CHENANIAH XYRAH'S POVKahit na iilang araw na ang nakalilipas simulaʼt naglantad ng kasinungalingan si Jamine na siya ang nagtanghal sa naganap na selebrasyon ay sariwang-sariwa pa rin sa aking isipan kung bakit nakakalap ito ng mga impormasyon at larawan tungkol doon na nagsilbing ebidensiya o patunay sa harapan ni Raze. At, simula nang nagpakilala siya bilang Secrecy Gold Lady, pabalik-balik na ito sa kompanya upang akitin si Raze. Ako ay nasisiguro na ang kaniyang paglantad ng pagkakakilanlan ay may kaakibat na misyon o layunin na siyang magdudulot ng peligro kay Raze.Sa puntong iyon, humahantad sa aking isipan ang probabilidad na bakaʼy mahulog ang loob ni Raze sa babaeng iyon, sapagkat ang iisang katangian na hinahanap ni Raze sa isang babae ay ang may kakayahang magtanghal sa entablado sa napakaraming sangkatauhan, o may potensyal sa larangan ng musika at pagsasayaw. Akoʼy nakaramdam na tilaʼy may sumasakal sa aking puso ng sandamakmak na karayom. Bagamaʼt batid kong wala ako
Nang halos kinakapos na kami ng hangin ay pansamantala niyang hininto ang aming paghahalikan upang bumulong, “Sa tingin mo baʼy mapapatawad pa kita nang dahil sa iyong halik, Xyrah?” Hindi ko lamang binigyang pansin ang kaniyang katanungan, sapagkat akoʼy uhaw na uhaw pa rin sa kaniyang labi. Ilang taon ko rin siyang hindi natanaw, nahawakan, at nalapitan kung kayaʼt wala na akong maisip na rason o paliwanag kung bakit hindi ko kayang bitiwan si Raze. Ipinagpatuloy ko lamang ang aking paghalik sa kaniya kahit hindi niya kayang tumugon, ngunit, hindi ko mawari kung ano ang sumanib sa akin, sapagkat binigyan ko siya nang pahintulot upang halikan ang aking leeg. “Xyrah . . . ” Pilit na itong dumistansiya sa akin. “Hey, I do not want to take advantage on you . . . ” Naipikit ko na lamang ang aking mata sa kadahilaan siyaʼy ang unang umiwas sa akin. “Let us stop here!” Napabuntong-hininga ito, saka inilayo ang sarili sa akin. Nang iminulat ko ang aking mga mata, ang akala koʼy nanaginip l
CHENANIAH XYRAHʼS POVKatatapos lamang namin lumikha ng proyekto ni Raze sa kanilang mansyon nang kumagat na ang dilim kung kayaʼt napagdesisyunan niyang magkaroon ng bangkete kasama ang mga kusinero, hardinero, badigard, at mutsatsa. Akoʼy humanga sa kaniya, saka sinusubukang pigilin ang aking paghalhal, sapagkat batid ko na siyaʼy nangangatuwiran lamang upang manatili pa ako ng ilang oras sa kanila at sumalo sa piging. Sa katunayan, masama ang kaniyang loob sa akin, sapagkat hindi ako makatutulong sa kaniya sa kusina upang maghurno ng keyk na may ibaʼt ibang linamnam o klase kagaya na lamang ng Dark Chocolate Raspberry, Italian Creme, Neapolitan, Lemon Poppy, at Peanut Butter Chocolate, sa kadahilanang mabigat ang aking kamay. Kailanmaʼy hindi sumagi sa aking isipan na ang mga nilalang na nakahiga sa salapi at di madapuang langaw ay asal hayop na pinagtatabuyan ang mga anak-dalita. Bukal sa loob ng aking nobyo ang pagtulong sa mga butas ang bulsa at mga batang lansangan na butoʼt-b
ZYCKIEL RAZEʼS POVSa mga nagkukumpulang dokumento sa ibabaw ng pupitre sa loob ng pribadong silid ng aking tahanan, ang aking mga tropeo at medalya na kristal, at mga litrato sa ibabaw ng gabinete, ay nakapangingilabot ko itong winasak, sapagkat, sinusubukan kong manumpa muli sa aking sarili na kailanmaʼy walang magpapabago sa aking personalidad, na mananatiling bato ang aking puso sa mga insidenteng kasangkot si Xyrah. Ngunit, ang guhit ng aking palad ay tilaʼy dumidistansiya sa orihinal kong obra maestra, na kung saan itoʼy naglalaman at sumisimbolo sa dahas nang pagkirot ng aking nakaraan nang aking makapiling si Xyrah noong kapanahunan. Ang pagkabog ng aking dibdib, ang pagbulong ng hangin sa aking tenga na tilaʼy may nais iparating na mensahe, ay ang siyang tumutulak sa akin upang palitan ang aking obra maestra sa panibagong ekspedisyon ng aking buhay kasama siyang muli."Hey, I heard noises from this private room! What the hell!" Nanindig ang kaniyang balahibo nang matanaw ang
