Share

[ K A B A N A T A IX ]

Tuddler...

My heart still pounding faster than its normal beating. I should go to the hospital and check my heart if I have disease. Kanina pa ito sa paghaharumintado, hindi parin ito naaawat tila gustong lumabas at sumabog. Nakakatakot baka mamatay ako.

“You should talk to him, nakakaabala na siya sa mga nagkaklase.” Natatawang saad ni ate Justine saakin na ikinanguso ko.

“May sakit yata ako, ate.” Saad ko hindi alintana ang sinabi niya.

“Bakit?” nangungunot noong tanong niya

“My heart pounding abnormatically inside my body. Is it normal? It always happened when Thunder showing his corny side.” Saad ko at nakatingin sa kawalan.

“Then you’re inlove.”

I always wondering what is the feeling of being inlove. Does my mother feel it when she was young? I really don’t know how to know when you are inlove or not but ate Justine told me that I am. How? Thunder is not my type, his attitude never reach my standards. Oh God what is this?

“Hindi ako inlove sa kaniya.” Sabi ko pero maging ako ay hindi sigurado sa sinabi ko

“West, fuck it. Nakakainis ka na.” Narinig ko muli ang boses ni Thunder sa speaker

“Gago ka ba? Anounce announce ka diyan nang hindi pa yan nagagamot na sugat mo.” Rinig ko namang sagot ni West.

Nakita ko ang pag-face palm ni ate Justine dahil sa dalawang nag-iingay samantalang ako ay napa-iling na lamang. Bumuntong hininga ako at bumalatay ang pag-aalala sa aking sistema sa kaalamang hindi pa nagagamot ang mga sugat ni Thunder. Nagpaalam na ako kay ate Justine at lakad-takbo na ang ginawa para agad nang makarating sa studio room para matigil na ang pagwawalanghiya ng mga bagyo.

Habang papalapit ako ay ayun na naman ang hindi normal na pagtibok ng aking puso at mga insekto na nakapasok sa aking tiyan. Walang ibang tumatakbo sa aking isipan kundi ang makita siya upang maibsan ang pag-aalalang bumabalot sa aking sistema.

Nakarating ako sa mismong pinto nang studio room na patuloy ang pagtunog dahil sa walang katapusang murahan nila West at Thunder sa loob. Nakita agad ako nina Keziah at Mau, samantalang si West ay ginagamot ang sugat ni Thunder.

Nang mapatingin sa gawi namin si Thunder ay bigla na lamang itong lumabas at walang pasabing iniwan si West. Narinig ko pa ang pag-mumura nito bago lumingon sa amin.

 “Valeriana…” mabilis akong pinagitnaan ng dalawa kong kaibigan ng tawagin ako ni Thunder.

Mas nakita ko ang maamo niyang mukha, ang halo-halong emosyon sa kaniyang mga mata at ang pagkagat niya ng pang-ibaba niyang labi. Makikita sa kaniyang mukha ang mga patunay na nakipagbasag ulo siya kanina. May pasa sa gilid nang kaniyang labi, putok na kilay at sugat sa kaniyang cheeck bone.

Ito na naman ang unti-unting paghaharumintado ng aking puso sa hindi ko malamang kadahilanan. Pakiramdam ko gusto ko siyang yakapin sa hindi ko malamang dahilan.

Mabilis niyang tinawid ang distansya naming dalawa at walang pasabing niyakap ako. Mahigpit na para bang anumang oras ay mawawala na naman ako sa kaniyang paningin.

“Oh God, I’m sorry, I’m so sorry. Sorry, damn it.” Paulit-ulit niyang bulong sa akin.

“Ang tamis parang asin.” Rinig kong sabi ni Kanluran na ikinatawa nila Kezia at Mau.

“Lalanggamin na ang mga asin mamaya.” Sabi pa ni Mau nang natatawa

“Mawawalan ng negosyo ang mga nag-aasin. Tsk. Tsk. Tsk.” Saad pa ni Keziah na animo’y nanghihinayang talaga.

“Don’t mind them, they are all crazy.” Saad ni Thunder na tama lamang na maririnig ko.

Nananatili siyang nakayakap sa akin kaya naman ay langhap na langhap ko ang masculine scent niya na akala ko dati ay hinding hindi ko magugustuhan but hell, this gorgeous man infront of me making me crazy over this scent. Dahil mas matangkad sa akin si Thunder ay nakahilig ang ulo ko sa kaniyang dibdib.

“And you’re not?” Tanong ko sa kaniya na ikinatawa niya ng bahagya.

