Share

Chapter 2

  Napatigil sa pag nguya sila Flynn at Sia dahil sa biglaang pagsasalita ni Cleo. Napatingin sila sa gawi kung saan nakatitig si Cleo. Pati ang mga kababaihan at binabae sa loob ng canteen ay todo tili sa pag pasok ng isang lalaki.

  "Sino 'yan? Mukhang bago lang, ah? Never ko pa nakita 'yang pagmumukhang 'yan." sabi ni Sia kay Flynn.

  "Mukha ngang bago, hindi ko pa rin nakikita 'yan, eh. Infairness, mukhang may ibubuga," sagot naman ni Flynn.

  Hindi na ata naiaalis ni Cleo ang tingin niya doon sa lalaki. Mukha na hypnotized na ata siya. 

  Mas lalong nagulat sila Sia at Flynn ng unti unting tumayo si Cleo at pumunta kung nasaan naka tayo ang lalaki. Sinundan lamang nila ng tingin ang kaibigan.

  "H-hi. I'm Cleo," sabi pa nito ag naglahad ng kamay. 

  Hindi makapaniwala ang dalawang kaibigan sa ginawa ni Cleo na 'yon. Hindi naman ganoon ang babae kapag nakakikita ng gwapong lalaki. Siguro ay malakas lang talaga ang charisma nito.

  "I'm not interested," masungit na sabi ng lalaki.

  Pinipigilan ni Sia ang sarili dahil baka mamaya ay kung ano ang magawa niya sa lalaking ito. Bukod don baka magalit din sa kanya ang kaibigan na si Cleo.

  "Hi, not interested," sabi pa ni Cleo. Namumula na ang tainga ni Cleo tanda na sobra na itong kinikilig. 

  Maputi si Cleo kaya napansin agad nila Sia ang pamumula ng balat nito. 

  "Cleo, come back here!" madiin na sabi ni Sia. Pero hindi pa rin nakikinig ang kaibigan at titig na titig pa rin duon sa lalaki. 

  Napansin agad ni Sia na may suot na itong ID. Dahil wala naman diperensiya ang mata niya, nakita niya agad kung anong course ang kinukuha ng lalaki at ang pangalan nito.

  'Draven Adler'

  1 - GAS

  Ibig sabihin ay magiging kaklase nila itong si Draven? 

  "Cleo!" nagpipigil ng inis na sabi ni Sia.

  Sa puntong ito, napalingon na si Draven sa gawi nila Sia. 

  "Uhm, can you get your friend out of here, in my front?" ani Draven habang naiilang.

  "Kung gusto mo, bakit hindi ikaw ang gumawa?"

  Hindi na napigilan pa ni Sia ang sarili at sinagot si Draven. Tinapunan siya ni Draven ng 'hindi-makapaniwala-look'

  Pero hindi nagpatalo si Sia. Tinaasan siya ng kilay ni Sia habang naka pamaywang. "Ano pang iniintay mo, Draven?" tanong muli ni Sia.

  Mas lalong nagulat si Draven dahil alam nito ang pangalan niya. Tinapunan siya ni Draven ng makahulugang tingin, "Isa ka ba sa mga stalker ko?" 

  "Oh please. Ni hindi ko nga nakikita 'yang pag mumukha mo dito sa campus at dito sa siyudad tapos tatanungin mo ako ng stalker mo ba ako?" natatawang sabi ni Sia.

  "You freakin' slut!" sigaw ng kung sino.

  Napalingon agad si Sia sa likuran niya at nakita si Yenna.

  Hindi ba nadadala ang babaeng 'to? Napuno na ako. Hindi ko na kasalanan kung ano man ang mangyari sa kanya, una palang binalaan ko na siya.

  "Yes. Why do you care if I am a slut?" tanong ni Sia habang papalapit kay Yenna.

  Agad na napakapit si Yenna sa boyfriend na nasa gilid lamang. 

  "Sinabi ko na sa'yo. Layuan mo ako hangga't maari at huwag ng ipapakita ang pagmumukha na'yan." 

