Share

Chapter 1

  "Anong nangyari diyan sa mukha mo, Sia?" tanong ng matandang babae pag bukas pa lamang ni Sia ng pinto. 

  "Nag kasugat. Kita mo naman 'diba?" pabalang na sagot nito. 

  Bumuntong hininga na pamang ang matanda at naghanda ng mga gamot upang gamutin ang pumutok na labi ni Sia. 

  "Umupo ka muna, gagamutin ko ang sugat mo." ani ng matandan babae habang kumukuha ng gagamitin sa pang-gamot.

  Sumunod nalang Sia, baka mamaya ay atakihin na naman ang matanda kapag sinuway niya ito. Laking sakit ni Sia sa ulo, at alam niya 'yon. 

  Bata pa lamang ay ipina-ampon na si Sia sa isang mayamang pamilya para mapag-aral ito sa magarang paaralan sa Maynila. Na diskubre iyon ni Sia ng marinig ang pag uusap ng mag-asawang umampon sa kanya. Hindi naging maganda ang resulta sa nangyaring iyon. Hanggang ngayon ay humihingi ng tawad ang mag asawa at itigil na ang ginagawa ni Sia. Pero hindi na ito nakikinig.

  Buong akala niya ay totoong magulang ang kasama niya, pero hindi pala.

  "'Wag mo ng uulitin ang pakikipag basag-ulo, maari ba iyon?" mahinahong sabi ng matanda habang dinadampian ng bulak ang dumugong labi ni Sia.

  "Hindi ko ho maipapangako," malamig na sabi niya. 

  Kapag umaapak siya sa bahay na ito, pakiramdam niya ay nasa impyerno siya. Ayaw na ayaw na makita ni Sia ang lalaki. Dahil madalas ay binubugbog siya nito dahil sa pagsagot-sagot sa asawa niya.

  Mahirap ang naging buhay ni Sia ng mag dalaga na siya. Duon niya naranasan ang hirap na nagpatatag sa kanya at sa damdamin niya. Hindi totoo na ang lahat ng mayayaman ay masasaya o walang dinaranas na hirap. Isa sa magpapatunay roon ay si Sia. 

  "Sia Anderson?" tawag ng guro.

  Humikab si Sia, "Haaaaaay! Present!" inaantok na sabi niya.

  Wala pang tulog si Sia kaya ngayon ay antok na antok. Nag punta sila nila Flynn at Cleo sa madalas nilang puntahang bar. 

  "You may go out if you want to rest," masungit na sabi ng Professor nila.

  Tumayo si Sia at dumiretso sa labas, bago pa man niya mahawakan ang doorknob, nagsalita muli ang teacher, "Saan ka pupunta?"

  Natatawang lumingon si Sia sa Prof nila, "Ang sabi mo lumabas ako. Ngayong lalabas ako, tinatanong mo kung saan ako pupunta. Nasaan ang utak mo?" 

  Lumaki ang butas ng ilong ng kanilang Prof at nagpipigil ng inis. "Get out!" nanggigil na sabi nito.

  Umismid nalang si Sia at tuluyang lumabas. 

  Dahil sa sobrang antok ay may na bangga siya. "Ouch! Pwede ba tumingin ka sa dinaraanan mo?!" sigaw ng babaeng nabangga niya.

  Agad na pumintig ang tenga ni Sia ng sigawan siya ng babae. Ayaw na ayaw niya ang sinisigawan siya lalo kung hindi naman niya ito kakilala.

  "Dami na nga problema ng mundo, dumagdag pa 'yang mukha mong parang clown. May salamin kaba? Can you check your fucking face?!" kalmado pero may diing sabi ni Sia.

  Napakurap ng ilang segundo ang babae bago sumagot, "How dare you! Isang maganda at sikat na nilalang gaganyanin mo? Where's your manners?" maarteng tanong nito.

  Natawa si Sia sa sinabi ng babae, "Hou dare you to dare me. Ikaw maganda?" 

