Share

04

Kinabukasan maaga akong nagising, syempre. Nangisda ako at ganoon parin, kasabay ko sila Manong Jony at Manong Bitoy. Kahit na alam kong papasok ako sa trabaho ngayon kung saan makikita ko ang kampon ng demonyo sinubukan ko paring pagaanin ang loob ko. Naging positibo ako hanggang sa makarating na sa mansyon.

Iniwan ko na ang timba ng isda na hule ko at at sabay kami ni Tatay papunta sa mansyon. Sinalubong kami ng preskong hangin kaya ganon nalang ang pag-ngiti ko hanggang sa makapasok sa mansyon.

Naabutan ko si Sir sa sala, kaya agad akong pumunta sa maid's quarter upang makabihis, paglabas ko ay dala ko na ang mga charts at apron.

Tumingin siya sakin saglit pero agad binawi at tinignan ang laptop. Nakasuot siya ng white na shirt at white rin na shorts. Ang aliwalas niya sa suot niya lalong napansin ang kaputian niya.

"Goodmorning sir!" Masiglang bati ko sakanya. Tinignan niya lang ako at binalik ulit ang tingin sa laptop. Napairap ako pero agad ngumiti, baka makita pa niya.

Pinuntahan ko ang kasamahan ko sa ikatlong palapag para matulungan narin sila. Sinuot ko ang apron para kung sakali hindi madumihan ang damit ko.

"Uy

Kleain!" Bati sakin ng isang kasamahan kong lalaki na naglilinis sa pool.

"Goodmorning!" bati ko at pumunta sa greenhouse baka may matulong ako. Andun naman si Bambam na maingat na dinidiligan ang mga halaman.

"Kamusta dito Bam?" Tanong ko matapos tinignan siya sa ginagawa niya.

"Maayos naman, kaso mas naging maingat kami sa mga kilos namin. Awkward kaayo no naa si Sir, maparehas palang mi nimo na gi tadtad ug sugo." Aniya at binalingan ang halaman ulit.

"Akala ko tigok na kayo dito HAHAHAHA.." sabi ko tsaka natawa naman kami. Buti naman at natagalan nila ang ugali nung isang yon.

Matapos ang ilang minuto ay bumaba na ako sa ikalawang palapag. Maraming kwarto dito pero ang tatlong kwarto ay hindi pwede tulugan ng guest dahil kela sir iyon.

Tinignan ko ang kwarto ni Sir, at nakikipagtalo pa kuug bubuksan ko ba iyon. Pero kailangan ko dahil isa ito sa trabaho ko, ang mapanatiling malinis ang bawat sulok ng bahay.

Pagkapasok ko, hindi naman masyadong makalat pero dapat parin linisan dahil siguradong may alikabok doon. Pati ang higaan niya ay hindi pa ayos, mga unan at kumot ay di maayos na natutupi.

Bumaba ako para tumawag ng isang kasambahay para linisin ang kwarto niya.

"Rea, pakilisin ang kwarto ni Sir." Utos ko dito, yumuko naman siya tsaka papanhik na sana ng magsalita si Sir.

"No." Biglang aniya at naglakad papalapit samin.

"Hmm?Hinarap ko siya ng nagtatanong na tingin.

"You clean my room." Aniya at tinuro ako. Hindi naman sa ayaw ko pero kahapon pa talaga tong isang to! Parang pinagdidiskitahan ako! Ano kaya nagawa kong kasalanan!? E kung dahil don sa hindi ko siya pinapasok agad, malay ko ba na anak siya ni Sir Timoteo!

Nangunot ang noo ko pero agad kinalma ang sarili at ngumiti. Nag bow muna ako bago pumanhik sa kwarto niya.

Nagsimula ako sa higaan. Inayos ko ng tupi ang kanyang kumot tsaka inayos din ang sheet nito tsaka comforter. Wala akong iniwang gusot ay mas maingat na naglinis baka paulit-ulitin ako ng mokong na yun.

Nilinisan ko ang table na pinagpatungan ng TV. Maraming wrapers ng kung ano ano don, pati ang sahig ay may tapon na pagkain. Nagkuha na ako ng mga gamit pang linis sa bintana.

Ng matapos doon, sa walk-in-closet niya nanaman ako pumunta. Nagsisigawang brands ng mamahalin niyang mga damit ang bumungad sakin. Kahit simple lang iyon ay ang lakas ng dating, karamihan sa t-shirts niya ay plain at pastel ang ilang shorts naman ay plain rin. May mga pang business pa siyang mga damit. Pati mga sapatos ay sobrang kintab at ang linis. Nag vacuum lang ako at matapos lumabas na.

Maayos naman na nakatupi iyon kaya binalewala ko nalang at pumunta sa banyo. May nakakalat na essentials kaya nilagay ko sa tamang lalagyan. Bago naglinis sa sink ng banyo niya. 

Ng matapos sa sink, sa inidoro naman ako naglinis habang nag b-brush ako biglang may bumukas ng pinto.