  Dumunog ang isang nakakabinging sampal. Wala ni isa sa loob ng cafeteria ang nagsalita. 

  Umagos ang dugo sa ilong ni Yenna habang hawak-hawak ang pisngi na sinampal ni Sia.m

  "Kung gusto mo pa na mapantay 'yang pisngi mo, gawin mo ulit ang ginawa mo ngayon. Walang pasabi sabi ay kabila naman ang pupuruhan ko," walang emosyong sabi ni Sia at tumalikod.

  "Cleo, Flynn, tara na!" sigaw ni Sia ng makalabas ng canteen. Agad naman sumunod ang dalawa.

  "Grabe. Paano kapag napa expell ka dito, Sia? Sino na ang magtatanggol sa akin kung sakaling bumalik ulit ang pambubully nila sa akin?" ani Flynn.

  "Wala kong paki kung ma-expell man. Madami naman diyang school. Don't worry, ichat mo agad sa akin ang mga mambubully sa iyo at ako na ang bahalang umasikaso," sagot ni Sia.

  Kanina pa tahimik si Cleo sa isang gilid at nakayuko lamang. Napansin din naman agad nila ang biglaang pagtahimik nito.

  "Hoy! Anong iniisip mo diyan?" tanong ni Flynn sa kaniya.

  "W-wala! Sorry pala sa nangyari kanina Sia, ah. Feeling ko tuloy ay kasalanan ko," nakayuko pa ring sabi ni Cleo.

  "Hindi ba i aangat 'yang ulo mo, Cleo?" naiinis na tanong ni Sia.

  Napaangat agad si Cleo ng ulo at pinunasan ang luha na umaagos. 

  "Bakit ka umiiyak?" nag aalalang tanong ni Flynn.

  Lalo pang naiyak si Cleo sa tanong niyon ni Flynn. "Ikaw kase eh!" siko ni Sia sa kanya.

  "Anong ako ka diyan! Nakakaiyak ba yung tanong ko? May namatay ba sa tanong ko na'yon?" ganti ni Flynn.

  Natawa naman si Cleo habang pinupunasan ang sipon na patulo na. 

  Sabay sabay nilang humalakhak sa tahimik na garden sa school na iyon. 

  "Huwag ka ng umiiyak Cleo. Napaka pangit ng itsura mo. Parang kang batang dugyot," pang aasar ni Flynn.

  "Eh, ikaw nga, kahit hindi umiyak dugyot na," ganti ni Cleo habang pinupunasan ang mukha.

  "Sus nag salita. Parehas lang naman kayo, tss!" pag singit naman ni Sia.

  "Edi ikaw na maganda!" sabay na sabi nila Flynn at Cleo.

  Tumambay lang sila sa garden dahil tinamad sila bigla pumasok. Himala nga daw at first time ni Flynn sumama na mag ditch saka kanila.

  Kung ano ano lamang ang ginawa nila roon at kumanta lang ng kumanta. Hindi nila namamalayan ang oras dahil unang beses lang nangyari sa kanila iyong bonding.

  "Tae kayo! Anong oras na ba? Nasarap ang pagkukwentuhan natin baka mamaya dismissal na, eh!" sabi ni Cleo.

  "Tirik na tirik pa ang araw, Cleo. May pupuntahan kaba?" tanong ni Sia.

  "Wala naman, baka lang kasi maaga tayo i-dismiss, eh. Nagbabakasakali lang," sagot nito.

  Ang totoo noon ay aalamin niya lang kung sino si Draven dahil mukhang tinamaan siya sa lalaki. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang naramdaman niya pagkakita palang sa lalaki. 

  Kahit na sinungitan siya nito ay baliwala lang sa kanya.

  "Ay oh siya, tara na sa locker may kukuhanin pa ako," sabi ni Flynn.

  "Anong ginagawa niyo diyan?" tinig ng isang babae. 

  Agad silang napatayo at tumakbo, "Lyeeeeeeei!" sabay sabay nilang sabi at yumakap sa babae.

  *** 

  Pabitin muna po HAHAHAHA sino kaya si Lyeei? Bagong character na naman!! HAHAHAHA

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status