Share

06

Napalingon ako kay Sir Thomas. Tumawa siya pero sa pormal na paraan, napangisi naman ako. Kailangan kong turuan ang sarili kong maging professional sa harap ng mga ka meeting niya.

"She's my P.A."

"Boss ko ho siya."

Sabay naming sabi ni Sir Thomas. Napalipat lipat ng tingin samin ang matanda, tsaka napatango tango at ngumisi.

"Okay, okay. So let's start the meeting?" Aniya, napatango lang si Sir. Hinanda ko naman ang iPad na hawak-hawak ko lang.

"I am planning to extend this place." Ani ng matanda. So sa kanya pala itong resort? Di ko ma na imagine na ngayon makakaharap ko pala ang may-ari n resort nato! Whoa!

"And..." Sabi ni Sir, tinaas ang kilay at hinintay na magpatuloy ang matanda.

"I want to buy the half your place." Walang alinlangang sagot ng matanda.

Napataas naman ang kilay ni Sir at nakapandekwatrong inayos ang coat niya. Inayos niya ang sunglasses niya.

"I was about to ask for your lot too, I'm gonna buy your whole place." Sabi naman ni Sir Thomas. Nagulat akong napatingin sa kanya? Ano!? Bibilhin niya to? Sa laki ng lupain sa resort nato, siguradong malaki rin ang halaga nito.

"What?" Takang tanong ng matanda. Napatuwid narin siya ng upo at sinandal ang kamay sa gilid ng kanyang upuan.

"I'm gonna expand our resort too, actually I'm planning to buy the whole island. But I was thinking of the workers and the people who lived in here." Mahabang usal niya. Hindi ako makapaniwalang pinaplano niyang bilhin ang buong Isla. Ganon nalang talaga sila kayaman para bumili ng isang Isla.

Hindi makapaniwalang tawa ang naisagot ng matanda sa kanya. Siguro ay nagulat din siya sa desisyon ng amo ko.

"Sorry, hijo. But I'm not selling my land." Bakas sa boses niya na pinal niya ang desisyon niya.

"If that's it, then we're done. Thank you Mr. Teroso."  Aniya at tinalikuran na ang matanda.

Nagpaalam naman ako ng maayos at nakipagkamay pa bago sumunod sa impolite kong amo. Sana nagpakita man lang tong isa to ng respeto. Tsk.

Gusto ko siyang pagsalitaan pero hindi ko magawa! Bwesit! Kung hindi ko lang talaga to amo!

Sumakay na kami sa kotse niya. Tahimik lang siya habang nasa byahe. Mabilis parin ang takbo niya. Paapuwi na kami sa mansyon pero parang matatagalan pa dahil malayo layo ang pinuntahan namin.

Sa hindi inaasahang pangyayari biglang gumawa ng ingay ang tiyan ko, nagsasabing gutom na. Napatingin si Sir sakin. Nag-iwas agad ako ng tingin dahil sa hiya! Epal ang tiyan ko! Nakakahiya! 

Nabigla ako ng bigla niya ring pinark ang kotse. Napatingin ako sa labas, nasa isang restaurant kami. Nakita ko na to noon, pero di pa nakapasok kasi wala rin naman kaming pera pang-kain dito. Sea foods ang halos sineserve dito.

Lumabas si Sir kaya sumunod naman ako. Suot niya parin ang glasses. Nakakita kami na bakanteng mesa at saktong dalawa lang ang upuan. Umupo kaming dalawa doon at naghintay ng waiter.

"Mayng buntag ma'am, sir! Ara among menu."  Nilahad ng waiter ang dalawang menu samin. Umalis muna ang waiter at nakita kong nangunot ang noo niya. Napangisi naman ako.

"Ang sabi niya, goodmorning daw. Heto daw menu natin." Sabi ko ay napatango-tango naman siya. Pumili na siya sa menu. Habang ako tinitignan ang pinaka murang pagkain. Sa huli napili ko ang tapsilog tsaka may fried rice siya.

Nagtaas ng kamay si Sir Thomas, para tawagin ang waiter. Agad naman itong lumapit ng nakangiti.

"Buttered shrimp, Fried Bangus and two rice." Sabi ni Sir, ang dami niya namang inorder. Basta lalaki talaga ang la-laki rin ng kain. Bahala siya, siya naman magbabayad.

Tumingin siya sakin at agad ko namang nakuha ang tingin na yun.

"Okay na po ako sa Tapsilog, Sir." Ani ko na ikinakunot ng noo niya. Napailing siya.

"One Tapsilog, and add another one rice." Sabi niya sa waiter. Dinoble check pa ng waiter ang order namin. Ng umalis ito, tumingin siya sakin.

"That's why you're so thin." Sabi niya at tinignan ang braso ko. Oo mapayat ako pero malaman naman at medyo matangkad. Pero grabe so thin!? Thin niya mukha niya!

Tahimik lang kami habang hinihintay ang pagkain. Tumitingin lang siya sa paligid at minsan tinitignan ang phone niya. Naalala ko ang bagong phone na binigay niya sakin. Kinuha ko iyon sa gilid ng mesa.

