Chapter 14

KAHIT hingal na dahil sa ilang oras na paglalakad, excited pa din si Jaqui na marating ang Barangay Mayana. Matagal na din muli noong nakita niya ang kaibigang si Wayda at ilan pang taga barangay. Totoo ang sinabi ng lolo niya na doon siya tumatakbo sa tuwing nakakagawa siya ng kasalanan at takot na mapalo ng mama at papa niya. Hindi kasi basta basta ang pagpasok doon. Ilang beses nang nakaranas ng kalupitan ang mga taga Mayana mula sa mga tagalabas kaya naman hindi niya masisisi ang mga ito kung bakit naging mailap ang mga ito sa ibang tao. Kung hindi nakakaranas ng pangungutya dahil sa hitsura ng mga ito, pinagsasamantalahan naman ang kakulangan ng mga ito sa kaalaman.

              Naging magkaibigan sila ni Wayda matapos niyang suntukin ang kaklase nilang nanabunot dito. Madalas kasing tampulan ng tukso ang hitsura ni Wayda kaya palagi niya itong nakikitang umiiyak sa C.R. Kahit pa pinatawag siya sa Principa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
DMCA.com Protection Status