“I’m crazy… I’m crazy because of you and I admit it.”

Napasinghap ako dahil sa sinabi niya. Ramdam kong nag-init ang mga pisngi ko at maging ang pagtambol ng aking puso ay mas domoble pa. Nais kong lumayo mula sa kaniyang mga yakap dahil natatakot ako na baka maramdaman niya ang tibok ng aking puso. Ngunit gagawin ko palamang ay mas humigpit na naman ang kaniyang pagkakayakap

“Bawal ang malalandi sa campus.”

“Sa ibang lugar kayo, respeto sa mga single.”

“Ay shala, may-ari ng daan?”

“Respeto sa mga single, malalanding nilalang.”

“Ang haharot wala na mang label.”

Nanigas ako dahil sa mga naririnig ko. Natatawa naman akong binitawan ni Thunder dahil sa sinasabi ng mga dumadaan. Nakita ko naman ang tatlo sa gilid na halos mamatay na kakatawa. Sinimangutan ko naman sila dahil sa pagtawa nila.

“May nakakatawa?” Asik ko sa tatlo na ikinatigil nila.

“Maharot.” Saad ni Mau

“Wala namang…” Segunda ni Keziah na ikinakunot ng noo ko.

“Label.” Pagkasabi noon ni Kanluran ay mamatay matay na naman sila kakatawa.

Susugudin ko palamang sila ay para bang gumalaw ang lupa at pakiramdam ko mawawalan ako ng panimbang hanggang sa unti-unting naglalaho ang mga nakikita ko maging ang mga kasama ko ay naglaho na sa dilim. Napapikit ako ng pagkariin-riin. Fuck, panaginip.

“Valeriana?”

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang putting kisame at amoy ng ospital. Muli kong ipinikit ang aking mga mata dahil sa pag-ikot ng paligid. Naramdaman ko ang paghaplos niya ng aking pisngi dahilan upang mapadilat akong muli.

Bakas sa kaniyang mga mata ang pag-aalala, napansin ko rin ang malalim niyang mga eye bugs na paniguradong dala ng pagpupuyat and hell, he look a mess.

‘Ilang araw na ba akong andito?’

Napalunok ako dahil sa hitsura niya ngayon. I silently cursing in my mind, hindi niya pwedeng malaman. Hindi talaga pwede, bakit ba kasi tumakbo pa ako?

“T-Thunder.” Kahit nanghihina ay tinawag ko siya.

“Yes.” kahit puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha ay alam kong malamig ang pagkakasabi niya ng kataga.

Sinubukan kong bumangon at inalalayan niya naman akong tumayo bago pinasandal sa head board. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata upang hindi makita ang hitsura niya ngayon.

“I-Ilang araw na…” napalunok pa ako dahil sa panunuyo ng aking lalamunan. “..ako d-dito?”

“One day, one fucking day.” His voice are now full of sarcasm and he showed up his smirk.

Napasinghap ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung tatawa ba ako dahil sa inaasta niya, it’s just a day pero kung makaasta akala mo limang taon akong nakatulog.

“A-Ano bang nang---”

“Valeriana, I am the one who should ask that thing. What the fuck happened?” At nagulo pa niya ang buhok niya dahil sa frustration.

Napatutop ako sa aking bibig dahil sa tono ng kaniyang boses, ngayon ko lamang nakitang magalit ang isang Thunder. Palagi ko siyang nakikitang maloko at nakangisi ng gaya ng isang manloloko.

“I-I don’t know.” Sagot ko at napaiwas ng tingin sa kaniya.

Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga at tumalikod na sa akin. Biglang bumigat ang aking pakiramdam dahil sa pagkakatalikod niya. Alam kong galit siya, the hell.

“Are you mad?” mahinang tanong ko.

I bit my lower lip to supress my tears from falling. This is new, I became emotional for no apparent reason. Nanatili siyang nakatalikod at nakakuyom ang mga palad na animo’y nagpipigil.

“Why would I?” he’s voice is cold as an ice.

“Bakit p-pakiramdam ko g-galit ka?” I hardly closed my eyes and sigh.

“Just your feeling but I’m not.”

Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang pinipigilan ko. Damn this feeling. Bago pero alam kong tatagal na ‘to sa akin. Napapahikbi na ako dahil sa sama ng loob ko sa kaniya, tinakpan ko na ang aking bibig upang mas mapigilan ang paghikbi ko.

