Share

02

Maaga akong nagising para mangisda, sumilip ako sa kwarto nila Nanay. Kurtina lamang ang nagsisilbing pintuan sa mga kwarto namin. Nakita kong mahimbing pa ang tulog nila. Kaya dumiretso na akong lumabas para mangisda.

Nakikibangka lang ako dahil wala naman kaming sariling bangka. Buti nalang at mabait ang mga nasasabayan ko. Sila Manong Jony at Manong Bitoy.

Naabutan ko narin sila Miko kasama niya ang Tatay niya, inaya niya akong makibangka sakanila pero tumanggi ako dahil marami rami rin sila sa bangka ng Tatay niya.

Tinulungan kong itulak ang bangka, at sumakay na roon. Alas tres palang ng madaling araw, medyo madilim dilim pa kaya nagdala kami ng lampara para magsilbing ilaw samin.

"Kay babae mong tao at nangingisda ka." Sabi ni Manong Jony ng binaba ang net para kumuha ng isda binaba ko rin iyong akin sa kabila.

"Nako itong si Manong, parang hindi na nasanay." sabi ko habang hinahawakan ang net.

"Ikaw lang ata ang babaeng nakikita kong nangingisda." sabi naman ni Manong Bitoy.

"Wala naman po iyan sa kasarian." Sagot ko naman habang hawak parin ang net.

"Nako itong batang to, sigurado jud ko na proud kaayo saimo si Maria ug Jiro."  Ani naman nila. Napangiti lang ako.

Ilang sandali lang inangat ko na ito. Madami dami rin ang huli namin. Pag maliliit na isda binabalik ko sila sa tubig iyon lamang malalaki ang kinukuha ko. Sayang naman at Bata pa, pinagkaitan ko na mabuhay.

Palipat lipat kami hanggang sa makabalik sa kami, isang balde lamang ang kuha ko pero marami naman iyon.

Mga alas singko pa ata ng umaga ng matapos kami. Nagkita kami ni Miko ng makababa na kami. Kinawayan kawayan niya ako at tuluyan ko na siyang nilapitan.

"Madami dami rin ang huli mo, halika tulungan kita." Alok niya at di naman ako tumanggi, hinatid niya ako hanggang sa bahay.

"Salamat Miko! Baka gusto mong kumuha, kuha ka lang. Libre, para sayo!" Alok ko sakanya ng isda.

"Naku,marami kaming huli. Okay lang." Aniya at ilang sandali lang nagpaalam na siya para tulungan ang Tatay niya. Pinasok ko na ang mga isda sa bahay. Nakita ko naman na gising na si Nanay at nagluluto ng umagahan, si Tatay naman ay Nagkakape na.

Napatingin sila sakin at sa baldeng hawak ko.

"AnakJusko ikaw lang ba nagkarga niyan?" Nag-aalalang tanong ni Nanay at nilapitan ako at hinaplos haplos ang kamay.

"Hindi po, tinulungan ako ni Miko. Iiwan ko na po dito ang hule ko. Pwede ho ba nay na kahit malako niyo, kahit konti lang po." Nahihiya ko namang paghingi ng pabor.

"Naku anak, talagang ako maglalako niyan. Pagod ka na. Sige na at maligo ka na at kumain pagkatapos." Sumunod ako at naligo na. Mag a-alasais na kaya nagkape nalang ako pagkatapos ko maligo bago nag sepilyo at napagpasyahan ng pumunta sa trabaho.

Sabay kami ni Tatay dahil sa parehong lugar lamang ang among pinagtatrabahuan. Kahit medyo malayo ay nilalakad namin ito ni Tatay.

"Tay, okay ka lang ba sa trabaho mo?" Tanong ko ng makalapit na kami sa gate ng Hacienda ng Mga Castillo.

"Oo naman anak, wag ka masyadong mag-alala at ayos lang ang Tatay." Sabi niya at tinapik tapik ang ulo ko bago tuluyang pumunta sa mga kasamahang hardinero.

Malaki ang hacienda ng mga Castillo at marami rami rin kaming nagta-trabaho rito. Marami kaming kasambahay, at isa ako sa pinagkakatiwalaan ni Sir Timoteo.

Ilang lakad pa bago marating ang mansyon nilang pagkalaki-laki. Kwento sakin ay Isa itong pagmamay-ari ng ina ni Sir Timoteo. Isa sila sa pinaka mayamang mamayan sa Siargao at sa Laguna.

Paminsan-minsan lamang ang uwi ni Sir Timoteo dito. Tuwing gusto niyang magpahinga at kung aasikasuhin ang mga businesses niya dito. Siya lang ang umuuwi mag-isa, minsan dala niya ang sarili niyang chopper at may sarili rin siyang helipad dito.

Ng pumasok ako sa bahay agad akong nagtungo sa maid's quarter para magpalit ng uniporme. Iba iba ang disenyo ng mga damit namin at may kanya kanya iyong kahulugan.

Gaya ng sakin ay isang Long sleeves na blouse na may itim na ribbon sa leeg at itim na pants tsaka sapatos rin na itim. Itinali ko lamang ang buhok kong medyo wavy at brown ang kulay na may kahabaan.