Pagka open ko, isang 'Hola' ang bumungad sakin. Hindi naman ako ganon ka bobo para ma set-up ang phone. Nung finally na na open na talaga siya medyo naignorante pa ako. Hindi ako makapaniwalang may ganito na akong cellphone. Inikot ikot ko pa at ina-appreciate ang bawat sulok ng phone. Napakaganda pa ng kulay, halong rosegold at silver. Dati nakikita ko lang ito sa commercial, ngayon hawak ko na.

"Phone." Sinensyas ni Sir ang phone na hawak ko. Ano!? Babawiin niya!? Sir naman! Ngayon lang ako nagkaganito eh!

Nakanguso kong nilahad sa kanya ang phone. Pagkakuha niya may tinipa siya. At nilahad ulit sakin. Akala ko talaga babawiin niya ng tuluyan.

"Save my number." Aniya at saktong nilapag na ang mga pagkaing na order namin.

"Yes sir." Iyon ang sagot ko at binaba na ang cellphone. Magdadasal sana ako ng makita kong natigilan si Sir.

"Ah, lagi ho kasi akong nagdadasal bago kumain sir." Sabi ko at nagpatuloy, nakita ko siyang sumabay sakin. Nakapikit akong nagdasal.

"Kainan na!" Masiglang usal ko. Nangunot ang noo niya.

"You're too noisy, keep up your poise" saway niya sakin. Napayuko lang ako at maingat na kumain.

Sa tanang buhay ko, pakiramdam ko ngayon lang ako nakakain ulit. Palagi ko kasing inuuna sila Nanay baka wala na silang makain. Ayaw ko maging makasarili. Okay lang na magutom ako, basta hindi lang sila. Kaya kong mag sakripisyo para sa kanila.

Nahiya ako ng tinulak ni Sir ang plato ng Buttered shrimp papunta sakin. Napansin niya sigurong palingon lingon ako! Nakakahiya ka Kley! Pangalawa mo na to! Sinenyas ko pa na wag na pero talagang hindi niya kinuha pabalik, sa halip ay tinuon ang atensyon sa pagkain.

Masarap ang buttered shrimp nila, sobra! Nakakatakam pa! Ang cheesy niya rin! At talagang nanunuot sa sarap! Para akong nasa langit!

Ilang sandali lang natapos na kami ni Sir, uminom ako ng tubig at nagpahid sa baba ko ng tissue. Nilahad samin ng waiter ang bill, binayaran niya iyon gamit ang card niya. Ilang saglit lang ay tumayo na kami at nagpasyang umuwi.

Tahimik lang kaming dalawa sa biyahe. Habang nasa byahe, binuksan ko uli ang cellphone at sinave na ang number niya na may pangalang 'Sir Thomas'. Gusto ko sana lagyan ng mokong o kahit anong itawag ko sakanya pero baka makuha niya at mapagalitan pa ako. Kaya mabuti ng safe, diba?

Pagbaba namin sa sasakyan, dineretso niya na iyon sa parking space ng kanilang mansyon. Kinuha ko naman ang pinamili namin kanina. Gusto kong ngumiti ng malawak pero nakakahiya, halatang sabik na sabik ako sa pinamigay niya.

Bigay na yun, kasi naman hindi niya ako siningil.

"That stuffs of yours are your 1 month wage. Kaya next month kana makakatanggap ng cash galing sakin. And from now on, you'll work for me." Natigalan ako sa sinabi niya. So hindi nga to libre!? Sana pala hindi ko nalang to kinuha! Gusto ko ng umiyak! Napakasama niyang nilalang!

"Ha Sir, pero kunin niyo nalang po to. Or pwede naman po nating tung ipa refund nalang." Nag-aalala na ako, ang sayang ng isang buwan! Isang buwang sweldo! Na dapat ipakain ko nalang sa pamilya ko!

"No." sabi niya at naglakad na papasok ng bahay.

"Pero sir, mas kailangan ko po ng pera sir." Nagmumukha na akong desperada! Kung luho ko man lang ang kapalit ng pagkain ng pamilya ko ayaw ko nalang non!

"No, and that's final." Yun lang ang sinabi niya. At tumalikod sakin. Hindi ko pa agad nakuha ang ibig niya sabihin pero sinenyas niya ang coat niya.

Kung hindi lang ako nakapagtiis, ay pinunit ko tong coat niya. Hinubad ko iyon sa kanya at sinabit sa kamay ko. Nakita ko ang mga kasamahan kong tinitignan kami, dahil siguro sa suot ko.

"Come to my room." Tugon niya at nauna ng lumakad. Sumunod naman ako agad sa kanya.

Iniwan niyang bukas ang pinto kaya pagpasok ko hindi ko alam kung sasaraduhan o hindi nalang. Kaya iniwan ko iyong nakabukas at pumasok pa sa kwarto niya.

Nagulat ako ng bigla niyang hinubad ang shirt niya...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status