“DAMN!” malakas na saad ni Thunder bago nagpatuloy sa paglalakad at lumabas ng kwarto at naiwan akong humihikbi at masama ang loob.

Napatitig na lamang ako sa pintuang nilabasan ni Thunder. Hindi ko maiwasang hindi humikbi dahil sa ugaling ipinakita niya kanina, dapat pala sinulit ko na lamang ang panaginip ko kung saan sweet pa siya sa akin.

Halos kalahating oras din siguro akong umiyak bago dumating si mama at niyakap ako ng mahigpit. Walang imik itong nakayakap sa akin habang hinahagod ang aking likod. Nang umayos-ayos na ang aking pakiramdam ay kumalas na ako dito at ngumiti ng malapad.

“Dumating na sila Minoa at Wintella. Dadalaw na iyon mamaya.” Saad niya bago ngumiti.

Napangiti naman ako dahil sa balitang iyon ni mama, Wintella is my couzin and bestfriend and Minoa also is my bestfriend. Lima kami sa grupo nagkahiwalay hiwalay nga lang dahil sa exchange program at sila ang napili.

Hindi na lamang ako umimik sa sinabi ni mama, hinayaan ko siyang magkwento tungkol sa dalawa, knowing them. Habang nagkukwento si mama ay hindi na ako nakatiis at tinanong na siya.

“Ma, what really happened?”

Natigilan si mama dahil sa tanong ko. Lumambot ang ekspresyon nito at napabuntong hininga na ikinakunot ko ng noo.

“Thunder finds out about it, baby. I’m sorry.”

Muli akong natahimik ng sinabi iyon ni mama. Napa-isip ako ng malalim ng sabihin niya iyon, kaya ba ganun ang trato niya sa akin kanina?

“How about others?”

“Hindi pa nila alam, si Thunder palang at si Wintella.”

I heave a sigh and look up to supress my frustration. I need to think how to say sorry to Thunder, knowing him. Natahimik na kami pareho ni mama, hinayaan niya lang akong mag-isip ng malalim hanggang sa basagin ito ni Sardius ng pumasok siya kuwarto kung saan ako naka-admit.

“Good afternoon po tita.” Bati nito kay mama. “Sayo din, Val.”

Ngumiti lamang ako dito at nagpaalam kay mama na gusto ko munang maka-usap si Sardius. I need to sort out some things for us to have peace. Napansin ko ang mga pasa niya pero hindi ganoon kahalata.

“Val, kamusta na pakiramdam mo?” tanong nito

“Am fine, don’t worry malakas to.” Natatawang saad ko pero seryoso parin ang tingin niya sa akin.

“You sure?”

“Hindi ka ba naniniwala?” balik kong tanong sa kaniya.

“Hindi naman, neverthless. Bakit mo ako gustong maka-usap.”

Huminga muna ako ng malalim bago tumingin diretso sa kaniyang mga mata. Seryoso din siyang nakatingin sa akin na ikinakabog naman ng dibdib ko.

“G-Gusto mo ako diba?” nag-aalangang tanong ko.

“OO bakit?” diretsong sagot niya

“P-Pwede bang malaman kung bakit?”

“I like you because your pretty and kind but I should clarrify some things to you.” Nangunot naman ang noo ko dahil sa sagot niya.

“What is it?”

“I like you, yes, but as just my younger sister and I am just teasing Thunder. I’m sorry for that.”

Napatulala ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Nabingi pa nga yata ako dahil hindi ko ma-adopt agad ang mga sinabi niya sa akin.

‘He likes me as his younger sister?’

“B-Bakit?”

“Thunder likes you a lot and I don’t think so kung nasa tamang lugar ako para sabihin ito.” Bahagya pa siyang natawa bago nagpatuloy. “We’re couzin ang I like pissing him off. Hindi nga lang kami ganoon ka-showy but we’re close, really. Again, I’m sorry for courting you. Gusto ko lang gumawa ng paraan ang pinsan ko upang umamin siya sayo.”

I am amazed on how their bond works. Napangiti ako dahil sa sinabi at pag-amin niya. I saw how sincere he is and I am proud to say that once in my life I like this guy infront of me.

“Thank you.” And I gave him my genuine smile that made him stunned.

“Thank you for what?”

“Thank you for everything and thank you for courting me. Kung hindi dahil dun hindi ko marerealize ang isang bagay na matagal ko na dapat narealize.”

Nagkuwentuhan pa kami ni Sardius hanggang sa dumating na nga ang bagyong may kidlat. Masama parin ang timpla ng pagmumukha nito at mas sumama pa ng maabutan niya akong tumatawa habang kaharap si Sardius.