Pagkalabas ko, kinuha ko na ang checklist para I check ang mga area ng bahay kung saan na nalinisan. Umaga palang kaya wala pang tapos na gawain kaya nagsuot muna ako ng apron para tumulong sa ilang kasambahay.

Ang ilang kasambahay ay diretsong dress ang suot na kulay itim at puti rin. Pare-pareho kami ng sapatos ng mga kasambahay rito. Gusto talaga ni Sir Timoteo na uniporme lahat para pormal tignan.

Para kung sakaling may bisita, maganda itong tignan. Hindi rin basta basta nakakapasok ang sinumang bibisita rito. Bago makapasok ay dapat may kunin pa silang papel sakin. Mahigpit si Sir Timoteo lalo na dito, kasi pinapangalagaan niya ng mabuti ang bahay ng kanyang ina.

Ilang sandali lang hindi ko inaasahan ang marinig ang malakas na pagharurut ng sasakyan at saktong tumigil ito sa harap ng mansyon. Hinubad ko ang apron at sinabit sa kamay ko.

Nagtataka ako at napatingin sa chart at tinignan kung may inaasahan bang bisita pero wala naman. Sinalubong ko ang lalaking naka blue shorts at white polo na nakabukas ang tatlong butones at dahil don nakikita ang mamahalin niyang alahas na nakasabit sa leeg niya. Naga sunglasses siya at napansin ko rin ang mga silver na singsing at silver na bracelet sa kamay niya. Maayos ang buhok niya at parang naka gel pa.

Didiretso sana siya sa pinto ng hinarangan ko siya.

"Excuse me ho, we're not expecting any guest kaya kung pwede ay umalis na ho kayo." Sabi ko sabay yuko sa kanya at tiningala siya ulit para ngumiti.

Napailing lang siya at papasok sana ng humarang ulit ako. Sabi ni Sir, dapat polite daw pero tong isang to parang ang tigas tigas kaya sorry sir kung magkakamali man ako ngayon.

"Hooops! Not so fast mister!" Harang ko ulit sa kanya. Kitang kita ang iritasyon sa mukha niya at mas lalo na ng tinanggal niya ang shades.

"What the!" Iritable niyang singhal.

Nagtipa ako sa phone ko para tawagan ang guard na on-duty ngayon. Sinenyas ko ang kamay ko na tumigil siya, napasinghap siya ng hangin at iritableng pinakawalan iyon habang kinukuha rin ang phone niya sa bulsa niya at tinalikuran ako.

"Bakit ka nagpasok dito? Wala naman tayong inaasahan na bisita ngayon Jap." Bungad ko agad ng singot na sa kabilang linya.

"Ningkalit raman na si Sir ug abot. Kaya siguro wala na siyay pass na gikan saimo." Sagot niya, impossible naman na walang pass. Malalagot ako kay Sir neto.

Nagsasalita sana ulit ako ng lumitaw ang Isa sa kasamahan kong may hawak ng telepono.

"Kleian, para sayo." Ani ng isang kasambahay at nilahad sakin ang telepono.

"Hello, Kleain speaking. Sino to?" Tanong ko sa kabilang linya at napansin kong nakaharap na ulit sakin ang lalaki. Masama niya akong tinignan syempre hindi ako nagpa-awat.

"Kleian, it's me!" Magiliw na boses ni Sir. Kaya agad akong tumikhim.

"Sorry sir, hindi ko po alam." Pagpapaumanhin ko.

"Did you saw my son?" Tanong nito. Chineck ko pa ulit ang list pero wala talaga.

"Wala po sir, Wala rin ho sa list ko na may darating." eksplenasyon ko naman at binaba ang list. Tinitignan lang ako ng lalaking nasa harap ko habang nakikipag-usap sa Boss ko.

"Oh, I forgot to tell you Kleian. He called me he said may ayaw daw na magpapasok sa kanya." Na realize ko agad kung sino ang tinutukoy niya. Tinignan ko ang lalaking kaharap ko, tinaasan niya lang ako ng kilay.

"He brought a blue sports car and he's wearing blue shorts and white polo, Kleian." Deskripsyon niya ay nagtugma sa dumating na lalaki.

Pakiramdam ko ay nanginit ang buong mukha ko dahil sa hiya.

"Hala pasensya na po sir, akala ko po kasi.." nasapo ko ang noo ko. Binalingan ko ang lalaking nasa harap ko. Bakit ngayon ko lang na halata na may hawig sila ni Sir Timoteo! Tanga mo Kley!

Nagpaalam na si Sir at bahagya pang natawa. Yumuko ako agad bago inabot sa kasamahan ko ang telepono.

"Paumanhin po sir, hindi ko po alam na anak pala kayo ni Sir Timoteo." Paghihingi ko ng paumanhin.

"Hmm, now you know." Masungit niyang sagot at nilagpasan lamang ako. Naiwan akong sapo ang noo dahil sa katangahan ko. Ang kotse niya naman ay pinark na ng isang helper.

Tanga mo Kley! Yun Lang! Tanga mo!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status