Share

Chapter 19

Nagsimula nang humakbang ni Wil patungo sa ika-apat na palapag; ang pinakatuktok ng Larzralé Bar. Lumilikha ng tunog ng prominenteng tao ang makintab niyang sapatos na dinig na dinig sa buong pasilyo. Ang kaniyang plantyadong kasuotan naman ay hindi lamang sumisigaw ng kapangyarihan, kun'di pati na rin ng kakisigan.

Walang pag-alinlangan niyang tinatakpan ng matipunong mga braso si Eleonor na ngayon ay hindi mapalagay sa kayuyuko.

Impit ang mga salitang hindi maibulalas ng dalaga. Hinayaan na lamang niyang takpan siya ni Wil; bawas kahihiyan na rin.

Agad na huminto sa matamlay na paglalakad si Eleonor. "Teka, Wil." Huminto naman ang binata na may pagtataka.

Bumwelo sa muling pagsasalita si Eleonor. Naisip niyang baka hindi nito naintindihan ang salitang tagalog. "W-Where are we going?" Dahil sa itinanong ni Eleonor ay nabanaag niya agad ang paglambot ng ekspresiyon sa mukha ni Wil.

Hinawakan s

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status