“Hindi naman pala ako kailangan dito.” Malamig na saad nito at akma nang aalis nang pigilan ko.

“Isang hakbang mo Thunder, hindi mo na ako makikita.” Seryosong saad ko pero nakangiti ako kay Sardius tutal ay hindi naman nakikita ni Thunder.

Napahinto ito sa pag-alis at tumingin sa akin ng masama. Seryoso ko lamang siyang tiningnan at nagpa-alam na kay Sardius. Nagpasalamat pa ako dito at hinayaan itong yumakap sa akin.

“You really want to piss him off, huh?” bulong nito na ikinatawa ko ng bahagya.

“Gusto niya ako diba? Edi magtiis siya.”

Kumalas na ito at natatawang lumakad papuntang pintuan. Nagpa-alam pa ito kay Thunder pagkatpos ay binigyan ng takip sa braso na ikinasama ng tingin nito dito. Tumatawang umalis si Sardius sa kwarto samantalang si Thunder ay nanatili sa kaniyang pwesto.

“Ayaw mong lumapit sa akin?”

Hindi ito umimik pero naglakad na papalapit sa kama ko at naupo sa espasyo na nasa gilid ko. Palihim akong napangiti ng makita mas maayos na ito kesa kanina at ang mga pasa niya ay kapareha lang din nang kay Sardius.

“Wag kang ngumiti, hindi ako ang dahilan niyan.”

Napa-igtad ako ng marinig ko ang sinabi niya at masama ang tingin na bumaling sa akin. Sa kabila ng masama niyang tingin ay hindi parin nakaligtas sa akin ang pag-aalalang naka-ukit dito.

“Pano mo nasabi?” inosenteng saad ko.

“Psh. May payakap yakap pang nalalaman, hindi makaalis ng walang yakap? Buti hindi ka nagpahalik.” Bakas talaga sa boses niya ang pagka-irita.

“Ano bang sinasabi mo?”

“Ano bang sinasabi mo?” pang-gagaya niya sa akin dahilan upang matawa ako at ikasama nanaman ng tingin niya sa akin.

“Ano ba kasing inuungot mo, ha?” natatawa kong tanong

“Fuck. Can’t you see it, Valeriana? I’m fucking jealous. Damn it.” Inis niyang saad at ginulo ang maayos niyang buhok.

“Ano bang ikinaseselos mo, tayo ba?” natigilan siya sa paggulo ng kaniyang buhok.

Nakita ko ang pagkuyom ng kaniyang mga palad at pagbigat ng kaniyang paghinga. Kahit alam kong naiinis siya at gusto niya nang sumabog nag-eenjoy parin akong tingnan siya. Mas lalo siyang guma-gwapo sa paningin ko, urrgh!

Napapatawa na lamang ako dahil sa nakakunot niyang noo at bahagyang naka-pout na mga labi. Napa-iling ako dahil sa pagmumukha niya.

“I’m just jealous for fuck sake.”

“Bakit ba hindi siya makiramdam?”

“Proket gusto niya yung ungas na yun?”

“Hindi hamak na gwapo ako. Damn it.”

Napahagalpak ako ng tawa dahil sa mga binubulong niyang naririnig ko naman. Hawak ko na ang tiyan ko dahil sa pagtawa samantalang siya ay hindi na maipinta ang mukha. Nakita ko pa ang pag-irap nito sa akin.

“The fuck? Tinatawanan mo lang ako?” asik nito kaya naman tumigil na ako sa pagtawa.

“Don’t be jealous to Sardius, he told me that….” Sinadya kong huminto kunwari iniisip ang karugtong.

“That what?” inis paring tanong nito.

“That he likes me of course.” Saad ko at muling tumawa dahil sa muling pag-gusot ng mukha nito.

“Ewan ko sayo.”

“Charot. Sabi niya gusto mo daw ako and I know it already.” Seryoso nang sabi ko.

“But you don’t like me?” bakas sa boses nito ang pait.

“He also told me that it’s his own way to help you on pursuading me.” Nakita kong natigilan siya sa sinabi ko.

Tumitig ito sa akin at unti-unti ay napangiti na ng malawak. Huminga pa ito ng malalim bago ako niyakap. Naramdaman ko ang pag-akyat ng mga dugo ko sa aking pisngi habang ang puso ko ay tinatambol na ng milyong kamay.

“Fuck his way, but thanks to him. I can finally pursuade, win and own you, Darling.” 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status