Share

Chapter 2

Nang matapos ang tila isang oras na pagkaka-tulala sa loob ng kanilang maliit na banyo'y naisip niyang lumabas upang makapag-pahinga na sa kaniyang silid. Dahan-dahan siyang humakbang sa takot na baka makalikha siya ng anumang ingay na ikagagalit ng kaniyang ama.

"Sa'n ka pupunta?" Agad siyang kinabahan nang marinig ang tinig nito.

"M-Magpapahinga po" Napipilitan niyang tugon. Dahil sa mga maling inaakto ng kaniyang ama'y kinasuklaman na niya 'to mula nang siya'y magka-isip.

"Kumain ka na ba?" Tanong nito habang tutok ang mga mata sa panonood ng telebisyon. Bigla namang tumunog ang kaniyang tiyan na tila nakisama sa kaniyang sagot. Binaling ng kaniyang ama ang tingin nito sa kaniyang direksyon at ilang sandali pa'y kusa itong lumapit sa kaniya.

Nakaramdam ang dalaga ng labis na kaba habang pinanonood niya ang bawat paghakbang ng kaniyang ama.

Please, wag...

Nararamdaman niya ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso at ang biglang pag-sakit ng mga sugat sa kaniyang likod.

"Nasaktan ba kita?" Malambing nitong tanong habang palapit nang palapit sa kaniya. Gusto niyang sumigaw, gusto niyang tumakas o mag-laho na lang ngunit hindi niya magawa dahil wala siyang sapat na kakayahan.

Mariin siyang tinitigan ng kaniyang ama nang tuluyan na itong maka-lapit sa kaniya. Naramdaman na lang niya ang mga palad nitong humahagod sa kaniyang balikat. Pababa nang pababa. Nanatili siyang walang imik kahit ang totoo'y gusto na niya itong gilitan sa leeg.

"Pumunta tayo sa kwarto mo para gumaling na 'yang sugat mo." Nang marinig ito'y agad siyang napa-atras.

"K-Kaya ko na po'ng pagalingin ang sarili ko." Nakita niya ang dahan-dahang pag-ngiti ng kaniyang ama na lalo niyang ikinabahala. Natatakot siya sa kung ano na naman ang pwedeng gawin nito sa kaniya, lalo pa't sobrang sakit at sariwa pa rin ng mga sugat niya.

"Hayaan mo na 'kong tumulong.... Ginawa ko 'yan sa'yo kaya dapat, ako rin ang magpagaling." Ang ngiti sa labi nito'y lalo pang lumawak na labis niyang ikinatakot. Dahil dito'y nakaramdam na naman siya ng pag-iisa. Hinawakan na nito ang kaniyang maputla at malambot na braso at ipinasok na sa kaniyang kwarto.

"P-Pa...please po. Gusto ko po'ng m-magpahinga." Ngunit tila nabingi na ang kaniyang ama at sinarado pa nito ang pinto. Humakbang na ito patungo sa kinatatayuan niya. Palapit nang palapit. Muli ay naramdaman niya ang paglukob ng kadiliman sa paligid na tila handa siyang ikulong, yakapin at sirain.

Wala siyang magawa kun'di ang mapa-atras. Umatras siya nang umatras hanggang sa dumampi ang kaniyang likod sa kahoy na nagsisilbing dingding. Wala na siyang takas. Nag-umpisa nang manginig ang kaniyang labi sa takot at manghina ang kaniyang mga tuhod.

"Papa..." Walang ibang lumabas sa kaniyang bibig kun'di ang salitang labis niyang pinandidirihan. Ang pagsambit nito'y mistulang pakiusap. Nakiki-usap siya sa pamamagitan ng pagtitig sa mga mata nito, tahimik siyang nakiki-usap na sana'y mapakinggan nito ang kaniyang mga pag-hikbi. Ang mga mata ng dalaga'y napaka-emosyonal na kahit hindi magsalita'y malalaman ng makakakita rito ang labis na kalungkutan. Ngunit wala siyang magawa sa paglapit nito. Wala siyang magawa sa dahan-dahan nitong paghaplos sa kaniyang mukha, pababa sa kaniyang mga balikat. Naiinis siya sa sarili dahil wala siyang magawa!

Ipinikit niyang mariin ang kaniyang mga mata at tahimik na dumalangin.

Please...

"Walang ibang tutulong sa'yo, Eleonor." Nakakalokong sambit ng kaniyang ama habang mahinang tumawa.

