my happy pill, the only man who understand my mood swing and brighten up my mood. How I wish I can still keep, touch, kiss, talk and hug him, how I wish I can see him old with a white hair and wrinkles. But sad to say my first man left me, forever.

Lumipas ang dalawang linggo na halos hindi ako makausap ng matino ng mga kaibigan ko. Salitan din ang dalaw sa akin nila Sardius at Thunder. Naloloka nga ako sa kanila. Halos araw-araw namang nagluluto ng almusal ko si Thunder at taga gising ko ng umaga si West. Si Sardius naman ay minsang kasama ko sa pagbabantay ng pwesto namin sa palengke. Ginagawa nila ang lahat para libangin ako samantalang ang mga kuya ko ay bumalik na sa Zepere makalipas lamang ang pagkakalibing kay papa.

Lahat kami ay scholar kaya walang dapat magloko pero bilib ako sa tatlong ugok kong kuya tanyag din sa pagiging babaero pero ni minsan hindi bumagsak ang grado. How I wish I can be strong like them, who can handle themselves and who can manage their tantrums. Ako kasi kapag dumating na sa punto na feeling ko pasuko na ako, susuko na talaga ako. Hindi ko na iisiping lumaban pa kasi andyan naman si papa para isalba ako.

“Kaya mo bang magdefense?” nag-aalalang tanong ni Marko

Defense namin ngayon sa Organizational Management at kagrupo sila Mau, keziah, Sardius, Marko, David, Thunder at West. Matagal na naming natapos ang business propasal na ito at ngayon we need to justify our proposal in order for us, Entreprenuers, to conduct our business. Pero dahil nga sa isang linggo nila akong hindi naka-usap ng maayos ay alam kong nag-aalala sila na baka hindi ko masagot ang tanong ng mga penalist.

“Okay ako, kaya ko to.” At binigyan ko siya ng isang ngiti na nagsasabing ‘kaya ko to’.

Tumango nalamang siya at iniwan ako sa aking upuan. Busy ang buong Rockefeller dahil sa paghahanda. Ako at si Marko palang ang narito sa assign area namin kaya si Marko ang kanina pa tanong nang tanong sa akin kung okay lang ba ako. Nakikita ko sa mga mukha nila ang kaba pero ako? Nag-aalala ako, ang isip ko ay wala sa defense kundi nasa puso ko.

“Kaya mo yan, Val. Kaya mo yan.” Pangungumbinsi ko sa aking puso.

Ilang minuto lamang ay iniluwa ng pintuan ang dalawang bagyo na pormadong-pormado. Akala mo ay aattend ng debut sa gara ng porma, napairap ako sa dalawa dahil sa kabilaang kindat nila sa mga kaklase naming babae. Napakalalanding tunay.

Muli ko na lamang itinuon ang aking atensyon sa aming business propasal. Wala akong magagawa kundi ang mag-concentrate at ibigay ang best na kaya ko para sa grades naming walo. Ayokong madisappoint si mama sa akin, lalo na si papa.

“Why did you come up with this kind of business, ms. Alnozo?” napa-angat ang tingin ko dahil sa tanong ng isang bagyong kanluran

“We come up with this concept because we believe that we will going to promote truth and love using our products, Jellatine. Jellatine is like us, people, some are transparent, some are not but still its showing us our true colors. Love, we love jellatine because of its own unique taste and texture like people, we love one person because….”

Natigilan ako dahil sa pagpasok nila David at Sardius. Kung gwapo ang unang dalawang pumasok, ano pa kayang salita ang pwedeng ibigay sa panibagong pumasok? Sigurado ba silang defense ang pupuntahan nila at hindi party?

Nanatili ang mga mata ko kay Sardius na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. Kung may tao man akong dapat mahalin, masasabi ko bang dapat si Sardius nalang? Pero bakit pilit nagsusumiksik sa aking isipan ang sinabi ni Ken nang araw na bawian ng buhay ang aking ama?

“Because its own uniqueness, we better to love them with their characteristics and not just by the looks that can see through our eyes.”

Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay napatingin ako kay Thunder na ngayon ay matiim ding nakatingin sa akin at inilihis ko agad ang aking mga mata sa ibang direksyon. Bakit pakiramdam ko nag-iiba ang tibok ng aking puso? Bakit pakiramdam ko hindi ko ito gusto?

“So your saying that we should not deceive by looks?” tanong naman ni David ng makalapit ito

“Yes, we shouldn’t. Besides good looks can be deceiving as snakes.” Seryosong saad ko.

“Then what if someone is willing to be a victim by that good looking lady?” napalingon naman ako kay Sardius dahil sa tanong niya.

“Then that is foolishness.”

“I am willing to be a fool, then.” Natigilan ako dahil sa narinig kong saad ng kidlat na may kasamang buhawi ng kayabangan.

Hindi ko inasahan ang mga salitang lumabas mula sa bibig niya. Pakiramdam ko rin ay naparalisa ang aking katawan, naninikip ang dibdib na dahilan nang hindi normal na pagtibok ng puso at may kung ano sa loob ng aking tiyan. ‘Ano ang nangyayari sa akin?’

“What do you mean?” Narinig kong tanong ni West kay Thunder

“I am willing to be a fool just to own that deceiving good looking lady or should I call her Goddess?” ani Thunder

Ramdam ko parin ang mariin niyang pagtitig sa akin. Hindi man ako nakatingin sa kaniya ay ramdam ko ito. Tinutunaw ako ng mga titig niyang hindi yata ako masasanay kahit pa ulit-ulitin niya itong gawin.

Natutunaw na ako kanina pa ngunit mas tinunaw pa yata ako dahil siguro sa pagtawag nila Mau at Keziah sa aming grupo. Kami ang unang sasabak sa defense at habang naglalakad kami palabas hindi ko maiwasang kabahan at mangamba, hindi rin naman nakaligtas sa akin ang pagbulong ni Thunder sa aking gilid. Bulong na nakapagpatigil ng mundo ko.

“Valeriana, I am born to be a slave of that Goddess and that is you.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status