"Make it faster." Utos niya kaya dinalian ko nalang. Gusto ko siyang wisikan ng tubig sa inidoro pero kinontrol ko sarili ko! Ayaw ko mawalan ng trabaho.

Tulad ng gusto niya, dinalian ko nga. Pagkalabas ko ng banyo naabutan ko siya sa table niya nakatayo at may tinitignan na papel.

"Tapos na po sir, kung may kailangan kayo sir nasa baba lang ako." Sabi ko tsaka tango lang ang sinagot niya. Bumaba na ako at kumuha muna ng balabal para patuyuin ang sarili ko.

"Parang may lakad si Sir." Ani ng isa sa kasamahan ko ng makapasok siya sa maid's quarter.

"Hay buti nalang" sagot ko. Naiinis ako pag nandito siya, trabaho ko naman talaga ang pag silbihan sila pero parang ako lang talaga ang pinagdidiskitahan niya. Kainis!

Biglang tumunog ang intercom sa kwarto namin. Agad ko naman iyong sinagot.

"Hello, sir?" Bungad ko.

"Get dressed." Iyon lang ang sabi niya at wala na akong narinig sa kabilang linya.

Ano daw? Get dressed? Ha? Para saan naman. Nagbihis lang ako ng Isa ko pang pares ng uniform dahil sa pawis.

Paglabas ko sunod-sunod na ang lakad ni Sir na may hawak na susi sa kamay. Kulay black ang inner shirt niya na napatungan ng gray na coat tsaka gray rin na pants tsaka black pointy shoes. May shades narin siyang suot. Pati mga mamahaling alahas niya ay suot niya.

Sumunod naman ako sa kanya. Nalilito parin sa mga nangyayari, ano ba kasi at ba't niya ako pinabihis?

"You're wearing that?" Aniya at hinarap ako.

"Ito lang po ang damit ko dito sir." Sagot ko naman. Bakit ba kasi? I need an explanation! Bakit ganito!

"Tsk." Iyon lang ang sabi niya tsaka lumabas ng bahay, nagmadali naman akong sumunod. Teka ba't ba ako sumunod!? Wait wait!

"Sir! Teka." Pigil ko sakanya ng nasa hagdanan na kami pababa. Tinignan niya lang ako at may inutos sa helper sabay abot ng susi niya.

"Sir, saan po ba punta niyo?" Maagap kong tanong sakanya. Nakapamulsa lang siya habang naghihintay sa sasakyan niya.

Hindi niya ako pinansin, ng dumating ang sasakyan niya pumwesto na siya para pumasok.  Pero natigilan siya ng hindi ako gumalaw. Natigilan din ako. Ano ba kasi!?

"Sakay." Yun lang ang sinabi niya. Tsaka sumakay. Hindi pa ako nakagalaw ng bigla siyang bumusina. Bwesit! Nagmadali naman akong sumakay.

Pagkapasok ko, ang malamig na hangin at mabangong amoy ang sumalubong sakin.

"Sir may trabaho pa po ako" Ani ko. Pero di niya ako pinansin, sa halip ay pinainit ang makina.

"Seatbelt" aniya. Agad naman akong sumunod, baka paharurutin niya bigla. Kawawa ako!

Pinasadahan niya ako tingin bago napailing iling. Ano ba? Ha? Di ko na alam kung anong nangyayare.

Agad kong tinawagan si Bambam para ipaalala ang mga gagawin sa mansyon. Nagtanong pa siya kung bakit ako dinala ni Sir. E pati ako nagtaka kung bakit nga ba.

Tahimik lang kami habang nasa byahe. Pinasadahan ko din siya ng tingin. Bakit ganyan ang suot niya? Eh hello Siargao eto!

"Ambot uroy oy, naunsa naman ni oy!" Angil ko, napasapo sa noo at sumandal nalang.

"Are you cursing me?" Takang tanong niya habang hawak parin ang manibela.

"Hindi po sir." Paumanhin ko naman. Mabuti nalang talaga at hindi niya maintindihan. Siguro kung galit ako at gusto ko siyang i sumpa magbibisaya nalang ako para di niya maintindihan. MWAHAHA~

"Sir, pwede magtanong?" Maagap kong sabi. Wala naman siyang imik pero talagang ang kuryosidad ko pinapatay na ako.

Kung bakit niya ako sinama? Kung bakit ganyan suot niya? Bakit pinabihis niya ako? Bakit kami nasa iisang kotse ngayon? Bakit ba kasi ako? Bakit ako iyong sinama niya?

"Saan po tayo pupunta?" Tanong ko ulit sakanya. Huminto muna siya, napansin kong medyo madami ang tao dito. Napansin kong nasa bayan kami.

"Meeting." Iyon lang ang sagot niya. Meeting? E bakit niya ako sinama? Bakit ako? Bakit niya ako dinala? May gagampanan ba ako don? Huhu.

"Sir?" Takang tanong ko.

"You're my P.Afrom now on." Sabi niya at pinaharurot ang sasakyan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status