"Pa...w-wag po." Sa hindi mabilang na pagkakataon ay sinambit na naman niya ang mga linyang naluluma na. Mga linyang wala namang may gustong pakinggan at kahit ilang beses niya itong sabihin o isigaw, wala pa ring mangyayari. Wala pa rin'g makikinig. Wala pa ri'ng tutulong.

Hanggang sa unti-unti nitong tanggalin ang manipis niyang bestida.

"PAPA!!" Tila isang bato ang sinisigawan ng dalaga dahil sinarado nito ang kaniyang pandinig at walang balak pakinggan ang mga pakiusap ng sariling anak.

"P-Pa...nagugutom po ako." Kahit alam niyang hindi rin siya makaka-kain ay dinahilan niya pa rin ito sa pag-asang baka huminto ang pangba-baboy sa kaniya. Ngunit hindi pa rin nito pinakinggan ang dalaga. Sa halip ay inamoy-amoy pa nito ang kaniyang leeg, batok, hinalikan ang kaniyang noo, pababa sa ilong. At nang mapupunta na ang labi nito sa kaniyang labi ay agad na umiwas ang dalaga. Napahinto saglit si Emilito na kapansin-pansin ang pag-kunot ng noo.

"Anak lang kita, Eleonor, tandaan mo 'yan. Kaya gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin sa'yo!" Sinampal ng mabigat na palad nito ang namumutlang pisngi ng anak. Agad namang kumawala sa dalaga ang walang humpay na pag-hikbi. Ngunit hindi pa rin siya natitinag dahil hindi nito nililingon ang ama. Hindi maatim ng kaniyang sikmura na tingnan ang demonyong nasa kaniyang harap.

"Wala kang kwenta!" Agad nitong kinubabawan ang dalaga.

"Pa! Ayoko, pa! Y-Yung sugat ko.." Wala nang ibang maisip si Eleonor na idadahilan sa kaniyang ama upang huminto ito sa mahalay na ginagawa. Kumakapit siya sa katiting na pag-asa na hihinto rin ito.

Sa kahit anong iwas ni Eleonor ay natutumbasan lang ng isang malakas na hampas, sampal sa magkabilang pisngi at bugbog sa katawan. Ngunit kahit gano'n, tahimik pa rin siyang dumadalangin. Tahimik niya pa ri'ng binubuo ang mga piraso ng pag-asa na walang humpay nitong winawasak.

Nag-umpisa na nitong punitin ang kaisa-isa niyang sandata, marahas niyang sinira ang dapat na iniingatan at tinatago. Malupit nitong ipinasok ang kadiliman at kasuklam-suklam na kasalanan sa kaibuturan ng nagmamaka-awang anak. Patuloy nitong tinatanggal ang ka-inosentehan ng sariling dugo't laman.

Mistulan itong pulubi sa panlilimos ng katiting na pagmamahal ngunit wala siyang nakukuhang barya, kahit sentimo ng pag-aalaga't pagmamalasakit ay tinapon sa basurahan, mistulan siyang pinagdadamutan. Hanggang ngayon, kahit ilang beses siyang masaktan, masira, at mawasak ay umaasa pa rin siya na balang araw, mamahalin din siya. Na may isang taong darating upang buohin ang mga piraso ng pagkatao niya'ng sinira ng isang demonyo.

Habol ang hininga niyang tinitigan sa mga mata ang sariling ama. Umaasa siyang maririnig nito ang pagsigaw at pakiusap niya kahit walang lumabas na salita sa kaniyang labi.

Nakakapagod. Nakakapagod na patuloy mong bubuohin ang mga nawasak at patuloy rin itong sisirain.

"P-Papa..." Umiiyak nitong sambit. Labis siyang nanghihina, hindi dahil sa mga palad nitong mistulang bakal sa sakit at hapdi ng bawat pag-tama sa kaniyang katawan, kun'di sa reyalidad na patuloy niyang tinatakasan.

"Pinasaya mo 'ko ngayon, anak." Sinuklian nito ng isang malawak na ngiti ang humihikbing anak.

"Kamukhang-kamukha mo talaga ang mama mo...napaka-ganda mo." Hinaplos haplos nito ang kaniyang pisngi at namamagang mata.

"Mahal na mahal kita." Muli ay ginawaran niya ito ng isang ngiti. Pagkatapos ay malakas siyang hinampas gamit ang sinturon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status