Share

[ K A B A N A T A VII ]

Heartbeats...

Nakarating kami sa skwelahan ng tahimik at walang mga imik. Nang makalabas ako sa kotse ni West ay nakita ko agad sina Thunder at Sardius na naghihintay sa akin sa bukana ng building namin. I let out a heavy sigh before I continue walking towards them and then stop when i am half meter away from them.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Pareho silang matiim na nakatingin sa akin ang kaibahan nga lang si Sardius maganda ang ngiti samantalag si Thunder ay nakasimangot at nakanguso. Napatawa ako ng bahagya.

“Ang kyut.” Saad ko habang nakatingala at nagpipigil ng tawa.

“Ako?”

Nawala ang ngiti ko ng marinig ang sabay nilang pagtatanong. Ampochi ng mga to. Seryoso na akong tumingin sa dalawa na siya namang pagdating ng tatlo.

“Bakit andito pa kayo?” tanong ni Keziah

“Sino ang kyut sa amin?” tanong ni Thunder na hindi binigyang pansin ang tanong ni Keziah.

Narinig ko pa ang pagtikhim ni West sa aking likuran at napasipol. Ako naman ay napapikit dahil sa seryosong mukha ni Thunder. Seryoso ba siya?

“Wala akong sinabing kyut.” Pagsisinungaling ko.

Mas dumilim ang pagmumukha ni Thunder at magsasalita pa sana ng marinig ko ang pagbati ni Keziah kay Ms. Francesca kaya naman napaharap ako sa kanila at agad na ngumiti sa aming guro sa Practical Research.

“Good morning ms. Ganda.” Masiglang bati ko dito na ikinangiti naman nito.

“Pero mas maganda ka parin.” Saad naman nito pagkuwan ay may binulong sa akin. “Mamili ka na hangga’t maaga para hindi magulo ang buong campus, okay?”

May mapanukso itong ngiti bago kami nilampasan. Napamaang naman ako dahil dito, nakita ko pa ang pagkunot ng mga noo ng dalawang lalaki sa aking harapan. Hindi ko nalamang sila pinansin at inaya ang mga kaibigan ko.

Mabilis na lumipas ang oras hanggang sa ang subject teacher na namin ay si ms. Francesca na malapad ang ngiti. Bumati siya sa amin nang may ngiti sa labi na tinugun din naman namin.

“Guys, may kwento ako sa inyo.” Saad nito at bumungisngis pa.

“Lovelife ulit.” Saad ng isa naming kaklase—si Mara ang magandang bakla.

“Korak.” At muling bumungisngis ito na halatang kinikilig. “Nagpropose na ang boyfriend ko sa wakas.” Saad pa nito na ikinairit ng buong section.

We are always like this when it comes to ms. Francesca. Siya ang isa sa mga da best teacher na meron kami, kaya niyang sumabay sa trip namin at hinihiling ng buong section na maging adviser kaso hindi nangyari.

“Sa wakas ma’am, sa dami-rami na ng pagreject niya sa proposal mo.” Saad naman ni Ella na ikinatawa muli namin.

Paniguradong mauubos ang oras namin sa kwentuhan na ito. Napatingin ako kay Thunder sa kabilang row at ganun nalang ang gulat ko ng nakatitig pala ito sa akin. I felt my heart starting to pound abnormatically inside my body.

“Kaya kayo girls, find a guy that will stay and prove to you that he is deserving to win your heart, body and soul.” Saad nito at kinikilig na namang umawra sa unahan.

“Sana all deserving.” Sabay na saad ni Keziah at Mau na nasa tabi ko.

Tuloy lang ang kwentuhan naming lahat hanggang sa tumayo si Thunder at proud na pumuntang unahan. Nakita ko pang may binulong ito kay ms. Francesca na dahilan upang ibigay ng guro ang kaninang pwesto niya.

“May sasabihin daw ang gwapo.” Saad ng aming guro dahilan upang mas mag-ingay ang aming klase.

“Can we have a deal, Rockefeller?” Panimula ni Thunder.

Napakunot naman ang noo ko at binalingan ang dalawa kong kaibigan. Ganun din ang kanilang ekspresyon kaya naman binalik na lamang namin ang atensyon namin kay Thunder na nasa unahan. Pumayag na ang mga kaklase ko sa deal ek-ek ni Thunder.

Ipinalibot niya ang kaniyang paningin sa buong silid hanggang sa tumigil sa akin na ikinnabilis na naman ng tibok ng puso ko. Nahigit ko rin ang aking hininga ng ngumiti ito sa akin.

“Tang’na ang gwapo pala ng pesteng yan pag ngumiti.” Narinig kong saad ni Keziah na sinang-ayunan ni Mau.