CHENANIAH XYRAH'S POVSariwang-sariwa pa rin sa aking isipan ang mga kaganapan nang lumitaw na ang katotohanan. Dugoʼt pawis akong nagbatak ng buto sa kompanya ni Raze, pero akoʼy nagkasala nang nakasanayan kong maglubid ng buhangin sa taong pinakamamahal ko. Nais kong iguhit sa tubig ang mga araw na iyon, sapagkat isang linggo na ang nakalilipas, ngunit, patuloy pa rin itong dumadalaw sa aking panaginip upang magbigay ng mensahe na akoʼy makakabalik sa takdang araw na itatakda ng kapalaran sa akin. Parami nang parami ang mga mamamayang Pilipino na patuloy pa rin nagbibilang ng poste, at isa ako roon. Bagamaʼt ako ay lantang gulay na sa kahahanap ng trabaho, hindi pa rin ako humihinto para lamang makapagbigay ng salapi sa aking pamilya. Sa kadahilanan nang aking paghihimutok, hindi ko namalayang nasa harapan na pala ako ng aming tirahan. Umuwi akong mag-isa dahil may mahalagang pupuntahan si lelang, ngunit, aking ipinagtataka ang kaniyang ikinikilos noʼng humiwalay na ito sa akin kan
A prose of tale written inside this novel is solely fictional by the two authors. Appellations, locations, venues or locality, motifs or themes, manner of speaking, style of writing, and other elements of a novel are purely spurious by vastly hallucinations and illusions.Avoid copying any disclaimer, words, phrases, sentences, and paragraphs in our stories, poems, and quotes or citations.'Plagiarism is criminality and delinquency that could lead into gory life.' - ElenaPanorama.If you have any questions, don't be hesitate to contact me. My inbox is all yours anyway.YouTube channel:Helen Grace and Jimmylle in royalties realmEmail:panoyhelengrace@gmail.comInstagram:helengracepanoyFacebook:Helen Grace Vasquez PanoyGoodNovel: Elen
Nagmamadali akong maglakad dahil may mahalaga kaming pag-uusapan ng aking katagpo. Ilang metro ang aking tinakbo bago makarating sa kinaroroonan n'ya.May inasikaso pa akong trabaho kaya medyo nahuli ako nang dating. Lahat ng aking pagod ay napawi at napalitan ng ngiti nang makita s'yang nakatayo sa gilid ng puno habang masuyo na hinihintay ako.Naramdaman yata n'ya ang presensya ko `pagkat napalinga siya sa direksiyon ko. I smiled widely nang makita ang isang mala-anghel na nagpapatibok ng puso ko.`Di na akong nag-atubiling lapitan siya agad at salubungin nang yakap, ngunit aking ipinagtataka kung bakit hindi n'ya ako niyakap pabalik?I felt a bit strange, and I thought, there's something wrong with her, so I asked her directly without any hesitations.“Ba
“Ano ba, Niah! Ganito lang ba ang maibibigay mo sa `kin?” bulalas ng nanay ko habang hawak-hawak ang dalawang daang pera mula sa aking pitaka.Parati na lang ako nasisigawan kapag kulang ang perang naibibigay ko sa kaniya. Naghanap ako ng ibaʼt ibang trabaho para lang matustusan ang pangagailangan niya pero kailanman'y hindi ito naging sapat.“Sorry po, nay. `Yan na lang po kasi ang natirang pera mula sa trabaho ko. Kinuha mo na po kahapon `yong iba.”Ang lakas nang kabog ng puso ko sa tuwing nakakausap ko siya na galit. Ayokong nakikitang nagagalit si nanay dahil nag-iiba siya ng anyo.Nakayuko lang ako dahil hindi ko magawang salubungin ang kaniyang nanlilisik na titig. Mas lalo n'yang hinigpitan ang pagkakapit sa braso ko kaya namilipit ako sa sakit.“Talagang sinasagot-sagot mo pa akong bata ka.”