A Bad Girl’s Love
A Bad Girl’s Love
Author: Angel
Prologue

 Life is not easy. Sometimes we do mistakes, at sa mistakes na 'yon, natututo tayo sa isang bagay. Mali ang pinili kong maging buhay nuon. Naging masamang tao ako at walang awa sa mga taong hindi ko naman kilala. Malaki ang pagsubok na kinaharap ko nung sumobra ang pagka-sakim ko. Hindi ko alam na ganoon ang mangyayari sa akin. 

  Ngayon, nagbabagong buhay kasama ang asawa at ang mga anak ko. Dapat pala ay dati ko na ginawa ang pagbabago sa buhay ko. Ewan ko ba kung bakit ngayon ko lang naisipan 'yun. 

  Ginawa ko ang best ko para maalis ako sa mga naging bisyo na 'yun. Tinulungan ako ng aking pinakamamahal sa lahat ng bagay-bagay. Hindi niya ako iniwan nung time na pasuko na ako sa buhay. 

  "Iwan mo na ako! Hindi na kita kailangan!" sigaw ko sa kanya.

  "Hindi! Ang layo na ng narating natin, tapos ito lang sasabihin mo sa akin? Kilala kita, hindi mo basta basta masasabi iyan. Paano yung mga pangarap mo, yung pangarap naten?! Sige nga! Mag isip ka nga, palawakin mo 'yang isip mo!" sigaw niya sa akin.

  Pagkatapos non ay yinakap ko siya. Hindi ko kaya mawala ang lalaking 'to. Siya lang ang nagparamdam sa akin ng ganito.

  Naalala ko iyong matinding away namin, halos hindi ko siya kausapin ng buong bwan pero ayun, matiyaga niya akong sinuyo kahit na pinagbabantaan at pinipigilaan na siya ng magulang ko. Wala na akong hihilingin pa. Hindi man perpekto ang estado ng buhay namin ngayon, atleast kumpleto at buo kami.

Related chapters

DMCA.com Protection Status