Alam kong gwapo si Thunder, inaamin ko iyon. Pero pitongput pitong putting tupa lang ang gwapo niya ngayon sa paningin ko. Mas gwapo pa kay Sardius.

“Here’s the deal. I’m going to treat you whatever you wanted when I can’t make that goddess blush.” Saad nito at nakaturo pa sa akin.

Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi at tenga pababa sa aking leeg. Tangnang epekto, Thunder. Umirap lamang ako dito dahil sa pinaggagagawa niya. Gusto ko sanang tumutol kaya lang pumayag na ang mga kaklase ko maging ang dalawa kong kaibigan ay pumayag na rin.

Sinamaan ko sila ng tingin at sabi lang nila sayang daw ang libre. Mga buraot amp. Nakita ko naman pagdilim ng mukha ni Sardius na pinipigilan nila David at Marko sa pagtayo.

“At pag nagawa mo ano ang kapalit?” narinig kong tanong ni Sardius ng makawala ito mula sa paghawak ng dalawa niyang kaibigan.

I saw how Thunder’s lips form into a devilish smile. Muli itong tumitig sa akin, ang mga mata niya ay nagsusumigaw nang gusto niyang gawin. Nababasa ko mula sa kislap ng kaniyang mga mata na ikinailing ko.

‘Thunder stop what your doing.’

Nakikiusap ang aking mga mata ngunit iniwas na nito ang kaniyang paningin at muling bumaling kay Sardius. kitang-kita ko kung gaano kahigpit ang pagkuyom ng mga kamao ni Sardius.

“Tell us, Thunder.” Malumanay namang saad ni ms. Francesca.

Samantalang tahimik naman ang buong klase marahil ay ramdam na nila ang tensyon sa pagitan ng dalawang lalaki.

“Sabihin mo na para maumpisahan na tong kagaguhan mo.” Seryoso na rin ang boses ni Marko nang sabihin niya ito.

Nahigit ko pa lalo ang aking paghinga ng mas madagdagan ang tensyon sa loob ng klase. Binalingan ko ang aming guro na bakas sa mukha ang pag-eenjoy sa nangyayarin. Napailing na lamang ako ngunit kasabay nito ang tuluyang pagkakahulog ng puso ko mula sa kinalalagyan nito nang seryosong magsalita si Thunder.

“Rockefeller will help me to pursuade Val and it includes you.”

Tila umalingaw-ngaw sa aking isipan ang sinabing iyon ni Thunder. Seryoso siya at yun ang nabasa ko kanina sa kaniyang mga mata. Gusto ko silang pigilang dalawa ngunit huli na ng pumayag na din si Sardius.

Naikuyom ko ang aking mga palad sa ilalim ng mesa dahil sa kalokohang ginagawa nila. Huminga ako ng malalim ng makaramdam ng konting hilo at napansin ko rin ang nangingitim na pasa sa aking braso kaya naman tinakpan ko ito gamit ang isang kamay.

“Valeriana, if I make you blush will you be mine?”

I gulp because of what he asked. Lahat ng mga mata ay nasa akin na. Naghihintay ng isasagot ko sa tanong ni Thunder, maging si ms. Francesca ay matamang nakatitig sa akin. Napapakagat labi na lamang ako dahil sa hindi ko malamang isasagot.

“Am I really need to answer you?” tanong ko sa kaniya.

Tumango lamang ito bilang tugon. Bumuga na lamang ako ng malalim na hininga dahil na rin siguro sa kunsumisyon na dulot niya sa akin. Nanatiling tikom ang aking bibig at walang balak na tumugon sa tanong niya kanina.

The whole classroom are quiet and waiting for my answer until the bells rang and the became noisy because of un-answered question of Thunder. I heaved sigh and stand. My classmates stared at me.

“If you really wants to own me be fair, Thunder. Pursuade me like how Sardius pursuading me.”

And after that I left the classroom. Dumiretso ako ng clinic at naabutan doon si Alexandrite, ang isa sa mga student staff ng clinic. Ngumiti lamang ito ng tipid sa akin at sabay may inabot na tabletas na ikinakunot ng noo ko.

“Madalang ka lang pumunta dito and I guess you need that.” Saad niya at muling ngumiti.

“No wonder why West is inlove with you.” Saad ko pa dito dahilan upang mawala ang kaniyang ngiti at napalitan ng pag-asim ng kaniyang mukha.

“Inlove my ass.” Saad pa nito… “Neverthless, kamusta ka na?”

I stop when she ask me. Maging ako ay hindi na sigurado kung ayos lang ba ako o hindi. Kung kamusta ba talaga ang puso ko at kung tama pa ba ang nararamdaman ko.

“It seems that you’re not okay, eh?”

“I dunno anymore, Alex. My heart betrayed me and I don’t really know if it is healthy for me.”

Napabuntong hininga ako at ininom ang binigay niyang gamot.