  Sinipat ni Sia ang mukha ng babae, "Wala naman akong nakikitang kagandahan, duling kana ba? ikaw sikat? Oh God. Eh, hindi nga kita kilala. At yung manners? Matagal na 'kong wala no'n. Bye bitch!" dire-diretsong sabi ni Sia at iniwang nakatulala ang babae.

  Tinext niya sila Flynn at Cleo para padiretsuhin sa cafeteria kapag nag break. Nawala ang antok ni Sia dahil sa babaeng naka encounter niya kanina sa hallway.

  "Babe! Siya 'yun!" tili ng isang babae sa gilid niya. 

  Hindi man lang siya nagulat ng makita na naman ang babaeng nakabanggaan niya kanina.

  "Ikaw na naman? Hindi nga kita kilala! Huwag mo ng pagpilitan ang sarili mo," sabi ni Sia.

  "Girlfriend—"

  "Hindi ko tinanong at wala kong paki," putol ni Sia sa kung ano man ang sasabihin ng lalaki.

  Nauubos na ang pasensiya ni Sia sa babaeng 'to. Nuknukan kasi ng arte, hindi naman maganda ang postura. Akala mong prostitute sa mumurahing bar sa tabi.

  "Yenna Ramagoza, may ari ng isa sa sikat na factory dito sa City natin. Ano, kilala mo na ba ako?" pagmamayabang ng babaeng nagpakilalang Yenna.

  Umarko ang kilay ni Sia at napatayo na sa upuan. Dahan dahan siyang lumapit kay Yenna. "Pag hindi ko tinatanong, 'wag mo ng sabihin. Dahil kahit kailan hindi ako magiging interesado sa gaya mong mukhang halimaw," madiing sabi niya at nakipaglabanan ng tingin kay Yenna.

  Kitang kita ni Sia kung paano lumanok ng matindi si Yenna. Hindi man lang ito maipagtanggol ng boyfriend. Dahil mismo ang boyfriend ay natatakot na rin.

  "'Wag na 'wag kang haharang sa dinaraanan ko at ikaw pa 'tong may lakas na ganunin ako?" sabi pa ni Sia.

  Marami na ang nakatingin sa kanila dahil sa eksenang ginawa ni Yenna.

  Iiyak na sana si Yenna ng biglang dumating si Flynn at Cleo. "Ano na namang nangyari diyan?" ani Flynn.

  "Wala. Masyadong nagpapabida ang clown kaya ayan tuloy. Bye, bye, sweetie!" kunwari pa siyang nag wave ng kamay kay Yenna.

  "Tagal naman niyo namang palabasin, kanina pa ako nandito!" reklamo ni Sia.

  "Hindi ba't natulog ka?" tanong ni Flynn. 

  Si Cleo ang um-order dahil may schedule sila kung sino ang oorder sa araw na iyon. 

  "Sino ang makakatulog kapag nakita mo ang mukhang 'yon?" pagtutukoy niya kay Yenna.

  "Sabagay. Akala mong protitute diyan sa bar ni Pits, eh." natatawang sabi ni Flynn.

  Natawa sila parehas dahil sa sinabi na 'yun ni Flynn. Mag bestfriend na silang tatlo freshman palang si Sia. 

  Si Flynn ay isang lalaking nerd dati na ipinagtanggol ni Sia sa mga bully. Napansin ni Sia na wala namang ginagawa si Flynn at nagiisa lamang ito palagi. Kaya simula ng ipagtanggol ni Sia si Flynn, wala ng bumully sa kanya. 

  Si Cleo naman ay palaging nakakagalitan ng Professor dahil hindi niya maintindihan ang itinuturo, nag decide na lapitan ni Cleo sa isang sulok kung nasaan palagi si Sia para magpaturo sa math. Alam kasi ni Cleo na matalino ito. Simula ng araw araw magpaturo si Cleo sa kanya ay naging ka-close na niya si Sia.

  

  "Pizza for Cleo, lasagna for Flynn and pizza again for Sia!" tili ni Cleo ng makarating sa mesa nila.

  Habang busy sa pagkain si Flynn at Sia, napahinto at napatitig si Cleo sa pumapasok na lalaki sa cafeteria.

  "Oh my hottie!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status