Share

Chapter 14

Nakabulagta sa sahig ang lupaypay na katawan ni Matilda at ang mata'y nakapikit na tila natutulog lamang nang mahimbing. Ngunit iba ang pakiramdam ni Eleonor. Kaya humahangos niyang tinungo ang 1st floor upang humingi ng tulong sa Landlady dahil wala naman siyang emergency hotline sa kaniyang maliit na selpon. 

At nang mapuntahan ang nakabulagta'ng dalaga ay agad na tumawag ng ambulansiya ang landlady. 

Habang isinasakay sa stretcher si Matilda ay hindi naman ma-awat si Eleonor sa kaniyang kinatatayuan. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin at tila siya'y biglang binagsakan ng langit at lupa. Nanlalamig ang kaniyang mga kamay at nanginginig ang labi sa labis na nerbiyos ngunit pilit niya itong nilalabanan. Para kay Matilda. 

Agad na sumunod si Eleonor sa loob ng ambulansiya at habang mabilis ito'ng umaandar ay katumbas din ng mabilis na pag-tahip ng kaniyang dib

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status