Share

Chapter 5

"Pasensiya ka na ah.." Pag-hingi ng paumanhin ni Eleonor habang hindi maka-tingin nang diretso kay Matilda. Nang makita ang ganitong hitsura ng dalaga'y lumambot ang ekspresyon ni Matilda at napabuntong-hininga.

"Ayos lang, ano ka ba. 'Wag ka nang mahihiya sa'kin. Basta itago mo 'tong pera sa mga mata ng papa mo. Tara na? Ihahatid na kita sa inyo." Tumango na lang ang dalaga at nag-patangay kay Matilda. Hindi siya umimik sa gitna ng tahimik na paglalakad nila ngunit kahit gano'n ay magaan pa rin ang pakiramdam niya rito.

Nang ilang hakbang na lang ang pagitan nila sa kanilang tahanan ay isinigaw ni Matilda ang pangalan ni Emilito habang mahigpit na hinahawakan ang kaniyang braso. Hindi alam ni Eleonor kung bakit, ngunit kumakalma siya sa tuwing malapit lang si Matilda sa kaniya. Sa tingin niya'y ligtas siya sa presensiya nito. At kahit magka-edad sila'y masasabi niya'ng mag-kaibang magka-iba sila ng katangian. Matapang ang babaeng nasa tabi niya, pala-ngiti at alam ang mga dapat ikilos. Halata'ng may paninindigan ito.

Samantalang siya'y mahina, pumapayag na saktan ng iba, at pipiliin lang ang tahimik na humikbi sa sulok ng kaniyang silid. Hindi niya tuloy maiwasan ang manliit sa sarili. Kahit kailan ay wala akong maipag-mamalaki.

"Tao po! Mang Emilito, hinatid ko na po si Eleonor! Pasensiya na po ulit sa abala." Narinig nila ang mga kilos ni Emilito sa loob ng kanilang tahanan. Mga gamit na bumagsak at ang ilan ay mga bote ang nanaig sa kanilang pandinig.

Dahil dito'y hindi mapigilan ni Eleonor na mag-alala at muling matakot. Baka mamayang gabi... ipinilig na lamang niya ang kaniyang ulo dahil ayaw niya'ng mag-isip ng kung anu-ano.

"Eleonor, hindi ko alam kung ano na naman ang pwede niyang gawin sa'yo. Basta tandaan mo lang na kailangan mo'ng magpaka-tatag. Kahit anong mangyari, Eleonor, nandito ako." Bulong ni Matilda sa kaniya habang mayat-mayang nakatingin sa pintuan ng kanilang tahanan. Sinisigurado niya na hindi ito maririnig ng kaniyang ama.

Mula sa naka-kuyom na mga kamay ay isiniksik pa lalo ni Eleonor ang hawak na pera sa gilid ng kaniyang blusa. Sa mahigpit na pagkakahawak niya rito'y katumbas ng isang determinasyon na unti-unting naghahari sa kaniya. Sa kabila ng pagdadalawang-isip ay nananaig sa kaniya ang kagustuha'ng umalis, ang tuparin ang kaniyang mga pangarap, at mag-simula muli ng panibagong buhay kung saan ay walang hahadlang at walang mananakit sa kaniya.

Nginitian niya si Matilda na tila isang senyales na unti-unti na niyang tinatanggap ang sinserong tulong nito. Nagulat si Matilda at napakurap-kurap ang kaniyang mga mata ngunit agad niya rin itong binawi. Sa tingin niya'y hindi ito sapat upang maka-buo ng matalinong desisyon si Eleonor. Hindi pa ito ang tamang oras. Ilang sandali pa'y nakita na nila'ng lumabas ang kaniyang ama. Ang katawan nito'y pasuray-suray habang hawak sa isang kamay ang bote ng alak at ang anino nito'y nag-mistulang isang bangungot para kay Eleonor. Gustong-gusto na niya'ng sumama kay Matilda upang tumakas ngunit may pumipigil sa kaniya. Kailangan niya muna'ng makapag-isip nang mabuti sa mga kilos na kaniyang gagawin. Hindi dapat padalos-dalos.

Sa mapungay na mga mata'y sinikap ni Emilito ang tumango at titigan silang dalawa. Hanggang sa unti-unti siyang bumaba sa maliit na kahoy na kanilang hagdan. Nang makalapit ay hinawakan na nito ang kaniyang nilalamig na braso at tinanguan si Matilda.

"S-Sige po. Mauna na po ako." Kinakabahang sambit ni Matilda kaya agad na napalingon sa kaniya si Eleonor. Gusto niya'ng kumuha ng lakas dito at higpitan pa lalo ang pagkaka-hawak sa kaniyang braso ngunit naisip niya'ng mali ito. Mali na idepende niya ang sarili sa ibang tao. Maling mali na ipakita ang kaniyang kahinaan. Kung gusto niya'ng maging katulad ni Matilda'y dapat maging malakas siya. Ngunit dahil sa boses nitong biglang nanginig ay hindi maiwasan ni Eleonor ang madismaya at mag-alala. Alam niya ang dinudulot na takot ng kaniyang ama sa kahit na sinong tao sa kanilang lugar. Ano pa nga ba'ng bago..?

