Share

Chapter 4

Draven's

  Pagpasok ko palang sa University na'yun, lahat ng atensiyon ay nasa akin. Hindi ko alam kung anong meron ako at bakit lahat ng babae sa'kin, nababaliw. 

  Meron pa nga, nagpapadala sila ng chocolates, brief na galing sa bench pero tinapon ko 'yun! Malay ko bang gamit na pala 'yon. Meron akong hindi makakalimutan, yung nagbigay sa akin ng cellphone. iPhone X Max. Alam kong mahal 'yon pero hindi naman ako ganon ka-sama para itapon 'yon. Kaya binigay ko nalang sa driver namin.

  "Ma'am here's the cafeteria?" tanong ko sa Dean.  Iyong namamahala rito.

  May binigay siya sa aking direksiyon at agad naman ako tumango. Lumabas muna ako sa office niya para kumain. Kakarating ko lang sa Pilipinas at nag enroll na agad ako. Kailangan kong humabol baka mamaya mahuli pa ako.

  Pag pasok ko ng canteen nandon na naman yung mga mata ng babae na sa akin lang nakatingin. Maganda ang cafeteria nila, malawak. 

  Napansin ko ang isang babae na titig na titig lang sa akin at may balak pa ata lumapit.

  Please 'wag kang lalapit.

  Pero hindi yata natulad ang hiniling ko, lumapit pa rin siya sa akin habang nakatitig sa mukha ko, sa mata ko.

  "H-hi. I'm Cleo,"

  Wala pa akong panahon para makipag close sa mga tao. Malaki ang trust issue ko sa mga nakapaligid sa akin.

  "I'm not interested," walang paki kong sabi.

  Totoo naman, eh. Wala akong paki. Hindi ko naman tinatanong kung sino siya, bakit siya nagpakilala? Kilala ko na ang ganyang galawan, sa tagal ko ba namang nabubuhay rito sa mundo, eh.

  "Cleo, come back here!" sigaw ng kaibigan niya. 

  Nakatitig pa rin ang babae sa akin at para ba itong nakakita ng anghel. Ano bang meron sa akin? Hindi naman siguro madumi ang mukha ko kasi lagi ko naman itong hinihilamusan.

  "Cleo."

  Mukhang naiinis na yata ang kaibigan niya dahil halata sa boses, eh.

  Nagsalita na ako, "Uhm, can you get your friend out of here, in my front?" nag aalanganing sabi ko.

  Baka mamaya ay mabara ako. Mukhang masungit pa naman iyong kaibigan nung Cleo. Hindi pa ako ready mabara, wala akong baong pambara ngayon.

  "Kung gusto mo, bakit hindi ikaw ang gumawa?"

  Sabi na. Dapat pala ay hindi nalang ako naglunta sa cafeteria. Napayuko nalang ako at kinamot ang tungki ng ilong. Nakaka stress pala ang pag eenroll. Ang gusto ko lang naman ay yung kumain. Bakit kaaway ang ibinigay saakin?

  "Ano pang iniintay mo, Draven?" 

  Paano niya nalaman ang pangalan ko? 

  "Isa ka ba sa mga stalker ko?" tanong ko.

  Marami akong stalker. Kaya may mga bodyguards ako sa gilid gilid upang bantayan ang paligid ko. Muntik na akong maaksidente noon kung hindi lang dumating ang isang babae. Hindi ko siya nakilala pero alam kong babae siya.

  Naglalakad ako noon sa madilim na daanan, tapos meron palang nag aabang sa akin dahil daw yung atensiyon ng girlfriend niya ay nasa akin lang. Ihahampas na niya sana sa ulo ko sa baseball bat na hawak niya ng bigla itong pigilan nung babae. Ang galing niya pigilan ang isang lalaki na 'yun. 

    "Oh please. Ni hindi ko nga nakikita 'yang pag mumukha mo dito sa campus at dito sa siyudad tapos tatanungin mo ako ng stalker mo ba ako?" natatawang sabi ng babae.

  "You freakin' slut!" 

  Sino naman kaya ang tumawag sa kanya na'yon? Hindi halata sa mukha niya na isa siyang slut. Ang ganda nung kaibigan ng Cleo, eh. Kaya nga lang ubod ng sungit.

  Nabaling ang atensiyon niya sa babaeng tumawag sa kanya na'yon.

  Hindi ko marinig ang sinisabi nung babaeng masungit dahil malayo layo na ito sa amin.

  Nagulat nalang ako ng marinig ang isang malakas na sampal. Agad akong napalingon sa pinang galingan at nakita kong nakahawak sa pisngi ang babaeng umeksena kanina. Tumutulo na ang dugo sa ilong niya.

  Grabe. Anong klaseng babae siya? Hindi ba siya natatakot na ma expell? Ang tapang niya. Sobrang sungit ng Dean kaya malabong hindi ma expell 'to.

  Tinawag niya ang dalawa niyang kaibigan at lumabas na ng canteen. Gulat pa rin ako sa pangyayari ngayong araw. Iyong babae ay umiiyak na habang pinupunasan ng katabi niyang lalaki ang dumugong ilong. Boyfriend niya siguro.

  Pero kung boyfriend niya 'yon, bakit niya hahayaang masampal? Walang kwenta!

  Nawala bigla ang gana kong kumain. After ng pangyayari na iyon at tumambay muna ako saglit sa Park.

  Maraming bata ang naroon. 

  Maraming nagbago sa Pilipinas. After 13 years na pamamalagi sa America, ngayon lang ulit ako nakauwi sa bansa ko. Wala na ang daddy ko, tanging kami nalang ni mommy ang magkasama sa buhay tapos puro work pa siya.

  "Pwede niyo po ba ako bilhan ng ice cream?" 

  Lumapit ang isang batang gusgusin sa akin. Napangiti naman ako agad at sinamahan siya sa manong na naka hinto para bumili ng ice cream.

  Nagpaalam ang bata habang nakangiti sa akin. Gumaan bigla ang loob ko dahil duon. Kung nabubuhay sana si daddy, siguradong matutuwa rin siya sa ginawa kong 'yon. 

  Bigla naman ako nalungkot.

  "Tara na po. Marami pa akong gagawin sa bahay," sabi ko sa driver namin na nakabantay lang sa sasakyan.

  Habang nakatingin lang ako sa daan may nakita akong nakahintong sasakyan. 

  "Paki hinto nga sa tapat nung nakahintong sasakyan," utos ko.

  Binaba ko ang salamin at bumungad sa akin ang mukha nung babaeng masungit at si... Lyeei. Wow.

  "Need help?"

  Tanong ko sa babaeng masungit. 

  So nandito rin pala sa Pinas si Lyeei? Sinadya ba ito dahil alam niya uuwi rin ako? 

  Lyeei is my ex fiancée. I don't like her so much. Hindi ko alam kung bakit pero ayoko sa presensiya niya. Parang hindi ko maipaliwanag yung pakiramdam. 

  Agad na may inayos ang driver ko sa makina nila at nagpasalamat na si Lyeei.

  Agad ko rin kasing itinaas ang bintana ng sasakyan.

  Bakit bumalik kapa? Ano na naman ba ang kailangan mo? Napabagsak mo na kami, sana naman ay wala ka ng idamay pa.

  ***

  Omg! Ano kaya iyong tinutukoy ni Draven? Kaninong POV naman kaya ang isusunod? 

  

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status