“Nagsisimula ng mag-iba ang sinisigaw ng puso ko.” Wala sa sariling saad ko.

“Nag-iiba nga ba o ngayon mo lang napapansin?”

Bumaling ako sa kaniya ng tingin at tipid na ngumiti. Alex is one of my close friend but she’s too busy to hang out with us. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking likod upang pakalmahin ako.

“I hate this feeling.” Inis kong saad at ginulo ang aking buhok.

“Then you must choose between those two men.”

“May masasaktan ako.”

“Mas makakasakit ka kung patatagalin mo pa. Alam nating pareho na umpisa pa lang may napili na ‘to.” Saad nito at itinuro ang aking dibdib.

Natahimik na kami pareho at pinagpahinga niya muna ako. Siya na daw ang bahalang mag-excuse sa akin sa mga susunod kong subjects. Sa totoo lang kailangan ko nga ng pahinga, masyado na akong napapagod nitong mga nakaraang araw.

Nagising na lamang ako ng may humahaplos na sa aking pisngi. Napabalikwas ako ng bangon dahilan upang mandilim ang paningin ko at mahilo ng bahagya. Napadaing ako dahil sa pagkirot ng aking ulo.

“Fuck Valeriana, be careful.” Bakas sa boses at pagmumukha nito ang pag-aalala.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko habang nananatiling nakahawak sa aking sintido.

“Alex excuse you because you’re here so I decided to came here.”

“Kanina ka pa?”

Tango lamang ang tanging itinugon niya. Natahimik na lamang ako at hindi na umimik pa. hanggang ngayon ay kumikirot parin ang aking ulo. Napapikit ako at napasandal sa headboard ng clinic bed. Napadilat lamang ako ng marinig kong magsalita si Doctor Ashton.

“Val, are you okay?” tanong nito at lumapit sa akin.

“Minegrain.” Tugon ko na lamang.

Napatango siya at ni-check ang temperature ko. Nang mapansin niyang may pasa ako sa braso ay agad siyang nagpakuha kay Thunder ng bandage at naupo ito sa aking tabi.

“You should rest and take your meds in time. Your papa won’t like it if he knows that your not fighting anymore.”

Natahimik ako ng marinig ko ang kaniyang sinabi. Malapit sa pamilya si Doc. Ashton, siya ang nagsisilbing doctor namin ni papa. Tahimik parin kami hanggang sa makabalik si Thunder. Nilagyan niya lamang ng bandage ang pasa ko at umalis na.

“Are you okay?” tanong nito.

“OO naman.”

“Bakit parang hindi?” at sinilip pa nito ang mukha ko dahilan upang mamula ako.

“A-ano ka ba, okay nga lang ako.” Nauutal na tugon ko.

“Valeriana.”  

Napabaling ako sa kaniya ng marinig ko ang seryoso niyang boses. Napalunok ako ng makita kong gahibla na lamang ang pagitan naming dalawa. Mariin siyang nakatitig sa aking mga mata.

Heto na naman ang paghaharumintado ng aking puso. Nawawala na naman ito sa tamang wisyo at parang madidislocate na naman. Nakakawala ng hininga ang lapit niya sa akin.

“I will court you Valeriana.”

Nakain ko yata ang dila ko at hindi nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Hindi siya nagtatanong o nagpapaalam dahil talagang gagawin niya.

“B-bakit?”

“Anong bakit?” naguguluhang tanong niya

“Bakit ako ang gusto mo?”

“Kailangan bang may dahilan akong sabihin bago ako manligaw? Sa pagkakatanda ko hindi mo tinanong si Sardius ng ganiyan.”

Natahimik ako dahil sa sinabi niya at napaiwas ng tingin sa kaniya. Naramdaman ko naman ang paglayo niya sa akin. Nananatiling kumakabog ang aking puso kaya naman pinili ko na lamang ang bumaba sa kama at naglakad papunta sa bintana.

“Gusto kita Valeriana sa kahit na anong dahilan mo man isipin, gusto kita.”

Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang sinabi niya. Kakapusin na naman yata ako ng hininga dahil sa kaniya, bakit ba pagkasama ko siya parang tumitigil ang mundo ko?

“Narinig mo ba? Gusto kita Val. Gustong gusto.”

Naramdaman ko na lamang ang paghawak niya sa braso ko at marahang pinaharap sa kaniya. Seryoso ang kaniyang mukha at mariing nakatitig sa aking mga mata na tila ba hinahalukay nito ang aking pagkatao.

“Gusto mo rin ba ako Valeriana?” napatawa ito ng mahina at tumingala.. “Halikan mo lang ako pabalik alam ko na ang sagot.”

And my world stop for the nth times because of Thunder. His soft lips are now touching mine. A sweet and tasteful lips I could ever taste.

How can I deny it if my heart is now shouting the truth?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status