Sa huling pagkakataon, bago tuluyang lumisan ni Matilda'y nilingon niya si Eleonor. Isang mensahe ang agad n'yang naintindihan.

"Hmmm.." Inamoy ng kaniyang ama ang buhok ni Eleonor kaya agad naman siyang napa-iwas.

"Pagsilbihan mo 'ko ngayong gabi." Makabuluhang sambit nito nang silang dalawa na lang ang naiwan sa labas. Wala namang imik na dumiretso si Eleonor sa kanilang tahanan upang linisin ang mga ginulo nitong gamit. Naramdaman niya ang pag-sunod ni Emilito habang naka-ngiti at wala sa sarili'ng tumitingin sa kawalan.

"Eleonor, anak..." Nakatalikod siya sa kaniyang ama at nararamdaman niya ang mainit nitong hininga na tumatama sa kaniyang batok. Ilang saglit pa'y naramdaman niya ang bahagyang pag-taas ng kaniyang blusa at ang pag-hagod ng maruruming palad nito sa kaniyang balat.

"Pa...tigilan mo na 'to." Pagma-makaawa nito ngunit tila walang naririnig ang kaniyang ama.

"SUNOG!" agad na natauhan si Eleonor sa malakas na mga boses na kaniyang narinig at ang kaniyang ama'y agad na tumayo nang tuwid. Agad siyang nag-tungo sa maliit nilang bintana upang silipin ang nangyayari sa labas at laking gulat niya nang makitang wala namang nasusunog sa labas. Inilibot pa niya ang kaniyang paningin at sa may mga talahib ay namataan niya ang pigura ng mga tao'ng hindi pamilyar sa kaniya. Sa tansiya niya'y mga ka-edaran lamang niya ang mga ito. Grupo ito ng kalalakihan na may payat na pangangatawan at tangkad na hindi nalalayo sa kaniya at kay Matilda.

Bahagya niyang pina-liit ang mga mata upang maka-siguro sa anino na kaniyang nakikita. Pamilyar ang bulto ng pangangatawan nito at iisa lang ang nasa isip niya. Matilda..

Ang pamilyar na babae ay kumaway sa kaniya. Sumilay ang nakagagaan na ngiti sa labi nito at hindi mapigilan ni Eleonor ang mapa-ngiti pabalik. Mas lalo pang gumaan ang kaniyang pakiramdam nang malaman na ayos lang ang kaniyang kaibigan. Walang nasusunog sa labas. Pero teka... Hindi niya maiwasa'ng isipin na pakana ito ng mga kaibigan ni Matilda.

Nilingon niya ang kaniyang ama mula sa kaniyang likuran at nakitang nagmamadali ito sa pagtakbo. Akmang lalabas siya ng kanilang tahanan nang bigla niyang mabitiwan ang bote ng alak. Lumikha ito ng nakabibinging tunog at ang mga piraso nito'y kumalat sa kanilang sahig. Nang mahimasmasan ay dahan-dahan itong tumungo sa kaniyang direksyon. Ang mga mata nito'y napalilibutan ng pagnanasa. Kaya naman agad na ibinaling ni Eleonor ang kaniyang paningin sa bintana kung nasa'n si Matilda. Gusto niya'ng humingi ng tulong ngunit hindi siya maka-sigaw. Hindi niya man lang magalaw ang kaniyang labi.

"SUNOG!" Muli ay sumigaw ang mga kalalakihan. Hindi kalayuan ang kanilang pwesto sa bintana nina Eleonor kung kaya nama'y rinig na rinig ito ng kanilang ama. Ginamit ng mga kaibigan ni Matilda ang ginusot na papel na pinatigas upang gawing mikropono na nakatutulong upang mas lalong lumakas ang kanilang boses. Hindi naman nila ito alintana dahil malayo naman ang mga kapit-bahay nila Eleonor kaya't wala silang maiistorbo.

Agad na nataranta si Emilito dahil sa malakas na mga boses na kaniyang narinig at nagkukumahog na humakbang palabas ng kanilang tahanan. Ngunit bago pa man siya makalabas ay agad siyang nauntog sa kahoy na kanilang dingding na hindi nakatakas sa paningin nina Matilda dahil hindi naman gano'n ka-liit ang kanilang bintana. Sakto lamang upang masilip ang nasa loob.

Hindi mapigilan ng mga kabataang lalake ang pigil na matawa. Kaya agad silang sinaway ni Matilda kahit siya'y natatawa na rin. Muling lumingon si Eleonor sa kaniyang ama at nakitang nakahiga na ito sa kanilang sahig matapos mauntog ng kaniyang ulo. Nakapikit ang mga mata nito't humihilik na.

Agad niya'ng tiningnan isa-isa sina Matilda at bumulong ng salitang 'Salamat.' Magpapahinga siya na magaan ang pakiramdam. Mas mabuti na ito kaysa naman ang magising sa higaan habang katabi ang kaniyang ama. Mas mabuti na'ng mag-linis ng mga kalat kaysa naman ang sumigaw tuwing gabi at umiyak nang umiyak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status